See you po sa next chapter!!!
Draco“Cupcake, may problema ba?” Napalingon ako sa papalapit na si Margaux. Nasa study room/office ako sa unang palapag lang ng aming bahay, hindi nalalayo sa living area at kasunod lang ng malaking sliding glass door papunta sa lanai.Ngumiti ako sa kanya at umiling bago ko inangat ang aking kamay upang ayain siyang lumapit sa akin at kumandong. Nasa office table ako at ayaw kong maupo siya sa upuang nasa harapan ko.“Wala naman,” tugon ko ng tuluyan na siyang makaupo. Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at hinaplos ang kanyang pisngi.Simula ng mag-usap kami ni Joseph ay hindi na siya nawala sa isip ko. Nakisuyo na ako kay Gustavo na mag-assign ng taong susubaybay sa lalaki. Kinuha ko ang footage ng CCTV para may masimulan sila dahil wala naman akong idea sa kung saan ngayon ang lalaking ‘yon.Pero kahit na inaasikaso ko na iyon ay hindi pa rin ako matahimik. Nag-aalala ako para sa asawa ko.“Pero mukhang malalim ang iniisip mo ng makita kita dito…” tugon niya sab
MargauxNaiintindihan ko ang worry ni Draco. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang mararamdaman ko lalo na kung buhay ng mahal mo ang nakataya. At oo, aaminin kong natatakot din ako para sa sarili kong buhay.Pero sa tuwing naiisip kong may ginagawa ang asawa ko para protektahan ako, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng kumpiyansa. Lalo na’t may Gustavo akong nasa paligid na tahimik pero maasahan, parang aninong hindi sumusuko sa pagbabantay.Lunes ng umaga, nasa opisina ako’t abala sa pagsusuri ng mga kontratang kailangang lagdaan. Sa kalagitnaan ng pagtutok ko, tumunog ang cellphone ko. Isang notification. Hindi ko iyon pinansin. Kung mahalaga ‘yon, tatawag sila. Si Draco, sina Mom at Dad, o kahit si Yvonne. Walang magpapadala ng text kung emergency.Isa pa, kung trabaho naman, alam kong sa opisyal na number ni Rey dapat dumarating ang mga ganoong mensahe. Naka-assign iyon mula sa kumpanya.Binalewala ko ang message na iyon at tuluyan ko na rin iyong nalimutan. Hanggang sa t
Margaux“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin
MargauxGala night.Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.“Kanino pa ba ako magmama
Margaux “Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kit
MargauxPuno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng ti
Mature ContentMargauxHindi ko na alam kung paano kaming napunta sa isang silid matapos kong tugunin ang kanyang halik. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang aking likod sa nakasaradong pintuan habang patuloy kami sa paghahalikan.This man gives me an unexplainable feeling. Nakainom ako, lasing ako. But I know exactly what I'm doing. Hindi ko nga lang kayang utusan ang katawan ko na huminto sa ginagawa ko.“Sugar, are you sure about this?” tanong ng lalaki ng tumigil kami sa paghahalikan. Napangiti ako sa endearment na gamit niya. Kung endearment nga iyon ha.“I like the sugar thing. What do you want me to call you?” tanong ko.“Kahit ano wag lang ang pangalan ng ex mo or kung anumang tawag mo sa kanya.”Ang sexy ng dating ng kanyang boses habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking baba. Ang sarap sa pakiramdam dahil he's making me feel beautiful and wanted. Hindi kagaya ni Sam.Nalungkot ako ng maalala ko ang aking boyfriend. I mean, ex-boyfriend.“Don't think about him whe
Margaux“Okay, tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin. Kahit na midterm pa lang ay maigi nang handa kayo sa lahat, tandaan niyo graduating na kayo.”“Yes ma'am!” sabay sabay na tugon ng aming klase sa paalala ng aming prof.“Okay, dismissed.” Lumabas na ng silid si Ms. Cruz kaya nag sitayuan na rin ang mga kaklase ko.Ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upuan at humarap sa labas ng bintana at nagsimulang tumanaw sa malayo.Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat ng naging pag-uusap namin ng lalaki ng magising kami kinaumagahan…***Idinilat ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sakit ng aking katawan. Pumikit ulit ako dahil sa pagsalakay ng bahagyang sakit ng ulo.Doon ko naalalang uminom nga pala kami ni Yvonne. Tapos ay umalis ito at nagpaiwan ako.Parang rumaragasang tubig sa batis na nagsidaluyan ang mga nangyari. Agad akong napaupo at nasabunutan ang aking sarili.“Judging with your action, mukhang naalala mo ang nangyari kagabi.”Ang
MargauxNaiintindihan ko ang worry ni Draco. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang mararamdaman ko lalo na kung buhay ng mahal mo ang nakataya. At oo, aaminin kong natatakot din ako para sa sarili kong buhay.Pero sa tuwing naiisip kong may ginagawa ang asawa ko para protektahan ako, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng kumpiyansa. Lalo na’t may Gustavo akong nasa paligid na tahimik pero maasahan, parang aninong hindi sumusuko sa pagbabantay.Lunes ng umaga, nasa opisina ako’t abala sa pagsusuri ng mga kontratang kailangang lagdaan. Sa kalagitnaan ng pagtutok ko, tumunog ang cellphone ko. Isang notification. Hindi ko iyon pinansin. Kung mahalaga ‘yon, tatawag sila. Si Draco, sina Mom at Dad, o kahit si Yvonne. Walang magpapadala ng text kung emergency.Isa pa, kung trabaho naman, alam kong sa opisyal na number ni Rey dapat dumarating ang mga ganoong mensahe. Naka-assign iyon mula sa kumpanya.Binalewala ko ang message na iyon at tuluyan ko na rin iyong nalimutan. Hanggang sa t
Draco“Cupcake, may problema ba?” Napalingon ako sa papalapit na si Margaux. Nasa study room/office ako sa unang palapag lang ng aming bahay, hindi nalalayo sa living area at kasunod lang ng malaking sliding glass door papunta sa lanai.Ngumiti ako sa kanya at umiling bago ko inangat ang aking kamay upang ayain siyang lumapit sa akin at kumandong. Nasa office table ako at ayaw kong maupo siya sa upuang nasa harapan ko.“Wala naman,” tugon ko ng tuluyan na siyang makaupo. Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang at hinaplos ang kanyang pisngi.Simula ng mag-usap kami ni Joseph ay hindi na siya nawala sa isip ko. Nakisuyo na ako kay Gustavo na mag-assign ng taong susubaybay sa lalaki. Kinuha ko ang footage ng CCTV para may masimulan sila dahil wala naman akong idea sa kung saan ngayon ang lalaking ‘yon.Pero kahit na inaasikaso ko na iyon ay hindi pa rin ako matahimik. Nag-aalala ako para sa asawa ko.“Pero mukhang malalim ang iniisip mo ng makita kita dito…” tugon niya sab
Third PersonPinagmamasdan ng lalaki si Chiara habang mahimbing itong natutulog, waring payapa sa gitna ng kaguluhan ng damdamin niya. Nakahandusay ito sa tabi niya, hubad ang katawan, walang kamalay-malay sa bigat ng katotohanan na iyon, na kahit pa ilang ulit niyang angkinin ang babae, hindi pa rin niya ito ganap na makuha.Mahal niya si Chiara… ngunit sa tuwing naririnig niyang binabanggit nito ang pangalang Draco sa gitna ng pagnanasa, ay parang binibiyak ang puso niyang pilit niyang pinatitigas.Sa sobrang sakit ay napuno ng galit ang kanyang dibdib. Pinukol niya ng malamig na tingin ang babae. Gusto niyang sigawan ito. Gusto niyang ipaalala na siya ang kasama nito ngayon, siya ang niyayakap nito tuwing gabi.Ngunit sa halip, nanatili siyang tahimik. Sapagkat kahit ilang ulit niyang sabihing kalimutan na si Chiara, ay hindi niya magawa. Para siyang ikinadena sa babaeng ito, kahit pa alam niyang hindi siya ang laman ng puso nito.Tahimik ang gabi. Tanging marahang hilik ni Chiara a
Third Person“You said walang ibang babae si Draco!” galit na sigaw ni Chiara sa lalaking kaharap, nanginginig ang boses sa pagitan ng hinanakit at pagkabigo.“I trusted you. I gave everything you asked. Lahat ng kaya kong ibigay! Tapos ganito lang? Malalaman ko na lang, kasal na sila ng babaeng ‘yon?” Halos mabingi ang paligid sa lakas ng kanyang boses, ang mga ugat niya sa leeg ay sumisilip na rin na konti na lang ay halos pumutok na.Napakuyom ang kamay ng lalaki, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Sino ba ang mag-aakala na magpapakasal siya? Tsaka, hindi ba mas mabuting ngayon mo pa lang nalaman mo na wala kang mapapala? Masakit man, Chiara, pero totoo, hindi ka niya minahal.”“Shut up!” sigaw niya, sabay hampas sa dibdib ng lalaki. Halos malagot ang hangin sa dibdib ng lalaki sa lakas ng kanyang pagkakahampas.“I hate you! You tricked me! I gave you my body! Nagpakababa ako just so I could make sure na wala siyang mapupuntahang babae. Just so I could stop him from being so
Draco“Talaga ba?” tanong niyang may nakakalokong ngisi habang bahagyang tumataas ang kaliwang kilay. Walang alinlangan siyang sumandal sa, sabay dekwatro ng mga binti. Relaks pero may bahid ng pang-uuyam ang kilos niya. Hindi niya inaalis ang titig sa akin, waring inaabangan ang pinakamaliit kong reaksyon.Ramdam kong may binabalak siya. At kung tama ang hinala ko ay maaaring mabanggit niya si Margaux. Tiyak kong hindi lang basta muling pagdalaw ang pakay niya. Hindi ako magiging kampante at mas lalong hinid ko siya tatantanan.Matagal na rin simula nang huli naming pagkikita. Sampung taon na ang lumipas, pero hindi siya nagparamdam ni minsan. Wala akong narinig kahit anino ng balita tungkol sa kanya at sadyang pinili kong huwag nang alamin pa ang mga pangyayari sa buhay niya dahil naisip ko na wala na rin namang mangyayari.Nakailang beses na akong ipaliwanag sa kanya ang ginawa ng kanyang ama ngunit naging bingi at bulag ito. At kahit na matalik ko na siyang kaibigan ng mga panahon
Draco“Since nandito ako sa Pilipinas, naisip kong kamustahin ka. Bakit? Masama ba?” tanong niya, kasabay ng pamilyar niyang ngising matagal ko nang hindi nakikita. Ngising may halong yabang at panunukso.Gusto kong paniwalaan na sinsero siya, pero ang kilos ng kanyang labi, ang malamlam pero nanunuyang sulyap ng kanyang mga mata, ay nagsisigaw ng babala. I'm sure that his presence here is not simple and innocent.“Wala ka man lang bang balak na imbitahin ako para maupo?” dagdag pa niya, habang ang kanyang mga mata ay tila sinusuri ang buong opisina na parang may hinahanap o tinatandaan.Saglit akong napatingin kay Kevin. Hindi man kami nag-usap, alam na niya ang ibig kong sabihin. Tumango siya at lumapit sa lalaki, kaswal na inilahad ang kamay.“Pasok ka. Have a seat,” mahinahong yaya ni Kevin, pilit pinapanatili ang propesyonal na tono.Tumango si Joseph at tumuloy na sa executive sofa sa kaliwang bahagi ng kinauupuan ko.Habang ginagawa niya 'yon ay pinagmamasdan ko siya. Kita ko na
DracoIniwan na ako ni Kevin. Gets ko naman ang punto niya. Alam naming pareho na hindi basta-basta makakalapit si Joseph kay Margaux lalo na't nandiyan si Gustavo, ang dating sundalo at tauhan ni Dad, na ngayon ay isa sa mga personal bodyguard ng pamilya. Pero kahit anong paliwanag pa ang gawin ni Kevin, kahit ilang ulit ko pang pilitin ang sarili kong magtiwala... hindi ko talaga kayang mapanatag.Joseph Garcia.Anong pakay mo sa asawa ko? Ano ang dahilan ng muling paglitaw mo sa buhay ko?Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha niya, yung dating matalik kong kaibigan. Si Joseph na ilang taon kong tinuring na kapatid. Lagi kaming magkasama noon. Kung saan ako, nandoon siya. Lahat ng kalokohan, tagumpay, at pangarap at magkatuwang naming plinano.Ang ama niya, isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni Mommy at ng yumaong ama nina Kuya Dennis. May kaya rin sila. Sa totoo lang, isa ito sa mga unang investor ng Alegre Construction. Isa siya sa mga nagtiwala sa aking ina at sa kanya
Draco“Nilapitan niya ang asawa ko, Kevin.” Halos hindi ko na mapigilan ang panginginig ng aking mga daliri habang binibigkas ko ang mga salitang ‘yon. Sobra ang kabang bumabalot sa akin sa tuwing naiisip ko ang posibilidad na nagkaharap si Margaux at ang lalaking ‘yon. Ang taong minsan kong itinuring na kaibigan.“Sinabihan mo sana ang asawa mo na umiwas kung sakaling magkrus muli ang landas nila,” mahinahon ngunit seryosong sagot ni Kevin habang nakatitig sa akin, parang sinusuri ang bawat kumpas ng damdamin ko.“Hindi ko na nasabi pa. Binanggit naman niya ang nangyari pero... pinadalhan ako ni Gustavo ng larawan ng lalaki, at siya ang nakita ko. Si Joseph.” Napabuntong-hininga ako at napailing. “Ayaw kong madagdagan pa ang takot ng asawa ko. Gusto kong gumalaw siya nang malaya, nang hindi siya nababalot ng takot. Pero may banta na sa kanya na hindi ko pa alam kung may kinalaman sa akin o sa nakaraan ko tapos nai-broadcast ko pa ang tungkol sa relasyon namin... and then this.”“Lagi
Margaux“Ito, sa palagay mo, bagay sa akin?” tanong ko habang nakaharap kay Yvonne, hawak-hawak ang naka-hanger na isang pulang lace na lingerie, nakatapat sa aking katawan sa harap ng salamin.“So sexy, bruh!” halos pasigaw niyang sabi. Nanlalaki ang mga mata, titig na titig sa akin na para bang ini-imagine na niyang suot ko na ito. Napakagat pa siya ng labi sa eksaheradang reaksyon.“Maka ‘so sexy’ ka d'yan, wagas. Tigilan mo nga ‘yang pagka-exaggerated at animated mo. Kaya ka tuloy napagkakamalang high school pa rin.”“Alam mo, okay lang ‘yon! At least nakakaiwas ako sa mga lalaking akala mo kung sino. Mas madali pang maglaro ng online game kesa sa pakisamahan sila.”“Bruh,” umiling ako, sabay buntong-hininga. “Hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi porket iniwan kayo ng Dad mo ay ganun na lahat. Tingnan mo nga si Tita, kahit anong heartbreak ang pinagdaanan niya, she still believes in love. May mga crush parin ‘yon, ‘noh! Kaya mag-relax ka. Baka maunahan ka pang magka-lovelife ng