Share

Chapter 245

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-06-23 21:20:00

Margareth

Nag-aaral na ako ngayon, at masasabi kong ibang-iba talaga ang mundo kapag may pera. Para bang lahat ng proseso ay biglang naging madali. Walang pila, walang abala, at lalong walang tanong-tanong.

Isang kumpas lang ng kamay, ayos na lahat. Hindi ko maiwasang mapaisip… kung hindi kaya ginamit nina Natasha ang identity ko noon, mararanasan ko rin kaya ang ganito?

Pero siguro nga, dapat na rin akong magpasalamat. Dahil sa ginawang ‘yon, nabura na rin ang pangalang “Elen Moncidad” at pinalitan lang ng Margareth Pinto. Salamat na lang din sa hospital records at sa DNA test na nagpapatunay na hindi ako isang palaboy na napulot lang sa lansangan, kundi tunay ngang bahagi ng pamilyang ito.

Tapos na ang gulo. O kung hindi man tuluyang tapos, ay bahagyang lumamig na ang unos. At ngayon, narito ako bilang isang estudyanteng masaya, pero may kaunting kaba sa dibdib.

Hindi kasi madali. Aminado akong hirap ako noong una. Hindi naman kasi ako ‘yung talagang pumapasok dati sa eskwelahan. No
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
ERICHINE
baka si Samuel pa ang matipuhan niya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 247

    MargarethSobra ang excitement na nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, pero para akong batang sabik sa field trip.Imagine, pinagpatuloy ko lang ang kursong kinuha ni Natasha na Business Management at hindi ko inakalang magagamit ko ito para hindi lang sa sarili ko, kundi para rin protektahan ang kumpanyang matagal nang gustong angkinin ng iba. Sinadya nila iyon. Pinlano. Kaya pati si Natasha ay kinuha rin ang kursong ito. Pero hindi siya ang nagtagumpay kung hindi ako.At syempre, sino pa ba ang naging tutor ko kundi si Margaux? May iba pa ba na mas karapat-dapat? Siya lang talaga. At ngayon, heto kami ulit, magkasama sa opisina ni Draco. Wala siya ngayon dahil nasa lunch meeting siya sa labas kasama ang isang kliyente. Ayaw niya sanang kami ang maiwang mag-isa rito, pero pinilit na namin siya lalo na at magkasama naman kami.“Sa totoo lang, sa negosyo, nothing is constant,” simulang wika ni Margaux habang tinatapik-tapik ang notebook niya. “You have to be innovative para mag-stay

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 246

    Margareth“Hi, Margaux…” bati ni Sam, may ngiti sa labi ng masalubong namin siya papunta sa opisina ni Draco. Saglit na nagtama ang mga mata namin nang gumanti ng ngiti ang kambal ko.At gaya ng dati, may kung anong dumaan sa pagitan naming dalawa, parang malamig na hangin na dumampi sa balat sa gitna ng mainit na araw. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o ako lang ang nakakaramdam. Pilit ko iyong idinaan sa isang simpleng kibit-balikat. Hindi pwedeng bigyan ng kahulugan. Hindi dapat.Kilala ko siya. Alam ko kung sino siya sa buhay ng kapatid ko.He’s Sam. Margaux’s ex. At pamangkin ni Draco.Ayoko ng complications. Lalo na kung ang posibleng magiging epekto ay hindi lamang sa akin kundi sa kambal kong si Margaux.“Nag-usap kayo ng Tito mo?” tanong ni Margaux habang kinikindatan si Sam.“Ha? Ah—eh… oo.” Medyo alangan ang tono niya, at hindi ko rin pinalampas ang panakaw niyang sulyap sa akin. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan. O baka naman nagkakamali lang ako?“Ok

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 245

    MargarethNag-aaral na ako ngayon, at masasabi kong ibang-iba talaga ang mundo kapag may pera. Para bang lahat ng proseso ay biglang naging madali. Walang pila, walang abala, at lalong walang tanong-tanong.Isang kumpas lang ng kamay, ayos na lahat. Hindi ko maiwasang mapaisip… kung hindi kaya ginamit nina Natasha ang identity ko noon, mararanasan ko rin kaya ang ganito?Pero siguro nga, dapat na rin akong magpasalamat. Dahil sa ginawang ‘yon, nabura na rin ang pangalang “Elen Moncidad” at pinalitan lang ng Margareth Pinto. Salamat na lang din sa hospital records at sa DNA test na nagpapatunay na hindi ako isang palaboy na napulot lang sa lansangan, kundi tunay ngang bahagi ng pamilyang ito.Tapos na ang gulo. O kung hindi man tuluyang tapos, ay bahagyang lumamig na ang unos. At ngayon, narito ako bilang isang estudyanteng masaya, pero may kaunting kaba sa dibdib.Hindi kasi madali. Aminado akong hirap ako noong una. Hindi naman kasi ako ‘yung talagang pumapasok dati sa eskwelahan. No

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 244

    Mature ContentMargaux“Sugar, may napapansin ako sa’yo.”Kakalabas lang niya mula sa banyo, basang-basa pa ang buhok at tanging puting tuwalyang nakapulupot sa baywang ang suot. Bahagyang nagtilamsik ang tubig mula sa kanyang balat habang naglalakad siya papunta sa akin at ano ba yan! Para siyang sining na buhay, perpektong hinulma para tuksuhin lang ako.Hindi ko napigilang mapatitig sa malapad niyang katawan at bawat patak ng tubig sa kanyang dibdib ay parang may sariling agenda na pasabikin ako.“Ha?” Naiiling kong sagot habang pilit iniiwas ang paningin. “What is it?”Tumaas ang isa niyang kilay, kasabay ng kunot-noong tingin na parang nagsasabing, "Really? ‘Di mo talaga alam?"“Stop matchmaking Gustavo and Margareth,” mahinahon pero punong-puno ng intensyong sambit niya.Napaupo ako ng tuwid, pilit pinanatiling kalmado ang mukha. “I’m not!” defensive kong tugon. Hindi ako aamin kahit na ano pa ang mangyari.Napailing siya, sabay tawa. ‘Yung klaseng tawa na nakakapikon pero nakak

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 243

    Margaux“Ito, bagay ‘to sa magiging mga apo ko,” masiglang bulalas ni Mommy habang pinipisil-pisil ang isang maliit na sapatos na kulay asul na may burdang kotse sa gilid.“Hindi, Mommy! Mas babagay ito,” sabat ni Margareth habang hawak naman ang isang pares ng kulay rosas na sandals na may kumikislap na bituin. “Tsaka dapat pambabae at panlalaki ang bibilhin natin. Dapat prepared!”“Margareth, Mommy… tigilan niyo nga yan,” natatawa kong sabi sa kanilang dalawa na parang sila pa ang nagdadalang-tao. “Hindi pa nga natin alam ang gender ng kambal, kung ano-ano na agad ang gusto niyong bilhin.”Napailing ako habang tinatago ang ngiti. Ang totoo niyan, mas excited pa silang lahat kaysa sa akin. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa mall kaya dalawang buwan na rin mula nang madakip ang grupo nila Teresa. Sigurado na ang pagkabulok nila sa kulungan, at mula noon, parang nakahinga kami ng mas maluwag.Dalawang buwan na rin mula nang malaman ng pamilya ko ang tungko

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 242

    Draco“Margaux! Margareth!” sabay na tawag ng mga magulang ng kambal nang makita nila kami sa pagpasok ng bahay. May panginginig sa boses nila, halatang hindi pa rin lubusang nawawala ang kaba at takot sa kanilang dibdib.“Mom, Dad!” sabay na sigaw din ng magkapatid habang mabilis na lumapit sa mga ito, agad silang yumakap sa mga magulang nilang parang matagal na panahong nawalay sa isa’t isa.Mahigpit ang yakapan, sabay-sabay silang napaluha sa labis na emosyon, takot, ginhawa, at pasasalamat.“Okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan? Sabihin n’yo sa’kin agad kung may masama kayong nararamdaman, mga anak,” halos garalgal na tanong ng kanilang ina habang hinahaplos ang mukha ng dalawa, para bang kailangan niya ng pisikal na patunay na ligtas nga ang kanyang mga anak.“Okay lang kami, Mommy,” sagot ni Margareth habang pinipilit ngumiti, pero nangingilid pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Tumango si Margaux bilang pagsang-ayon habang pinipisil ang kamay ng kapatid.Napansin ko ang b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status