Uy.. dalawa lang kayo dyan ha...
DracoHindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang mga magulang ni Margaux. Wala silang binanggit noong tumawag sila para ipagkatiwala sa akin si Sugar bago sila umalis. Wala ring eksaktong petsa kung kailan sila babalik maliban sa sinabi nga nla na before graduation ng kanilang anak, at kahit pilit kong maging kalmado, hindi mapakali ang loob ko.I’m actually happy about it, na sa akin nakadepende si Margaux ngayon. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagdududa. Hindi naman siguro may tinatago silang dahilan. Wala sanang masamang nangyayari, at lalong wala sanang kinalaman ang pag-alis nila sa isang bagay na pwedeng makasakit sa mahal ko.Kilala ko ang mga magulang ni Margaux. Nakita ko kung paano nila siya alagaan, kung gaano nila siya kamahal, pero bakit ganun? Parang may bumabagabag sa akin. Still—“Argh!” Pinilig ko ang ulo ko, pilit itinataboy ang gumugulong na tanong sa isip ko. Mas minabuti kong magtrabaho na lang. Ayokong matagalan pa sa opisina. Gusto kong umuwi nang maa
DracoHindi ko na rin alam kung paano ko natapos ang mga papeles at report na kanina’y nakahilera pa sa lamesa ko. Simula nang lumabas si Samuel sa opisina ko, para akong binagsakan ng kung anong bigat. Pakiramdam ko’y may tinik akong nilunok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip kung tama bang pinayagan ko siyang dito na magtrabaho.Oo, sa pamilya naman ang kumpanya, pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ang lahat ng kapamilya ay nasa paligid ko, lalo na kung ang presensya nila ay parang lason na unti-unting kumakalat sa sistema ko at nagbibigay ng pangamba sa akin.Wala namang masama sa sinabi niya. Wala namang direktang pambabastos o pang-aalipusta, pero 'yung paraan ng pagkakabitaw niya ng salita, ‘yung mga titig niya, at ‘yung pagbibigay niya ng atensyon kay Sugar, hindi ko gusto. Hindi ako komportable. Hindi ako kampante. At ayoko sa lahat ng feeling na ‘yon.Umuwi ako sakay ng motor. Karaniwan na ito, si Kevin ang laging pinapagamit ko ng sasakyan, para kung sakali
MargauxAraw ng Linggo at nasa bahay lang kami ni Draco. Ayaw kong umalis. Hindi dahil may masama akong pakiramdam, kundi dahil tinatamad lang talaga ako. Isa pa, mas gusto kong sulitin ang buong araw na kasama siya dahil kung araw na may pasok ay masyado ko siyang namimiss."Anong ginagawa mo, Sugar?" tanong ni Draco matapos pumasok sa walk-in closet. Medyo messy ang buhok niya at mukhang bagong gising, pero sa totoo lang ay hindi naman dahil galing siya sa baba."Nilalagay ko lang 'yung mga damit na nilabhan at naplantsa," sagot ko habang inaayos ang mga neatly folded shirts sa drawer."Let me help you," aniya, sabay lapit. Hindi na ako tumanggi, syempre. Kung tutuusin, mas gusto ko pa ngang nagtutulungan kami sa ganitong mga simpleng bagay, parang may partner talaga ako sa buhay.Habang inaayos ang isang kahon ng mga lounge pants niya, napansin ko ang isang maliit na box sa ilalim. Pamilyar. Nakita ko na ‘yon dati. Parang biglang nanikip ang dibdib ko.“What is it?” tanong ni Draco,
MargauxGraduation day!!Sobrang saya ko, sobra. Parang lahat ng bigat na inipon ko sa loob ng ilang taon ay unti-unting nag-alisan sa balikat ko. Finally, tapos na rin ang ilang taong pagsusunog ng kilay.Yes, pagsusunog talaga ng kilay, literal at emosyonal. Ibinuhos ko ang lahat sa pag-aaral. Wala akong sinayang na pagkakataon. Ginawa ko ang lahat upang masiguro na masusuklian ko ang paghihirap ng aking mga magulang.Hindi ko man masukat ang sakripisyo nila, pero gusto kong kahit papaano ay maramdaman nilang worth it lahat ng pagod at puyat nila para sa akin.Ginawa nila ang lahat lahat para matugunan ang mga pangangailangan ko.Pangangailangan lang. Hindi ako lumaki sa luho. At hindi ako nagtampo doon. Hindi nila ako pinalaking spoiled, hindi nila ako pinaliguan ng mga materyal na bagay. Hindi dahil hindi nila ako mahal, o dahil wala silang kakayahan, kundi dahil gusto nilang matuto akong makuntento. Maging masinop. Maging mapagpakumbaba.“Hindi mo kailangang magkaroon ng lahat par
Margaux“Tita, baka po pwedeng makausap muna si Margaux.” Mahinahon ngunit may halong pakiusap ang tinig ni Sam. Nilingon ako nila Mommy, at saglit kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang bigat sa kanilang mga mata. Mga matang alam ang buong istorya, pero pinipiling manahimik.Hindi ko alam kung bakit ba patuloy pa rin si Sam sa pangungulit. Ilang beses ko na siyang tinanggihan, ilang ulit ko na ring nilinaw ang lahat. Wala na. Wala nang dapat pang hintayin o balikan.“Hihintayin ka na lang namin sa labas, anak,” ani Mommy. Malumanay ang tinig niya ngunit may pagbibigay-laya.“Bakit mo pa hahayaang kausapin ng lalaking ‘yan ang anak natin?” protesta ni Dad, bakas sa kanyang boses ang pangamba at galit. Ngunit tinapik lamang siya ni Mommy sa braso, saka siya nginitian ng may pang-unawang siya lang ang kayang gawin.Hinila niya si Dad palabas ng hall, habang ako nama’y naiwan sa presensya ng isang lalaking dati kong minahal.Naglakad kami ni Sam palayo sa karamihan, patungo sa bahaging tahim
MargauxMedyo mabigat sa dibdib ang naging dalahin ko pag-uwi. Parang ako ang naiwanan ng bagyong hindi ko inaasahan. Oo, mukhang sinubukan ni Sam na pagaanin ang kanyang kalooban, pero sa huli, ako ang naguluhan. Ako ang nabahala.Hindi dahil may gusto pa ako sa kanya. Hindi dahil may nararamdaman pa akong naiwan. Kundi dahil doon ko lang talaga naisip… na sa kabila ng lahat, sinaktan niya rin nang husto ang sarili niya.Dati, ako lang ang iniiyakan ko. Ako lang ang naawa sa sarili. Pero ngayon… mas masakit pala makita ang isang taong minsan mong minahal, na hindi na natutong bitawan ang alaala mo at naka move on na.Si Sam na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Siya ang kusang humiwalay, pero bago siya tuluyang nagpaalam, sinabi pa rin niyang… hindi pa siya tapos. Hindi pa raw siya sumusuko. At dahil hindi pa raw kami kasal ni Draco, may pag-asa pa raw siyang magbago ang isip ko.Pero kung ako ang tatanungin, bahala na siya sa buhay niya. Dahil ako? Ako, kay Cupcake na. Siya n
Margaux“Hanep! Lungkot-lungkutan ka?” taas kilay na tanong ni Yvonne habang nakapamewang. “Hindi ba pwedeng magpanggap ka man lang na masaya dahil kasama mo ako? Ano ba, puro na lang si Uncle ang nasa utak mo? Can’t live without him na ba ang peg mo ngayon, Bruh?”Ang lakas ng naging pagtawa ko dahil sa sinabi niya dahil sa masyadong animated nitong reaksyon. Kakarating lang namin sa El Nido, sa beach resort na pagmamay-ari ng pamilya ng isa sa mga classmates ko sa kolehiyo. Napakaganda ng lugar. Hangin pa lang, presko na presko na, parang pinapawi lahat ng stress sa dibdib ko kung meron man.“Lukaret! Masayang-masaya akong kasama ka dito! Hindi ko kailangang magpanggap, no,” sagot ko habang sumalampak ako sa sofa na may malambot na cushions. Nakapasok na kami sa cottage, at masasabi kong ang cozy ng vibes, perfect para sa isang escape na matagal na naming pinagplanuhan.“Siguraduhin mo lang, ha! Bruhilda ako kapag selos ang usapan!” natatawa niyang tugon habang umupo sa paanan ng sof
Margaux“Draco!” gulat kong sabi ng pagharap ko ay makita ko ang aking Cupcake. Kahit si Yvonne ay hindi makapaniwala. “What are you doing here?”“Na-miss kita eh,” sabi niya. Napangiti ako sa kilig at pagtingin ko sa kaibigan ko ay kita ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata kaya natawa na lang ako.Agad akong yumapos sa aking Cupcake na akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita. Sinandig ko ang aking pisngi sa kanya at saglit na pumikit upang damhin ang init ng kanyang katawan.Naramdaman ko naman ang pagpulupot din ng kanyang mga kamay sa akin ang mahigpit na yakap kasunod ang paghalik sa aking pisngi.“Ano, busog ka na?” Agad akong bumitaw kay Draco ng magsalita si Yvonne at nilingon siya. “Ngising-ngisi?”“Extra happy lang,” tugon ko naman kasunod ang pagdantay ng kamay ni Draco sa aking likod.“Kung naiinggit ka kay Margaux eh nandito naman ako.” Sabay kaming napatingin ni Yvonne sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang nakangiting si Kevin.“As if naman, mapupunan mo ang narara
Margaux“Nawawala ang kakambal mo,” sabi ni Daddy, halos pabulong. “Hindi mo alam dahil hindi namin pinapahalata sa'yo. Ayaw ka naming masaktan.”Napakunot ang noo ko. “Paanong nawawala? Ni hindi ko nga alam na may kambal pala ako!” bulalas ko, nanginginig ang tinig. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. Nanginginig, nanlalamig, at naguguluhan.“Nang ipinanganak ka— ang ibig kong sabihin, kayo ng kambal mo... may kumuha sa kanya sa ospital. Isang araw pagkatapos ninyong isinilang.” Bumigat ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon, parang bumulusok ang mundo ko sa isang bangungot.Hindi ako agad nakaimik. Paanong nangyari ‘yon? Paanong sa mahabang panahon ay napaniwala nilang nag-iisa akong anak? At higit sa lahat— bakit kinuha ang kambal ko?“At hindi niyo siya hinanap?” agad kong tanong, halos pasigaw. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit at pagkabigla.“Hinanap namin siya, anak. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya!
Margaux“Anak,” mahinang sabi ni Mommy, bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala habang parang itinulos sila sa kanilang kinatatayuan. Hindi ko gusto na makita silang ganon. Lumaki ako na palaging ang masayang mukha nila ang nakikita ko. Kung may pag-aalala man, iyon ay dulot ng ibang tao at hindi nila.“You need to tell me kung anuman ang tinatago niyo sa akin,” mariin kong sambit habang papalapit matapos kong maisara ang pinto, kasunod ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa office ka?” tanong ni Dad, halatang gustong ilihis ang usapan na ginawa niya lang sa tuwing nakakatunog ako sa surpresang gusto nilang ibigay sa akin.“I was worried,” sagot ko agad, hindi ko na nagawang itago ang panginginig ng tinig ko. “I overheard Rey talking to you over the phone. Mom called and said you’d be leaving for Maldives, pero maya-maya, narinig ko ‘yung assistant ko na pinag-iingat kayo sa Mindoro? Ano ba talaga? Saan kayo pupunta at bakit parang may hindi
MargauxPagkabuntong-hininga ng sasakyan sa tapat ng aming bahay ay agad kong binuksan ang pinto, hindi na hinintay ang kumpletong paghinto nito. “Sunod ka na lang,” mariin kong sabi kay Gustavo, pilit na ikinukubli ang kaba at pananabik sa dibdib ko. Bumaba ako nang hindi man lang hinintay ang sagot niya ang nasa isip ko’y isang bagay lang. Makausap agad sina Mama at Papa.Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa bahay. Tahimik ang paligid, tila masyado ring kalmado para sa isang tahanang dati ay puno ng halakhak. Dumiretso ako sa sala, ngunit bigo akong makita roon ang mga magulang ko. Saglit akong napahinto, naglakad-lakad ng kaunti, at noon ko lamang napansin si Yaya Belen na pababa mula sa hagdanan, may dalang tray na may baso ng tubig.“Ma’am Margaux,” aniya, tila nagulat sa pagdating ko.“Yaya, nasaan sila Dad? Umalis ba sila? Wala sila sa sala,” tanong kong aligaga.“Nasa study room po, Ma’am. Kakahatid ko lang ng tubig kay Sir Rex. Nag-uusap sila ng inyong Mommy.”“Salamat. Pupun
MargauxAgad akong bumalik sa aking opisina, bitbit ang bigat ng narinig ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinipilit kong huwag ipahalata ang tensyon sa dibdib ko. Ayaw kong malaman ni Rey na narinig ko ang pakikipag-usap niya sa aking ama. Hindi dahil sa kung ano pa man, ayaw ko lang na maalarma din ang aking mga magulang at baka kung ano pa ang isipin.Pagkaupo ko sa swivel chair, agad akong sumandal. Ramdam ko ang bigat sa balikat ko. Pumikit ako habang marahang minasahe ang aking sentido parang gusto kong pigain ang mga tanong sa isip ko para may masagot man lang."Calm down, Margaux," bulong ko sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili at nagpakawala ng sunod sunod na paghinga.Pagdilat ko ng mga mata, marahan kong pinatong ang aking mga braso sa armrest, saka tumitig sa kawalan. Ilang minuto rin akong nanatiling tahimik. Dinig ko ang mahinang tunog ng aircon pati na ang pag tik tak ng orasan na dati naman ay parang wala naman.Hanggang sa unti-unting nabuo sa isip ko an
MargauxNaiintindihan ko ang worry ni Draco. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang mararamdaman ko lalo na kung buhay ng mahal mo ang nakataya. At oo, aaminin kong natatakot din ako para sa sarili kong buhay.Pero sa tuwing naiisip kong may ginagawa ang asawa ko para protektahan ako, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng kumpiyansa. Lalo na’t may Gustavo akong nasa paligid na tahimik pero maasahan, parang aninong hindi sumusuko sa pagbabantay.Lunes ng umaga, nasa opisina ako’t abala sa pagsusuri ng mga kontratang kailangang lagdaan. Sa kalagitnaan ng pagtutok ko, tumunog ang cellphone ko. Isang notification. Hindi ko iyon pinansin. Kung mahalaga ‘yon, tatawag sila. Si Draco, sina Mom at Dad, o kahit si Yvonne. Walang magpapadala ng text kung emergency.Isa pa, kung trabaho naman, alam kong sa opisyal na number ni Rey dapat dumarating ang mga ganoong mensahe. Naka-assign iyon mula sa kumpanya.Binalewala ko ang message na iyon at tuluyan ko na rin iyong nalimutan. Hanggang sa tu
Draco“Cupcake, may problema ba?” Napalingon ako sa papalapit na si Margaux. Nasa study room/office ako sa unang palapag lang ng aming bahay, hindi nalalayo sa living area at kasunod lang ng malaking sliding glass door papunta sa lanai.Ngumiti ako sa kanya at umiling bago ko inangat ang aking kamay upang ayain siyang lumapit sa akin at kumandong. Nasa office table ako at ayaw kong maupo siya sa upuang nasa harapan ko.“Wala naman,” tugon ko ng tuluyan na siyang makaupo. Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at hinaplos ang kanyang pisngi.Simula ng mag-usap kami ni Joseph ay hindi na siya nawala sa isip ko. Nakisuyo na ako kay Gustavo na mag-assign ng taong susubaybay sa lalaki. Kinuha ko ang footage ng CCTV para may masimulan sila dahil wala naman akong idea sa kung saan ngayon ang lalaking ‘yon.Pero kahit na inaasikaso ko na iyon ay hindi pa rin ako matahimik. Nag-aalala ako para sa asawa ko.“Pero mukhang malalim ang iniisip mo ng makita kita dito…” tugon niya saba
Third PersonPinagmamasdan ng lalaki si Chiara habang mahimbing itong natutulog, waring payapa sa gitna ng kaguluhan ng damdamin niya. Nakahandusay ito sa tabi niya, hubad ang katawan, walang kamalay-malay sa bigat ng katotohanan na iyon, na kahit pa ilang ulit niyang angkinin ang babae, hindi pa rin niya ito ganap na makuha.Mahal niya si Chiara… ngunit sa tuwing naririnig niyang binabanggit nito ang pangalang Draco sa gitna ng pagnanasa, ay parang binibiyak ang puso niyang pilit niyang pinatitigas.Sa sobrang sakit ay napuno ng galit ang kanyang dibdib. Pinukol niya ng malamig na tingin ang babae. Gusto niyang sigawan ito. Gusto niyang ipaalala na siya ang kasama nito ngayon, siya ang niyayakap nito tuwing gabi.Ngunit sa halip, nanatili siyang tahimik. Sapagkat kahit ilang ulit niyang sabihing kalimutan na si Chiara, ay hindi niya magawa. Para siyang ikinadena sa babaeng ito, kahit pa alam niyang hindi siya ang laman ng puso nito.Tahimik ang gabi. Tanging marahang hilik ni Chiara a
Third Person“You said walang ibang babae si Draco!” galit na sigaw ni Chiara sa lalaking kaharap, nanginginig ang boses sa pagitan ng hinanakit at pagkabigo.“I trusted you. I gave everything you asked. Lahat ng kaya kong ibigay! Tapos ganito lang? Malalaman ko na lang, kasal na sila ng babaeng ‘yon?” Halos mabingi ang paligid sa lakas ng kanyang boses, ang mga ugat niya sa leeg ay sumisilip na rin na konti na lang ay halos pumutok na.Napakuyom ang kamay ng lalaki, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Sino ba ang mag-aakala na magpapakasal siya? Tsaka, hindi ba mas mabuting ngayon mo pa lang nalaman mo na wala kang mapapala? Masakit man, Chiara, pero totoo, hindi ka niya minahal.”“Shut up!” sigaw niya, sabay hampas sa dibdib ng lalaki. Halos malagot ang hangin sa dibdib ng lalaki sa lakas ng kanyang pagkakahampas.“I hate you! You tricked me! I gave you my body! Nagpakababa ako just so I could make sure na wala siyang mapupuntahang babae. Just so I could stop him from being so
Draco“Talaga ba?” tanong niyang may nakakalokong ngisi habang bahagyang tumataas ang kaliwang kilay. Walang alinlangan siyang sumandal sa, sabay dekwatro ng mga binti. Relaks pero may bahid ng pang-uuyam ang kilos niya. Hindi niya inaalis ang titig sa akin, waring inaabangan ang pinakamaliit kong reaksyon.Ramdam kong may binabalak siya. At kung tama ang hinala ko ay maaaring mabanggit niya si Margaux. Tiyak kong hindi lang basta muling pagdalaw ang pakay niya. Hindi ako magiging kampante at mas lalong hinid ko siya tatantanan.Matagal na rin simula nang huli naming pagkikita. Sampung taon na ang lumipas, pero hindi siya nagparamdam ni minsan. Wala akong narinig kahit anino ng balita tungkol sa kanya at sadyang pinili kong huwag nang alamin pa ang mga pangyayari sa buhay niya dahil naisip ko na wala na rin namang mangyayari.Nakailang beses na akong ipaliwanag sa kanya ang ginawa ng kanyang ama ngunit naging bingi at bulag ito. At kahit na matalik ko na siyang kaibigan ng mga panahon