Ang sweet talaga ni Cupcake...
DracoDahil dumating ang asawa ko, nagdesisyon na kaming kumain sa labas. Pinauwi ko na si Gustavo dahil gusto kong sabay na kaming umuwi ni Margaux.Sa restaurant na walking distance mula sa kumpanya kami nagtungo. Gusto ko sanang dalhin siya sa isang tahimik na rooftop bistro sa kabilang distrito, yung may view ng buong siyudad ngunit masyado pang maaga. At isa pa, hindi siya pumayag.“Kailangan mo pang bumalik sa trabaho,” sabi niya sa malambing pa rin na tono ng kanyang boses. Syempre, wala akong nagawa. She’s the boss… and honestly, I love whatever she likes.Nag-order kami ng seafoods para maiba naman daw. Madalas kasi kaming meat and vegetables.Nang tangkain niyang ipagbalat ako ng hipon, agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya, dahilan upang takang-taka siyang tumingin sa akin.“Let me, Sugar,” bulong ko, puno ng malasakit.“Pero—”“Wala ng pero-pero.” Tinitigan ko siya nang diretso. “Ako ang dapat na gumawa nito para sa’yo. I should be the one to take care of yo
Draco“Please do more investigation, pero huwag mong hayaang malaman ni Margaux,” seryoso kong bilin. “I didn’t want her to feel disappointed. She wanted me to be close to her twin… at ayaw kong mag-alala din siya.”May ilang segundong katahimikan bago siya sumagot. “No problem.”Tumango ako nang marahan. Pero bago pa siya makapagsalita muli, nagpauna na ako.“And I’m sorry kung kinailangan mong umuwi agad mula sa bakasyon na hiningi mo.”“That’s nothing,” sagot niya, kaswal na kaswal. “Hindi rin naman ako nag-e-enjoy.”Tumaas ang isang kilay ko. Parang hindi kapani-paniwala. Kilala ko siya, ang taong kahit sa gitna ng giyera, marunong pang makahanap ng babae para ligawan… o kahit saglit lang na aliw.“Talaga lang, ha?” hindi ko napigilang tanong, may halong pagtataka. “Ikaw? Hindi nag-enjoy sa bakasyon? What happened? Naubos na ba ang listahan mo ng mga babaeng pwedeng i-date?”Ngumisi siya. ‘Yung ngiti na parang palaging may tinatago.“Huwag mo akong tingnan ng ganyan,” aniya. “Sady
Draco“Sigurado ka ba sa mga ito?” tanong ko habang nakakunot ang noo, ang mga mata ko’y mariing nakatuon sa report na inabot ni Kevin. May bahid ng pag-aalinlangan sa boses ko, pero mas nangingibabaw ang kaba.“According sa mga nakalap naming impormasyon, yes,” sagot niya habang kinukuha ko ang folder.Dahan-dahan kong binuklat ang mga pahina. Isa-isa kong sinuri ang bawat detalye. Mga larawan, transkripsyon ng pahayag ng mga kapitbahay, at ilang detalye tungkol kay Margareth at kay Aling Marites.Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang isang entry.“Namatayan daw ng anak si Aling Marites,” bulong ko, hindi makapaniwala. “Pagkalunod. At... hindi na raw natagpuan ang bangkay?”Tumango si Kevin. “Ayon ‘yan sa isang matagal nang naninirahan sa lugar. Parang urban legend na ang usapan tungkol sa pagkamatay ng bata. Yung sinasabi nila na pagbubuwis ng buhay. Doon nila inuugnay ang pagkamatay or pagkawala ng anak ni Aling Marites."Parang may malamig na hangin na dumaan sa ba
Margaux“Alam mo,” panimula ni Yvonne habang iniikot-ikot ang straw ng kanyang inumin, “naiintindihan ko si Draco. Protective siya. Natural 'yon sa isang taong nagmamahal. Pero…”Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko.“Pero dapat mong ipaalala sa kanya na hindi porket nagmamahal siya, eh siya lang ang may karapatang magdesisyon kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan. You have to tell him how you feel about Margareth."Napakurap ako. Tinamaan ako sa sinabi niya.“Margaux, matalino ka. Hindi ka magpapadala sa emosyon lang. At higit sa lahat, kilala mo ang pamilya mo. Kung naramdaman mo na si Margareth ay parte ng puso mo, hindi mo ‘yon dapat balewalain. At kung may pagdududa man si Draco, dapat open kayo sa isa’t isa. Hindi yung siya lang ang laging may say.”Napayuko ako. Piniga ko ang tasa sa harap ko. “Kaya siguro ako nalilito. Kasi hindi ko alam kung tama pa ba na masaya ako. Parang may guilt... kasi hindi siya ganun ka-convinced.”“Hoy,” sabay tapik niya sa kamay ko. “Walan
MargauxHindi ko maiwasan ang mapaisip sa sinabi ni Draco.Mahal niya ako. Ramdam ko iyon sa bawat kilos niya, sa bawat pag-aalala, kahit sa mga bagay na tila maliit lang sa paningin ng iba. Alam ko rin na para sa kabutihan ko lang ang lahat ng ginagawa niya. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya mas naging maingat. Kung bakit bawat hakbang ay gusto niyang pag-isipan, suriin, timbangin.Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon… hindi ko rin maiwasang maramdaman ang bahagyang kirot. Kirot na parang nahahati ako sa dalawang bagay na mahalaga sa akin.Siniguro ng mga magulang ko ang lahat bago pa man nila dalhin si Margareth sa bahay. Hindi sila pabaya. Hindi sila basta-basta nagtitiwala. At yung mga naramdaman ko nung unang beses ko siyang nakita, yung init sa dibdib, yung parang may kumpletong piraso na bumalik sa puso ko, hindi ba sapat 'yon?Hindi ba sapat ang saya na sabay-sabay naming naramdaman nang makita namin siya? Ang mga luhang hindi mapigilan, ang mga yakap na tila kaytagal bago naib
DracoTahimik kaming pumasok ng bahay, at tulad ng nakagawian, dumiretso kami sa kwarto. Bitbit ko ang mga gamit ni Margaux habang siya naman ay pabagsak na humiga sa kama at nanatiling nakasayad ang mga paa sa sahig, mukhang pagod pero halatang masaya.“Magpahinga muna tayo saglit, Cupcake bago maglinis ng katawan,” sabi niya habang inaabot ang kamay ko para hilahin ako sa tabi niya.Sumunod ako. Humiga ako sa tabi niya habang naunan ang aking ulo sa isa kong braso, habang ang isa naman ay nanatili sa gilid ko, sa pagitan naming dalawa.Hindi rin ako agad nagsalita. Ang isip ko, punong-puno ng mga detalyeng kanina ko pa binabalikan sa patio. Mga sulyap, kilos, at reaksyon ni Margareth na hindi ko basta-bastang maikakibit-balikat.“Cupcake?” tawag niya sa akin habang inabot ng kamay niya ang aking pisngi at hinagod iyon. “Okay ka lang ba?”“Oo naman,” mabilis kong sagot, pero hindi ko siya tiningnan.Napabuntong-hininga siya. “Cupcake, wag mo akong paikutin. Ang tahimik mo simula pa ka
DracoNasa patio na kami ngayon. Presko ang simoy ng hangin, may kaunting hampas ng malamig na hangin mula sa mga halaman at puno na nasa paligid. Ang liwanag ng araw ay malambot na bumabalot sa buong paligid, perpekto para sa isang tanghalian kasama ang pamilya.“Wow, Ma! Binalik mo ‘tong sinigang na ‘to ah!” bulalas ni Margaux habang inaabot ang mangkok. “Paborito ‘to ni Draco.”“Ay syempre! Dapat special, kasi kumpleto na tayo,” masayang tugon ng biyenan kong babae habang abalang naglalagay ng kanin sa plato ni Mr. Pinto.Nginitian ko si Margaux at tinapik ang kamay niya. “Ikaw lang ang sinigang ko,” bulong ko sa kanya.Napangiti siya. “Corny mo na naman.”Pero ngumiti rin siya nang mahaba.Tumingin ako kay Margareth. Tahimik lang siya, parang pinag-aaralan ang bawat isa sa amin habang nagsasalo. Hindi ko alam kung kinakabahan siya, o sadyang hindi pa sanay sa ganitong set-up. Nang subukan niya ang sinigang, napangiwi siya ng bahagya.“Maasim ba?” tanong agad ng biyenan ko.“Ha? Hin
DracoNasa harap ko ngayon ang kakambal ni Margaux. Hindi ko alam kung bakit may bahagyang kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Parang may hawak na salamin sa harap ko at pinapatingin ako sa isang bersyon ng asawa ko na hindi ko kilala.Kung titignan ay talagang magkamukhang-magkamukha sila, mula sa hugis ng mata, linya ng labi, at pati ang bahagyang pagtaas ng kilay kapag nagsasalita. As in, walang pinagkaiba. Sigurado akong kahit sinong makakita sa kanila na magkatabi ay malilito, lalo na kung pareho silang nakasuot ng iisang damit.“Kamusta, Draco,” bati niya sa ‘kin, nahimigan ko ang pag-aalangan niya dahil mukhang ngiming-ngimi ito.Napakurap pa ako ng marinig ko ang boses niya dahil... parehong-pareho rin ng kay Margaux.Sa isang iglap, parang may sumagi sa isip kong hindi ko agad mapangalanan. Pero kahit na ganun ang reaksyon ko sa loob-loob ko, pinilit kong huwag ipakita. Ayokong mahalata nila na nabigla ako.“Okay lang ba na sa pangalan na lang kita tawagin?” tanong pa
Margaux“Ang pogi naman ng asawa ko,” sambit ko kay Draco habang lumalabas siya ng walk-in closet. Hindi iyon ang nakasanayan kong coat and tie look niya. Casual lang siya ngayon, pero grabe ang dating. Isang simpleng gray na sweatshirt na nakalislis hanggang siko ang manggas at pinarisan niya ng cream na jogger pants. Ang gaan niyang tingnan. Parang binata lang ulit, mga twenty-something lang ang itsura, at sa totoo lang, parang ako yung naiilang sa gwapo niya.Napangiti siya nang makita niya akong nakatitig, tapos hinapit niya ako sa bewang at dinala sa isang marahang halik sa labi. Malambing, pero may lalim. Parang sinasabi ng halik na iyon na "asawa kita, akin ka, mahal kita."“Of course,” bulong niya matapos ang halik, “kailangan kong pantayan man lang ang kagandahan ng asawa ko kung ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin.”Natawa ako, pero kasabay noon ang marahang tibok ng puso ko. “Don’t worry,” sagot ko, sabay pisil sa mukha niya, “hinding-hindi ako magpapakuha sa iba… dahil kuhan