공유

Kabanata 43

작가: Jhantida
last update 최신 업데이트: 2025-07-07 19:20:45

Nagising si Hashana sa mahinang hagikhikan sa apat na sulok ng kwarto. Inaantok pa na minulat ng dalaga ang mata kasabay ng pag-unat sa mga braso. Bumungad sa kanya ang dalawang anak na panay ang tawa ni Cheslyn sa ginagawang pagkikiliti ng kuya nito.

Kumunot ang noo ni Hashana sa ayos ng mga bata. Bihis na bihis ang mga ito. Suot ni Jelrex ang itim nitong pulo at pantalon na pinarisan ng puting sapatos. Kay Cheslyn naman ay ang baby pink nitong dress na mag laso sa bandang pusod. Maayos na nakapusod ang magkahiwalay nitong buhok na may ribbon sa magkabilaan.

"Jelrex," nanunuyo pa ang lalamunan na pagtawag niya sa nakakatandang anak. Agad naman itong lumingon sa kanya.

"Mama, gising na po pala kayo. Binihisan na po ni lola si Cheslyn. Nasa baba na po kasi si tito Sandro."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Napapantastikuhang bumangon siya at sinulyapan ang orasan sa pader. It was just six am in the morning. Anong ginagawa ng lalaki dito umagang-umaga?

"Sabi po ni lola ihahatid d
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Little_Sunny
wahh, next po! 🥹
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Trap In His Arms   Kabanata 48

    Kinuha ni Hashana ang maliit na botilya ng gamot at kumuha roon ng isang tableta. Dinala iyon ng dalaga kay Clifton kasabay ng isang basong tubig. "Thank you," Clifton mentioned, yet she remain silent. Kinuha lang niya pabalik ang bildong baso sa lalaki pagkatapos nitong uminom saka iyon muling ipinatong sa tray. Nakita niyang nakabukas ang closet nito. Nilapitan iyon ni Hashana para isarado. "Where are you going?" Naalarma si Clifton pagkarinig sa papalayong yabag ng dalaga, kalauna'y mabilis ding tumayo. Lukot ang noong nilingon ni Hashana ang lalaki. "Isasara ko lang ang closet mo. Bakit?"Pero humakbang pa rin ang ginoo, nagbabalak na sumunod sa kanya. Hahayaan sana ito ni Hashana ngunit ibang direksyon ang tinatahak ni Clifton. Naglapat ang ngipin niya at pahintamad na binalikan ang lalaki. Kaya lang nahuli na siya. Nabundol ni Clifton ang paanan ng kama. Maliksing hinawakan ni Hashana ang kamay ni Clifton baka sakaling maagapan ang pagtumba ng huli, pero ang resulta ay pare

  • Trap In His Arms   Kabanata 47

    Days ended so fast. Mag-iisang linggo na mula nang mag-stay ang dalaga at mga bata sa bahay ni Clifton. Alas nuwebe na ng gabi sa mga oras na iyon. Hashana carefully closed the door in her room, avoiding making any noises that can disturb Cheslyn from sleeping. Kakapatulog pa lang niya sa bata. At balak ni Hashana na uminom ng malamig na tubig sa kusina dahil kanina pa namamalat ang lalamunan niya. Ang ginang na si Cindy ang sumalubong sa babae pagkapasok sa kitchen. Nagpupunas pa ang ginang sa mga platong ginamit nila kaninang hapunan upang patuyuin. "Kailangan niyo po ba ng tulong diyan, nay?" tanong ni Hashana. Lumapit ito sa ref at nagsalin ng tubig sa hawak na baso galing sa pitsel. "Huwag na, iha. Ito na lang din naman ang tatapusin ko."Nakangiti siyang tumango, saka lumapit sa lababo para hugasan ang basong ginamit. Magpapaalam na sana siya pagkatapos maiabot sa ginang ang malinis na baso subalit nahagip sa mata niya ang tray na nakahanda sa lamesa. Tinawag niya ang mata

  • Trap In His Arms   Kabanata 45

    "Papa, puwede po ba akong mag-swimming pagkatapos kong kumain?" A hopeful question came from Jelrex while they are in the middle of breakfast. Naantala ang pagsubo ni Hashana kay Cheslyn ng iron-fortified outmeal cereal sa hiling ng panganay. Nagkatinginan muna ang dalaga at ang ginang na si Cindy bago natapon kay Clifton ang mata nito. "Of course, son. Do you want me to join you?""Talaga po? Opo, gusto ko!" Excitement ang bumalatay sa boses ng bata. Maligalig na tumawa si Clifton. Tumikhim naman si Hashana sa dalawa. "Mamayang hapon na kayo maligo. Ang init pa sa labas." And she continued to feed Cheslyn. Umungot si Jelrex, napalis naman ang ngisi ni Clifton. "It's okay, son. We can swim later." Pag-aalo ng lalaki sa anak. Nagtagumpay naman dahil walang pagtutol ang nakuha galing kay Jelrex. "Opo, puwede po nating isama si tito Sandro."Speaking of that guy, Hashana didn't notice Sandro's presence since last night. Pagkatapos sila nitong ihatid sa bahay ni Clifton, hindi na niy

  • Trap In His Arms   Kabanata 45

    Matiwasay na nalampasan ni Hashana ang unang gabi nila ng mga bata sa bahay ni Clifton. Si Jelrex ay nasa kabilang kwarto, katapat sa silid ng lalaki. Sila naman ay katabi lang ng silid ni Clifton. Naalala pa niya kahapon na may inihanda ring sariling kwarto para kay Cheslyn, ngunit umayaw siya. Kahit pa sabihing ilalagay sa kuna ang bata, hindi pa din napapanatag ang loob niya na iwan itong mag-isa. At ngayon, dilat na dilat na ang mata niya kahit madaling araw pa lang sa iyak ni Cheslyn. Kapag ganito, punuan na ang diaper ng bata. Nahahapong humikab si Hashana saka kinuha ang anak para palitan ng bago ang diaper ng huli. Alas dos trenta pa lang sa oras na iyon. Ngunit si Cheslyn ay walang balak bumalik sa pagtulog. Kung ano-ano ang tinuturo nito kapag may nakikitang nakakainteresante. Kinuha na lang niya ang manikang barbie sa crib nito at hiyaang maglaro ang bata sa kama niya. Ilang beses ding napahikab ang dalaga. Malamang aabutan na naman sila ng bukangliwayway. Memoryado na

  • Trap In His Arms   Kabanata 44

    Diniretso ni Sandro ang sasakyan sa parking area ng bahay at maingat iyong ipinarada doon. Naunang lumabas ang lalaki para kunin ang gamit ng mag-iina sa compartment. Sumunod din naman sila ni Hashana na akay ang anak. "Sumunod kayo sa'kin." Kinamayan ni Sandro si Jelrex upang pasabayin ang bata sa paglalakad. Mula sa kinatatayuan ay kita ni Hashana ang pigura ni Clifton at ng ginang na si Cindy. Malawak ang ngiti ng matanda na nakatanaw sa kanila habang seryoso ang mukha ni Clifton. Nakailang hakbang pa lang sila nang tumunog ang cellphone ni Hashana. Sabay na napalingon roon ang dalawang lalaki. "Mauna na kayo. Jelrex, sumabay ka na kay tito Sandro mo."Sumang-ayon naman ang dalawa. Nang makalayo ay saka lang sinagot ni Hashana ang tawag na galing kay Cathy. Nailayo pa niya ang aparato sa tainga sa matinis nitong boses. Ang akala niya'y bulyaw ang kanyang aabutin, subalit kabaliktaran ang nakuha niya dito. "Mabuti naman at nahimasmasan ka." Untag nito sa kabilang linya. Napail

  • Trap In His Arms   Kabanata 43

    Nagising si Hashana sa mahinang hagikhikan sa apat na sulok ng kwarto. Inaantok pa na minulat ng dalaga ang mata kasabay ng pag-unat sa mga braso. Bumungad sa kanya ang dalawang anak na panay ang tawa ni Cheslyn sa ginagawang pagkikiliti ng kuya nito. Kumunot ang noo ni Hashana sa ayos ng mga bata. Bihis na bihis ang mga ito. Suot ni Jelrex ang itim nitong pulo at pantalon na pinarisan ng puting sapatos. Kay Cheslyn naman ay ang baby pink nitong dress na mag laso sa bandang pusod. Maayos na nakapusod ang magkahiwalay nitong buhok na may ribbon sa magkabilaan. "Jelrex," nanunuyo pa ang lalamunan na pagtawag niya sa nakakatandang anak. Agad naman itong lumingon sa kanya. "Mama, gising na po pala kayo. Binihisan na po ni lola si Cheslyn. Nasa baba na po kasi si tito Sandro."Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Napapantastikuhang bumangon siya at sinulyapan ang orasan sa pader. It was just six am in the morning. Anong ginagawa ng lalaki dito umagang-umaga? "Sabi po ni lola ihahatid d

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status