Mag-iingat sana kayo lagi. Confident na ang bruha ah.
MargauxPagdating ko sa kitchen ay agad kong sinabi kay Manang Nena ang plano. Hindi ko na kailangang ulitin pa, mabilis siyang tumalima, pati na rin ang tatlo pang kasambahay.Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Napaka-bilis nilang kumilos, parang alam na agad nila ang kailangang gawin. Thankful talaga ako na kasama namin sila sa bahay. Hindi lang bilang mga tauhan, kundi para na rin naming kaanak.Pero sa likod ng pasasalamat na 'yon, may konting inis din akong nararamdaman tuwing bigla na lang silang sumusulpot kapag nagkakalandian kami ni Draco. Hindi naman sa ayaw ko, pero nakakabitin kapag kailangan naming itigil ang sandaling kapusukan dahil baka may makakita. Kaya tuloy, nakasanayan na naming sa kwarto lang namin o sa study room niya namin ginagawa ang aming... “milagro.”“Okay na po ba ang apat na putahe, Ma’am Margaux?” tanong ni Manang Nena habang inaayos ang hiwa ng mga gulay.“Okay na po ‘yan, biglaan lang naman ito. Pero
Margaux“Cupcake, hindi ka ba pwedeng maabala kahit sa lunch lang mismo?” tanong ko kay Draco habang nakaupo siya sa harap ng laptop sa study room. Sabado ngayon, dapat ay araw ng pahinga at paglalaan ng oras para sa isa’t isa. Pero heto kami, may kinakaharap na naman siyang trabaho na tila ba hindi nauubos.Magla-lunch dapat kami kasama ang pamilya ko sa bahay nila. Pero dahil sa dami ng kailangang ayusin ni Draco, malabo na kaming makakaalis.“Okay lang naman kung ikaw muna ang magpunta doon,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa laptop screen.Napakagat ako sa labi. Hindi iyon ang gusto ko.“Ang gusto ko, kasama ka eh,” sagot ko, punong-puno ng lambing ang tinig. Pilit kong itinago ang pag-aalala sa boses ko. Hindi ko kayang ipahalata sa kanya ang totoo kong intensyon, hindi pa ngayon. Lalo na’t kilala ko ang asawa ko: mabilis makahalata, at higit sa lahat, hindi marunong magtago ng nararamdaman. Laging lumilitaw sa mukha niya kung may kinaiinisan o pinaghihinalaan siyang ba
Third PersonTahimik ngunit may dalang tensyon ang pagpasok ng babae sa loob ng bahay ng mga Pinto. Diretso siya sa sala, animo’y kabisado na ang bawat hakbang, ngunit may halatang pagkabahala sa likod ng kanyang kumpiyansang kilos.Doon siya umupo, hinintay ang mag-asawa na kagagaling lang sa kumpanya, isang pag-uusap ang kailangang mangyari. Hindi siya sumama sa opisina ngayong araw dahil kailangan na niyang makausap ang isa sa mga tauhan upang maisakatuparan ang isang mahalagang plano. Ang pansamantalang pagtatago sa tunay na Margareth. Sa palagay niya, tapos na ang papel nito. Hindi na niya ito kakailanganin.Bahagya siyang napapikit habang inaalala ang mga huling linggo. Dahil sa matinding kagustuhan ni Margaux na mas mapalapit sa pamilya, napilitan siyang makipagpalit ng katauhan sa tunay na Margareth. Isang desisyong dala ng kutob na totoo nga palang hindi siya lubos na pinagkakatiwalaan ng asawa ng babae.At hindi siya nagkamali.Mula noon, naging regular na ang mga weekend din
Third PersonSa isang nakaparadang itim na van sa hindi kalayuan sa property ng mga Pinto, nasa loob ang dalawang babae at ilang lalaki na nagsisilbing driver at gwardya."Siguraduhin mo lang na wala kang pinakitang iba sa pamilyang ‘yon. Dahil kung hindi, hindi mo na rin sila makikitang buhay."Nagtagis ang bagang ni Margareth. Nanginginig ang kanyang buong katawan, hindi lamang sa galit kundi sa takot na pilit niyang ikinukubli. Sobrang tindi ng poot na nararamdaman niya sa babaeng kaharap, isang aninong kopya ng kanyang mukha, ngunit puno ng panlilinlang at kasamaan.Nang una niya itong makita, inakala niyang isang himalang magkakambal sila. Pareho ang mata, ang hugis ng labi, pati ang tono ng boses. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, mas lalong luminaw kay Margareth ang katotohanang hindi sila kailanman magkapareho. Isa itong huwad. Isang perpektong kopyang nilikha para sirain siya.Noong una ay maayos ang pakikitungo nito. Mapagkumbaba. Mabait. Mapagmasid. Ngunit ngayon alam na
MargauxMatapos ang lunch namin, agad na bumalik si Margareth sa kanyang trabaho kasama ang marketing team. Naiwan naman akong mag-isa sa opisina, tahimik, pero ang isip ko ay gulong-gulo.Napatingin ako sa maliit na round table kung saan kami kumain kanina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang bumabalik sa isip ko ang eksena, ang mango shake.Yung mango shake na buong tuwa niyang sinis****p sa harap ko, na para bang paborito niya ito. Yung ekspresyon niya ay nakapikit pa, parang ninanamnam ang bawat s****p. Gusto ko na siyang tanungin kanina, pero pinilit kong panatilihin ang composure ko.She’s allergic to mango.Alam ko ’yan. Sinabi niya sa namin, sa memory lane game namin nung outing. Tinandaan ko lahat ng trivia tungkol sa kanya dahil gusto kong makilala siya. Gusto kong maging totoo ang koneksyon namin bilang magkakambal.Pero bakit? Bakit siya uminom nito nang walang pag-aalinlangan? Nagkakamali ba ako ng alaala? O may mas malalim pa itong ibig sabihin?Parang may mat
MargauxNaging tunay na makabuluhan ang naging outing naming mag-anak. Hindi lang ito basta simpleng bakasyon. Parang naging panibagong simula ito para sa aming lahat. Masayang-masaya sina Mommy at Daddy, at lalong higit ako. Para bang matagal na naming inaasam ang ganitong pagkakataon, na makumpleto at magaan ang bawat sandali.Si Draco… napaka-genuine talaga ng pakikitungo niya sa pamilya ko, lalo na sa kambal kong si Margareth. Hindi siya ‘yung tipong pakitang-tao lang. Nakita ko kung paano siya makinig, ngumiti, tumawa, at minsan ay tumahimik kapag siya’y siniseryoso.Kaya naman doon pa lang, pakiramdam ko ay mas lalo akong naging panatag. May kung anong seguridad sa puso ko na nagsasabing okay na ang asawa ko. Na hindi na siya nag-iisip ng hindi maganda sa kakambal ko.Thankful talaga ako kay Yvonne. Kung hindi dahil sa suggestion niyang subukan ko raw isama si Draco sa mga ganitong bonding moments, baka hindi ko pa ito naranasan. Buti na lang at sinunod ko siya. Nang yayain ko s