Sulit na sulit talaga! At teka, anong meron sa isa pang matanda at batang makulit?
Margaux“Another trip?” tanong ko sa aking ama, bahagyang nagtaas ang kilay. Nasa hapag-kainan kami at kapwa bagong dating mula sa opisina na feeling pagod pero masaya. Nagulat ako sa sinabi niya, pero tinawanan lang niya iyon. Si Mommy, nakangiti rin habang nagsasalin ng sabaw sa mangkok ko.“Bakit, ayaw mo bang maglamyerda naman kami ng Daddy mo?” tanong ni Mommy, nakakunot ang noo pero may lambing sa boses.“Hindi naman sa ayaw ko,” sagot ko habang hinahalo ang kanin sa ulam. “Kataka-taka lang kasi. Hindi kayo usually nagta-travel, lalo na’t out of the country pa. Business trips lang ‘yung madalas.”“Exactly!” sabat ni Dad, sabay abot ng baso kay Mommy. “Ngayon na malaki ka na, at sa tingin namin ng Mommy mo ay kaya mo na ang company, hindi ba dapat naman na ang isa’t isa naman ang intindihin namin? You should understand us lalo na at may Draco ka na sa buhay mo.”Napakagat ako sa labi at saglit na natahimik. Totoo naman ang sinabi nila. Noon, halos hindi sila makaalis dahil ayaw ni
MargauxNaging sobrang busy at hectic ang mga araw ko. Parang wala nang patid ang pag-ikot ng mundo ko. Meetings, preparations, at kung anu-ano pang kailangang asikasuhin. Buti na lang at kahit papano, nakakausap ko pa rin si Draco. Through call, text, at sa gabi ay video call. Doon lang ako kumukuha ng lakas. Nakakabaliw na nami-miss ko na talaga ang gurang na 'yon, pero alam kong kailangan kong magtiis. May mas mahalaga akong kailangang harapin.Ang issue ko kina Mommy ay isinantabi ko muna. Hindi pa rin ako kampante dahil iba talaga ang tinatakbo ng isip ko. And if I'm like this, talagang hindi ako napapalagay. Ang tanging kahit papaano ay nagpapakalma sa akin ang ang mga ngiting ibinibigay nila ni Dad sa akin.Dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Nasa aking silid ako, nakaharap sa salamin habang inaayos ang sarili. Hinihila ko ang sarili kong mag-focus. Kailangan kong maging presentable dahil simula ngayong araw, hindi na ako si Margaux na college student lang. Ako na
Margaux“So. ito ang bahay niyo ni Draco?” tanong ni Dad. Nasa sasakyan kami at nagpahatid ako sa kanila ni Mommy after ng event. Ngumiti ako bago tumugon.“Yes, Dad. Our little modern love nest,” sagot kong may halong biro.“Modern love nest ka pa dyan. Ano ngayon ang gagawin mo sa bahay natin kapag nawala na kami ng Mommy mo?” tanong niya.“Dad!” bulalas ko.“Nagtatanong lang…”“Ayaw kong magtanong ka ng ganyan,” nag-aalala kong sabi.“Sus, akala mo naman mahal na mahal mo kami.” Ang itsura ni Dad ng tignan ko ay tila ito nagtatampo. Ng tumingin ako kay Mommy ay para naman itong nagpipigil ng tawa.“Mahal na mahal ko naman talaga kayo,” sabi ko agad. Ayaw kong isipin nila kahit na isang saglit na hindi.“Kaya ba may Draco na?”“Dad naman eh…” Biglang tumawa ng malakas ang aking ama at tuluyan na akong hinarap. Nasa driver’s seat siya at si Mommy ay katabi niya na ansa passenger seat habang ako naman ay nasa back seat.“I love you, anak. Kahit na anong mangyari ay lagi mong tatandaan
MargauxPagbukas ni Draco ng pintuan, agad kaming pumasok habang buhat niya ako. Hindi pa rin natatapos ang halikan namin, bawat dampi ng labi niya ay tila apoy na nagpapaliyab sa bawat hibla ng aking pagkatao. Ramdam ko ang init, ang pananabik, at ang bugso ng damdamin. Sa isip ko, ito na. Walang makakapigil. Ngunit bigla siyang tumigil.“I want you, Sugar,” bulong niya sa pagitan ng mabibigat naming hininga. “Pero may mas kailangan muna tayong unahin.”Napakunot ako ng noo. Nalito ako, at sa totoo lang, medyo nadismaya. Anong kailangan unahin? Sa gitna ng ganitong tagpo?Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa sala, karga pa rin ako na parang ayaw niya akong bitawan, at sa kabila ng kalituhan ko, may kakaibang kilig akong naramdaman. Para akong prinsesang ayaw niyang dumikit sa lupa.Maingat niya akong inihiga sa sofa, saka kumuha ng folder mula sa center table. Tumabi siya sa akin, hawak pa rin iyon.“You will have to sign this,” mahinahon niyan
DracoMy Sugar is really a tease. Pagkatapos ng mga nangyayari na sa amin ay napapansin kong sobra na ang pagiging mapanukso nito lalo na kung dalawa lang kami. And I admit, I fucking love it.Habang kasama siya ng kanyang ama sa kumpanya nila at inaalalayan sa pagpapatakbo nitong mga nakaraang mga linggo ay naging busy naman ako sa pag-aasikaso ng kasal namin. Lahat ng documents ay inayos ko pati na ang kay margaux sa tulong syempre ng kanyang mga magulang.Kaya hindi ko siya napupuntahan bukod sa talagang iniiwasan ko ang gawin ‘yon for security reason. May pakiramdam kasi akong may nakasunod sa akin sa lahat ng oras maliban na lang kung nasa office ako. At ayaw kong masundan ako ng kung sinuman ‘yon sa bahay namin ng Sugar ko.“Now that you have already signed, don’t ever think na makakaranas ka ng pahinga,” sabi ko ng maghiwalay ang aming mga labi.“I can’t wait,” napanukso niyang tugon bago muling nagsalpukan ang aming mga labi.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Talagang honeymo
Draco“Mukhang masayang masaya ka ah!” nakangising bati ni Kevin habang papalapit siya sa akin.Nasa office ako, nakaupo sa swivel chair habang nakatuon ang tingin sa cellphone. Kakatapos lang namin mag-usap ni Margaux, busy daw siya sa kanilang opisina pero sinigurado pa ring makausap ako, kahit sandali lang.Napangiti ako sa naalalang lambing ng boses niya, ngunit agad ko rin iyong tinakpan ng inis-inisang tono.“Shut up, Kevin.”“In love talaga, pre,” tugon niya habang lumalapit at naupo sa tapat ko.“Ngayon mo lang nalaman?” taas-kilay kong sagot habang pinipilit na hindi mapangiti.“Matagal na. Halata sa ‘yo, bro. Laway na laway at dead na dead ka sa Sugar mo! Grabe ka, para kang— para kang... groomer!”“Excuse me? Hindi ah!” mabilis kong depensa. “Hinayaan ko siyang maging masaya kay Samuel, kahit ang totoo, para akong pinupunit sa loob araw-araw.”“Tapos nung magkaroon sila ng problema... sinamantala mo agad.”“Hindi ko sinamantala! Kasalanan na ng pamangkin ko 'yon. Tanga siya
Margaux“Make sure na ready na ang lahat ng kakailanganin para sa contract signing natin with DZ Motors. Ayaw ko ng kahit na anong aberya kaya kailangan paghandaan ng mabuti ang lahat.” Ang contract signing namin ni Draco ay sa meeting room lang din naman namin gaganapin. Pareho kaming ayaw ng sobrang dami ng tao na hindi naman kailangan.“Yes, Ma’am Margaux.”“Thank you. You can leave.” Lumabas na si Rey, ang aking assistant. Siya na ang umaalalay kay Dad and now, sa akin na siya direktang nagrereport.Ang aming kanya-kanyang kumpanya na rin ang bahalang mag-post sa mga social media account para ipaalam sa tao ang aming partnership.Ang aking mga magulang ay hindi ko na napigilan sa pag-alis. Ang sabi nila ay kailangan naman nilang mag-relax na kaya sino ako para hadlangan iyon?Kahit na nahihiwagaan pa rin ako sa mga travel plans nila ay alam ko naman sa sarili ko na-deserve nila iyon.Anyway, ngayon na ako na ang namamahala sa aming kumpanya ay malaya silang gawin kahit na ano pa an
Third Person"Balita?" tanong ng lalaki sa kanyang kausap sa cellphone. Inilagay niya ito sa loudspeaker, sadyang idinidiin ang bawat salitang lalabas mula sa linya para siguraduhing maririnig ng babaeng kaharap niya ang bawat detalye. Naiinip na kasi ito na wala man lang nangyayari sa pagsubaybay ng taong inutusann niya para sundan ang bawat kilos ni Draco."Boss, araw-araw pa rin siyang umuuwi sa condo. Wala pong pagbabago," sagot ng lalaking nasa kabilang linya at sinisikap na maipaunawa sa kausap na parang wala namang saysay na sundann nila ang lalaki dahil wala naman itong ibang acitvity."Sigurado ka ba?" malamig at matalim ang tanong ng lalaki. Ang mga mata niya’y mariin na nakatitig sa babae na nakaupo ngunit halatang nanggigigil na sa inis, ang mga daliri ay mahigpit na nakalapat armrest ng inuupuang single seater na couch."Yes, boss. Umaalis lang ako pagkatapos ng dalawang oras, may taong nakapuwesto sa exit ng parking area. Ako naman ay naka-assign sa main entrance kaya sig
MargauxPagkabuntong-hininga ng sasakyan sa tapat ng aming bahay ay agad kong binuksan ang pinto, hindi na hinintay ang kumpletong paghinto nito. “Sunod ka na lang,” mariin kong sabi kay Gustavo, pilit na ikinukubli ang kaba at pananabik sa dibdib ko. Bumaba ako nang hindi man lang hinintay ang sagot niya ang nasa isip ko’y isang bagay lang. Makausap agad sina Mama at Papa.Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa bahay. Tahimik ang paligid, tila masyado ring kalmado para sa isang tahanang dati ay puno ng halakhak. Dumiretso ako sa sala, ngunit bigo akong makita roon ang mga magulang ko. Saglit akong napahinto, naglakad-lakad ng kaunti, at noon ko lamang napansin si Yaya Belen na pababa mula sa hagdanan, may dalang tray na may baso ng tubig.“Ma’am Margaux,” aniya, tila nagulat sa pagdating ko.“Yaya, nasaan sila Dad? Umalis ba sila? Wala sila sa sala,” tanong kong aligaga.“Nasa study room po, Ma’am. Kakahatid ko lang ng tubig kay Sir Rex. Nag-uusap sila ng inyong Mommy.”“Salamat. Pupun
MargauxAgad akong bumalik sa aking opisina, bitbit ang bigat ng narinig ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinipilit kong huwag ipahalata ang tensyon sa dibdib ko. Ayaw kong malaman ni Rey na narinig ko ang pakikipag-usap niya sa aking ama. Hindi dahil sa kung ano pa man, ayaw ko lang na maalarma din ang aking mga magulang at baka kung ano pa ang isipin.Pagkaupo ko sa swivel chair, agad akong sumandal. Ramdam ko ang bigat sa balikat ko. Pumikit ako habang marahang minasahe ang aking sentido parang gusto kong pigain ang mga tanong sa isip ko para may masagot man lang."Calm down, Margaux," bulong ko sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili at nagpakawala ng sunod sunod na paghinga.Pagdilat ko ng mga mata, marahan kong pinatong ang aking mga braso sa armrest, saka tumitig sa kawalan. Ilang minuto rin akong nanatiling tahimik. Dinig ko ang mahinang tunog ng aircon pati na ang pag tik tak ng orasan na dati naman ay parang wala naman.Hanggang sa unti-unting nabuo sa isip ko an
MargauxNaiintindihan ko ang worry ni Draco. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang mararamdaman ko lalo na kung buhay ng mahal mo ang nakataya. At oo, aaminin kong natatakot din ako para sa sarili kong buhay.Pero sa tuwing naiisip kong may ginagawa ang asawa ko para protektahan ako, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng kumpiyansa. Lalo na’t may Gustavo akong nasa paligid na tahimik pero maasahan, parang aninong hindi sumusuko sa pagbabantay.Lunes ng umaga, nasa opisina ako’t abala sa pagsusuri ng mga kontratang kailangang lagdaan. Sa kalagitnaan ng pagtutok ko, tumunog ang cellphone ko. Isang notification. Hindi ko iyon pinansin. Kung mahalaga ‘yon, tatawag sila. Si Draco, sina Mom at Dad, o kahit si Yvonne. Walang magpapadala ng text kung emergency.Isa pa, kung trabaho naman, alam kong sa opisyal na number ni Rey dapat dumarating ang mga ganoong mensahe. Naka-assign iyon mula sa kumpanya.Binalewala ko ang message na iyon at tuluyan ko na rin iyong nalimutan. Hanggang sa tu
Draco“Cupcake, may problema ba?” Napalingon ako sa papalapit na si Margaux. Nasa study room/office ako sa unang palapag lang ng aming bahay, hindi nalalayo sa living area at kasunod lang ng malaking sliding glass door papunta sa lanai.Ngumiti ako sa kanya at umiling bago ko inangat ang aking kamay upang ayain siyang lumapit sa akin at kumandong. Nasa office table ako at ayaw kong maupo siya sa upuang nasa harapan ko.“Wala naman,” tugon ko ng tuluyan na siyang makaupo. Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at hinaplos ang kanyang pisngi.Simula ng mag-usap kami ni Joseph ay hindi na siya nawala sa isip ko. Nakisuyo na ako kay Gustavo na mag-assign ng taong susubaybay sa lalaki. Kinuha ko ang footage ng CCTV para may masimulan sila dahil wala naman akong idea sa kung saan ngayon ang lalaking ‘yon.Pero kahit na inaasikaso ko na iyon ay hindi pa rin ako matahimik. Nag-aalala ako para sa asawa ko.“Pero mukhang malalim ang iniisip mo ng makita kita dito…” tugon niya saba
Third PersonPinagmamasdan ng lalaki si Chiara habang mahimbing itong natutulog, waring payapa sa gitna ng kaguluhan ng damdamin niya. Nakahandusay ito sa tabi niya, hubad ang katawan, walang kamalay-malay sa bigat ng katotohanan na iyon, na kahit pa ilang ulit niyang angkinin ang babae, hindi pa rin niya ito ganap na makuha.Mahal niya si Chiara… ngunit sa tuwing naririnig niyang binabanggit nito ang pangalang Draco sa gitna ng pagnanasa, ay parang binibiyak ang puso niyang pilit niyang pinatitigas.Sa sobrang sakit ay napuno ng galit ang kanyang dibdib. Pinukol niya ng malamig na tingin ang babae. Gusto niyang sigawan ito. Gusto niyang ipaalala na siya ang kasama nito ngayon, siya ang niyayakap nito tuwing gabi.Ngunit sa halip, nanatili siyang tahimik. Sapagkat kahit ilang ulit niyang sabihing kalimutan na si Chiara, ay hindi niya magawa. Para siyang ikinadena sa babaeng ito, kahit pa alam niyang hindi siya ang laman ng puso nito.Tahimik ang gabi. Tanging marahang hilik ni Chiara a
Third Person“You said walang ibang babae si Draco!” galit na sigaw ni Chiara sa lalaking kaharap, nanginginig ang boses sa pagitan ng hinanakit at pagkabigo.“I trusted you. I gave everything you asked. Lahat ng kaya kong ibigay! Tapos ganito lang? Malalaman ko na lang, kasal na sila ng babaeng ‘yon?” Halos mabingi ang paligid sa lakas ng kanyang boses, ang mga ugat niya sa leeg ay sumisilip na rin na konti na lang ay halos pumutok na.Napakuyom ang kamay ng lalaki, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Sino ba ang mag-aakala na magpapakasal siya? Tsaka, hindi ba mas mabuting ngayon mo pa lang nalaman mo na wala kang mapapala? Masakit man, Chiara, pero totoo, hindi ka niya minahal.”“Shut up!” sigaw niya, sabay hampas sa dibdib ng lalaki. Halos malagot ang hangin sa dibdib ng lalaki sa lakas ng kanyang pagkakahampas.“I hate you! You tricked me! I gave you my body! Nagpakababa ako just so I could make sure na wala siyang mapupuntahang babae. Just so I could stop him from being so
Draco“Talaga ba?” tanong niyang may nakakalokong ngisi habang bahagyang tumataas ang kaliwang kilay. Walang alinlangan siyang sumandal sa, sabay dekwatro ng mga binti. Relaks pero may bahid ng pang-uuyam ang kilos niya. Hindi niya inaalis ang titig sa akin, waring inaabangan ang pinakamaliit kong reaksyon.Ramdam kong may binabalak siya. At kung tama ang hinala ko ay maaaring mabanggit niya si Margaux. Tiyak kong hindi lang basta muling pagdalaw ang pakay niya. Hindi ako magiging kampante at mas lalong hinid ko siya tatantanan.Matagal na rin simula nang huli naming pagkikita. Sampung taon na ang lumipas, pero hindi siya nagparamdam ni minsan. Wala akong narinig kahit anino ng balita tungkol sa kanya at sadyang pinili kong huwag nang alamin pa ang mga pangyayari sa buhay niya dahil naisip ko na wala na rin namang mangyayari.Nakailang beses na akong ipaliwanag sa kanya ang ginawa ng kanyang ama ngunit naging bingi at bulag ito. At kahit na matalik ko na siyang kaibigan ng mga panahon
Draco“Since nandito ako sa Pilipinas, naisip kong kamustahin ka. Bakit? Masama ba?” tanong niya, kasabay ng pamilyar niyang ngising matagal ko nang hindi nakikita. Ngising may halong yabang at panunukso.Gusto kong paniwalaan na sinsero siya, pero ang kilos ng kanyang labi, ang malamlam pero nanunuyang sulyap ng kanyang mga mata, ay nagsisigaw ng babala. I'm sure that his presence here is not simple and innocent.“Wala ka man lang bang balak na imbitahin ako para maupo?” dagdag pa niya, habang ang kanyang mga mata ay tila sinusuri ang buong opisina na parang may hinahanap o tinatandaan.Saglit akong napatingin kay Kevin. Hindi man kami nag-usap, alam na niya ang ibig kong sabihin. Tumango siya at lumapit sa lalaki, kaswal na inilahad ang kamay.“Pasok ka. Have a seat,” mahinahong yaya ni Kevin, pilit pinapanatili ang propesyonal na tono.Tumango si Joseph at tumuloy na sa executive sofa sa kaliwang bahagi ng kinauupuan ko.Habang ginagawa niya 'yon ay pinagmamasdan ko siya. Kita ko na
DracoIniwan na ako ni Kevin. Gets ko naman ang punto niya. Alam naming pareho na hindi basta-basta makakalapit si Joseph kay Margaux lalo na't nandiyan si Gustavo, ang dating sundalo at tauhan ni Dad, na ngayon ay isa sa mga personal bodyguard ng pamilya. Pero kahit anong paliwanag pa ang gawin ni Kevin, kahit ilang ulit ko pang pilitin ang sarili kong magtiwala... hindi ko talaga kayang mapanatag.Joseph Garcia.Anong pakay mo sa asawa ko? Ano ang dahilan ng muling paglitaw mo sa buhay ko?Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha niya, yung dating matalik kong kaibigan. Si Joseph na ilang taon kong tinuring na kapatid. Lagi kaming magkasama noon. Kung saan ako, nandoon siya. Lahat ng kalokohan, tagumpay, at pangarap at magkatuwang naming plinano.Ang ama niya, isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni Mommy at ng yumaong ama nina Kuya Dennis. May kaya rin sila. Sa totoo lang, isa ito sa mga unang investor ng Alegre Construction. Isa siya sa mga nagtiwala sa aking ina at sa kanya