Share

Chapter 2

Chapter 2

Lumipas ang isang linggong puno ng galit ang isip at puso ko. Damn! I can't move on. Hindi ko makakalimutan ang nagawa sa akin ng lalaking iyon. I'll sure to make him pay! Magbabayad siya sa pagsagot-sagot sa akin. Siya lang ang nakakagawa sa akin no'n. For the first record in the history, I'm defeated. Tumatak na sa utak ko na kapag ikaw ang naunang umalis, it means you are the winner. Sa nangyaring iyon, ako ang natiklop. Siya ang nagwalk-out at hindi ako! It really hurt my ego but there's still many days to come. Maliit lang ang Pilipinas kaya alam kong makakaganti rin ako sa mayabang na lalaking iyon. Just wait.

"Woah..I miss you Bibay Macabait, ang taong ubod ng ganda ngunit ugali niya'y kay pait" sabay yakap ni Beverly sa akin nang dumalaw ito sa bahay.

"Nahiya naman ako sa iyo Beverly Magdalena, sungay mo rin ay parang kadena" patula kong sagot sa kanya. And yeah, that's how we greeted each other. I hugged her too. Namiss ko rin ang pangit na babaetang ito. Saan ba kasi siya nagpupunta?  

Her name is BEVERLY MAGDALENA. Masaklap mang aminin, but she's my bestfriend. Mayaman din siya dahil magulang niya rin ay isang negosyante. They are the top 4 in the rank. Mula pagkabata ay magkaibigan na kami. You're definitely right! Hindi lang mga magulang ang konektado sa amin kundi pati na bituka at utak naming dalawa. She's a bitch, too. Hindi lang halata.

Umayos siya ng upo at kaagad na kumuha ng chips na nasa mesa. We're now in the swimming pool area. Maganda kasi rito kasi ang kinauupuan namin ay nasa ilalim ng puno. Anytime, pwede ka ring magswimming kung gusto mo.

"Where the hell have you been Magdalena?"mataray kong tanong sa kanya. I prefer to call by her surname kasi tinatawag niya akong Bibay. Ginawa ko lang fair and square.

"Travelling abroad. Why? Did you miss my beauty? Eww, that's gross" nakangiwi niyang sagot.

Kaya pala isang linggo itong hindi nagpakita dahil nagwaldas na naman ng pera. Well, we've had the same vibes. Pareho rin kaming mga matitigas ang ulo. Puno ng konsimisyon ang mga magulang sa amin lalo na't parehas kaming only child. Wala na silang magagawa dahil ganito na kami. May kasalanan din naman sila dahil puro negosyo lang ang inaatupag. Hello! May anak din kaya sila. I never avoid to accused my parents for having a spoiled bratinella daughter. If they've watched me growing, I'm not going to be like this. Siguro mabait din ako ngayon.

"May nangyari ba habang wala ako?" Namilog ang mga mata niya habang sinasabi ito. Curious na ang gaga. Basta ganyan ang ekspresyon niya tiyak hinding-hindi ka titigilan.

I took a sip from my lemon juice. " None" I lied even though mayroon naman. "As usual, my lifestyle is very boring" I added.

If ever I told her the details, it would be my biggest embarrassment ever. She will laugh at me for sure. Kapag nalaman niyang ang isang Fern Erica ay natiklop lamang ng isang walang hiyang lalaki, tiyak akong pagtatawanan niya ako hanggang bukas or more than that. She will tease me about it at hindi ako papayag no'n. Mas mabuti ng magsinungaling kaysa malaman pa niya ang totoo. I'll just keep it as my secret.

"Are you sure?" paninigurado niya.

"Do you doubt me, Magdalena?" Napataas ang kilay ko na mukhang effective naman.

"Fine, fine...." She raised her both hands as if she's beaten by someone. Kung alam mo lang, Magdalena. ".... I know myself na wala akong laban sa isang Bibay Macabait" Napahalakhak siya.

"You said na boring ka, right? " Humalikipkip ito. " Well, alam ko na kung paano masolusyonan ang pagkainip mo and I know, you will enjoy it"

"Then, how? What is it?"

"Huwag kang atat, Bibay. It will be a hard game and I'm sure that it will be a challenge for you. I know you can surely do it, Macabait. Ikaw kaya ang top 1 sa may pinakademonyang ugali kaya yakang-yakang mo ito" sabi niyang nakakapaggulo ng aking isipan. She's serious when she delivered it.

"Straight to the point, Magdalena" mariin kong saad sa kanya.

"Chill lang, Bibay. Okay, this challenge of mine is called ''OPLAN: SEDUCING MR. ENGINEER...."

"What? Are you insane? What kind of challenge is that, Magdalena? Baliw ka ba?" Napabuga ako ng hangin dahil sa mga pinagsasabi niya. Naloka na. Lumawag na ata ang tornilyo ng babaeng ito. My ganyan bang challenge ngayon?

"So, it means ayaw mo? Okay, kapag hindi ka pumayag, I will post in social media with a caption, ''BIBAY MACABAIT NA HALANG ANG BITUKA, NATALO NG ISANG DYOSANG MAGDALENA''. Hindi ba ang ganda?" She grinned.

Napatayo ako dahil sa binitiwan niyang mga salita. " One more words, Magdalena. I will ripped off your neck" I smiled devilishly. Hindi kami nag-aaway, this is just how we interact when our conversation getting serious.

Tumayo rin siya at tinititigan ako, mata sa mata. " Accept or I'll post it?" Napahalakhak ito. "It will be my greatest victory if you won't accept it, Macabait"

Fuvk! Binablackmail ako! Hindi naman sa ayoko sa paandar niya but the hell, hindi ako ang taong unang lumalapit sa lalaki! Sila ang lumalapit at nagbibigay motibo sa akin, hindi ako! Mababawasan ang pride ko kapag nagkataon.

"I'm waiting for your answer, Macabait" Ngumiti siya. Ngiting tagumpay. Humanda ka lang sa akin Magdalena!

"Okay, okay! I'm not a coward, Magdalena so don't try me" I answered. For the sake of my pride, I will deal and accept her challenge.

"Good" Tiningnan niya ang iPhone niya at bumaling ulit sa akin. " May date pala kami ng boylet ko and I'm already late. So, I'll just chat you later. Be ready for it, Macabait" aniya at kaagad na kinuha ang handbag.

"Fine. Goodbye bitch" I told her and kissed her cheek. Kaagad siyang umalis na para bang nanalo ng loto. Ang gaga, naisahan ako!

I forgot, Magdalena was also a cassonava. Kahit babae iyan pero araw-araw iyang nagpapalit ng lalaki. Walang palya. Hindi naman kagandahan ang babaeng iyon. Walang taste ang mga lalaki niya. But, I'm happy for her. Besides, she's my only trusted friend I ever had. 

I have no appointment for today. I want to relax first. Buong araw ay nasa mansion lang ako. Kain, tulog, video chat with my parents and I also did yoga. Kahit panay kain ako but I need to maintain my sexy figure. Kailan ko itong pagkaalagan dahil ito'y isa sa mga puhunan ko.

I was in the middle of watching romantic movie when my phone beeped. I got my phone in the table. I opened it and one message appeared. It was from, Magdalena. I thought she'd forgot it already knowing that she's very occupied with her boys.

"Gd eve, Bibay the bitch! Utterly, this man na iseseduce mo is evil as the devil. He's hard to get kaya nga challenge, right? Takot ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Dahil alam kong demonyita ka rin so kayang-kaya mo ito. I will just send the name of that person. Be ready to face hell, Macabait!"

That was the nonsense message that Magdalena sent to me. Suss! Tinatakot pa ako. Being scared are the two words that aren't listed in my dictionary. 

"TOBIAS HUNTER PETROVICH. Iyan ang lalaking iseseduce mo, Macabait! I will give you three months to seduce him" 

What a nice name? Maganda nga ang pangalan pero hindi ko nga kilala but, I don't care!

"Then, what's the prize if I'll accomplish that challenge, Magdalena?" I replied. Hinding-hindi ko talaga ito gagawin kapag sa huli'y wala rin naman akong makukuha mula sa kanya. Siguraduhin lang ng Magdalenang ito na meron kundi malalagotan ito ng hininga ng wala sa oras.

"If you'll passed my challenge, I will give the resort that you've liked the most plus plane tickets to Iceland"she texted.

My eyes sparkled when she mentioned my favorite resort which is owned by her. Now, I'm eager to accept her challenge. Nakataya dito ang favorite resort ko. And, I'll make sure na makukuha ko ito. Maseseduce ko ang Petrovich na 'yan!

"Satisfied. Wait, sino ba iyang Petrovich na iyan?" I asked.

" Hindi mo kilala?! Taong bukid ka ba, Macabait?! One of his description, he's the richest among us. Siya ang pinakamayaman. Just search him so that you'll know the man that you'll seduce. Remember, three months,Macabait kundi babye resort"

I off my phone after her last message. That annoying brat! Sinabihan pa ako ng taong bukid. Wala nga akong paki, hindi ba? Makikilala ko rin iyang taong 'yan. She's really getting into my nerves.

Pagkatapos ng movie ay kaagad akong tumalima sa aking kwarto. Without any hesitant, I sat on the chair and opened my laptop. I also wore my eyeglass to avoid its radiation. I typed the name '' Tobias Hunter Petrovich'' then entered. Thankfully, his information wasn't private.Madali lang palang hagilapin ang taong ito kahit medyo maliit lamang ang mga detalye na nasa internet. At least meron.

I clicked the first few text and read it silently.

" Tobias Hunter Petrovich is 23 year old business tycoon. Petrovich is a license Electronic Engineer and the CEO of the newly built company 'Petrovich Corporation'. He owned a lot of properties all over the world and all of those properties was named on him after his parents died due to plane crash. In addition, he consistently took the first place among all the richest people of the world. Regarding his personal life, he never had a serious girlfriend for the fact that he focuses more in business than girls. With his innovative ideas and at a young age, Petrovich conquered the world despite of hurtful words thrown by some people" it reads.

After reading it, I just totally in shock. Nasa 20's na ako pero wala pa akong nasisimulan kumpara sa kanya na hindi na mabilang. Ang yaman pala ng iseseduce ko. Kaya pala nangangalawa lang ang apelyido ko. I'm now contented with his few info but I was still curious because literally speaking, hindi ko pa nakikita ang pagkakakilanlan niya. I scrolled down and my eyes got widen when I saw his appearance.

Damn! Shit! Shit! Anong kahibangan itong nakikita ko? Namamalikmata ba ako o hindi? But I'm not. Hindi ako nakatulog o natutulog. Gising na gising ako. I also pinched myself just to convinced that I'm really dreaming. Nasaktan ako sa ginawa ko proving na wala talaga ako sa gitna ng panaginip. I'm sailing in the reality.

What the hell, Magdalena? Curse you! Sa lahat ba naman ng lalaking ipinapaakit mo ay ito pang walang hiya at walang modo? She really enjoyed playing with me.

I even zoomed in the picture to clearly visualize it but it doesn't change. Ang nakikita ko pa rin ay ang lalaking tarantadong nakangiti na nakasuot ng black tuxedo.It suits him kasi maitim rin ang budhi. He's definitely speaking the truth, na hindi siya kabilang sa mga taong santo dahil siya mismo ay si Lucifer na alagad ng demonyo.

I devilishly smiled when realization hits me. Mukhang umaayon nga sa akin ang tadhana. Pagbabayaran niya talaga ang ginawa sa akin. At sisiguraduhin kong ihuhulog ko siya sa nakahanda ko ng bitag.

You got it right!

 That Tobias Hunter Petrovich is the arrogant jerk I've encountered a week ago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status