Share

Chapter 203

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-05-31 15:46:23
Third Person

“Hello, madam,” sagot ng lalaki matapos ang ilang segundong pag-ring ng telepono. Bahagyang inilinang niya ang boses para maging magalang, alam niya na hindi uubra sa kausap ang pabalang sumagot. Higit sa lahat, wala talaga siyang balak na suwayin ito.

“Kamusta si Margareth?” malamig ngunit kalmado ang tanong ng babae sa kabilang linya. Ang boses nna pangkaraniwan na sa kanya lalo na kung kausap ang sinuman sa kanyang mga tauhan.

“Nasa silid pa rin, madam. Mahimbing ang tulog at nakagapos pa rin. Wala pong senyales ng pagtakas,” tugon niya habang sinulyapan ang direksyon ng silid na tila bang kahit ang hangin doon ay bantay-sarado.

“Mabuti. Siguraduhin mong hindi siya makakatakas,” mariing tugon ng babae. “Maghanda na kayo. Papunta na tayo sa Phase 2 ng ating plano.”

“Phase 2 na po?” Bahagyang nagliwanag ang mga mata ng lalaki, sabik sa kung anuman ang susunod. “Luluwas na po ba kayo?”

“Hindi pa,” tugon ng babae, mas matalas ang boses ngayon. “Ayokong maging kampante ang m
MysterRyght

Salamat po sa suporta.

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
April Valles
Umiikotikot nanamn itong story.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 209

    MargauxHindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatulog sa sofa. Ang huli kong naaalala ay ang mahinang pagbugso ng hangin mula sa bintana at ang katahimikan ng buong bahay. Pero bigla na lang akong napabalikwas, parang may sumipa sa loob ng tiyan ko, kasabay ng matinding pagkahilo at pag-ikot ng sikmura.Napasinghap ako, napakapit sa gilid ng sofa, at dali-daling tumayo kahit nanginginig ang tuhod ko. Halos madapa ako sa pagmamadali papunta sa powder room na nasa ilalim ng hagdanan. Pagkarating ko roon ay agad kong isinubsob ang mukha sa lababo at nagsimulang ilabas lahat ng kinain ko kaninang umaga.“Ma’am Margaux! Okay lang po ba kayo?” gulat na tanong ni Tenten, isa sa mga kasambahay, na tila kagagaling lang sa kusina at napansin ang pagmamadali ko.Nilukob ako ng hiya at pagkailang, pero higit pa roon ang kaba.“Oo… kaya lang, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nasusuka nang ganito,” sagot ko habang hinahaplos ang noo ko, pakiramdam ko’y pinagpapawisan ako kahit mala

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 208

    MargauxHindi siya si Margareth. Hindi siya ang kakambal ko. Pero ang sample na nakuha ni Draco… ay mula sa tunay kong kapatid.Napakalinaw na ngayon na may dalawang Margareth sa mundong ito. At parehong naging bahagi ng buhay namin. Parehong nakasama… pero magkaibang-magkaiba. Isa, peke. Isa, totoo.Ngayon ko lang lubusang naunawaan. Ang impostora, inilalabas lang ang tunay na Margareth kapag kinakailangan. At isa sa mga pagkakataong ‘yon ay nung nag-outing kami. Pinagplanuhan iyon. Pinaghandaan.Marahil ay naramdaman niyang nagkakaroon na ng hinala si Draco. Kahit na anong pilit ng asawa ko na maging kaswal at magpanggap na wala siyang napapansin, halatang-halata pa rin sa mga mata niya ang pagdududa. Yung mga sulyap niya, yung kunot ng noo niya, at kung paano siya biglang tumatahimik kapag nagsalita na si Margareth, lahat iyon ay hindi naitago sa akin at malamang na pati s pekeng iyon.Kaya siguro nagdesisyon ang pekeng Margareth na pagpalitin muna sila. Para pakalmahin kami. Para

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 207

    MargauxNakaalis na si Margareth, ngunit nanatili pa rin akong nakatitig sa saradong pintuan ng aking opisina.Hindi ako natatakot para sa sarili ko, sa palagay ko ay kaya ko naman ang sarili ko. Mas takot ako para sa pamilya ko… at para sa tunay na Margareth kung saan man siya naroroon ngayon at maaaring nasa panganib.Paano kung pinahihirapan siya ng mga taong ‘yon? Paano kung kasalukuyan siyang bihag, pinatahimik, o pinipilit magsinungaling para hindi mailantad ang impostor na ‘yon? Sa bawat segundo ng katahimikan, para bang palakas nang palakas ang sigaw ng konsensya ko.Kailangan ko siyang maipalabas. Kailangang malaman ng lahat ang totoo. Ngunit… paano?Paano ko ilalantad ang tunay na Margareth nang hindi napapansin ng pekeng Margareth na ngayon ay malaya at kampanteng nakikihalubilo sa amin? Tila ba napakaayos ng kanyang pagkakaganap, halos perpekto.Pero teka... kung sakaling mapalabas ko nga ang tunay, ano ang susunod? Ano ang sasabihin ko sa kanila? Kailangan kong magkaroon

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 206

    MargauxPuno man ng pag-aalala ang dibdib ko, pinilit ko pa ring ituon ang sarili sa trabaho. Mahirap, pero kailangan. Hindi ko pwedeng pabayaan ang kompanyang ito lalo na’t hanggang ngayon ay wala pa ring resulta ang ipinagawa ko kay Gustavo. Umaasa ako na sinunod niya ang bilin ko na huwag munang ipaalam kay Draco ang kahit na anong detalye.Ayokong guluhin si Draco. Ayokong madagdagan ang bigat ng iniisip niya. Pero higit sa lahat, ayokong siya mismo ang makasira ng plano, nang hindi niya nalalaman. Oo, asawa ko siya, pero sa puntong ito… ako muna. Ako munang mag-iingat para sa amin.May nararamdaman akong hindi tama. May kutob na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako sigurado kung ito ay bunga lamang ng pagod o kung may tunay na banta na unti-unting lumalapit sa amin.Kailangan ko ng matibay na ebidensya. Hangga’t wala pa, kailangan kong kimkimin ang lahat ng ito. Lahat ng pagdududa, lahat ng tanong, lahat ng takot sa loob ko lang muna.“Sissy, hi!” masiglang bati ni Margareth, dala an

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 205

    MargarethWalong taong gulang pa lamang ako nang tuluyan kong maunawaan ang mundong kinasadlakan ko. Sa murang edad, natutunan ko na agad kung paanong tumikom ang bibig kahit nais mong sumigaw. Paano ngumiti kahit ang puso mo'y unti-unting nadudurog. Pero kahit mas bata pa ako noon, alam kong may mali. Ramdam ko. Hindi maganda ang pagtrato sa akin ng babaeng inakala kong ina ko, si Teresa.May isa pa akong kapatid o mas tamang sabihing, akala kong kapatid, si Natasha. Maganda siya at palaging pinupuri ni Teresa. Ako? Ako ang laging may sala. Kahit hindi ko naman kasalanan, ako ang sinisisi. Kahit wala akong ginagawa, ako ang pinapalo. Si Natasha ang prinsesa. Ako, parang anino lang.“Bakit laging ako ang napapagalitan, Ate?” minsan kong naitanong kay Natasha, nanginginig ang boses ko habang hawak-hawak ang sariwang pasa sa braso ko.“Dahil ikaw ang malas sa bahay na ‘to,” malamig niyang tugon, saka tumalikod na parang wala lang siyang nasabi. Bata pa lang kami pero ganon na siya umakt

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 204

    MargarethDahan-dahang naglandas ang aking mga luha, bawat patak ay tila nag-uukit ng kirot sa aking pisngi. Nanginginig ang aking mga kamay habang pilit kong pinipigilan ang pag-uga ng dibdib ko. Hindi ko na kayang itago ang takot. Hindi para sa sarili kong buhay, kundi para sa kanila… para sa pamilya ko.Sa iilang beses na nakasama ko sila, dama ko ang init ng mga yakap, ang halakhak na punô ng pananabik, ang walang halong pagkukunwari nilang pagmamahal. Para akong sanggol na muling binalot ng tahanan. At sa bawat segundo kasama nila, unti-unting nabuo ang isang bagay na matagal nang basag sa puso ko, pag-asa.“Kung maaari lang... ako na lang. Ako na lang ang mawala.”Kung kapalit ng kaligtasan nila ay ang buhay ko, walang pag-aatubiling iaalay ko ito. Kahit buong mundo pa ang tumutol, papayag akong ako ang magdusa. Siya na lang ang mamuhay bilang Margareth. Siya na lang ang magpatuloy, kahit kasinungalingan ang sandigan niya.Ngunit hindi ganon kadali. Hindi ganoon kabait ang tadhan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status