Namalisbis ang mga luha ko matapos dumapo ng kanyang mga labi sa aking noo. Ilang beses niya akong hinalikan doon at maging ang mga luha ko ay hinalikan niya."I am already happy to have you, but I am now the happiest man alive, Savvy," buong pusong bulong niya na muling kinatuwa ng puso ko.Pinatakan niya ng halik ang aking mga labi bago ako mahigpit na niyakap."A-kala ko galit ka," mahinang pag-amin ko."What? Hindi, Savvy. Gustong-gusto kong magkapamilya kasama ka," aniyang lumayo at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.Ngumiti ako nang maliit lalo na noong ipagsalikop niya ang aming mga kamay at igiya ako palabas ng banyo.Pagkalabas na pagkalabas ay inalalayan ako nitong makaupo sa swivel chair bago agad na kinuha ang cellphone niya at tawagan ang kung sino."Dad, I'm going to be a father," aniyang hindi maalis ang ngiti sa labi."Congratulations, Son. You deserve every happiness in the world. Send my congratulations to Sage," ani Attorney Santiago mula sa kabilang linya kaya't
Delton Carancho"Are you sure about this, Son?" Iyon ang tanong na naaalala ko mula kay Attorney Santiago.I nodded my head as I looked at the picture of the only Princess of the Valencia family. I pursed my lips after remembering what her parents had done to mine, and so I wanted revenge."Pwede naman nating pekehin ang kasal, Hijo," mungkahi pa nito."No, Dad. Make it real. Isang beses lang ako ikakasal at hayaan ninyong siya ang mapangasawa ko," desidong bigkas ko habang tinititigan ang babae.She captivates me. And that I can visibly see that she needs saving. Her lips were curved into a smile, but her eyes told otherwise. Mukha siyang malungkot kahit pa ngiting-ngiti siya sa camera."If that wants you want. Babalaan na kita, she's a spoiled brat, doesn't know any household chores. Maging sa negosyo ay wala siyang alam at tanging pagpipinta lang ang ginagawa niya," paliwanag nito na tinanguan ko lang.Whatever it is, I can endure everything. Pero hindi ko alam na higit na mapapala
"Uuwi na ko! Please lang huwag mo na akong pipigilan!" may kalakasang sigaw ko nang marinig ang mga yabag niyang papalapit sa walk-in closet.Ilang araw ko ng binabalak ito ngunit lagi siyang nandiyan at nagagawa akong pigilan."Hm, yeah, Savvy-""Will you stop calling me Savvy? And please, let me go home!" putol ko sa panunuyo niya."Am I stopping you from going home? I don't, Savvy." Kiniling nito ang ulo at sumandal sa hamba ng pintuan.Tumigil ako sa paglalagay ng damit at underwear sa maleta para lang maharap siya nang maayos. Ang kaso ay bagsak ang tingin nito sa mga damit kong nakakalat sa sahig."You're not stopping me, but what the fuck with those guards on the gate, Delton? Display mo lang?!"Tumutok sa akin ang tingin niya at tila nag-isip pa kung sino ang tinutukoy ko."Nakalimutan muna yata si Manong June at Manong Baldo," dagdag ko pa.Doon lang siya napatango, "Yeah. They are the subdivision guards. Do you
"Sage," mahinang bigkas ko matapos tuldukan ang pangalan ko sa natapos na pinta.Hindi ko maiwasan ang ngumiti sa bungkos ng puting bulaklak na nakapinta sa canvas.Someday, on my wedding day, I'm going to hold this bouquet of white roses with an attached peach color.Mas lumawak ang ngiti ko sa naisip. Nilingon ko pa ang naipinta ko ring off-shoulder wedding gown, maging ang puting sandalyas na may ginto."Good job, Sage," mayabang kong papuri sa sarili bago tinakbo ang bintana at sinilip doon si Andres na nagbubunot ng damo.Napanguso ako at pinagmasdan kung paano siya mabilad sa araw. At kahit malayo, kabisado ko kung paano tumulo ang pawis niya sa noo papunta sa kanyang leeg.Sumilay ang ngisi sa labi ko sa imaheng nabubuo sa isipan ngunit kusa ring umawang ang aking mga labi nang makita ang abuhing montero sport na pumasok sa puti at matayog naming gate.
Ilang araw na nga akong sabog at hindi makatulog kakaisip kung tama ba ang desisyon ko. Mas maganda yatang sumama na lang ako sa kulungan kaysa pakasalan si Attorney. Para ka no'ng sasakalin kung tumingin.Marahan kong nilapag ang paintbrush sa highstand table at tinitigan ang dalawang wedding ring band na katatapos ko lang kulayan. Kumikinang pa ang pagkaginto ng mga ito at sinisilaw ang mga mata ko. Nalagyan ko na nga ng pangalan ko ang isa. Tapos iyong isa undecided pa ako. Balak ko sana pangalan ni Andres pero alam kong hindi na pwede.Napasimangot ako bago lumapit sa bintana. Nandoon na naman si Andres at nagbubunot ng damo. Kahit likod niya lang ang kita ko, alam kong mukha siyang maskulado sa suot niyang muscle tee. Ewan ko ba kung bakit nagtitiis siyang maging hardinero gayong pwede naman siyang maghanap ng ibang trabaho.Hays, Andres. Bakit hindi na lang ikaw si Attorney?Sinandal ko ang
I feel like I just ruined my life by tying the knot with this Attorney. As if naman na sasama nga ako sa bahay niya bukas. Ngayon pa nga lang tatakas na ako.Pasimple kong sinilip ang main door ng café at balak na takbuhin iyon agad. Humakbang na ako ng isang beses, natigilan nga lang nang may humawak sa palapulsuhan ko."Where do you think you're going, Savvy?"Hinila ako nito palapit sa kanya at agad na inikot ang matipuno niyang braso sa bewang ko."Bakit ba?! Uuwi na ako! Tapos na ang kasal!""Not yet, Savvy. What else is the purpose of your red lips if we don't take pictures? As I told you, this will only happen once in my life, and I want remembrance."I laughed sarcastically as I looked at him. He gazes at me as if he really does love me."Sana pala nag-artista ka. Ang galing mong umarte." Ngumisi ako at bahagyang tumingkayad upang mas lumapi
"Bye, huwag kang mag-ingat," labas sa ilong na bigkas ko bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya."Bye-"Hindi ko na hinintay na matapos pa ang sasabihin niya at sinara na agad ang pinto. Batos na kung bastos pero masama ang loob ko. Ang dami niyang nilabag at tapos ano? Gusto niya talaga akong tumira sa bahay niya? Baka mamaya sa barong-barong lang pala siya nakatira.Barong-barong pero may sasakyan? Na-huh.Walang lingon-likod akong humakbang at hindi na kumaway pa sa kanya ngunit hindi ko mapigilan ang sumigaw matapos niyang bumisina nang malakas. Salubong ang kilay na nilingon ko ang sasakyan niya. Nakasungaw na sa bintana ang ulo niya at madilim sa akin ang tingin."Ano na naman? Pwede ba umuwi ka na!"Instead of getting irritated or annoyed, he flashed his smirk at me."I'll go home after you enter your room." Tinanaw pa nito ang kwarto kong madilim.Mahina akong natawa at naipagkrus ang mga kamay sa harap ng aking dibdib,
Hindi ako makalma sa kaisipang magtatabi kami sa kama. Kung siya si Andres, gora agad. Pero kung si Delton? Delikado. Halik nga ninanakaw niya, puri pa kaya? I stayed on the sofa the whole day, waiting for his secretary to go home. They spend the whole day together. I guess they are newlyweds. That's why when she's about to go home, I breathe satisfyingly. I even stared boredly at how she finger combed her bouncy, curly hair. Hindi ko nga maiwasang ikumpara iyon sa buhok kong tuwid at blonde. Tingin ko mas may buhay ang sa kanya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay hindi ko pinansin si Delton kahit pa nasa akin na ang atensyon niya. Humihikab lang akong umakyat, dumiretso sa master's bedroom pero hindi tuluyang pumasok. Bakit ba ako susunod sa kanya? May tatlo pang extra na kwarto, pwede naman siguro sa guestroom. Sa naisip ay mabilis akong pumihit paharap para sana kausapin ito ngunit dibdib na niya ang naharap ko. Nasa tapat ko na ito, nak