Share

KABANATA 54.1

"Ayaw mo bang magpakita na kay Delton, Ma'am Sage? Para naman makuha mo na ang mga abo nila Sir George at Ma'am Selma," si Yaya Nenita na sinama ako sa pamamalengke.

Tipid akong ngumiti at binayaran sa tindera ang mga manggang hilaw na nabili ko. Mabuti nga at hindi nagtanong si Yaya Nenita kung bakit ko binili ang mga iyon.

"Saka na po. Alam ko namang itatabi niya ang mga iyon," simpleng sagot ko.

Isang buwan na nga ang lumipas matapos ang tawag na iyon ni Delton. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko na itatabi niya ang abo nila Mommy pero hindi ibig sabihin noon na hindi na ako galit sa kanya. Gusto ko pa ring gumanti kahit alam kong sa huli, matatalo ako.

"Paano mo naman mababawi sa kanya ang lahat kung nakatago ka lang?" nangungunot ang noong tanong nito.

Bumuntong hininga ako, "Hindi naman na po kailangang magpakita pa sa harap ni Delton. Baka nga po alam na niya kung nasaan ako. Hintayin ko na lang po na lumitaw siya sa harapan ko. Marami siyang koneksyon at imposibleng hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status