Share

Chapter 4

Nang makarating kami sa conference room ay naroon na ang mga magulang ko at nakaupo na. Sila ang nakaupo sa dulo ng mesa, habang may isa pang upuan sa kabilang dulo rin ng mesa at doon ako dinadala ni Cassy. Halos kompleto na ang mga boad of directors ng kompanya, maging  ang ilang nakakatataas  dito. Napatingin ako kay Erries, doon siya umupo malapit sa kinauupuan ni Mommy. Nakangiti siyang bumati sa mga ito, na tila napakapormal niya. Napapansin ko naman ang ilang kalalakihan na kasama namin dito ay napapatingin sa kanya. Hindi lang simpleng tingin ang binibigay nila dito, pakiramdam ko ay may halong pangnanasa ang nakikita ko. Bakit? Simple lang naman ang suot niya pero nakakapang akit na agad sa iba? Well, aminin ko man o hindi ay apektado rin ako. Hindi lang sa kasuotan niya, kundi maging sa pagkatao niya. Pamilyar talaga siya sa akin at gusto kong isipin na siya nga ang Erries na hinahanap ko. Subalit, ayoko munang umasa. Kailangan ko munang alamin kung sino nga ba siya, dahil baka nagkakamali lang ako.

Mayamaya ay nagsimula na ang meeting at pinakilala na ako, bilang bagong C.E.O ng kompanya. Isa-isa silang nagpakilala sa akin, hanggang sa napunta kay Erries.

"I want you to introduce myself. I'm Fionaerries Walter, one of the Clothing manager. I'm glad to meet and work with you, Mr. Acosta," pakilala niya sa akin ng pormal.

Teka! Pormal lang naman siyang nagpapakilala sa akin, pero bakit subrang lambing ng boses niya? Work with me? Napailing ako at inalis kung ano man ang nasa isip ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kanya. Bakit nga ba ako nagkakaganito?

Tsk!

Matapos nilang magpakilala ay nagsimula na ulit silang magreport, tungkol sa sales ng kompanya. Maging ang ilang pagbabago na magaganap dahil sa pagdating ko. May ilan din akong sinabi sa kanila at mga ayaw kong gawin nila. Iisa-isahin ko ang bawat department nila para malaman kung ano pa ang ginagawa nila. Isa na rin iyon sa dahilan para makapunta ako sa department ni Erries. Gusto kong alamin ang lahat ng tungkol sa kanya, habang nandito siya sa kompanya.

Matapos ang meeting ay nagsibalikan na sila sa trabaho. Nagpaiwan ako at ang magulang ko, maging si Cassy.

"Ano? Ayos ka lang ba dito?" tanong ni Mommy.

"Well, Of course. Nandito naman si Cassy, na makakasama ko," sabi ko at bumaling kay Cassy na nakayakap sa akin.

"Haha ano ka ba! Huwag kayong mag alala tito, tita, aalalayan ko si Lance dito," saad ni Cassy sa kanila at ngumiti.

"Mabuti naman, ija," nakangiti namang tugon ni Dad.

"Masaya ako dahil mukhang malapit na kayo sa isa't isa. Aasahan ko kayong dalawa dito," sabi ni Mommy sa amin.

Napatango kami sa kanila at matapos naming mag usap ay nagpaalam na rin silang aalis, dahil may ibang negosyo pa silang aasikasuhin. Inihatid naman ako ni Cassy sa opisina ko at nakita ko kaagad ang dami ng papelis na nakalagay sa mesa.

"Mukhang marami ka pang trabaho ngayon," napapailing na sabi ni Cassy sa akin.

"Mukha nga, pero ayos lang ito. Ngayon lang naman ito, dahil kailangan ko pang alamin ang lahat ng bagay-bagay dito sa kompanya," sabi ko sa kanya.

Naglakad ako patungo sa mesa at kinuha ang isa sa folder nito. Nabasa ko kaagad ang nakasulat sa labas nito.

Clothing department.

Hmmm, mukhang alam ko na kung kaninong department ito.

"Pwedi mo ba akong samahan sa clothing department?" sabi ko at bumaling kay Cassy.

"Oh? Well, I'm sorry, Lance. Sa ngayon kasi may aasikasuhin akong report. Ngunit maaari ka namang samahan ng secretary mo papunta doon. Bakit? Gusto mo bang makita ang department na iyon?"

"Well yes, but, after I read this folder. Para naman malaman ko kung ano ang mga narito," sabi ko.

Napabuntong-hininga siya.

"Pasensya ka na talaga, Lance. Kung wala lang akong aasikasuhin, talagang sasamahan kita," malambing niyang sabi sa akin at naglakad palapit sa akin.

Umupo siya sa lap ko at nakangusong nakatingin sa akin.

"Huwag kang mag alala, babawi ako saiyo," wika niya.

Napangiti lang ako sa kanya at bahagyang kinurot ang pisngi niya.

"Aasahan kong babawi ka," nakangising sabi ko at mabilis na ninakawan siya ng halik sa kanyang labi.

"Ikaw talaga, haha! Ngunit huwag kang mag alala, nakilala mo na naman si Erries di ba? Siya ang manager doon at aasikasuhin ka niya kung anong kailangan mo doon. Magaling iyon makipag usap at hindi ka mababagot sa kanya," nakangiting sabi niya sa akin.

Hindi ko pinahalatang natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman big deal ang sinabi niyang 'aasikasuhin at magaling' si Erries. Ngunit iba ang naging dating no'n sa akin. Hays! Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko, pagdating sa babaeng iyon.

"Ganoon ba? Uhm, pwedi mo ba siyang ipatawag na lang dito, para kung sakaling may mga katanungan ako sa kanya? At para na rin siya na ang magpaliwanag sa akin ng lahat, tungkol sa department nila?" biglang sabi ko sa kanya.

"Really? Sure, I will call her. Kaibigan ko naman iyon, kaya naman siguradong pupunta agad siya dito," sabi niya at agad na umalis sa pagkakaupo sa lap ko. Mabilis rin niya akong hinalikan sa labi at lumayo na sa akin.

"Tatawagin ko siya at habang papunta siya dito, simulan mo munang basahin iyan," sabi niya sa akin habang naglalakad siya patungo sa pintuan.

"Okay, sige," tugon ko sa kanya, bago siya tuluyang nakalabas sa opisina ko.

Doon lang ako napabuga ng hangin at napapikit ang aking mga mata. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, naging ganito ako simula nang makita at makilala ko ang babaeng iyon. Bakit ba ako subrang naaapektuhan, ganoong hindi pa naman ako sigurado kong siya nga ba ang Erries na nakilala ko noon. Ilang minuto akong naging ganoon, hanggang sa narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Kaya natauhan ako at doon ko napansin na kanina pa pala akong tulala. Hindi ko nagawa ang sinabi sa akin ni Cassy. Hays!

Matapos kong marinig ang katok mula sa pinto ay dahan-dahan itong bumukas. Tiningnan kong mabuti kong sino ang papasok at mas lalo akong hindi nakakilos dahil nakita ko siya at agad tumama ang kanyang mga mata sa akin.

That's it! She's really Erries!

Sumisigaw ang isip ko na ang babaeng ito ay talagang ang Erries na nakilala ko noon. Ang mga mata niya at ang aura, parehong-pareho. Dahan-dahan akong napatayo at naglakad palapit sa kanya.

"Ah, Sir? Tumawag sa akin si Mrs. Cassy, na kailangan niyo raw nang tulong?" narinig kong sabi niya.

Subalit wala roon ang atensyon ko. Tila ba iba ang narinig ko at para bang pangalan ko ang naririnig ko mula sa kanya.

"Sir?"

Mas lalo akong lumapit sa kanya, kaya napansin kong napaatras siya. Hanggang sa wala na siyang maatrasan at pader na ang nasa likuran niya.

"S-Sir? May problema ba?"

"Erries," sambit ko sa pangalan niya.

"Y-Yes, sir?"

Hinawakan ko siya sa balikat at marahan ko iyong pinisil. Nanginginig ang katawan ko, sa hindi ko malamang dahilan. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya. Ngunit imbes na sa labi niya tumama ang labi ko, ay naramdaman ko ang malambot at mabango niyang pisngi. Kaya doon ako natauhan sa ginawa ko.

Sh*t! Anong ginawa ko?

Nagugulat akong nakatingin sa kanya ngayon at nakita kong maging siya ay hindi makapaniwala sa ginawa ko. Napapikit ako at naikuyom ang aking kamay saka ako lumayo sa kanya. Tsk! Ano bang nangyari? Bakit ko iyon ginawa sa kanya? Nababaliw na ba talaga ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status