Share

Kabanata 6

Author: Jhantida
last update Last Updated: 2025-06-11 20:14:40

Hindi na nagulat si Hashana nang may makahulugang pinagtitinginan siya ng mga kasama pagpasok sa umagang iyon. Tinutukso siya ng mga ito at tinadtad ng tanong. Napilitan tuloy siyang sabihin ang totoo, na ang anak ng doktor ay boyfriend niya kaya sila magkakilala. Labis ang nakuha niyang kantiyaw. Ang sabi pa ay ang swerte daw niya.

"Akala ko may something kayo. Yung tingin kasi ni doc sa'yo kahapon. Yun pala jowa mo ang anak niya." Si Laila nang mapag-iwanan silang dalawa.

Napailing na sinimulang ayusin ni Hashana ang buhok. Ikinumpol niya iyon at tinali bago inilagyan ng hairnet. Naglagay din siya ng katamtamang foundation sa mukha at lipstick.

"Mauuna na ako. Mamayang lunch na lang tayo magkita para sabay tayo."

Nakasanayan na kasi ng dalaga na ito ang palaging kasama. Bukod sa mabait ito, nagustuhan din niya ang kapormalan sa kilos ng babae. Hindi ito gaya ng iba na talak ng talak at hindi mapagkakatiwalaan.

Tumango si Laila kaya tahimik na nilisan ni Hashana ang kwarto. Nag-log in muna siya bago simulan ang nakatukang trabaho.

Habang nag-checheck sa mga patient ay iniisip ng dalaga kung paano makakalapit kay Clifton na hindi ito manghihinala.

Sandali siyang natigil sa paglakad at napalingon sa hallway kung saan banda ang opisina ng lalaki. Walang tao roon.

Hashana composed herself and take a deep breath. Nagsimula siyang lumakad patungo doon. Mula sa glass na window, pasimpleng sumilip ang dalaga sa salamin. Nang makitang walang tao ay nagpanggap siyang may pakay at kumatok ng tatlong beses sa pinto. Alam niyang may cctv sa paligid kaya kailangan niyang mag-ingat.

Tahimik siyang pumasok sa loob at inobserbahan ang paligid. She sigh in relief after discerning that there's no cctv cameras inside the office. Agad niyang sinimulan ang pakay. Lumapit siya sa table ni Clifton at sinuri kung may isa man lang bang hibla ng buhok na nahulog roon. Pero wala. Dismayadong nailibot niya ang mata. Hanggang naagaw iyon sa isang saradong pinto. It was bathroom.

Kumabog ang dibdib na pumasok siya doon. Halos lumundag ang puso ni Hashana nang makita ang ilang personal hygiene ng lalaki. Ang toothbrush agad ang una niyang nilapitan.

Magagamit niya iyon pang-dna. Kaya lang magtataka ang doktor kung kukunin niya. Mabilis na kinuha ni Hashana ang mobile phone sa bulsa at kinuhanan iyon ng larawan. Lamabas din siya pagkatapos at parang walang nangyaring lumakad paalis.

"Nurse Romero, kailangan tayo sa delivery room." Humahangos na sinalubong siya ng isang nurse.

"Anong nangyari?"

"May manganganak. Duguan ang pasyente dahil naaksidente. Kailangang mailabas ang bata."

Hudyat iyon para mabilis silang mag-ayos at pumasok sa dilevery room. Nandoon na si Clifton at iilan nilang kasama. Nagtama ang mata nila ng lalaki kaya mabilis siyang umiwas at lumapit sa mga ito.

"Nakakapagod ang araw na ito. Bukas may gagawin pang medical mission sa kabilang bayan. Siguradong mapapahaba ang araw natin."

Kasabay ni Hashana ang katrabahong nurse na gaya niya ay kasali sa medical mission bukas sa bayan ng San Francisco. May libreng check up at consultation para sa mga buntis. Magkakaroon din ng symposium para sa mga batang ina.

"Dito na ako," paalam ni Hashana sa kasabayan.

Magtataxi siya ngayon dahil maraming hinaharap na projects si Rheo. Pinagpaalam din ng binata na mawawala ito ng isang linggo dahil kailangan nitong pumunta sa Batangas para sa iilang construction negotiations.

Umihip ang malamig na hangin kaya nayakap ni Hashana ang sarili. Nakalimutan niyang magdala ng jacket kanina. Skirt pa naman ang suot niya at pinailaliman ng isang fitted pink shirt. Ang akala niya ay susunduin siya ni Rheo dahil nagtext ito kagabi. Subalit nakatanggap siya ng message dito kanina na kinakapos daw ito sa oras sa dami ng ginagawa. Madilim na rin ang paligid dahil lagpas alas syete na.

Iniharang ni Hashana ang isang kamay sa mata nang may nakakasilaw na ilaw ng sasakyan ang papalapit sa direksyon niya. Huminto mismo iyon sa harap ng dalaga.

Bumukas ang bintana doon at nakita niya ang lalaking doktor. Muntik na siyang mawalan ng balanse nang dumungaw ang ulo ni Clifton at namumungay ang mata siyang tinignan.

"Get in. Rheo told me to accompany you."

Saglit siyang napatitig sa lalaki saka kumurap. Walang salitang pumasok siya sa loob dahil ang seryoso nito. Habang nasa byahe ay nakatanggap nga siya ng mensahe sa kasintahan na ang ama nito ang maghahatid sa kanya pauwi.

Tinubuan siya ng awa at konsensya para sa nobyo. Sobrang bait nito. Natatakot siya na baka tama lahat ng hinala niya. Na baka iwan siya nito kapag malaman ng lalaki ang totoo.

Marahas siyang bumuga ng hangin sa pagiging negatibo. Nilingon niya ang kasama na tahimik na nag-dadrive. Pansin niyang mabagal ang pagpapatakbo nito. Ang dapat sana ay kinse minutos na byahe ay naging bente singko.

"Susunduin kita bukas ng alas singko. Sa akin ka na sumabay papuntang San Francisco. Tatawagan ko si Rheo para ipaalam sa kanya."

Napatitig si Hashana sa lalaki. Sobrang casual nitong magsalita. Ni hindi niya mahinuha kung dapat pa ba iyong gawin ni Clifton sapagkat meron namang van ang hospital na sasakyan nilang mga nurses.

Nang-aapuhap siya ng sasabihin pero naging sarado ang isip niya. Wala siyang masabi. Umawang ng konti ang bibig niya dahil hindi na naman iyon kailangang gawin ng ginoo.

"Ayos lang, tito. May van naman na maghahatid sa'min."

"No. Inihabilin ka ni Rheo kaya responsibilidad kita."

Tuluyang nalaglag ang panga ni Hashana. Masyado itong kampante sa mga salitang binibitawan. Ayos lang naman talaga na hindi na siya nito sunduin. Kaya niya ang sarili.

Lumabas siya sa sasakyan na walang matinong sagot. Hindi siya pumayag o tumanggi. Papaano siya sasagot gayong ang layo ng sinabi nito? Di naman ibig sabihin na inihabilin siya ni Rheo ay responsibilidad na siya ng lalaki.

Naguguluhang hinilot ni Hashana ang noo bago pumasok sa bahay ni Cathy. Muntik na siyang napatalon sa gulat pagkatapos masarado ang pinto nang makita ang kaibigan na nakasilip sa bintana at naka-ekis ang mga brasong humarap sa kanya.

Kinilatis siya nito. "Sino 'yon? As far as I know, kulay pula ang sasakyan ni Rheo. Eh, itim yung nakita ko." Naningkit ang mata ni Cathy.

Umirap siya sa babae at inilagay sa center table ang sling bag bago umupo sa sofa. May mga junkfoods doon kaya kumaha siya at sumubo.

"Si doc yun. Ama ni Rheo. Huwag kang oa."

Kakasabi nga lang niya na huwag oa pero impit na tumili ang babae. Tumalon talon ito habang walang ingat na umupo sa tabi niya.

"Nako, Hashana! Sign na 'to! Sign na 'to na papakasalan ka ni Rheo! Imagine, sa loob ng isang taon maayos ang relasyon niyo. Tapos lately pinakilala ka niya sa parents niya, at kilala din siya ni tita. Tapos ngayon close na kayo ng magiging soon ay tatay mo! Oh my God! I can't wait to see you wearing a white gown!"

Imbes na mainis ay natawa na lang siya sa kakulitan ng isip nito. Sana nga humantong sila sa ganon ni Rheo. Ang sarap siguro sa pakiramdam na makasama sa harap ng altar ang lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trap In His Arms   Kabanata 72

    Kinuha ni Clifton ang mikropono sa babaeng emce saka malalim na tumikhim. At nag-sanhi na naman iyon ng tilian sa loob. Ginawa na iyong pagkakataon ni Hashana para umiwas. "Good morning, everyone. It's my pleasure to be here in front of all of you." Clifton is already facing the crowd. Inilibot nito ang paningin sa buong lugar at muling humantong pabalik kay Hashana at sa lalaking katabi ng babae. Sa klase ng titig nito ay puno ng pagbabanta. Tila ba pinipigilan lang ang sariling huwag sugurin ang dalawa. At tanging nagawa na lang ni Clifton ay paigtingin ang mga panga sa pikong nararamdaman."First of all, I am honored to stand before you today as the new Head Director of this exceptional hospital. I want to express my gratitude to the board for entrusting me with this responsibility and to each of you for your warm welcome." Muli ay isinuyod ng ginoo ang mata sa mga taong nasa loob ng hall."Our hospital is a beacon of hope and healing, and I am committed to building on our streng

  • Trap In His Arms   Kabanata 71

    Gimbal pa rin si Hashana sa mga nangyayari. Nagsisimula na ang programa pero tulala lang siyang nakikinig sa emce na tinatawag at pinakikilala ang bagong senior doctor."Now, let's give a warm welcome to our new respected colleague, Dr. Francis Spencer Li! He's a top-performing OB-GYN doctor with multiple awards and recognitions! Having him join our healthcare institution were a great privilege! Dr. Li, please come forward and share a few words with us."Napatingin si Hashana sa lalaking tumayo patungo sa gitna ng stage. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti nitong nakatingin sa maraming taong nakaantabay kung anong sasabihin nito. Umalingawngaw sa buong hall ang tilian ng mga babae at hindi naman pinapalampas sa tinis ng boses ng mga baklang nurses.Kung wala lang talagang mata na umaarok kay Hashana. Makakangiti na sana siya sa nakakahawang ngiti ng bagong doktor. Ang singkit nitong mata ay lalong sumingkit nung bumungisngis ito. Hindi makikitaan sa lalaki ang kayabangan kahit pa mataas n

  • Trap In His Arms   Kabanata 70

    Bumuga ng hangin si Hashana at nilingon si doc Bayones na hindi pa din binibitawan ang kamay niya. Nang makitang nakatingin siya rito at nabasa ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay mabilis itong bumitaw. Tumikhim siya. Na realize na baka need niyang turuan ang sariling unawain ang doktor. Susubukan niyang buksan ang pader na iniharang niya sa kanilang dalawa. At kapag wala talaga. Maybe that would be the right time that she should talk to him about those matter."Kilala mo ba kung sino ang papalit kay doc Galo?" usisa niya para basagin ang katahimikan."Yes, I meet him earlier. He's good. He's known in Manila as top performing ob-gyne doctors."Tumango siya. Out of nowhere. Bigla niyang naisip si Clifton. May posibilidad bang ito ang papalit? Kahibangan mang isipin pero he's a type of man that would make the impossible things to possible. Also, kaparehas ni doc Galo ay obstetrician-gynecologist din ang lalaki. Kanina nung sabihin nila Jessa na galing sa Manila ang bagong senior

  • Trap In His Arms   Kabanata 69

    Minaobra na ni Hashana ang kotse at payapang iniliko ang sasakyan sa main exit. Hatid tanaw ito ni doc Bayones na kung makatingin ay sobrang lalim. Kita sa mata nito ang nakakubling kadiliman at nagbabagang mga titig.Binaling ng lalaki ang mata sa hawak ng bulaklak. Napakahigpit ng kapit nito roon. Halos mabali na ang tangkay ng rosas. Ilang saglit lang ay walang pasubaling nilukumot nito ang rosas. Nadurong ang bulaklak at hindi na maitsura ang mga petals nun. Hindi pa nakuntento at inihulog ito ni doc Bayones sa semento saka gamit ang talampakan ng sapatos ay walang awa nito iyong dinurog. Napangisi ang binata. Para itong baliw na natawa at muling sumeryoso. Nang makontento ay natatawa itong pumasok sa loob ng kotse para umuwi."Saan kayo pupunta?" tanong ni Hashana.Panibagong araw na naman at late siyang nakapasok sapagkat kinausap pa niya ang bagong yaya ni Cheslyn. Madami siyang inihabilin sa ale kung ano ang dapat nitong gawin at tandaan. Nagkaroon din ng aksidente habang p

  • Trap In His Arms   Kabanata 68

    Is it okay to avoid someone who doesn't have any bad intentions towards you? Ayos lang bang hayaan ang isang taong gumawa ng efforts kung wala ka namang planong tugunan ang pinapakita nito?Everything is so mess up with Hashana. Papalabas na siya sa hospital sapagkat kakatapos lang ng shift niya, ngunit ang balak niyang paghakbang ay nahinto pagkakita kay doc Bayones sa labas. Nakasandal ito sa uluhan ng kotse nito habang nakatingin sa kanyang direksyon.May kalayuan pa man ay dumako ang mata ng dalaga sa bitbit nitong bulaklak. Kunot ang noo niya at napayuko upang tignan ang hawak niyang isang tangkay ng puting rosas. Galing iyon sa locker niya. Kinuha na niya dahil alam na naman niya kung kanino galing.Hindi niya magawang makaiwas pa sa binata sapagkat nilapitan na siya nito. Malawak ang ngiti ng doktor sa kabila ng ginawa niyang pag-iwas kanina.Tipid siyang ngumiti at binati ang huli. Nang sulyapan niya ito. Nakapako na ang titig ng lalaki sa kaliwa niyang kamay kung saan naroon

  • Trap In His Arms   Kabanata 67

    Tila lahat ng inerhiya ni Hashana pag-uwi ng bahay ay naubos. Nauupos siyang napaupo sa kama at hinilot ang pumipitik na sentido. Kakahatid lang sa kanya ni doc Bayones. Pasado alas diyes na at tanging ang ina na lang ang sumalubong sa kanya pagkarating.Para maibsan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ay napagdesisyunan ng dalaga na tumungo sa banyo para maligo. Baka kapag mababad ang katawan niya sa malamig na tubig ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.Halos kalahating oras din siyang nagbabad sa tubig. Suot ang tartan na pulang pares ng pantulog ay tinunton niya ang silid na panganay. Tulog na ang bata nang silipin niya kaya si Cheslyn naman ang sunod niyang pinuntahan. Just like Jelrex, Cheslyn is already sleeping while tightly hugging one of her favorite unicorn doll.Napangiti siya at nilapitan ang bata. Tumabi si Hashana ng upo sa tabi nito at inilapit ang mukha upang bigyan ito ng halik sa noo. Parang kailan lang kasama pa niya ito sa iisang silid. Ngayon may sarili ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status