MasukHi there! If you enjoyed this book, I’d really appreciate it if you could leave a short review. Your feedback means a lot! <3
HINDI NA PINANSIN PA NI CZARINA si Damion at walang sabi-sabi itong lumabas ng silid. Magulo ang isip ni Czarina ngayon, kaya gusto niyang maghanap ng tahimik na lugar para pakalmahin ang sarili.Para hindi siya madisturbo, nagpunta siya sa hardin at nagtago sa may malaking puno.Gusto niyang isa-isahin sa isip ang lahat ng sinabi ni Damion, pero nanginginig ang mga daliri niya at hindi niya talaga kayang mag-concentrate.Kaya ipinikit na lang niya ang mga mata niya at pinilit na pakalmahin ang sarili. Buhay pa si Kuya…Paulit-ulit na umikot sa isip niya ang mga salitang iyon. Unti-unti ring kumalma ang paghinga niya. Pero hindi nagtagal, may marahang yabag na papalapit sa kanya.“Zari?”Nang marinig niya ang kalmadong boses ni Tito Fran, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Czarina. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya.“Ikaw nga. Ang lamig dito. Bakit ka naman nakaupo rito?”Yumuko si Czarina at mahina ang sagot. “I… gusto ko lang maglakad-lakad dito. Tapos naupo muna ako nang mapago
“I LIKE YOU.”Agad na nanlisik ang mga mata ni Czarina kay Damion, na para bang kaya siyang sunugin ng tingin.Hay.Sa tuwing umaamin siya ng feelings niya, lagi lang siyang nakakatanggap ng malamig na tingin mula kay Czarina. Pakiramdam tuloy ni Damion, unti-unting niyuyurakan ang natitirang self-esteem niya.Pero kahit niyuyurakan na iyon, wala rin naman siyang magagawa. Pupulutin niya pa rin ito, lilinisin, at itatabi para magamit ulit sa susunod.“Okay, okay. Hindi na ako magsasalita,” sabi niya sa mahinahong tono. “Every time I try to speak my mind, lagi mo akong tinitingnan nang ganyan.”“Sino bang gustong makarinig ng true feelings mo? Bilisan mo na lang—”“Eating, right?” mabilis na salo ni Damion. “Let’s eat. Mauubos ko rin ‘to.”Tinupad naman ni Damion ang sinabi niya. Kahit mabagal siyang kumain, naubos pa rin niya ang lahat ng pagkain.Pagkatapos kumain at uminom nang sapat, napahawak si Damion sa tiyan niya. Biglang kumunot ang mukha nito na para bang nasasaktan.Ano na n
“WHATEVER YOUR REASON, I’M HAPPY TO SEE YOU.”Gusto sanang lumapit ni Damion kay Czarina pero nang maalala niya ang tungkol sa leg niya, sumuko rin siya.Napatingin si Czarina kay Damion at napansin niyang malaki ang ibinawas ng timbang nito, kaya mas naging defined ang mga features niya. Bahagyang nakababa ang mga mata nito, at ang makapal nitong pilikmata ay nag-iwan ng anino sa mukha niya, na para bang may kung anong hindi masabi.Kapag may sakit ang ibang tao, nanghihina at mukhang kawawa. Bakit itong lalaking ’to, lalo pang gumwapo? Baka nagpa-plastic surgery at nagpapahinga lang para matapos ang recovery period?Biglang may pumasok na kung ano sa isip ni Czarina, pero nang mapansin niyang nakangiti sa kanya si Damion, agad niyang inayos ang ekspresyon niya.“Stop saying such mushy things. Hey, I’m asking you, ano ba talagang sakit mo? Bakit ka araw-araw nasa kuwarto at hindi lumalabas?”Nakangiting tumingin si Damion sa kanya. “Are you concerned about me?”“Paano ka nagkakaroon
“ANO INIISIP MO?” tanong ni Wendy nang makitang tulala si Czarina matapos itong pagsalinan ng tsaa bago umupo sa tapat niya.Nang mag-angat ng tingin si Czarina, nakasalubong niya ang nagtatakang tingin ni Wendy. Sinundan nito ang tingin niya at nakita ang mga sasakyan sa harapan.“Ano’ng tinitingnan mo, Zari?”Inilihis ni Czarina ang tingin at nagkunwaring normal lang. “Wala. Medyo pagod lang ako at napaisip.”“Oh, uminom ka muna ng black tea. Hindi naman mukhang ganoon kainit ngayon, pero buong umaga tayong naarawan. Pula na tuloy ang balat ko.”“May aloe vera face mask ako. Pagbalik natin sa Marquez Family home, ipapahid ko sa’yo.”“Pagbalik natin sa Marquez Family home?”Ngumisi si Czarina. “Of course. Kung hindi, paano ko naman mauubos ang basket ng mga gulay na binigay mo?”Tuwang-tuwa si Wendy. “Kung gano’n, kukuha rin ako mamaya ng isang matabang tupa.”“Are you kidding me? Pinapakain lang natin ng damo, tapos kakainin mo rin pala?”“Pinapakain natin ng damo para tumaba at mag
“KUNG KURYOS KA TALAGA, BAKIT HINDI MO PUNTAHAN ANG KWARTO AT TINGNAN SIYA? SIMPLE LANG NAMAN.”Umayos ng upo si Czarina at agad na tumanggi. “No way! Niloko niya ako, tapos gusto niya akong pumunta sa kuwarto niya? No way!”“Then relax at ‘wag kang masyadong mag-isip.”Muling napayuko si Czarina. Inilagay niya ang daliri sa ibabaw ng mesa habang mahina niyang sinabi, “But I’m just curious. I wonder what kind of scheme he’s up to this time, and where I am in this plan.”“Miss, you’re overthinking it. With me here, he won’t be able to scheme against you.”“That makes sense.”Pakiramdam ni Czarina ay medyo nagpapaka-praning na siya, kaya tumigil na siya sa pag-iisip tungkol doon at biglang nagmungkahi,“Tito, kung lumabas kaya tayo?”“Saan naman tayo pupunta?”“Doon sa farm na pinuntahan natin last time. Hindi ko naman na-enjoy nang maayos noon dahil sa nangyari kay Damion. Gusto rin daw pumunta ni Wenwen, kaya tayong lahat na lang ang sumama. Isama natin si Tiantian para makapag-enjoy
“...’WAG NA ‘WAG MONG GAGALAWIN SI TIANTIAN!”Nang makakita si Wenwen ng maliit na tren, agad siyang tumakbo at pumila, dahilan para lalo nang pagsisihan ni Czarina ang pagsama sa kaniya. Tinawag niya si Wenwen para umalis, ngunit tumanggi ito at hinikayat siyang sumakay kasama si Tiantian, dahil puwede rin namang sumama ang mga matatanda. “May kailangan bang samahan ka?” Ngumiti si Wenwen kay Tiantian. “Tiantian, gusto mo bang sumakay sa little train kasama si Auntie? Masaya ’yon!”Hindi naman naiintindihan ni Tiantian ang sinasabi niya, pero natuwa ito sa nakangiting mukha ni Wenwen at inabot ang pisngi nito.Lalong natuwa si Wenwen. “O, ’di ba? Gustong-gusto ni Tiantian! Ako na ang magbuhat sa kaniya. Sama-sama tayong sumakay sa little train at tuklasin ang unknown world!”Sa kabila ng pag-aatubili ni Czarina, nakasakay pa rin sina Wenwen at Tiantian sa maliit na tren. Tuwang-tuwa si Wenwen at pinakuha pa siya ang pictures kay Czarina. Matapos ang ilang oras, si Tiantian ay nana
PERO HINDI PA TULUYANG nakakalayo si Cassidy nang marinig niya ang boses ni Czarina.“Tubig… Tubig…” nakapikit at mahinang usal ni Czarina.Agad na kumilos si Damion. Kinuha niya ang baso, pinuno ng tubig, at mabilis na lumapit.With a gentleness that felt too natural, inalalayan niya si Czarina paa
MATAPOS SABIHIN IYON NI DAMION, iniwan niyang mag-isa si Cassidy sa silid nito. Nang marinig ni Cassidy ang pagsara ng pintuan, hindi niya mapigilang maiyak. Napakuyom siya ng kamao na halos bumaon na sa palad niya ang matulis nitong kuko, pero wala siyang ibang nararamdaman kundi sakit sa puso.“W
KINABUKASAN, dumalaw si Wendy sa mansyon ng mga Marquez dahil sa labis na pag-aalala niya kay Czarina. Halos isang buwan na niyang hindi nakikita ang kaibigan.“Zari, have you been sick lately?” tanong ni Wendy. “Hindi ka na pumapasok? May nangyari ba?”Sinuri ni Wendy ang kaibigan mula ulo hanggang
DAMION’S PENTHOUSE.Matapos magsalita ni Czarina kanina na halos tumagos sa puso ni Damion ay bigla itong nawalan ng malay. Hindi niya ito kayang dalhin pauwi sa kanila dahil papagalitan na naman siya ng kanyang ama, kaya naman ay dinala niya si Czarina sa kanyang penthouse.Dahan-dahan na inihiga







