Share

KABANATA 61.2

"Miss Sage, I'm—"

Tinaas ko ang kamay upang mapatigil ito.

"Please leave, Miss Ashley. I'm done with you," malamig kong tugon bago akmang tatalikod na ngunit nahawakan agad nito ang siko ko.

May kabang dumapo sa aking dibdib at halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong balak niya kung kaya't kinakabahan ako. Kung kanina ay naisip kong baka buntis siya, ngayon naman ay baka saktan niya ako.

"Miss Sage," muling tawag nito na may pag-iyak.

Pumikit ako nang mariin. Sa kabila ng kaba ko ay nakaramdam ako ng awa. Gusto ko naman makinig ngunit natatakot ako.

"Shut up, Miss Ashley. Huwag ngayon," mahinahon kong pakiusap ngunit humigpit ang hawak nito sa siko ko at hinatak pa ako nang bahagya kung kaya't napamulat ang aking mga mata.

Gusto kong sumigaw ngunit ayokong gumawa ng eksena. Sinuyod ko na lamang ang tingin ko sa paligid. Abala silang lahat at tila hindi ako napapansin.

"Miss Sage, kaunting minuto lang po," muling bigkas nito.

Awtomatikong lumipad ang tingin ko kay Delto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status