Share

Kabanata 7

Author: Jhantida
last update Last Updated: 2025-06-12 18:35:55

Madaling araw pa lang ay gumising na si Hashana at nag-ayos ng ilang gamit para dadalhin. Buong araw sila sa San Francisco kaya nagdala siya ng extrang damit para pampalit kung sakaling pagpawisan.

Ayon sa announcement kahapon, alas singko trenta aalis ang van na sasakyan nilang mga nurses. Ang hospital mismo ang mag-poprovide noon kaya kailangan niyang maging maaga.

Hindi na umaasa ang dalaga sa sinabi ng tatay ni Rheo na susunduin siya nito. Hindi nga niya alam kung kasama ba ito sa gagawing medical mission.

Alas kwatro pa naman kaya agad siyang naligo at nag-ayos sa sarili. Sinuot na din ng dalaga ang nursing uniform na pinatungan ng itim na jacket.

Balak sanang magpahatid ni Hashana kay Cathy dahil may sasakyan ang kaibigan ngunit nang dumungaw siya sa bintana ay naroon sa labas nakaparada ang kotse ni Clifton. May mga poste ng ilaw doon kaya klaro niyang nakikita ang lalaking nakasandal sa kotse habang nakatutok sa cell phone nito.

Natigilan siya at lapat ang labing tinignan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trap In His Arms   Kabanata 8

    Nahihirapan. Kinakabahan. Mabibigat ang dibdib ni Hashana habang hawak ang resulta ng DNA test na kani-kanina lamang niya nakuha. Kamakailan lamang palihim siyang pumunta sa isang DNA testing center para ipa-test ang toothbrush ni Jelrex at ni Clifton. Naalala pa niya kung paano niya patagong pinalitan ng bago ang toothbrush ng doktor. Hindi naman iyon mahahalata dahil kapareho ng disenyo at porma nito ang binili niya. Ginamit din niya ang pangsipilyo ng anak nang magstay ito sa kanya ng isang linggo para pang-test. Halos tatlong linggo na siyang naghintay sa resulta. At ngayon, hawak-hawak niya mismo ang katotohanan na magpapatunay na mag-ama ba ang dalawa. Malamig ang kamay na umayos ng upo si Hashana sa kama. Nanginig pa iyon nang unti-unti niyang buklatin ang nakatuping papel. Tuluyang nawalan ng dugo ang buo niyang katawan nang makita ang resulta ng paternity test. It was clearly stated that result of paternity test is 99.999 percent. Muntik ng mabitawan ni Hashana ang papel

  • Trap In His Arms   Kabanata 7

    Madaling araw pa lang ay gumising na si Hashana at nag-ayos ng ilang gamit para dadalhin. Buong araw sila sa San Francisco kaya nagdala siya ng extrang damit para pampalit kung sakaling pagpawisan. Ayon sa announcement kahapon, alas singko trenta aalis ang van na sasakyan nilang mga nurses. Ang hospital mismo ang mag-poprovide noon kaya kailangan niyang maging maaga. Hindi na umaasa ang dalaga sa sinabi ng tatay ni Rheo na susunduin siya nito. Hindi nga niya alam kung kasama ba ito sa gagawing medical mission. Alas kwatro pa naman kaya agad siyang naligo at nag-ayos sa sarili. Sinuot na din ng dalaga ang nursing uniform na pinatungan ng itim na jacket. Balak sanang magpahatid ni Hashana kay Cathy dahil may sasakyan ang kaibigan ngunit nang dumungaw siya sa bintana ay naroon sa labas nakaparada ang kotse ni Clifton. May mga poste ng ilaw doon kaya klaro niyang nakikita ang lalaking nakasandal sa kotse habang nakatutok sa cell phone nito. Natigilan siya at lapat ang labing tinignan

  • Trap In His Arms   Kabanata 6

    Hindi na nagulat si Hashana nang may makahulugang pinagtitinginan siya ng mga kasama pagpasok sa umagang iyon. Tinutukso siya ng mga ito at tinadtad ng tanong. Napilitan tuloy siyang sabihin ang totoo, na ang anak ng doktor ay boyfriend niya kaya sila magkakilala. Labis ang nakuha niyang kantiyaw. Ang sabi pa ay ang swerte daw niya. "Akala ko may something kayo. Yung tingin kasi ni doc sa'yo kahapon. Yun pala jowa mo ang anak niya." Si Laila nang mapag-iwanan silang dalawa. Napailing na sinimulang ayusin ni Hashana ang buhok. Ikinumpol niya iyon at tinali bago inilagyan ng hairnet. Naglagay din siya ng katamtamang foundation sa mukha at lipstick. "Mauuna na ako. Mamayang lunch na lang tayo magkita para sabay tayo." Nakasanayan na kasi ng dalaga na ito ang palaging kasama. Bukod sa mabait ito, nagustuhan din niya ang kapormalan sa kilos ng babae. Hindi ito gaya ng iba na talak ng talak at hindi mapagkakatiwalaan. Tumango si Laila kaya tahimik na nilisan ni Hashana ang kwarto. Nag-

  • Trap In His Arms   Kabanata 5

    In a vague reality, you need to be ready and brave yourself. Kailangang mayroon ka noon para makakaya mong harapin ang katotohanan. Para may lakas ka sakaling maging malinaw lahat ng malabo. "Pinatawag ko kayo dahil nagrequest si doc. Auxilio na ilagay kayong tatlo sa team niya. But remember that you will still continue your rounds in your designated assignments. Pero kung may manganganak ay automatic na kayo ang mag-aassist kay doc. Am I understood?" Walang nakaimik sa kanilang tatlo. Kakarating pa lang ni Hashana sa umagang iyon at agad silang pinatawag sa opisina ni nurse Yan. Kasama niya ang dalawang nurse na kasama niyang napili kahapon. "Am I understood?" pag-uulit ng ginang. Sabay na tumango ang tatlo. Wala naman silang ibang choice. Kung pwede lang umayaw, gagawin na nila. Hassle iyon dahil di mo alam kung kailan may biglang manganak. Kahit nga siguro free time mo ay kailangan mo pa ring umassist lalo na kapag emergency kahit dapat ay rest time mo. Aalis na sana silang ta

  • Trap In His Arms   Kabanata 4

    "Tapos na rounds mo?"Isa sa kasamahan na nurse ni Hashana ang nagtanong sa kanya. Naabutan kasi siya nitong naghuhubad sa suot niyang disposable masks. "Oo, break time ko ngayon. Pupunta lang ako sa canteen para bumili ng snacks.""Sabay na tayo. Tapos na din naman ako."Nakita niyang hinubad nito ang suot na surgical gloves at masks. Kinuha na lang niya ang wallet sa locker bago niya ito hinintay na matapos. Sabay silang pumunta sa canteen. Medyo puno na ang mga lamesa nang madatnan nila. "Dito na lang tayo." Sumang-ayon siya kay Laila. Gaya ng babae ay nag-order lang din si Hashana ng sandwich at tubig. Ngumunguya siya ng pagkain nang madako ang mata niya sa entrada ng canteen.Natikom ni Hashana ang nakaawang na bibig habang sinasabayan ng tingin ang bawat hakbang ni Clifton. Hindi lang ito nag-iisa dahil nakita niya kung paano pumulupot ang braso ng lalaki sa bewang ng kasama nitong babaeng doktor. Both of them are wearing their doctor's gown. Naningkit ang mata niya kung pa

  • Trap In His Arms   Kabanata 3

    Simpleng dinner lang naman ang magaganap pero daig ni Hashana ang sasabak sa giyera dahil sa takot at kabang nararamdaman. With her silver sleeveless fitted backless dress paired with her three inches black stilleto heels. Hashana was ready enough to meet Rheo's parents. Kaya lang hindi niya na mabilang kung ilang ulit siyang napabuntong-hininga habang lulan sa sasakyan ng kasintahan. Ngayong gabi ang napagkasunduan nila ng binata na imeet ang parents nito. Simula kanina pa din namamawis ang palad niya. Sino ba kasing hindi kakabahan kapag ipapakilala ka sa mga magulang ng taong mahal mo? Sana lang talaga mababait ang parents nito. "Relax, love." Napalabi siya sa pagpapalakas loob ni Rheo. Hawak ng isang kamay nito ang palad niya habang ang isa ay nasa manibela. Naging malalim ang paghinga ni Hashana nang pumasok ang sasakyan ng lalaki sa mataas at malaking gate. Halos malula siya sa laki ng bahay na nasa harapan. She wasn't expected as such elite house. Sa mga oras na iyon napagt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status