Share

Chapter 5

Rhexyl's P.O.V

Maagang akong bumangon sa higaan, pumasok sa bathroom at bangag na napatitig sa salamin. Nitong mga nakaraang araw na lumipas ay lagi akong umaalis ng maaga sa bahay, to avoid my parents.

Bumuntong-hininga ako, isang panibagong at nakakabagot na araw na naman.

Agad naman akong nakapag-ayos ng sarili, when everything is done. Binuksan ko ang pinto, sumilip muna bago tuluyang lumabas. Marahan akong bumaba ng hagdan, nag-iingat na huwag makagawa ng ingay para di magising ang demonyo este si mom.

Bukas na ang ilaw pagdating ko sa baba, tip toe akong lumakad papalabas pero nahinto ako sa gitna ng may marinig ako. Napalingon ako sa bukas na TV.

"May natagpuang patay dito sa palikong daan. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang sasakyan dahilan para ito'y malakas na sumalpok sa malaking puno." saad ng reporter

Pinakita nito ang nasa likuran niya. Wasak ang harapan ng kotse, kita ang paghila palabas ng tao sa kotse. Duguan ang ulo ng lalaking nasa driver seat. Ganun din ang mga kasama nito.

"Sa ngayon ay dinala na sila sa hospital, ngunit napag-alaman namin na dead on arrival ang mga biktima ng aksidente." reporter

Kunot ang noo kong tumingin muli sa video, sila ay nag-aaral din sa university na pinapasukan ko. Ito ang pangatlong beses na may natagpuang patay na taga-university ko rin.

Napadako ang tingin ko sa taong nasa sofa. Nanlaki ang mata kong si mom ang naka-upo.

Sh*t!

Tumakbo na ako ng tahimik bago pa siya mapalingon sa gawi ko. Marahan ko ring sinarado ang pinto at gate.

Napakamot ako sa ulo habang nakatingin sa daan na tatahakin ko. Nag-aagaw ang liwanag at dilim, papasikat pa lang ang araw. Pero heto ako maglalakad na papuntang school.

Hanggat maaari kasi ay huwag kong ma-encounter si mom, sakit sa katawan lang kasi ang makukuha ko sa kanya. Saka baka ano pa magawa ko sa kanya, ilibing na ako ng buhay ni dad.

Ito na lang na paraan ang nakikita ko para hindi sila makasalubong. May sarili naman kasi silang bahay, sa'min nakikisiksik.

After 20 minutes kong paglalakad, nakarating na ako ng University. Wala pa si manong guard kaya sarado pa ang gate, binuksan ko ang bag ko para kumuha ng hairpin.

Napangiti naman ako dahil may tatlong sandwich na nakalagay. Kinuha ko ang sulat na nakadikit dito.

"Nilagyan na kita ng sandwich sa bag, aalis ka na naman ng maaga. Hindi ka na naman mag-aalmusal. Kainin mo yan!" basa ko sa nakasulat.

Si yaya talaga, hindi pumapayag na mag-skip ako sa pagkain.

Muli kong binalik ang sulat kasama ang sandwich sa bag, saka kumuha na ng hairpin para mabuksan ko ang gate. Pagkabukas ko ng padlock agad na akong pumasok sa loob at muling nilock ang gate para hindi halatang may pumasok.

Pumunta akong garden, umupo sa damuhan. Maya lang ay napahikab ako. Tumingin ako sa paligid, wala namang tao hindi naman siguro masama kung iidlip muna ako saglit. Humiga ako, ginawa kong unan ang bag ko. Pagpikit pa lang ng mga mata ko agad naman akong nahila ng kadiliman.

Nagising ako at agad na napabangon sa malamig na tubig na tumapon sa mukha ko.

"Wake up! Little nerd." rinig kong sabi.

"What are you doing here in our place?" maarte na sabi ng babaeng nasa harap ko.

"Nadumihan tuloy ang garden namin, may basura kasing NAKAKALAT." pandidiring sabi naman ng nasa gilid nito.

Kinuha ko ang bag ko, tumayo ako at yumukod.

"I-I'm sorry, h-hindi ko sinasadya na m-mapunta rito. A-aalis na lang ako." paumanhin ko.

Tahimik silang tumabi, kaya agad akong e-exit sana ng nagulat akong hinablot niya ang buhok ko. Napahawak ako sa buhok ko, napapikit ako sa sakit ng pagkakahawak ng leader ata nila.

"Tingin mo ba, makaka-alis ka ng ganun-ganun lang?" seryosong wika niya.

Nagulat akong muli ng itinapon niya ako, tumama ang mukha ko sa puno. Umiling-iling ako dahil nahilo at nanlabo ang paningin ko. Naramdaman kong tumulo ang dugo sa ilong ko.

Hindi pa man ako nakababawi, muli niyang hinablot ang buhok ko. Sunod na ginawa niya ay nilublob niya ang mukha ko sa isang timbang punong-puno ng tubig.

Rinig ko ang paghalakhak ng tatlo habang mahigpit ang pagkakapit niya sa ulo ko.

"You deserve it, bitch!" sambit ng taong naglulublub pa rin sa'kin sa tubig.

Pilit na pumapalag ako sa kapit niya dahil hindi na ako makahinga.

"What? Can't drink anymore? Need help?" she asked.

Habol hininga ako ng inalis niya ang pagkakalublub ko sa tubig. Patapon niya akong binitawan, panay ang ubo ko.

"Hahahah! Such a weak." wika ng isa.

Nakita kong kinuha niya ang bag ko saka na itinaktak ang laman nito. Nagkalat ang lahat ng gamit ko. Hindi pa sila nakuntento, isa-isa nila itong kinuha sabay tapon sa malayo.

"T-Teka! H'wag niyo namang itapon." pagmamakaawa ko.

Nakita nila ang sandwich ko.

"Hmm, a food? mukhang masarap 'to." sambit niya.

Lumapit ako sa kanya para kunin ang pagkain ko pero inilayo niya lang saka kinagatan.

"Opps! sorry, nakagatan ko na. It means, akin na 'to." tuwang-tuwa na sabi niya.

Ibinigay niya pa sa dalawa pang kasama niya ang sandwich kong natitira. Lahat sila nasarapan kaya nakangiti silang umalis. Iniwan ako parang walang ginawa saakin.

Napatingin ako sa mga gamit ko. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Lagi na lang ba? Ang unfair naman, ako itong hindi nanakit ng kapwa pero ako itong nakikita. Ako ang napaparusahan, ako ang nasisita, ako ang sinisermonan.

Pero sila hindi, palibhasa kasi may mga pera. Ginulo ko ang basa kong buhok sa inis. Wala akong nagawa kundi pulutin lahat ng kinalat nilang gamit ko. Kung saan-saan ko pa ang mga ito kinuha. May nasa taas ng puno, sa gitna ng halamanan, yung mga libro ko basang-basa na kasi nilagay nila sa timbang may tubig.

Yung iba kinuha ko pa sa gitna ng tinikan. Bumuntong hininga na lang ako para kumalma. Impyerno na nga sa bahay ganun din dito. Saan ako lulugar? Sa langit? Sa impyerno? O, sa hukay?

Pinasok ko na lahat sa bag ko saka isinukbit sa balikat ko. Naiiling akong umalis sa garden, dapat pala sa taas ng puno na lang ako natulog.

Hahakbang na sana ako ng may napansin ako. Kinuha ko ito, akala ko kasi basura pero 'yong sobre pa lang natanggap ko nitong nakaraang araw. Ipapasok ko na sana pero nagulat ako na unti-unti itong nawawala. 'Yung parang nasusunog na papel at nagiging abo siya. Hanggang sa nawala na ito sa kamay ko.

Nangyari? Ang weird talaga ng sobre na 'yon. Hindi ko na lang siya pinag-isipan pa. Hindi ko naman alam kung saang lupalop ba ako dadalhin n'yon, kung saang school ba? U.D.M? Maraming meaning pwedeng ibigay sa tatlong letter na nakasulat dun. Isinang bahala ko na lamang ang bagay na 'yon, maging kung ano nga ba ang mayroon sa puting sobre na 'yon.

Pagdating ko sa corridor, mga walang studyante. Napatampal na lang ako sa noo, shetee! Late na naman ako. Tsk! Hayaan mo na. Maaga pa naman para sa next subject.

Tumungo muna ako ng locker room para makakuha ng pamalit. Pagkarating ko ng locker room, agad akong kumuha ng masusuot. Inilagay ko rin ang iba kong gamit sa loob ng locker. Pagkatapos ko, nilock ko ang locker at umalis na.

Habang naglalakad ako may nahagip ang tenga ko.

"P-Please! Maawa kayo. Pangako, wala akong pagsasabihan sa nakita ko." rinig kong pagmamakaawa ng isang boses babae.

Kusang naglakad ako patungong abandonadong room. Sumilip ako sa siwang ng pinto. Nakita ko ang babaeng nakatayo kasama ang tatlong lalaking may hawak na panghampas.

Siya yung babaeng nakita kong niyakap 'yong namatay.

"P-Pangako, hindi ko sasabihin. Aalis din ako dito para makasigurado kayo na hindi talaga ako magsasalita." patuloy na pagmamakaawa nung babae.

Nakaluhod siya sa harap nito.

"Okay, in one condition." saad 'nung feeling reyna.

Tinitigan kong maigi ang babaeng nakatayo. Siya ang tinaguriang queen of the campus namin dahil sa angking ganda nito. Hinahangaan siya ng lahat, mapalalaki man o babae. Siya ang nangunguna pagdating sa academic. Lahat sinasalihan niya.

"Kahit ano pong condition tatanggapin ko." desperadang saad naman nung isa.

Ngumiti si feeling reyna.

"LICK.MY.SHOES!" mariin na sagot ni reyna.

Natuod sa pagkakaluhod ang babae. Nagdadalawang isip kung gagawin ba o hindi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status