Sino kaya ang kaharap nila ngayon?
MargarethWalong taong gulang pa lamang ako nang tuluyan kong maunawaan ang mundong kinasadlakan ko. Sa murang edad, natutunan ko na agad kung paanong tumikom ang bibig kahit nais mong sumigaw. Paano ngumiti kahit ang puso mo'y unti-unting nadudurog. Pero kahit mas bata pa ako noon, alam kong may mali. Ramdam ko. Hindi maganda ang pagtrato sa akin ng babaeng inakala kong ina ko, si Teresa.May isa pa akong kapatid o mas tamang sabihing, akala kong kapatid, si Natasha. Maganda siya at palaging pinupuri ni Teresa. Ako? Ako ang laging may sala. Kahit hindi ko naman kasalanan, ako ang sinisisi. Kahit wala akong ginagawa, ako ang pinapalo. Si Natasha ang prinsesa. Ako, parang anino lang.“Bakit laging ako ang napapagalitan, Ate?” minsan kong naitanong kay Natasha, nanginginig ang boses ko habang hawak-hawak ang sariwang pasa sa braso ko.“Dahil ikaw ang malas sa bahay na ‘to,” malamig niyang tugon, saka tumalikod na parang wala lang siyang nasabi. Bata pa lang kami pero ganon na siya umakt
MargarethDahan-dahang naglandas ang aking mga luha, bawat patak ay tila nag-uukit ng kirot sa aking pisngi. Nanginginig ang aking mga kamay habang pilit kong pinipigilan ang pag-uga ng dibdib ko. Hindi ko na kayang itago ang takot. Hindi para sa sarili kong buhay, kundi para sa kanila… para sa pamilya ko.Sa iilang beses na nakasama ko sila, dama ko ang init ng mga yakap, ang halakhak na punô ng pananabik, ang walang halong pagkukunwari nilang pagmamahal. Para akong sanggol na muling binalot ng tahanan. At sa bawat segundo kasama nila, unti-unting nabuo ang isang bagay na matagal nang basag sa puso ko, pag-asa.“Kung maaari lang... ako na lang. Ako na lang ang mawala.”Kung kapalit ng kaligtasan nila ay ang buhay ko, walang pag-aatubiling iaalay ko ito. Kahit buong mundo pa ang tumutol, papayag akong ako ang magdusa. Siya na lang ang mamuhay bilang Margareth. Siya na lang ang magpatuloy, kahit kasinungalingan ang sandigan niya.Ngunit hindi ganon kadali. Hindi ganoon kabait ang tadha
Third Person“Hello, madam,” sagot ng lalaki matapos ang ilang segundong pag-ring ng telepono. Bahagyang inilinang niya ang boses para maging magalang, alam niya na hindi uubra sa kausap ang pabalang sumagot. Higit sa lahat, wala talaga siyang balak na suwayin ito.“Kamusta si Margareth?” malamig ngunit kalmado ang tanong ng babae sa kabilang linya. Ang boses nna pangkaraniwan na sa kanya lalo na kung kausap ang sinuman sa kanyang mga tauhan.“Nasa silid pa rin, madam. Mahimbing ang tulog at nakagapos pa rin. Wala pong senyales ng pagtakas,” tugon niya habang sinulyapan ang direksyon ng silid na tila bang kahit ang hangin doon ay bantay-sarado.“Mabuti. Siguraduhin mong hindi siya makakatakas,” mariing tugon ng babae. “Maghanda na kayo. Papunta na tayo sa Phase 2 ng ating plano.”“Phase 2 na po?” Bahagyang nagliwanag ang mga mata ng lalaki, sabik sa kung anuman ang susunod. “Luluwas na po ba kayo?”“Hindi pa,” tugon ng babae, mas matalas ang boses ngayon. “Ayokong maging kampante ang
Draco“Hi, Draco!” masiglang bati ni Margareth habang halos tumalon sa tuwa. Medyo nagulat ako, hindi dahil sa pagbati, kundi sa kakaibang liwanag sa mukha niya. Parang may kung anong kislap sa mga mata niya ngayon na magaan, masigla, at ‘ika nga, parang may good news.Napatingin ako sa kanya habang lihim na nagtatanong sa isipan ko. Anong meron sa kanya ngayon?“Huwag kang magtaka sa kanya dahil naka-enrol na siya ng college,” sabi ng aking biyenan. Doon ko lang naintindihan. Kaya pala gano’n ang aura niya. Para bang naabot niya ang isang matagal nang pinapangarap.“Gusto ko na talagang makatapos ng pag-aaral, Draco,” sabat ni Margareth. “Para matulungan ko si Margaux sa kumpanya at maging proud sa akin sila Dad."Napangiti ako. At least, hindi lang si Margaux ang nagmamalasakit sa Skidmark. Mukhang may katuwang na siya sa laban.“Halika na sa dining area bago pa lumamig ang mga pagkain na niluto nila Manang Nena,” aya ni Margaux habang nakangiti. Nakapulupot ang braso niya sa bewang
DracoSinundan ko ng tingin ang papalabas kong asawa, ang bawat hakbang niya ay tila ba may laman at may dalang sigla pero may bahid din ng pagtataka sa akin.Hindi ko maintindihan kung bakit tila sabik siyang matuloy ang lunch namin with her family. Hindi naman sa ayaw ko, pero may kung anong kakaiba sa kilos niya. She seems very eager, almost... urgent.Pagka-disconnect ko sa tawag sa biyenan ko, agad kong tinawagan si Gustavo. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko, lalo na pagdating sa pagtingin kay Margaux kapag wala ako."Boss," sagot niya agad.“May napapansin ka ba kay Margaux sa tuwing magkasama kayo?” tanong ko agad, walang paligoy-ligoy.“Wala naman, Boss. Bakit po?”“Kahit ano? Kahit maliliit na bagay, wala talaga?” paniniguro ko. Tahimik siya saglit. Narinig ko pa ang mahinang tunog ng kanyang paghinga na parang sinisikap alalahanin ang mga nakalipas na araw.“Basta tahimik lang siya minsan. Parang may malalim na iniisip. Pero hindi ko na binibigyan ng masyadong pansin kasi
MargauxPagdating ko sa kitchen ay agad kong sinabi kay Manang Nena ang plano. Hindi ko na kailangang ulitin pa, mabilis siyang tumalima, pati na rin ang tatlo pang kasambahay.Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Napaka-bilis nilang kumilos, parang alam na agad nila ang kailangang gawin. Thankful talaga ako na kasama namin sila sa bahay. Hindi lang bilang mga tauhan, kundi para na rin naming kaanak.Pero sa likod ng pasasalamat na 'yon, may konting inis din akong nararamdaman tuwing bigla na lang silang sumusulpot kapag nagkakalandian kami ni Draco. Hindi naman sa ayaw ko, pero nakakabitin kapag kailangan naming itigil ang sandaling kapusukan dahil baka may makakita. Kaya tuloy, nakasanayan na naming sa kwarto lang namin o sa study room niya namin ginagawa ang aming... “milagro.”“Okay na po ba ang apat na putahe, Ma’am Margaux?” tanong ni Manang Nena habang inaayos ang hiwa ng mga gulay.“Okay na po ‘yan, biglaan lang naman ito. Pero