Share

454 - The Imposter II

Author: Verona Ciello
last update publish date: 2026-06-17 22:19:39
MATAPOS ANG PAKIKIPAG-USAP kay James, matagal na napatitig si Czarina sa kisame.

Pilit niyang pinapakalma ang sarili matapos ang lahat ng nangyari.

Sa dami ng tanong sa isip niya, pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya anumang oras.

Nang bahagya na siyang kumalma, doon niyang napagtanto na hindi pa pala siya nakakapagtanghalian.

Dahil sa biglaang pagdating ng impostor na “Czarina,” tuluyan na niyang nakalimutang kumain.

Napabuntong-hininga siya. Kailangan niyang magpalakas. Kung hindi, baka
Verona Ciello

thanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   568 - An Identiy That Belongs To You

    “Ah?”Tila pinagpawisan si Enzo habang pinupunasan ang noo. “Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako.”Naguluhan si Czarina. Maya-maya, bigla niyang naunawaan. “Tinutulungan mo lang ba ako dahil takot kang guluhin ko ang President? Don't worry. The president is so fierce. Even if I really need help, I won’t ask him.”Sa halip na gumaan ang mukha ni Enzo, lalo itong pinagpawisan. Pinunasan niya ang noo gamit ang panyo.“Huwag kang magsalita ng ganyan. I was wrong before. I was overthinking and misunderstood you. Just pretend that everything I said before was nonsense.”“‘Yon talaga ang iniisip mo?”“Of course. These are my own thoughts, and I’m very sincere.”Gustong gamitin ni Enzo ang mga mata niya para ipakitang seryoso siya. Pero nang maisip niyang baka lalo lamang siyang mabuking kapag tumingin siya nang diretso kay Czarina, agad niya iyong isinuko.May kakaiba talaga sa kanya. Napatingin si Czarina kay Enzo mula ulo hanggang paa.“Huy, ano bang meron sa ‘yo? Ang daming nagbago

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   567 - Just Don’t Blame Me In The Future

    MATAPOS KUMAIN at marami pang natira, ipinabalot ni Czarina ang pagkain at ipinakain sa mga stray cats and dogs nang sunduin sila ni Tito Fran.Pagkatapos, hinatid nila si Wendy pabalik sa ospital bago dumiretso pauwi.Sa biyahe, agad tinanong ni Czarina si Tito Fran kung bakit ito biglang umalis nang walang paalam. Ipinaliwanag niya na nagpunta siya sa supermarket dahil naubusan sila ng pagkain at ayaw niyang walang maihanda para kay Wendy.Nainis si Tito Fran nang maalala niyang nagkaroon ng pagkakataon si Damion na guluhin si Czarina, ngunit binalewala na niya iyon dahil nakabawi naman na si Damion.Gayunpaman, may naalala si Czarina mula sa sinabi ni Wendy na gusto niyang pag-usapan.“Anong sinabi niya?”Saglit siyang nag-isip. “Sabi niya, parang may sinusunod na script si Damion kapag kaharap niya ang mga impostor. Sobrang perpekto ng pakikitungo niya sa kanila, pero parang… hindi totoo.”Natahimik si Tito Fran.“Pinag-isipan ko rin iyon,” patuloy ni Czarina. “At baka tama siya.

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   566 - Scripted

    HINATID SILA NI Damion sa isang mamahaling restaurant. Pagdating nila roon, nakahanda na ang pagkain na nauna na pala nitong ipinag-utos bago pa sila sumakay sa sasakyan.“If you feel like it’s not enough, or if you don’t like anything on the table, just order more.” Bahagyang tumingin si Damion sa kanilang dalawa. “Oh, I already prepaid one thousand pesos. That should be enough for the two of you. Kung hindi pa rin sapat, I suggest you go to the hospital and have yourself checked. Maybe you have some kind of illness.”Napakurap si Czarina. Napaka-thoughtful sana ng mga ginawa ni Damion kung hindi lamang niya idinugtong ang huling pangungusap. Mas sincere sana ang pasasalamat nila.“Thank you for your concern, Mr. Marquez,” mahinahong sagot ni Wendy bago pa man makapagsalita si Czarina. “Kakain na ako, so we’ll have to go.”Nag-aalala si Wendy na baka kung ano na naman ang masabi ni Czarina at tuluyang maubos ang pasensya ni Damion. Kaya agad niya itong hinila papasok sa tea restauran

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   565 - Hungry

    “DO YOU WANT ME TO TAKE CARE OF YOU?”Napalingon silang dalawa. Nakatayo na pala si Damion sa may hagdan, hawak ang bag nito at mukhang narinig nito ang huling sinabi ni Czarina.Napakurap si Czarina.Oops… Pero wala na rin siyang ganang mahiya.Kunot-noo niya itong tiningnan. “Hindi ba maliligo ka? Bakit ang bilis mo namang bumalik?”“Walang tubig.”“Ha?”“May water interruption.” Nagkibit-balikat si Damion. “Uuwi na lang muna ako sa amin para makaligo at mag-ayos.”Nanlumo si Czarina. Walang tubig? Eh ‘di mas lalo kaming walang maluluto!Lalong nadagdagan ang problema niya.Dahan-dahan siyang yumuko hanggang sa tuluyan nang sumubsob ang mukha sa mesa.“Lord…” mahinang ungol niya. “Bakit parang lahat na lang ng malas sa 'kin napupunta?”Tahimik siyang pinagmasdan ni Damion. Bahagya itong nakaramdam ng konsensiya. Kung tutuusin, siya ang nakaubos ng almusal ni Czarina.Makalipas ang ilang sandali, nagsalita ito. “Mukhang wala rin si Tito Fran.”Tumango si Czarina nang hindi man lang n

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   564 - Do You Want Me To Take Care Of You?

    “NAGKABALIKAN NA BA KAYO NI DAMION?”Nanlaki ang mga mata ni Czarina. “What? No!”“Oh, eh, bakit nga nandito siya?” Kunot-noong tanong ni Wendy, saka ito naningkit. “Alam mo, Zari, sabihin mo na lang. Pinapahirapan niyo pa ang mga sarili niyo.”Napapikit si Czarina saka bumuga ng hangin. “Wala talagang namamagitan sa amin. Siya lang talaga ang nagpumilit na tumira rito.”“Bakit naman?”“Pinapunta siya rito ni Papa Alej para mag-sorry sa ‘kin.” Napangiwi siya. “Eh kilala mo naman si Damion. Siyempre, labag sa loob niya iyon.”Nagkibit-balikat siya. “Kaya ang ginawa niya, dito na lang tumira para asarin ako.”Napahawak si Wendy sa baba habang pinag-iisipan ang paliwanag niya. “Ang explanation mo...”Napangiti si Czarina. “May sense naman, 'di ba?”Tiningnan lang siya ni Wendy bago umismid. “Nonsense.”Alam naman ni Wendy kung bakit. Pero wala siya sa lugar para sabihin iyon. Ang tanging masasabi niya na lang ay talagang ‘tanga’ ang kaibigan niya.Napailing siya.“Eh wala na akong ibang

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   563 - He’s Living Here Too

    NANG MAGISING SI CZARINA kinabukasan, napansin niyang nasa hindi pamilyar na lugar siya.Agad siyang napabalikwas sa takot. “Hala! Kinidnap ba ako ni Damion?” kinakabahan niyang saad. “Posibleng mangyari ‘yon! Galit na galit ‘yon matapos ko siyang suntukin kagabi! Nagtatanim pa naman ng sama ng loob ang lalaking iyon!”“Habang tulog ako, dinala niya ako rito… Sandali... Ano’ng balak niyang gawin sa ‘kin?” Nanlamig ang buong katawan ni Czarina. “Ayoko nang isipin!”Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Marahan siyang bumaba ng kama at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Sisilip lang sana siya at tatakas kapag walang tao. Pero paglabas pa lang niya ng pinto, nakita niya si Tito Fran.“Tito Fran!” Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. “Mabuti nandito kayo!” Mabilis siyang lumapit dito. “Kinidnap din ba kayo ni Damion?”Natigilan si Tito Fran, saka napakamot sa batok. “Ha? Anong kinidnap, Miss?” naguguluhang tanong nito. “Nanaginip ba kayo?”“Uh...”Natigilan si Czarina. Mabilis niyang sinilip

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   344

    IBA NA ANG PAGBUBUNTIS ni Czarina ngayon—hindi siya masyadong inaantok pero sobrang weird ng panlasa niya. ‘Yong mga dati niyang favorite, hindi na niya maatim, habang naadik naman siya sa maaasim tulad ng manggang hilaw—specifically mango carabao.Inaalagaan siya ng pamilya niya, pero habang tumata

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   324 - Punishment

    “THIS WAS YOUR CHOICE.”Gumalaw ang panga ni Damion. “Hindi ko pinprotektahan si Cassy. I just haven’t thought of a good way to deal with her yet.”Napaismid si Czarina, hindi naniniwala. “Simple lang naman, Damion. Ibigay mo siya sa mga pulis at sila na ang bahala. Or kung gusto mo, putulin mo ang

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   308 - Three Boxes

    MATIGAS ang ulo ni Czarina kaya sinundan na lang siya ni Damion para siguraduhing ayos siya. Pagkatapos ng exhibition, nagustuhan na ni Czarina ang mga artwork at napaisip pang bumili ng ilang handicrafts para sa sarili niya at sa lola niya.Habang pumipili siya, sandaling lumayo si Damion para sagu

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   265 - The Talk

    “RINA… ARE YOU AWAKE? COME OUT FOR A MOMENT. I NEED TO TALK TO YOU.”“Later na tayo mag-usap,” sabi ni Czarina kay Wendy. “Hindi ko alam kung ano na namang balak ni Damion.”Pagkababa ng tawag, lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Matalim ang tingin niya kay Damion. “Ano?”Umubo si Damion, halata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status