Margaux
Gala night.
Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.
Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.
Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.
Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.
Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.
“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.
“Kanino pa ba ako magmamana?” Natawa siya dahil sa sinabi ko.
“Dear, hindi ka ba susunduin ni Sam?” nakangiting tanong ng aking ina. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang nangyari dahil ayaw ko naman din na madisappoint siya. Tsaka baka maiyak lang ako sa harapan niya na ayaw kong mangyari.
“Kami na po ni Yvonne ang magsasabay.”
“Okay, but make sure na umuwi ka ng tamang oras ha. Huwag sasama sa kung sinong hindi mo naman kilala.”
“Ang laki ko na Mommy para gawin ‘yon,” natatawa kong sabi. Mas lumapit pa siya sa akin at pinakatitigan ako sa salamin kaya naman nagtama ang aming mga mata doon.
“Ang laki mo na nga anak, parang kailan lang ay nananakbo ka pang walang salawal sa garden.”
“Mi!” Bumunghalit kami ng tawa pareho bago ko naramdaman ang mahigpit niyang pagyakap sa akin mula sa aking likod.
“Gagraduate ka na tapos ay mag-aasawa. Nakakalungkot isipin na magkakaroon na ng bagong priority ang baby ko.” Naramdaman ko na mas humigpit pa ang yapos niya sa akin.
“Nagpapaka-emo ka dyan, Mi. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako mawawala. Isa pa, halos kakasimula pa lang ng second sem.”
Umunat na ng tayo ang aking ina at dahil tapos na rin naman akong mag-ayos ay tumayo na rin ako.
“Sa school lang ang punta ko at hindi sa altar para ikasal kaya huwag ka muna maiyak.”
Gusto kong sabihin sa kanya na mukhang matatagalan pa ang paglakad ko sa aisle dahil break na nga kami ng inaasahan niya na rin na magiging asawa ko.
Sasagot pa sana siya ngunit sabay kaming napatingin sa pintuan ng may kumatok doon. Pagbukas ay ang nakangiting mukha ni Yvonne ang nakita namin.
“Ang ganda ah! Tama yan, magpaganda ka para–”
“Alam mo girl, halika na.” Putol ko sa kung anumang sasabihin niya dahil baka madulas pa ito at malaman ni Mommy ng wala sa oras ang nangyari sa amin ni Sam.
“Mi, aalis na po kami.” Agad akong humalik sa kanyang pisngi at hinila na si Yvonne palabas ng aking silid bago pa man ito makadaldal.
Nang makarating kami sa gymnasium ng university kung saan ginaganap ang gala night ay agad na napabaling ang tingin ng lahat sa amin.
Halata ang gulat sa kanilang mukha dahil hindi nga talaga ako uma-attend sa ganitong gathering.
Idagdag pa ang aking itsura na malaki ang ipinagbago dahil ngayon lang din nila ako nakitang naka-makeup.
Binati ako ng ilang mga kamag-aral at nagsimula na kaming magkwentuhan. Masaya silang makita ako at yon ang mahalaga.
Ilang saglit pa at dumating na rin si Sam kasama nga si Chloe. Kapit na kapit ang babae sa braso ng lalaki na akala mo ay may aagaw dito.
Nagtama ang paningin namin ni Sam at halata ang gulat sa kanyang mukha. Kahit siya ay ngayon lang din ako nakitang mag-ayos.
“I didn't think na aattend ka ngayon.” Magkaharap na kami ni Sam kaya naman kitang kita ko ang angkin niyang kagwapuhan sa suot niyang white suit na may combination na lilac na para bang pinag-usapan namin ang aming susuotin.
“Babe, did she stalk on you?” maarteng tanong ni Chloe. At babe? Ang akala ko ba ay ayaw niya sa endearment? Bakit ngayon ay pinayagan niyang tawagin siyang babe ng Chloe na ito.”
“Nakiterno pa talaga siya sayo ng damit oh!” dagdag pagmamaktol ni Chloe.
“So talagang ikaw ang babaeng napansin kong sunod ng sunod sa akin ng ipagawa ko ang damit na ‘to?” inis na tanong ni Sam.
Nakarinig ako ng bulung-bulungan mula sa nakapaligid sa amin. Mahina lang ang musika at hindi pa nagsisimula ang programa kaya mabini pa ang patugtog ng DJ.
“At bakit ka naman susundan ni Margaux, aber?” mataray na sabi ni Yvonne pero pinigilan ko na magpatuloy pa. “Pero–”
Umiling ako sa kanya tanda ng pagsaway at wala na itong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.
Pero hindi ibig sabihin non ay mananahimik na rin ako.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo and I don't have the luxury to do kung anuman ang sinasabi mo,” sabi kong hindi inaalis ang tingin kay Sam.
“Siguraduhin mo lang. Ayaw kong bumubuntot ka sa akin kagaya ng ginagawa mo noon dahil naaalibadbaran ako.”
Nasaktan ako sa sinabi niya. Dati ay hindi niya ako pinagsasalitaan ng ganon kahit na anong kulit ko pa ng pagsunod sa kanya. Pero bakit biglang naging ganyan siya?
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na niya si Chloe palayo sa akin. Papunta sa grupo ng kanyang mga kaibigan na ni minsan, sa loob ng dalawang taon ng pagiging kami ay hindi niya ginawa.
Ang sakit, ang sakit sakit. Ang akala ko ay magiging maligaya na ako ng maging kami, pero bakit nagkaganito?
“Margaux, huwag mo ng pansinin yon. He's not worth it.”
Gusto kong sundin ang sinabi ni Yvonne pero ang hirap na hindi pansinin at balewalain na lang ang salitang binitawan ni Sam.
Sinikap kong pakalmahin ang sarili ko. Pansamantala akong lumabas ng gymnasium para magpalamig at sinamahan naman ako ni Yvonne.
Nang sa tingin ko ay okay na ako at dahil narinig na rin namin na magsisimula na ang party ay pumasok na kami ulit.
Gusto ko ng umuwi pero sinabi ko sa sarili ko na mag-e-enjoy ako. Kaya kahit na masakit na makitang may kasayaw na iba si Sam at napaka-sweet pa ay tiniis ko.
“Would you like to dance with me?” tanong ng isang lalaking natatandaan kong mula sa college of engineering.
“Go, girl. Makipagsayaw ka. Pang-ilan na siyang nagyaya sayo.”
Dahil sa panunudyo ni Yvonne ay inabot ko ang aking kamay sa lalaki at sumunod sa kanya papunta sa gitna kung saan naroroon na din sila Sam at Chloe.
Hi, sana po ay magustuhan niyo ang aking bagong kwento. Pa-comment po kung ano ang masasabi niyo. Maraming salamat!
Hello!!Thank you so much po sa inyong suporta.Sa mga nagbigay ng gems, likes, comments at gift share, maraming, maraming salamat po. Hindi po ito aabot sa ganito kung hindi dahil sa mga readers na sumusubaybay. Sana po ay suportahan niyo rin po ang iba ko pang mga akda.Nilagyan ko lang ng kaligayahn si Margareth at Sam kaya medyo nadagdagan. Syempre, hindi rin natin dapat pabayaan ang kumpanya na iiwan nila Margaux at Draco. Higit sa lahat, ang happiness din nila Mr. & Mrs. Pinto. Ayaw kong malungkot sila kapag sa Germany na nakatira si Margaux, hehehe...Anyway, thank you po ulit. At kita-kits pa rin po sana tayo sa susunod kong story.God bless sa lahat!!-MysterRyght
MargauxPagkalipas ng isang buwan ay lumipad na nga kaming pamilya pabalik ng Pilipinas. Ang mga biyenan ko ay naiwan pa at isang linggo bago ang kasal ang flight.Sinalubong kami nila Mommy na ang kambal din naman ang agad na nilapitan. Pinagtag-isahan nila ni Dad habang si Margareth ay tila nahihiyang nakatingin sa akin kahit na nga nakangiti pa ito.Umangat ang aking mga braso para yakapin siya. Mabilis naman siyang lumuob sa aking mga bisig. Kasunod ay narinig ko ang kanyang paghikbi.“Hey, what’s wrong?” tanong ko sabay layo sa kanya ng bahagya pero ang mga kamay ko ay nasa kanyang magkabilang balikat.“Nothing, namiss lang kita ng sobra…”“Sus… halos araw-araw tayong nag-uusap thru video call.”“Iba pa rin ang sa personal.” Sa bagay nga naman.Niyaya na kami nila Dad kaya nman sumakay na kami sa SUV. Si Dad sa driver’s seat katabi si Draco habang kami naman nila Mommy, Margareth at ang kambal sa likod.Sa bahay ng aking mga magulang kami tumuloy at nadatnan na namin doon ang mag
Margaux“Cupcake, look!” tawag ko agad kay Draco habang hawak ang cellphone. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinipindot ang message na sinend sa akin ni Margareth. May attachment iyon, isang digital wedding invitation.Agad namang lumapit si Draco. Nakakunot ang noo habang sinisipat ang screen.“Really?” bulalas niya, halatang gulat na gulat. “Is this… real?”Tumango ako pero halata ring litong-lito ako.“Hindi ko rin alam,” sagot ko, napapailing habang muling tinititigan ang invitation na may eleganteng floral border at naka-emboss na mga pangalan: Samuel & MargarethHumigpit ang hawak ko sa phone. “Cupcake… hindi naman siguro… I mean, alam mo na…”Napatingin ako sa asawa ko. At doon ko nakita ang seryosong titig niya, puno ng pag-aalala. Hindi para sa akin, kundi para sa kakambal ko.Ngunit agad din iyong nawala at huminga ng malalim. “Hindi naman siguro, Sugar. Isa pa, kilala natin si Margareth. Alam niya ang buong nakaraan, as in lahat. Hindi siya papasok sa ganitong bagay kung h
SamSa unang pagkakataon, nakita ko siyang walang alinlangan. Walang takot. Walang pagtanggi. Nasa kwarto kami na pinangarap ko na sanang mapuno ng mga alaala naming dalawa at ngayon, magsisimula na ang unang pahina ng kwentong iyon.Magkatapat kami sa paanan ng kama. Tahimik at parehong kabado. Parehong alam kung anong maaaring mangyari, pero mas nangingibabaw ang kagustuhang maramdaman ang bawat segundo na magkasama.Nakatitig siya sa akin. Sa likod ng mahinang ngiti niya, naroon ang tanong: Handa na ba tayo talaga?At sa titig ko, sana ay nakita niya ang sagot: Oo, pero hindi kita pipilitin.Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Maingat at marahan na parang kinukumpirma pa rin kung maaari. At nang hindi siya umatras, ipinikit niya ang mga mata at sinalubong ang mga labi ko.Ang halik naming iyon ay hindi katulad ng dati. Wala na iyong kilig na paunti-unti. Ito'y halik na humihingi ng pahintulot, halik na may kasamang pangakong “babalutin kita ng pag-aalaga.”Nang alisin ko ang kanyang
MargarethKung may sikreto mang hindi ko nais ibunyag, ito ‘yung sa amin ni Sam.At kung may sikreto mang ayaw kong mawala, ito rin ‘yon.Mula noong gabing hinalikan ko siya, hindi na kami nagbitaw. Hindi man kami lantaran, hindi man kami malaya, pero totoo kami sa isa’t isa. Sa bawat tawag tuwing madaling araw. Sa bawat text message na may simpleng “Ingat ka” o “I miss you.” Sa bawat sulyap kapag nagkakasalubong sa events na kailangan naming magpanggap na hindi kami sobrang close sa isa't-isa, lahat ng iyon ay sa amin.At sapat na iyon. Para sa ngayon.Last sem ko na sa college, at sa dinami-dami ng dapat kong alalahanin, thesis, internship, graduation requirements ay si Sam pa rin ang laging nakababad sa utak ko. Isang mensahe niya lang ay kaya nang pasayahin ang buong araw ko. Isang tawag sa gabi, habang nakasandal ako sa unan, ay sapat nang dahilan para makatulog akong may ngiti sa labi.At kapag nagkikita kami, kahit pa palihim, kahit pa sa loob ng kotse niya habang nakaparada sa
SamHindi ko alam kung paano kong nagawang huminto.Nandyan na. Hawak ko na. Ramdam ko na ang init ng labi niya, ang paglalambot ng katawan niya sa bawat haplos ko, ang unti-unting pagbagsak ng pader na itinayo niya sa pagitan namin mula noon.Pero bigla akong natigilan. Hindi dahil sa pagdududa sa nararamdaman ko, kundi dahil sa tindi nito.Gusto ko siyang halikan. Hindi lang basta halik. Gusto kong damhin siya. Mahawakan siya. Maging dahilan ng bawat paghina ng tuhod niya. Pero hindi ako lumampas. Hindi ako nagpadala.Dahil habang tinititigan ko siya, nakita ko ang kabuuan niya. Hindi lang ang pulang labi, o ang malalambot niyang mata. Nakita ko ang takot. Ang pangamba. Ang pagkalito.At hindi ko kayang samantalahin iyon.Pinikit ko ang mga mata ko, mariin. Napailing ng bahagya. Hindi ako santo, malayo ako roon. Pero sa kanya, gusto kong maging maingat.Dahan-dahan akong lumayo mula sa pagkakayuko sa kanya. Nangangatog ang loob ko, pero pinilit kong manatiling buo. Hindi ako naglaka