Share

Chapter 31

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-03-03 20:34:56
Margaux

“You’re eating this stuff?” tanong ni Draco ng bumalik siya sa sala hawak hawak ang box ng pizza, burger at fries na in-order ko. Tumango ako at ngumiti. Pansamantala kong nakalimutan ang hiya lalo at narinig ko na rin ang pagtunog ng sikmura ko.

Mukhang hindi rin iyon nakaligtas sa kanyang pandinig dahil napailing na ito at tsaka inilapag sa mesa ang mga hawak.

“I’ll get water. Buti na lang ta hindi ka na nag-order ng softdrinks, kung hindi ay puro junk foods na ang nilaman mo sa katawan mo.”

“Bata pa ako kaya pwede pa yan,” tugon kong nakaingos.

“May ibig ka bang ipahiwatig sa sinabi mo na yan?” tanong niya.

“Wala,” sagot ko sabay bukas ng pizza. Napangiti ako dahil mainit-init pa ‘yon at mukhang masarap. “Kuha ka ng tubig,” sabi ko pa ngunit kumunot lang ang noo niyang nakatingin sa akin.

“Kuha ka na ng tubig, C-Cupcake.” Tinignan niya akong mabuti bago ito tumalikod. Grabe, kailangan talaga may endearment pa! Ano yon, magic word?

Isang pitsel ang dala niya ng bumalik at isa
MysterRyght

Waaaahhh... Kung ano-ano na ang nararamdaman mo para kay Cupcake, Sugar!

| 37
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Conception Balmedina
gusto na din nya si cupcake
goodnovel comment avatar
Nimpha
na in love na haha
goodnovel comment avatar
Julie Ann Ocampo
miss a,I'm waiting Po Ng pov ni Draco..kelan Niya nagustuhan si Margaux?......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 193

    DracoGaya ng gusto ni Margaux, natuloy nga ang outing kasama ang kanyang mga magulang at si Margareth. Pinilit kong maging kalmado at umakto nang normal. Hindi dahil komportable ako, kundi dahil ayokong biguin ang asawa ko. Ayokong makaramdam siya ng lungkot o pagkadismaya kung makikita niyang may distansya pa rin ako sa kakambal niya.Sa totoo lang, ginagawa ko ito para sa kanya. Para sa amin.“Wow, anak. Hindi ko akalain na maiisip mo ito,” masayang bungad ng biyenan kong babae habang nakatingin sa paligid. Nasa isang private resot kami sa Laguna na ayon sa aking Sugar ay si Rey ang naghanap at nagpa-book.Merong swimming pool at malapit doon ay pahabang lamesa. May dirty kitchen at videoke area. Apat ang silid kaya naman sobra pa sa swak sa amin.“Naku Mommy,” sagot ni Margaux na bakas sa mukha ang kasiyahan, “gusto ko lang talaga na magkaroon tayo ng time. Para mas makilala pa natin si Margareth… at makilala rin niya tayo.”Ngumiti siya sa akin habang sinasabi iyon. Iyon ‘yung ng

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 192

    DracoDahil dumating ang asawa ko, nagdesisyon na kaming kumain sa labas. Pinauwi ko na si Gustavo dahil gusto kong sabay na kaming umuwi ni Margaux.Sa restaurant na walking distance mula sa kumpanya kami nagtungo. Gusto ko sanang dalhin siya sa isang tahimik na rooftop bistro sa kabilang distrito, yung may view ng buong siyudad ngunit masyado pang maaga. At isa pa, hindi siya pumayag.“Kailangan mo pang bumalik sa trabaho,” sabi niya sa malambing pa rin na tono ng kanyang boses. Syempre, wala akong nagawa. She’s the boss… and honestly, I love whatever she likes.Nag-order kami ng seafoods para maiba naman daw. Madalas kasi kaming meat and vegetables.Nang tangkain niyang ipagbalat ako ng hipon, agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya, dahilan upang takang-taka siyang tumingin sa akin.“Let me, Sugar,” bulong ko, puno ng malasakit.“Pero—”“Wala ng pero-pero.” Tinitigan ko siya nang diretso. “Ako ang dapat na gumawa nito para sa’yo. I should be the one to take care of you

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 191

    Draco“Please do more investigation, pero huwag mong hayaang malaman ni Margaux,” seryoso kong bilin. “I didn’t want her to feel disappointed. She wanted me to be close to her twin… at ayaw kong mag-alala din siya.”May ilang segundong katahimikan bago siya sumagot. “No problem.”Tumango ako nang marahan. Pero bago pa siya makapagsalita muli, nagpauna na ako.“And I’m sorry kung kinailangan mong umuwi agad mula sa bakasyon na hiningi mo.”“That’s nothing,” sagot niya, kaswal na kaswal. “Hindi rin naman ako nag-e-enjoy.”Tumaas ang isang kilay ko. Parang hindi kapani-paniwala. Kilala ko siya, ang taong kahit sa gitna ng giyera, marunong pang makahanap ng babae para ligawan… o kahit saglit lang na aliw.“Talaga lang, ha?” hindi ko napigilang tanong, may halong pagtataka. “Ikaw? Hindi nag-enjoy sa bakasyon? What happened? Naubos na ba ang listahan mo ng mga babaeng pwedeng i-date?”Ngumisi siya. ‘Yung ngiti na parang palaging may tinatago.“Huwag mo akong tingnan ng ganyan,” aniya. “Sadya

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 190

    Draco“Sigurado ka ba sa mga ito?” tanong ko habang nakakunot ang noo, ang mga mata ko’y mariing nakatuon sa report na inabot ni Kevin. May bahid ng pag-aalinlangan sa boses ko, pero mas nangingibabaw ang kaba.“According sa mga nakalap naming impormasyon, yes,” sagot niya habang kinukuha ko ang folder.Dahan-dahan kong binuklat ang mga pahina. Isa-isa kong sinuri ang bawat detalye. Mga larawan, transkripsyon ng pahayag ng mga kapitbahay, at ilang detalye tungkol kay Margareth at kay Aling Marites.Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang isang entry.“Namatayan daw ng anak si Aling Marites,” bulong ko, hindi makapaniwala. “Pagkalunod. At... hindi na raw natagpuan ang bangkay?”Tumango si Kevin. “Ayon ‘yan sa isang matagal nang naninirahan sa lugar. Parang urban legend na ang usapan tungkol sa pagkamatay ng bata. Yung sinasabi nila na pagbubuwis ng buhay. Doon nila inuugnay ang pagkamatay or pagkawala ng anak ni Aling Marites."Parang may malamig na hangin na dumaan sa bat

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 189

    Margaux“Alam mo,” panimula ni Yvonne habang iniikot-ikot ang straw ng kanyang inumin, “naiintindihan ko si Draco. Protective siya. Natural 'yon sa isang taong nagmamahal. Pero…”Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko.“Pero dapat mong ipaalala sa kanya na hindi porket nagmamahal siya, eh siya lang ang may karapatang magdesisyon kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan. You have to tell him how you feel about Margareth."Napakurap ako. Tinamaan ako sa sinabi niya.“Margaux, matalino ka. Hindi ka magpapadala sa emosyon lang. At higit sa lahat, kilala mo ang pamilya mo. Kung naramdaman mo na si Margareth ay parte ng puso mo, hindi mo ‘yon dapat balewalain. At kung may pagdududa man si Draco, dapat open kayo sa isa’t isa. Hindi yung siya lang ang laging may say.”Napayuko ako. Piniga ko ang tasa sa harap ko. “Kaya siguro ako nalilito. Kasi hindi ko alam kung tama pa ba na masaya ako. Parang may guilt... kasi hindi siya ganun ka-convinced.”“Hoy,” sabay tapik niya sa kamay ko. “Walang

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 188

    MargauxHindi ko maiwasan ang mapaisip sa sinabi ni Draco.Mahal niya ako. Ramdam ko iyon sa bawat kilos niya, sa bawat pag-aalala, kahit sa mga bagay na tila maliit lang sa paningin ng iba. Alam ko rin na para sa kabutihan ko lang ang lahat ng ginagawa niya. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya mas naging maingat. Kung bakit bawat hakbang ay gusto niyang pag-isipan, suriin, timbangin.Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon… hindi ko rin maiwasang maramdaman ang bahagyang kirot. Kirot na parang nahahati ako sa dalawang bagay na mahalaga sa akin.Siniguro ng mga magulang ko ang lahat bago pa man nila dalhin si Margareth sa bahay. Hindi sila pabaya. Hindi sila basta-basta nagtitiwala. At yung mga naramdaman ko nung unang beses ko siyang nakita, yung init sa dibdib, yung parang may kumpletong piraso na bumalik sa puso ko, hindi ba sapat 'yon?Hindi ba sapat ang saya na sabay-sabay naming naramdaman nang makita namin siya? Ang mga luhang hindi mapigilan, ang mga yakap na tila kaytagal bago naibi

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 187

    DracoTahimik kaming pumasok ng bahay, at tulad ng nakagawian, dumiretso kami sa kwarto. Bitbit ko ang mga gamit ni Margaux habang siya naman ay pabagsak na humiga sa kama at nanatiling nakasayad ang mga paa sa sahig, mukhang pagod pero halatang masaya.“Magpahinga muna tayo saglit, Cupcake bago maglinis ng katawan,” sabi niya habang inaabot ang kamay ko para hilahin ako sa tabi niya.Sumunod ako. Humiga ako sa tabi niya habang naunan ang aking ulo sa isa kong braso, habang ang isa naman ay nanatili sa gilid ko, sa pagitan naming dalawa.Hindi rin ako agad nagsalita. Ang isip ko, punong-puno ng mga detalyeng kanina ko pa binabalikan sa patio. Mga sulyap, kilos, at reaksyon ni Margareth na hindi ko basta-bastang maikakibit-balikat.“Cupcake?” tawag niya sa akin habang inabot ng kamay niya ang aking pisngi at hinagod iyon. “Okay ka lang ba?”“Oo naman,” mabilis kong sagot, pero hindi ko siya tiningnan.Napabuntong-hininga siya. “Cupcake, wag mo akong paikutin. Ang tahimik mo simula pa ka

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 186

    DracoNasa patio na kami ngayon. Presko ang simoy ng hangin, may kaunting hampas ng malamig na hangin mula sa mga halaman at puno na nasa paligid. Ang liwanag ng araw ay malambot na bumabalot sa buong paligid, perpekto para sa isang tanghalian kasama ang pamilya.“Wow, Ma! Binalik mo ‘tong sinigang na ‘to ah!” bulalas ni Margaux habang inaabot ang mangkok. “Paborito ‘to ni Draco.”“Ay syempre! Dapat special, kasi kumpleto na tayo,” masayang tugon ng biyenan kong babae habang abalang naglalagay ng kanin sa plato ni Mr. Pinto.Nginitian ko si Margaux at tinapik ang kamay niya. “Ikaw lang ang sinigang ko,” bulong ko sa kanya.Napangiti siya. “Corny mo na naman.”Pero ngumiti rin siya nang mahaba.Tumingin ako kay Margareth. Tahimik lang siya, parang pinag-aaralan ang bawat isa sa amin habang nagsasalo. Hindi ko alam kung kinakabahan siya, o sadyang hindi pa sanay sa ganitong set-up. Nang subukan niya ang sinigang, napangiwi siya ng bahagya.“Maasim ba?” tanong agad ng biyenan ko.“Ha? Hin

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 185

    DracoNasa harap ko ngayon ang kakambal ni Margaux. Hindi ko alam kung bakit may bahagyang kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Parang may hawak na salamin sa harap ko at pinapatingin ako sa isang bersyon ng asawa ko na hindi ko kilala.Kung titignan ay talagang magkamukhang-magkamukha sila, mula sa hugis ng mata, linya ng labi, at pati ang bahagyang pagtaas ng kilay kapag nagsasalita. As in, walang pinagkaiba. Sigurado akong kahit sinong makakita sa kanila na magkatabi ay malilito, lalo na kung pareho silang nakasuot ng iisang damit.“Kamusta, Draco,” bati niya sa ‘kin, nahimigan ko ang pag-aalangan niya dahil mukhang ngiming-ngimi ito.Napakurap pa ako ng marinig ko ang boses niya dahil... parehong-pareho rin ng kay Margaux.Sa isang iglap, parang may sumagi sa isip kong hindi ko agad mapangalanan. Pero kahit na ganun ang reaksyon ko sa loob-loob ko, pinilit kong huwag ipakita. Ayokong mahalata nila na nabigla ako.“Okay lang ba na sa pangalan na lang kita tawagin?” tanong pa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status