Uy, kabado si Sugar bigla... hahaha
MargauxIlang araw na akong balisa at parang laging may bumabagabag sa aking isipan. Hindi ko maikakaila, may halo itong kaba at pananabik dahil sa nalalapit na pagdating ng mga magulang ni Draco. Ayon sa kanya, 70th birthday na raw ng kanyang ina, kaya naman inaasahang engrande ang magiging selebrasyon.Hindi lang iyon ang bumabagabag sa akin. Ang sabi pa ni Draco, nabanggit daw ng Mommy niya na baka ito na ang hudyat para sa tuluyan niyang pagbabalik sa Pilipinas, para makasama ang mga anak, apo, at… ako.Ako.Ang babaeng ngayon pa lang niya makikilala. Ang asawa ng kanyang anak.Napabuntong-hininga ako habang pinipilit na ituon ang isip sa kasalukuyan. Ngunit kahit anong pilit, tila binabalik-balikan ako ng mga imaheng hindi ko pa man nakikita. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Nag-o-overthink ako dahil baka mamaya ay malaman nga nito na naging girlfriend ako ng apo niya. Susme!! Ano ang gagawin ko kapag nagkataon?“Ma’am Margaux?” tawag ni Rey, dahilan upang maputol ang aking
MargauxDahan-dahan kong tinanggal ang takip ng kahon, ang mga daliri ko’y bahagyang nanginginig habang ginagawa ito. May kung anong kaba na sumisiksik sa dibdib ko na parang may masamang balitang nakaabang sa loob nito. Nang tuluyan ko na itong mabuksan, bumungad sa akin ang mga shredded paper na nagsisilbing takip at panlinlang.Isa-isa ko silang inalis, ang bawat piraso ay tila mabibigat na hiningang binibitawan ko habang unti-unting lumilitaw ang nakatuping papel sa ilalim. Agad kong kinuha iyon. May kakaiba na akong naramdaman sa unang haplos pa lang. Parang malamig. Parang may dala itong sumpa.Dahan-dahan ko itong binuklat. Sa loob ay mga salitang ginupit-gupit mula sa iba’t ibang pahina ng magazine at dyaryo. Makalat, pero malinaw ang mensahe.“Habang ako ay naghihirap, namumuhay kang parang prinsesa! Kukunin ko ang lahat sa’yo! Panahon na para ako naman ang mapunta d’yan sa kinalalagyan mo!”Napalunok ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Napatitig ako sa papel, hab
Draco“Mommy, pauwi ka na rin lang dito... doon mo na lang kilalanin ng husto ang asawa ko," sabi ko sa aking ina na hindi mapakali sa Germany.“Draco ha, naiintriga na talaga ako. Gusto ko nang malaman kung sino ang asawa mo, bakit ba hindi mo pa sabihin? Tsaka bakit kailangan pa nating ilihim ito?”Napahawak ako sa sentido ko habang nakatitig sa malayo. “Ipapaliwanag ko kapag nakarating na kayo rito ni Dad. Seryosong bagay ito kaya kahit sila Kuya ay hindi pa alam ang tungkol dito.”“How about her parents? Alam ba ng mga magulang niya na ikaw ang asawa niya?” tanong ni Mommy, hindi pa rin sumusuko. Napabuntong-hininga ako, mahaba at mabigat.Sa totoo lang, natuwa ako nang bigla niya akong tawagan habang nasa airport ako nung dapat ay pabalik ako ng Germany. Ang saya ko nang sabihin niyang huwag na raw akong bumalik dahil sa Pilipinas na niya gustong ganapin ang kanyang birthday. She’s turning 70, at gusto niyang makasama ang kanyang pamilya, lalo na ang mga kuya ko at mga apo. That a
Draco“Hey, I need to talk to you, ASAP.”Napakunot noo ako sa biglaan at tensyonadong boses ni Sugar. Bihira siyang magsalita ng gano'n, kaya agad akong kinabahan.“May nangyari ba?” tanong ko agad. “Nasaan ka?”“On my way home. Something happened…” May kung anong panginginig sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba may malamig na hangin na dumaan sa likod ko. Mabilis akong sinaniban ng kaba at takot, yung klase ng kaba na kumakapit hanggang buto.Kasama naman niya si Gustavo, ang dati ay nagbabantay lamang sa kanya sa malayo. Ginawa ko ng driver niya at bodyguard. Pero nalaman ko na hinahayaan ni Sugar na magpahinga ito sa loob lang din naman ng company building niya. Bagay na ayaw ko sana dahil ang gusto ko ay malapit lang sa kanya ang lalaki.Tinanggihan ni Sugar dahil baka daw matakot ang mga empleyado niya sa pag-aakalang may kung anong masamang mangyayari. Hinayaan ko na dahil wala naman talaga akong panalo sa kanya.Pero depende sa pangyayari lalo at hindi ko nagust
DracoPaano ko ba sisimulan? Paano ko sasabihin sa aking Sugar ang naging pag-uusap namin ni Mommy? Kailangan ko bang ipaalam sa kanya ang mga hinala’t agam-agam ng aking ina? O dapat bang itikom na lamang ang bibig ko upang hindi na siya mag-isip pa ng kung ano-ano at makadagdag sa takot na kinakaharap niya ngayon?Pinilig ko ang aking ulo, pilit tinataboy ang mga pangungusap ni Mommy na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isip. Napabuntong hininga ako at hinagod ko ang buhok ng natutulog kong asawa. Ang payapa niyang mukha, ang mahinang paghinga, ang marahang paggalaw ng kanyang dibdib, lahat ng ito ay nagbibigay sa akin ng panandaliang katahimikan sa gitna ng magulong iniisip.Ayoko ng gulo. Ayoko ng sakit. Lalo na’t siya ang maaaring masaktan. Sigurado ako na magugustuhan siya ng aking ina once na nakapag-usap na sila. Napakadaling mahalin ng Sugar ko, kakaiba siyang babae at higit sa lahat, alam kong tapat siyang magmahal.Nasaksihan ko ang relasyon nila ni Samuel at nakita ko kung
Draco“Draco, anak…” Nakangiting bati ng aking ina ng makalapit ako sa kanila ni Dad sa sala. Kakarating lang nila ni Dad mula sa Germany, at dito na sila sa condo ko dumiretso.Pero bago pa man ito mangyari, ipinaalam ko na sa aking Sugar ang tungkol dito. Gusto na nga rin niyang makilala ang mga ito at nag-aalala na baka iba ang maging dating kung hindi niya sasalubungin ang mga magulang ko. Ngunit nakiusap ako sa kanya na hayaan akong makausap muna ang dalawa ng sarilinan.“Kamusta ang biyahe, Mom, Dad?” tanong ko sabay halik sa pisngi ni Mommy. Kay Dad naman ay isang tapik sa balikat ang ibinigay ko at hinawakan naman niya ang kamay ko. Ganito na talaga ang nakasanayan naming batian. Bagama’t minsan ay nagyayakapan din naman kami, mas madalas ganito, simple pero totoo.“Balik na ako sa office, Draco,” sabi ni Kevin habang tinnuro ng hinlalaki ang direksyon ng pintuan. Tumango ako bilang tugon, saka siya tahimik na tumalikod at naglakad na palabas. Siya ang pinasundo ko sa airport p
DracoBusy na kaming magkakapatid lalo na ang mga kuya ko sa paghahanda para sa kaarawan ng aming ina. Si Kuya Dennis, na kahit pa madalas seryoso at tahimik, ay hindi mapakali para bang siya ang may kaarawan. Hindi ko maiwasang ngumiti. Sa edad niyang iyon, mama’s boy pa rin talaga.Mahal na mahal namin si Mommy. Lahat kami. At ramdam naming ganon din siya sa amin. Hindi ko kailanman naramdaman na may paborito siya. Kahit ako ang bunso, pantay-pantay ang trato niya sa aming magkakapatid—at ‘yon ang pinakamasarap sa lahat.Ang pagmamahal din ng mga kuya ko sa aking ina ang siyang nagiging dahilan upang pakisamahan ko sila. Kahit na nga mas madalas na parang ako pa ang nakatatanda kung umasta. Nasanay na kasi ako sa aking ama na binigyan ako ng authority sa maraming bagay kaya lumaki akong dominante at aaminin ko, medyo mataas ang tingin sa sarili.Napagdesisyunan naming sa isang hotel ganapin ang birthday celebration ni Mommy. Gusto ko sanang magkaroon muna ng tahimik na oras kasama si
MargauxBirthday ng aking biyenang babae. Syempre pa, invited ako pati ang aking mga magulang. Excited ako pero hindi ko maikakaila ang kaba para sa unang pagkakataon naming pagkikita-kita. I'm sure, maiintindihan ng kahit sinong nasa kalagayan ko ang anumang nararamdaman ko ngayon.Sabi ni Draco ay agahan namin ang punta dahil gusto raw kami makausap ng kanyang mga magulang bago pa man magsimula ang party. Ang bigat ng ibig sabihin noon, gusto talaga nila akong makilala. Gusto rin nilang makilala ang mga magulang ko bilang mga balae nila.Kinikilig ako. Parents-in-law. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit hindi pa alam ng mga Kuya ni Draco ang tungkol sa kasal namin, masaya akong alam ito ng kanyang mga magulang. Parang isang lihim na matamis, isang sikreto na unti-unting lumalantad sa liwanag.Hindi ko tuloy maisipang mainis sa kung sinumang nagtatangka sa buhay ko ng dahil sa pagmamahal ko kay Draco. Bakit ba kasi may mga taong hindi na lang maging masaya sa kaligayahan ng kanilang minama
DracoNauwi sa delivery food ang dinner namin ng asawa ko. Hindi ko na nagawang magluto dahil… well, hindi kami natapos sa isang round lang sa ibabaw ng table. Ilang beses kong pinilit pigilan ang sarili pero kapag si Margaux na ang nasa harap ko,hubad, hingal, at naka-ngiti ay nagiging ibang tao ako. Para akong hayok na uhaw sa kanya. At siya rin, hindi nagpapigil.“Draco, ano na?” Masamang tingin ang ibinato ko kay Kevin nang bumulaga siya sa opisina ko, para bang binulabog niya ang santuwaryo ng alaala ko kagabi. Tinitigan ko siya habang pilit kong itinatago ang ngisi sa labi ko.“Hindi mo ba kayang pumili?” tanong ko habang tinuturo ang folder ng mga aplikante para sa magiging kasambahay namin ni Margaux.“Mukhang ayaw mo naman na may kasama kayo sa bahay,” sagot niya, sabay irap.Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko talaga. Hindi na namin magagawa ni Margaux ang kung anu-ano sa kahit anong parte ng bahay kung may mga mata nang nakatingin. Wala nang random make-out sa kusina. Wala
Margaux“Sugar,” bungad sa akin ni Draco pagpasok ko ng bahay. Nakangiting nakabuka ang mga braso kaya agad akong sumilong sa kanyang mga yakap kasunod ang isang malalim na paghinga ng maramdaman ko na ang kanyang mga kamay na humahagod sa aking likod.Ibang klase ng comfort talaga ang binibigay sa akin ng Cupcake ko. Masarap umuwi sa bahay na ganito ang magaganap. Sa bigat ng dalahin ko, buong biyahe akong walang imik at ang mga sinabi ng aking mga magulang ang paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko.“It feels good to be with you, Cupcake…” hindi ko napigilang sabihin kasabay ang paghigpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Nakahilig ang aking pisngi sa malapad at matigas niyang dibdib, ngunit dahil sa ginhawang dulot non ay para iyong nagtransform sa malambot na unan.“That’s because I love you so much, Sugar.” Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsisisi na minahal ko talaga ang lalaking ito.Ilang saglit pa kaming nanatili sa ganong posisyon bago siya nagtanong ulit.“Feeling better
Margaux“Nawawala ang kakambal mo,” sabi ni Daddy, halos pabulong. “Hindi mo alam dahil hindi namin pinapahalata sa'yo. Ayaw ka naming masaktan.”Napakunot ang noo ko. “Paanong nawawala? Ni hindi ko nga alam na may kambal pala ako!” bulalas ko, nanginginig ang tinig. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. Nanginginig, nanlalamig, at naguguluhan.“Nang ipinanganak ka— ang ibig kong sabihin, kayo ng kambal mo... may kumuha sa kanya sa ospital. Isang araw pagkatapos ninyong isinilang.” Bumigat ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon, parang bumulusok ang mundo ko sa isang bangungot.Hindi ako agad nakaimik. Paanong nangyari ‘yon? Paanong sa mahabang panahon ay napaniwala nilang nag-iisa akong anak? At higit sa lahat— bakit kinuha ang kambal ko?“At hindi niyo siya hinanap?” agad kong tanong, halos pasigaw. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit at pagkabigla.“Hinanap namin siya, anak. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya!
Margaux“Anak,” mahinang sabi ni Mommy, bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala habang parang itinulos sila sa kanilang kinatatayuan. Hindi ko gusto na makita silang ganon. Lumaki ako na palaging ang masayang mukha nila ang nakikita ko. Kung may pag-aalala man, iyon ay dulot ng ibang tao at hindi nila.“You need to tell me kung anuman ang tinatago niyo sa akin,” mariin kong sambit habang papalapit matapos kong maisara ang pinto, kasunod ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa office ka?” tanong ni Dad, halatang gustong ilihis ang usapan na ginawa niya lang sa tuwing nakakatunog ako sa surpresang gusto nilang ibigay sa akin.“I was worried,” sagot ko agad, hindi ko na nagawang itago ang panginginig ng tinig ko. “I overheard Rey talking to you over the phone. Mom called and said you’d be leaving for Maldives, pero maya-maya, narinig ko ‘yung assistant ko na pinag-iingat kayo sa Mindoro? Ano ba talaga? Saan kayo pupunta at bakit parang may hindi
MargauxPagkabuntong-hininga ng sasakyan sa tapat ng aming bahay ay agad kong binuksan ang pinto, hindi na hinintay ang kumpletong paghinto nito. “Sunod ka na lang,” mariin kong sabi kay Gustavo, pilit na ikinukubli ang kaba at pananabik sa dibdib ko. Bumaba ako nang hindi man lang hinintay ang sagot niya ang nasa isip ko’y isang bagay lang. Makausap agad sina Mama at Papa.Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa bahay. Tahimik ang paligid, tila masyado ring kalmado para sa isang tahanang dati ay puno ng halakhak. Dumiretso ako sa sala, ngunit bigo akong makita roon ang mga magulang ko. Saglit akong napahinto, naglakad-lakad ng kaunti, at noon ko lamang napansin si Yaya Belen na pababa mula sa hagdanan, may dalang tray na may baso ng tubig.“Ma’am Margaux,” aniya, tila nagulat sa pagdating ko.“Yaya, nasaan sila Dad? Umalis ba sila? Wala sila sa sala,” tanong kong aligaga.“Nasa study room po, Ma’am. Kakahatid ko lang ng tubig kay Sir Rex. Nag-uusap sila ng inyong Mommy.”“Salamat. Pupun
MargauxAgad akong bumalik sa aking opisina, bitbit ang bigat ng narinig ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinipilit kong huwag ipahalata ang tensyon sa dibdib ko. Ayaw kong malaman ni Rey na narinig ko ang pakikipag-usap niya sa aking ama. Hindi dahil sa kung ano pa man, ayaw ko lang na maalarma din ang aking mga magulang at baka kung ano pa ang isipin.Pagkaupo ko sa swivel chair, agad akong sumandal. Ramdam ko ang bigat sa balikat ko. Pumikit ako habang marahang minasahe ang aking sentido parang gusto kong pigain ang mga tanong sa isip ko para may masagot man lang."Calm down, Margaux," bulong ko sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili at nagpakawala ng sunod sunod na paghinga.Pagdilat ko ng mga mata, marahan kong pinatong ang aking mga braso sa armrest, saka tumitig sa kawalan. Ilang minuto rin akong nanatiling tahimik. Dinig ko ang mahinang tunog ng aircon pati na ang pag tik tak ng orasan na dati naman ay parang wala naman.Hanggang sa unti-unting nabuo sa isip ko an
MargauxNaiintindihan ko ang worry ni Draco. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang mararamdaman ko lalo na kung buhay ng mahal mo ang nakataya. At oo, aaminin kong natatakot din ako para sa sarili kong buhay.Pero sa tuwing naiisip kong may ginagawa ang asawa ko para protektahan ako, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng kumpiyansa. Lalo na’t may Gustavo akong nasa paligid na tahimik pero maasahan, parang aninong hindi sumusuko sa pagbabantay.Lunes ng umaga, nasa opisina ako’t abala sa pagsusuri ng mga kontratang kailangang lagdaan. Sa kalagitnaan ng pagtutok ko, tumunog ang cellphone ko. Isang notification. Hindi ko iyon pinansin. Kung mahalaga ‘yon, tatawag sila. Si Draco, sina Mom at Dad, o kahit si Yvonne. Walang magpapadala ng text kung emergency.Isa pa, kung trabaho naman, alam kong sa opisyal na number ni Rey dapat dumarating ang mga ganoong mensahe. Naka-assign iyon mula sa kumpanya.Binalewala ko ang message na iyon at tuluyan ko na rin iyong nalimutan. Hanggang sa tu
Draco“Cupcake, may problema ba?” Napalingon ako sa papalapit na si Margaux. Nasa study room/office ako sa unang palapag lang ng aming bahay, hindi nalalayo sa living area at kasunod lang ng malaking sliding glass door papunta sa lanai.Ngumiti ako sa kanya at umiling bago ko inangat ang aking kamay upang ayain siyang lumapit sa akin at kumandong. Nasa office table ako at ayaw kong maupo siya sa upuang nasa harapan ko.“Wala naman,” tugon ko ng tuluyan na siyang makaupo. Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at hinaplos ang kanyang pisngi.Simula ng mag-usap kami ni Joseph ay hindi na siya nawala sa isip ko. Nakisuyo na ako kay Gustavo na mag-assign ng taong susubaybay sa lalaki. Kinuha ko ang footage ng CCTV para may masimulan sila dahil wala naman akong idea sa kung saan ngayon ang lalaking ‘yon.Pero kahit na inaasikaso ko na iyon ay hindi pa rin ako matahimik. Nag-aalala ako para sa asawa ko.“Pero mukhang malalim ang iniisip mo ng makita kita dito…” tugon niya saba
Third PersonPinagmamasdan ng lalaki si Chiara habang mahimbing itong natutulog, waring payapa sa gitna ng kaguluhan ng damdamin niya. Nakahandusay ito sa tabi niya, hubad ang katawan, walang kamalay-malay sa bigat ng katotohanan na iyon, na kahit pa ilang ulit niyang angkinin ang babae, hindi pa rin niya ito ganap na makuha.Mahal niya si Chiara… ngunit sa tuwing naririnig niyang binabanggit nito ang pangalang Draco sa gitna ng pagnanasa, ay parang binibiyak ang puso niyang pilit niyang pinatitigas.Sa sobrang sakit ay napuno ng galit ang kanyang dibdib. Pinukol niya ng malamig na tingin ang babae. Gusto niyang sigawan ito. Gusto niyang ipaalala na siya ang kasama nito ngayon, siya ang niyayakap nito tuwing gabi.Ngunit sa halip, nanatili siyang tahimik. Sapagkat kahit ilang ulit niyang sabihing kalimutan na si Chiara, ay hindi niya magawa. Para siyang ikinadena sa babaeng ito, kahit pa alam niyang hindi siya ang laman ng puso nito.Tahimik ang gabi. Tanging marahang hilik ni Chiara a