Share

Chapter 3-Erries

                LANCE POV

Napapalingon ako sa paligid nang mapansing nasa labas ako ng isang malaking bahay o Mansion. Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo at tila ba may hinihintay ako. Nagsimula akong pumasok sa gate, dahil napansin kong nakabukas ito. Pagkapasok ko ay may narinig akong tawa mula sa malaking Mansion na nasa harapan ko. Naririnig ko ang tawa nang isang babae at dahil gusto ko itong makita ay naglakad na ako nang tuluyan patungo sa loob ng Mansion. Subalit bago pa ako tuluyang makapasok ay may nakita akong nakatayong babae na may hawak na kutsilyo sa kamay nito. Pamilyar sa akin ang likod nito at hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko. Muli ko na namang narinig ang tawa nang isang babae, kaya napatingin ako doon. Ngunit nagulat na lang ako sa aking nakita. Nakita ko ang sarili kong mukha, habang may babaeng nakaupo nang paharap sa kandungan ko. Tumatawa ito hindi dahil sa nakakatawa ang ginagawa niya, kasama ang lalaking ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa aking nakita. Anong ibig sabihin nito?

Narinig kong tumawa na naman ang babaeng nakatalikod sa gawi ko. Nakita ko ang aking sarili na tila abala sa ginagawa sa bandang leeg nito.

Sandali? Nakikita ko na nang malinaw ngayon kung ano ang ginagawa nila.

Nakaupo ang babae sa lap ko, habang hinahalikan ko ito sa may leeg. Napahakbang ako papalapit at doon nakita ko ang ginagawa ng sarili ko. I'm kissing her neck! Nakabukas na rin ang harapan ng babaeng hindi ko naman kilala.

"Mga hayop kayo!"

Napalingon ako sa babaeng nakita kong nakatayo kanina, habang may hawak na kutsilyo. Tumakbo ito patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Bago pa lumingon ang babaeng nasa kandungan ko ay nasaksak na siya sa likod. Nagulat pa ako nang makilala ang babaeng sumaksak dito, walang iba kundi si Cassy. Nakita ko kung paulit-ulit niyang sinasaksak ang babae hanggang sa ito'y napahandusay at sunod niyang sinaksak ay ako!

Agad akong napatayo sa kaba, habang naghahabol nang hininga. Malakas din ang kabog nang dibdib ko at pawisan pa. Hindi ko alam kung anong klaseng senaryo ang nakita kong iyon.

"Tsk! Bakit ba ako nagkaroon nang ganoong panaginip. Nakakatakot!" sambit ko sa sarili.

Muli akong napapikit at nasapo ko ang aking mukha. Mayamaya ay tumayo na ako at kumuha ng tubig sa mini-refrigerator na nandito sa kwarto ko. Uminom ako at napabuntong-hininga.

Grabe!  Kumakabog pa rin ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, nang makita ko kung paano saksakin ni Cassy ang babae at maging ako. Hays! Sino namang babae iyon?

Napapailing na lang ako at naglakad na patungo sa banyo, upang maligo. Ngayong araw ay pupunta ako sa isa sa mga kompanya na pinapalakad ng mga magulang ko. Ang MCI, o Model and clothing Incorporation. Ipapakilala ako doon ng magulang ko bilang bagong C.E.O ng kompanya. Kasama ko doon si Cassy na isa sa mga director ng kompanya. Noong huling nagsama kaming dalawa ay nagpasiya kaming subukan ang aming mga sarili, na sundin ang sinasabi ng magulang namin. Komportable naman kami pareho sa isa't isa, ngunit kung hindi kami magiging masaya bago ikasal ay hindi namin oyon itutuloy pa upang walang sisihan.

Kaya matapos naming pag usapan iyon ay sinabi na namin sa mga magulang namin ang  aming desisyon. Natuwa  naman sila, lalo na si Mommy. Marami silang naging komento, na kuno ay magiging masaya kaming dalawa ni Cassy. Tsk! Hinayaan ko lang silang magsaya. Subalit, nasa isip ko pa rin si Erries. Hays! Di bale na nga, mukhang tama naman si Kuya. Walang kasiguraduhan kong magkikita pa kami o di kaya baka may iba na itong minamahal. Kaya dapat ay huwag na akong umasa pa.

Matapos kong maligo at mag ayos sa sarili ay bumaba na ako upang mag almusal. Naabutan ko sila Dad at Mom, na masayang nag uusap habang kumakain.

"Good morning," bati ko sa kanila. Humalik pa ako sa pisngi ni Mommy bago umupo sa bakanteng silya.

"Good morning, are you ready for this day? My son?" masayang tanong sa akin ni Mommy.

Kumuha muna ako ng pagkain bago siya sinagot.

"Well, yes," sagot ko.

"Sasabay na kami saiyo ngayon, para maipakilala ka na namin. Alam na rin nila na ikaw ang magiging bagong C.E.O ng kompanya. Kaya nasisiguro akong magiging mabait ang trato nila saiyo," narinig kong sabi ni Dad.

"Tsss, ayoko sa mga masyadong mabait, dad. Kilala niyo naman ako," sabi ko sa kanya.

Napapailing lang siya sa naging tugon ko. Alam naman niya kung anong ugali ko pagdating sa trabaho. Gusto iyong masipag at matiyaga sa trabaho.  Kulang ang pagiging mabait, kung hindi naman masipag sa trabaho.

Marami pa kaming pinag usapan tungkol sa pagiging bagong C.E.O ko sa kompanya. Sinabi nila sa akin ang mga kailangan kong gawin. Hinayaan ko lang silang magsalita. Inaral ko na ang pamamalakad sa kompanya at magiging strikto talaga ako pagdating sa trabaho.

Hindi rin nila nakalimutang sabihin na kasama ko si Cassy sa kompanyang iyon. Hays! Matapos no'n ay umalis na kami at sabay kaming pumunta sa kompanya namin.

       Pagdating namin ay nakita ko, kung paano humilira ang mga empleyado sa labas ng kompanya nang makarating kami. Lahat sila nakayuko at tila nirerespeto kami. Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan ba talagang ganito ang salubong sa amin? Taas-noo akong bumaba sa kotse, nang buksan iyon ng isa sa mga bodyguard namin. Nang makalabas na sina Mommy ay sabay na kaming naglakad papasok. Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong kakaiba. Napatingin ako sa paligid, pakiramdam ko kasi ay may pamilyar na presensya akong naramdaman. Habang naglalakad ako ay tinitingnan ko ang lahat ng empleyado. Hanggang sa matigil ang mga mata ko sa isang babae. Nasa unahan siya, malapit sa may pinto. Nakayuko, pero nakikita ko ang kanyang mga matang napapatingin sa gawi namin. Nakasuot siya nang kulay pulang coat at nakapaldang itim. Maging ang suot niyang mataas na hells ay napansin ko ba. Nakalugay ang kanyang buhok at maputi ang kanyang balat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko habang nakatingin sa kanya. Marami na akong nakitang babaeng maputi, katulad niya. Gaya na lang kay Cassy, matangkad at maputi ang balat. Ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Higit sa lahat ay pamilyar ang presensya niya. Hindi ko pa tuluyang nakita ang kanyang mukha, dahil nga nakayuko siya.

"Good morning, Mr and Mrs Acosta!''

Sabay na sigaw ng mga ito, ngunit nasa babae pa rin ang tingin ko. Mayamaya ay iniangat na niya ang kanyang mukha at pumalakpak. Doon ko na nasilayan ang maganda niyang mukha, na naging dahilan nang tila pagkabog ng dibdib ko. Sandali! Bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman ako ganito sa mga babaeng nakikita at nakikilala ko. Bakit sa kanya ay kakaiba? Anong ibig sabihin nito?

"Good morning everyone! By way, I want you to meet my son, Lance Riev Acosta. You're new C.E.O of this company," pakilala ni Mommy sa akin.

Binati rin ako ng mga ito at kumaway lang ako sa kanila. Nagpatawag nang meeting si Mommy, para pormal na makilala ako ng mga ibang namamahala sa loob ng kompanya at saka lang kami tuluyang pumasok sa loob. Ngunit hindi pa rin maalis ang tingin ko sa babaeng iyon. Pasulyap-sulyap ako sa kanya, habang naglalakad ako.

"Tita, Tito!"

Napukaw lang ang atensyon ko, nang marinig ko ang boses ni Cassy. Sumalubong siya sa amin at humalik pa sa pisngi ng magulang ko, bago siya tuluyang lumapit sa akin.

"Good too see you here, honey," sabi niya sa akin at yumakap sa braso ko.

"Me too," nakangiting sabi ko at hinalikan siya saglit sa labi. Hinampas lang niya ako nang mahina sa dibdib, dahil sa ginawa kong iyon.

"Ikaw talaga," saway niya at tumingin kina Mommy.

"Natutuwa kaming makita na ganyang kayong dalawa," nakangiting puna sa amin ni Mommy.

Natawa lang si Cassy sa sinabing iyon ni Mommy at niyaya na kaming pumunta sa magiging opisina ko. Bago ako tuluyang tumalikod ay pasimple akong tumingin doon sa babae at bahagya pa akong natigilan nang magtama ang paningin namin. Kaya naman doon ko rin napagtanto na talagang pamilyar siya sa akin.

Saan ko ba siya nakilala?

Bago ko pa masagot ang tanong sa isipan ko, na mahirap namang sagutin ay tuluyan na akong tumalikod at sumunod kina Mommy. Sumakay kami sa elevator at naririnig ko pa rin sila na nag uusap. Subalit, hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng iyon. Talagang pamilyar siya sa akin, hindi ko lang talaga alam kung saan ko nakita. Maybe, at the club? Something like, crowded place? I don't know!

    "Here's your new office," sabi ni Cassy sa akin, nang dalhin niya ako sa magiging opisina ko. Nauna na sina Dad sa conference room, at pinakita muna ito sa akin ni Cassy.

"Oh, this is nice," komento ko.

Kailangan ko pa ring i-appreciate ang mga bagay na binibigay o pinapakita niya sa akin, dahil iyon ang napag usapan namin. Kailangan muna naming makasama pansamantala ang mga sarili namin, bago kami tuluyang makapagdesisyon tungkol sa usapan namin sa kasal.

"Really? You like it?" natutuwang sabi niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Bigla ko siyang binuhat at iniupo sa mesa.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" nagugulat niyang sabi sa akin at iniharang pa ang dalawang kamay sa dibdib ko.

"May usapan naman tayo di ba?" sabi ko sa kanya.

"T-Tungkol saan?" nagtatakang tanong niya.

"Na maaari kong gawin ito saiyo," sabi ko sa kanya at bago pa siya makapagsalita ay sinakop ko na ang mapupula niyang labi. Hindi agad siya nakatugon sa akin dahil sa ginawa ko. Ngunit mayamaya ay lumaban na rin siya nang halik sa akin.

May usapan kasi kami na maaari ko siyang halikan anumang oras at kahit saan. Iyon lang at wala nang higit pa doon. Hindi lang naman ito ang unang beses na hinalikan ko siya. Maging doon sa Hill place, kung saan kami nag-date ay nagawa ko siyang halikan at maging no'ng hinatid ko siya. Kaya naman ngayon ay bigla akong nanabik na halikan siya, nang di ko alam. Sa gitna nang mainit na halik sa pagitan naming dalawa, ay biglang pumasok ang mukha ng babaeng nakita ko kanina sa baba. Kaya naman sa gulat ko ay naitulak ko si Cassy upang maputok ang halik namin. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.

"What's wrong?" nagtataka niyang tanong.

"Let's continue this later, baka naghihintay na sila. Masyado akong nadala, pasensya na," saad ko.

"Tsk! Ano ka ba, ayos lang iyon. Nakakagulat ka naman minsan eh, sanay na ako," natatawang sabi niya.

Napangiti na lang ako at binuhat muli siya paalis sa mesa. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming lumabas ng opisna. Ngunit sa paglabas namin ay sakto namang padaan iyong babaeng nakita ko kanina. Huminto siya nang makita kami.

"Good morning, Ma'am Cassy, and Sir Lance," bati niya sa amin at bahagyang yumuko.

"Tss, umayos ka nga? Huwag mo akong tawaging 'Ma'am' kapag nagkikita tayo. Your my friend, so don't act like that," sabi sa kanya ni Cassy.

Friend? Magkaibigan sila?

"Natural, nasa trabaho tayo, kaya naman kailangan kong itawag iyon saiyo. Umayos ka rin, nasa harap tayo ng boss," narinig kong sabi nito.

Napalunok ako bigla dahil lang sa narinig ko ang boses niya. Para iyong umi-echo sa utak ko at ayokong mawala. Tsk! Ano ba itong naiisip ko!

"So, she's your friend?" sabi ko kay Cassy.

"Well, yes, honey and she's one of my highschool friends before. I want you to meet Erries, and girl, this is my man; Lance," pakilala ni Cassy sa aming dalawa.

Natigilan naman ako, nang marinig ko ang pangalan nito. Wait! Tama ba ang pagkakarinig ko? Erries? Her name is Erries?

"Hays, ikaw talaga, tsk! Well, nice to meet you, sir Lance," sabi niya at iniangat ang kamay sa akin.

Hindi agad ako nakakilos dahil talagang nagugulat pa rin ako sa narinig kong pangalan. Kung hindi lang ako siniko ni Cassy ay talagang tuluyan na akong matutulala.

"O-Oh yeah, nice to meet you too, E-Erries," wika ko at kinuha ang kamay niya, upang makipagkamay.

Kaya naman kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko, nang magtama ang init ng kamay naming dalawa. Para bang may kuryenting dumaloy sa buong katawan ko, dahilan upang manigas ito. Muli akong napalunok at binitawan na ang kanyang kamay.

"Pupunta ka rin ba sa conference room?" tanong ni Cassy sa kanya.

"Yes, kayo rin ba?"

"Oo, sabay na lang tayo," anyaya ni Cassy at ayon nga sumabay na siya sa amin.

Habang papunta kami sa conference room ay nag uusap silang dalawa. Hindi pa rin mawala ang kakaibang pakiramdam ko sa kanya. Tila ba, naroon pa rin sa kamay ko ang init nagmumula sa mga kamay niya.

Erries!

Hindi rin maalis sa isip ko ang pangalan niya. Pangalan pa lang iyon pero nanlalambot na ako at para bang gusto kong muling hawakan ang kamay niya. Tila nakakabaliw ang pangalang iyon. Tsk! Ako yata ang nababaliw na, hindi ang pangalan niya.

Erries! Kapangalan niya ang babaeng noon ko pa nais makita at mahanap.

Pamilyar sa akin ang presensya niya!

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay siya ang Erries na nakilala ko, 6 years ago.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jossel Zulueta Beredo
nku lgot n mgkkatotoo yta ung pnaginip mung tlipandas ka mgkaibigan pla cla.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status