Bumuga ng hangin si Hashana at nilingon si doc Bayones na hindi pa din binibitawan ang kamay niya. Nang makitang nakatingin siya rito at nabasa ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay mabilis itong bumitaw. Tumikhim siya. Na realize na baka need niyang turuan ang sariling unawain ang doktor. Susubukan niyang buksan ang pader na iniharang niya sa kanilang dalawa. At kapag wala talaga. Maybe that would be the right time that she should talk to him about those matter."Kilala mo ba kung sino ang papalit kay doc Galo?" usisa niya para basagin ang katahimikan."Yes, I meet him earlier. He's good. He's known in Manila as top performing ob-gyne doctors."Tumango siya. Out of nowhere. Bigla niyang naisip si Clifton. May posibilidad bang ito ang papalit? Kahibangan mang isipin pero he's a type of man that would make the impossible things to possible. Also, kaparehas ni doc Galo ay obstetrician-gynecologist din ang lalaki. Kanina nung sabihin nila Jessa na galing sa Manila ang bagong senior
Minaobra na ni Hashana ang kotse at payapang iniliko ang sasakyan sa main exit. Hatid tanaw ito ni doc Bayones na kung makatingin ay sobrang lalim. Kita sa mata nito ang nakakubling kadiliman at nagbabagang mga titig.Binaling ng lalaki ang mata sa hawak ng bulaklak. Napakahigpit ng kapit nito roon. Halos mabali na ang tangkay ng rosas. Ilang saglit lang ay walang pasubaling nilukumot nito ang rosas. Nadurong ang bulaklak at hindi na maitsura ang mga petals nun. Hindi pa nakuntento at inihulog ito ni doc Bayones sa semento saka gamit ang talampakan ng sapatos ay walang awa nito iyong dinurog. Napangisi ang binata. Para itong baliw na natawa at muling sumeryoso. Nang makontento ay natatawa itong pumasok sa loob ng kotse para umuwi."Saan kayo pupunta?" tanong ni Hashana.Panibagong araw na naman at late siyang nakapasok sapagkat kinausap pa niya ang bagong yaya ni Cheslyn. Madami siyang inihabilin sa ale kung ano ang dapat nitong gawin at tandaan. Nagkaroon din ng aksidente habang p
Is it okay to avoid someone who doesn't have any bad intentions towards you? Ayos lang bang hayaan ang isang taong gumawa ng efforts kung wala ka namang planong tugunan ang pinapakita nito?Everything is so mess up with Hashana. Papalabas na siya sa hospital sapagkat kakatapos lang ng shift niya, ngunit ang balak niyang paghakbang ay nahinto pagkakita kay doc Bayones sa labas. Nakasandal ito sa uluhan ng kotse nito habang nakatingin sa kanyang direksyon.May kalayuan pa man ay dumako ang mata ng dalaga sa bitbit nitong bulaklak. Kunot ang noo niya at napayuko upang tignan ang hawak niyang isang tangkay ng puting rosas. Galing iyon sa locker niya. Kinuha na niya dahil alam na naman niya kung kanino galing.Hindi niya magawang makaiwas pa sa binata sapagkat nilapitan na siya nito. Malawak ang ngiti ng doktor sa kabila ng ginawa niyang pag-iwas kanina.Tipid siyang ngumiti at binati ang huli. Nang sulyapan niya ito. Nakapako na ang titig ng lalaki sa kaliwa niyang kamay kung saan naroon
Tila lahat ng inerhiya ni Hashana pag-uwi ng bahay ay naubos. Nauupos siyang napaupo sa kama at hinilot ang pumipitik na sentido. Kakahatid lang sa kanya ni doc Bayones. Pasado alas diyes na at tanging ang ina na lang ang sumalubong sa kanya pagkarating.Para maibsan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ay napagdesisyunan ng dalaga na tumungo sa banyo para maligo. Baka kapag mababad ang katawan niya sa malamig na tubig ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.Halos kalahating oras din siyang nagbabad sa tubig. Suot ang tartan na pulang pares ng pantulog ay tinunton niya ang silid na panganay. Tulog na ang bata nang silipin niya kaya si Cheslyn naman ang sunod niyang pinuntahan. Just like Jelrex, Cheslyn is already sleeping while tightly hugging one of her favorite unicorn doll.Napangiti siya at nilapitan ang bata. Tumabi si Hashana ng upo sa tabi nito at inilapit ang mukha upang bigyan ito ng halik sa noo. Parang kailan lang kasama pa niya ito sa iisang silid. Ngayon may sarili ng
"Ikaw ang naglalagay ng bulaklak sa locker ko?"Hindi makapaniwalang tanong ni Hashana. Malalaking hakbang na nilapitan nito ang binata na nabigla paglingon sa kanya. Nagkamot batok ito at ngumiti. Umusog ang lalaki para bigyan siya ng space sa nakabukas niyang locker. Dumapo ang paningin niya sa puting tulips na maayos ang pagkakapatong sa kinalalagyan nito. Kung noon ay isang tangkay ng puting rosas ang nakukuha niya, ngunit ngayon ay isang pumpon na ng tulips na bulaklak ang naroon. A bouquet of white tulips flower was fixedly occupied the whole area of her locker room. Tumikwas ang kilay niya saka nilingon si doc Bayones na nakasunod ang tingin sa bawat galaw niya. Kinuha niya ang bulaklak bago ito tinaasan ng kilay para magtanong kung anong trip nito. Ang tagal niyang nanghula kung sinong bastardo ang nangingialam sa personal space niya tapos ito lang pala. Anong pakulo nito?"Sa iyo 'to galing?" ulit niyang paglilinaw dito.Hindi pa din siya nakahuma. All this time, it was
"Naghahanap ka ng yaya ni Cheslyn?"Weekends ngayon. Tuwing linggo ay walang trabaho si Hashana kaya malaya nitong nagagawa ang gustong gawin kapag sunday. Nakipagkita siya sa kaibigan sa isang coffee shop upang kumuha dito ng opinyon tungkol sa pagkuha ng yaya ni Cheslyn. Ilang gabi na din niya iyong inaalala. Alam niyang marami itong kakilala na puwedeng irekomenda. "Oo,"Mahina itong natawa. "Ngayon ka pa talaga kukuha na malaki na si Cheslyn?""Walang magbabantay sa kanya sa school. Hindi ko naman puwedeng iasa kila mama ang pagbabantay. Alam mo ng matatanda na ang mga 'yun.""Sabagay, madami ka namang pera."Sinamaan niya ito ng tingin sa huling tinuran. Hindi lingid sa kaalaman nito ang perang pumapasok sa bank account niya kada buwan. May kalakihan iyon. Wala mang impormasyon kung kanino iyon galing subalit may hinala siyang kay Clifton nanggaling ang pera. Wala siyang ibang taong maisip pa. At sino pa bang ibang tao na pwedeng gumawa nun? Tanging ang lalaki lang naman ang may