Margaux
“Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.
Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.
“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”
“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.
“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.
“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kitang kita ko na ang paghahalikan nila Sam at Chloe sa gitna na dapat sana ay nagsasayaw lang.
Parang pinilipit ang puso ko dahil sa aking nasaksihan. Hindi man lang nilinaw muna ni Sam ang lahat sa amin bago niya iyon ginawa.
Ang masakit pa, kahit na medyo malamlam ang ilaw ay kita ko pa rin na sa akin siya nakatingin habang akala mo gutom na gutom sila ni Chloe sa isa't isa kung maghalikan.
Wala sa sarili kong napahawak ako sa aking dibdib kasunod ang masaganang pagdaloy ng aking luha. Hindi ako nakakilos at para akong itinulos sa aking kinauupuan.
“Grabe, break na talaga sila?”
“Hala mahal pa rin ni Margaux si Sam, grabe ang pag-iyak oh!”
“Mahirap talaga kapag one sided.”
“Unrequited, kawawa naman si Margaux.”
“Kaya siguro siya um-attend ngayon at nagpaganda ay para balikan siya ni Sam.”
Gusto kong takpan ang tenga ko sa mga naririnig ko pero hindi nga ako makakilos hanggang sa may tumayo sa harapan ko at humarang sa tagpong dumurog sa puso ko.
“You know what, halika na at may pagdadalhan ako sayo.”
Wala na akong lakas para pumalag kaya naman madali lang akong nahila ni Yvonne palabas.
Sa sasakyan niya kami dumiretso at kitang kita ko ang awa sa kanyang mukha ng iharap niya ako sa kanya at yakapin.
“Ni minsan ba ay hindi niya ako minahal? Kahit katiting ay wala ba siyang nararamdaman para sa akin para gawin niya iyon?” Naging mas malakas ang pag-iyak ko at nararamdaman ko na rin ang pagbara ng ilong ko dahil sa sipon.
“Shh… tahan na girl…”
“Wala pa kaming formal breakup. Ni hindi ko nga alam na break na pala kami. Masama bang hilingin na siya naman ang masorry dahil siya naman ang nagkamali? Palagi na lang ba ako ang uunawa sa kanya? Anong mali sa akin Yve?”
“Walang mali sayo, Margaux. Sadya lang bulag or hindi marunong magpahalaga si Sam.”
“Sana pala naniwala na lang ako sayo noon. Sana nakinig ako sayo na huwag ko ng ipilit. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.”
Humagulgol na ako ng husto at hindi ko na inalinta kung ano pa ang maging itsura ko. Sigurado akong nagkalat na ang mascara sa mukha ko pero wala na akong pakialam.
Inilayo ako ni Yvonne ng bahagya sa kanya at tinignan mabuti bago kinuha ang box ng tissue na nasa dashboard ng sasakyan. Buti na lang at in-on niya ang aircon, kung nagkataon ay nanghuhulas na talaga ako hindi lang sa luha at sipon kung hindi pati na rin sa pawis.
Ang kaibigan ko na ang siyang nagpunas ng akiing mukha. Kahit kailan talaga ay maaasahan siya.
“Now, you look better.”
Bahagya ko siyang nginitian dahil nahihiya pa ako sa nangyari. Ang akala ko ay operation making Sam jealous kami ngunit ako pala ang mamatay sa sakit ng kataksilan niya.
“Girl, tandaan mo, there's nothing wrong with you. Sobrang mahal mo lang si Sam kaya ikaw na ang gumagawa ng lahat para lagi kayong magkaayos.”
“Pero ngayon, sinubukan ko lang na—”
“At hindi masama iyon. It takes two to tango. Dapat give and take. Ganyan dapat ang relationship. Hindi iyong one way lang ng one way.”
“Ang gusto ko lang ay maging masaya siya,” tugon ko kasunod ang pagyuko.
“At your expense. Hindi lang siya ang dapat na maging masaya, dapat ikaw rin. Kapag pareho kayong dumaranas non sa kabila ng pagsubok at problema that's when you're really in a relationship. At sa kung anuman ang meron kayo ngayon, ikaw lang ang committed and not him.”
“I love him, Yve.”
“I know,” tugon niya. “But you have to love yourself as well. At ang pagsunod sunod mo sa lalaking yon ay hindi nagpapakita ng pagmamahal mo sa sarili mo.”
“Anong gagawin ko? I really love him at ayaw kong magkahiwalay kami.”
“Kahit na nakita mo na yung nangyari kanina, you still like him?” Halata ang iritasyon sa kanyang mukha ngunit alam ko na dahil iyon sa katigasan ng aking ulo.
“Mahal ko kasi siya, Yve. Wala akong magagawa dahil iyon ang nararamdaman ko.”
Sabihin ng tanga ako o kung ano pa man. Pero kagaya ng nasabi ko na, wala akong ibang nakikita kung hindi si Sam.
“You know what, ang mabuti pa ay mag-enjoy na lang tayo.” Agad niyang in-start ang kanyang kotse at tsaka lumabas ng university.
Nagpatuloy lang siya sa pagdadrive hanggang sa tumigil kami sa isang bar.
“Anong gagawin natin dito?” tanong ko. Hindi ako mahilig pumunta sa ganitong lugar dahil nirerespeto ko si Sam. Ayaw kong isipin ng mga kaibigan niya na pakawala ang kanyang girlfriend kahit na hindi naman niya ako pormal na ipinakilala sa kanila.
“Magwawalwal tayo.”
“Ano? Ano ‘yon?” takang tanong ko.
“Magpakasaya! Yung tipong hindi natin iisipin ang bukas.”
“Are you crazy?” bulalas ko. Hindi naman kasi talaga ako gala.
“Come on, let's go. Pansamantala nating kalimutan ang mga sakit na nararamdaman natin,” sabi niya bago tanggalin ang kanyang seatbelt at pinatay ang sasakyan habang maang akong nakatingin sa kanya.
“Halika na, minsan lang ‘to. Lunurin natin ang sugatan mong puso.”
Pagkasabi niya non ay bigla akong napaisip. Tumango ako at nagtanggal na rin ng seatbelt. Nauna pa akong lumabas ng sasakyan sa kanya at naglakad na papasok sa bar. Wala ng atrasan ito.
Tara na at mag bar! Pa-like, comment, gem votes at rate po. Medyo mabagal po sa simula ang update ko dito pero sure na meron araw araw.
Hello!!Thank you so much po sa inyong suporta.Sa mga nagbigay ng gems, likes, comments at gift share, maraming, maraming salamat po. Hindi po ito aabot sa ganito kung hindi dahil sa mga readers na sumusubaybay. Sana po ay suportahan niyo rin po ang iba ko pang mga akda.Nilagyan ko lang ng kaligayahn si Margareth at Sam kaya medyo nadagdagan. Syempre, hindi rin natin dapat pabayaan ang kumpanya na iiwan nila Margaux at Draco. Higit sa lahat, ang happiness din nila Mr. & Mrs. Pinto. Ayaw kong malungkot sila kapag sa Germany na nakatira si Margaux, hehehe...Anyway, thank you po ulit. At kita-kits pa rin po sana tayo sa susunod kong story.God bless sa lahat!!-MysterRyght
MargauxPagkalipas ng isang buwan ay lumipad na nga kaming pamilya pabalik ng Pilipinas. Ang mga biyenan ko ay naiwan pa at isang linggo bago ang kasal ang flight.Sinalubong kami nila Mommy na ang kambal din naman ang agad na nilapitan. Pinagtag-isahan nila ni Dad habang si Margareth ay tila nahihiyang nakatingin sa akin kahit na nga nakangiti pa ito.Umangat ang aking mga braso para yakapin siya. Mabilis naman siyang lumuob sa aking mga bisig. Kasunod ay narinig ko ang kanyang paghikbi.“Hey, what’s wrong?” tanong ko sabay layo sa kanya ng bahagya pero ang mga kamay ko ay nasa kanyang magkabilang balikat.“Nothing, namiss lang kita ng sobra…”“Sus… halos araw-araw tayong nag-uusap thru video call.”“Iba pa rin ang sa personal.” Sa bagay nga naman.Niyaya na kami nila Dad kaya nman sumakay na kami sa SUV. Si Dad sa driver’s seat katabi si Draco habang kami naman nila Mommy, Margareth at ang kambal sa likod.Sa bahay ng aking mga magulang kami tumuloy at nadatnan na namin doon ang mag
Margaux“Cupcake, look!” tawag ko agad kay Draco habang hawak ang cellphone. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinipindot ang message na sinend sa akin ni Margareth. May attachment iyon, isang digital wedding invitation.Agad namang lumapit si Draco. Nakakunot ang noo habang sinisipat ang screen.“Really?” bulalas niya, halatang gulat na gulat. “Is this… real?”Tumango ako pero halata ring litong-lito ako.“Hindi ko rin alam,” sagot ko, napapailing habang muling tinititigan ang invitation na may eleganteng floral border at naka-emboss na mga pangalan: Samuel & MargarethHumigpit ang hawak ko sa phone. “Cupcake… hindi naman siguro… I mean, alam mo na…”Napatingin ako sa asawa ko. At doon ko nakita ang seryosong titig niya, puno ng pag-aalala. Hindi para sa akin, kundi para sa kakambal ko.Ngunit agad din iyong nawala at huminga ng malalim. “Hindi naman siguro, Sugar. Isa pa, kilala natin si Margareth. Alam niya ang buong nakaraan, as in lahat. Hindi siya papasok sa ganitong bagay kung h
SamSa unang pagkakataon, nakita ko siyang walang alinlangan. Walang takot. Walang pagtanggi. Nasa kwarto kami na pinangarap ko na sanang mapuno ng mga alaala naming dalawa at ngayon, magsisimula na ang unang pahina ng kwentong iyon.Magkatapat kami sa paanan ng kama. Tahimik at parehong kabado. Parehong alam kung anong maaaring mangyari, pero mas nangingibabaw ang kagustuhang maramdaman ang bawat segundo na magkasama.Nakatitig siya sa akin. Sa likod ng mahinang ngiti niya, naroon ang tanong: Handa na ba tayo talaga?At sa titig ko, sana ay nakita niya ang sagot: Oo, pero hindi kita pipilitin.Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Maingat at marahan na parang kinukumpirma pa rin kung maaari. At nang hindi siya umatras, ipinikit niya ang mga mata at sinalubong ang mga labi ko.Ang halik naming iyon ay hindi katulad ng dati. Wala na iyong kilig na paunti-unti. Ito'y halik na humihingi ng pahintulot, halik na may kasamang pangakong “babalutin kita ng pag-aalaga.”Nang alisin ko ang kanyang
MargarethKung may sikreto mang hindi ko nais ibunyag, ito ‘yung sa amin ni Sam.At kung may sikreto mang ayaw kong mawala, ito rin ‘yon.Mula noong gabing hinalikan ko siya, hindi na kami nagbitaw. Hindi man kami lantaran, hindi man kami malaya, pero totoo kami sa isa’t isa. Sa bawat tawag tuwing madaling araw. Sa bawat text message na may simpleng “Ingat ka” o “I miss you.” Sa bawat sulyap kapag nagkakasalubong sa events na kailangan naming magpanggap na hindi kami sobrang close sa isa't-isa, lahat ng iyon ay sa amin.At sapat na iyon. Para sa ngayon.Last sem ko na sa college, at sa dinami-dami ng dapat kong alalahanin, thesis, internship, graduation requirements ay si Sam pa rin ang laging nakababad sa utak ko. Isang mensahe niya lang ay kaya nang pasayahin ang buong araw ko. Isang tawag sa gabi, habang nakasandal ako sa unan, ay sapat nang dahilan para makatulog akong may ngiti sa labi.At kapag nagkikita kami, kahit pa palihim, kahit pa sa loob ng kotse niya habang nakaparada sa
SamHindi ko alam kung paano kong nagawang huminto.Nandyan na. Hawak ko na. Ramdam ko na ang init ng labi niya, ang paglalambot ng katawan niya sa bawat haplos ko, ang unti-unting pagbagsak ng pader na itinayo niya sa pagitan namin mula noon.Pero bigla akong natigilan. Hindi dahil sa pagdududa sa nararamdaman ko, kundi dahil sa tindi nito.Gusto ko siyang halikan. Hindi lang basta halik. Gusto kong damhin siya. Mahawakan siya. Maging dahilan ng bawat paghina ng tuhod niya. Pero hindi ako lumampas. Hindi ako nagpadala.Dahil habang tinititigan ko siya, nakita ko ang kabuuan niya. Hindi lang ang pulang labi, o ang malalambot niyang mata. Nakita ko ang takot. Ang pangamba. Ang pagkalito.At hindi ko kayang samantalahin iyon.Pinikit ko ang mga mata ko, mariin. Napailing ng bahagya. Hindi ako santo, malayo ako roon. Pero sa kanya, gusto kong maging maingat.Dahan-dahan akong lumayo mula sa pagkakayuko sa kanya. Nangangatog ang loob ko, pero pinilit kong manatiling buo. Hindi ako naglaka