Share

5 – TENSION

Author: Grecia Reina
last update Huling Na-update: 2022-08-06 13:32:04

PUMIGLAS si Alessia pero malakas ang mga bisig ni Caio. Kaya imbes na maubos ang lakas niya ay hinayaan na lang niya ito. Wala naman itong ginawang kakaiba. Nanatili lang na mahigpit na nakayapos ito sa kanya.

“I missed holding you like this, Bella….” Caio murmured.

Nakahinga nang maluwag si Alessia. Akala talaga niya ay natatandaan siya nito. Dahil oras na mangyari iyon ay panahon na para lisanin niya ang bahay na ito at maghanap ng ibang pagtataguan.

Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon bago muling nagsalita ang dalaga. “Ah, Sir Caio…ako po ito, si Ali.”

Pero tila wala itong narinig. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “I won’t let anyone hurt you, Bella. I love you so much. I can’t live without you.”

“Sir Caio…”

“I’m sorry, please forgive me. I will do everything for you, my love.” Pumiyok ang boses ng lalaki.

Umiiyak ba ito? Dinig na dinig niya ang tibok ng puso nito dahil sa posisyon nila. Lalong nagulat si Alessia nang maramdaman ang pagdampi ang labi nito sa kanyang noo.

“I promised to protect you this time.” Hinaplos nito ang kanyang buhok.

It was when she realized Caio was sobbing. Sa unang pagkakaton ay hindi alam ni Alessia ang gagawin. Hindi niya inaasahan na sa laking tao ni Caio ay iyakin ito. He must really devastated on what happened to Bella. She would make sure to ask Yaya Glo about this girl.

It took a while before Caio finally calmed down. At dahil ayaw siya nitong binatawan, napilitan siyang pisilin ang sensitibong ugat sa likod ng leeg nito para mawalan ito ng malay. Tiyak na hindi naman ito magdududa sa ginawa niya dahil lasing na lasing ito.

Nakahinga nang maluwag ang dalaga nang tuluyang makawala sa bisig ni Caio. Dahan-dahan siyang tumayo at pinag-aralan ang ayos nito. The man was completely disheveled. Akma siyang lalabas ng silid nang bigla siyang natigilan sa paghakbang at muling nilingon ang nahihimbing nang binata.

Hindi niya ito natiis kaya muli siyang lumapit at tinanggal isa-isa ang butones ng suot nitong puting long sleeve. She carefully undressed him. Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito na humahalo sa alak. The same scent on that night he met him.

Nakialam na siya sa walk-in closet nito. She chose a gray shirt and put it on him. Inayos rin niya ang pagkakahiga nito at kinumutan ito. Ngayon lang siya nakaramdam ng awa at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

Saktong pagbukas niya ng pinto ng silid ni Caio para lumabas nang mahuli niya sina Nena at Gina na naroon.

“Anong ginagawa n’yo rito?” sita niya sa dalawa.

Nagkatingan ang mga ito at si Nena ang sumagot. “Tinitingnan lang namin kung nagawa mo nang maayos ang trabaho mo.”

“Oo nga, mabuti naman at nakatulog aagad si sir. Sinaktan ka ba?” Humaba ang leeg ni Gina na sinilip ang nahihimbing na binata.

“Bakit naman niya ako sasaktan?” Nagkunot ang kanyang noo.

“Hindi siya nagwala? Inakit mo s’ya ano?” Nagdududang sambit ni Nena.

Hindi na napigilan ni Alessia ang mamilog ang mata. Malapit nang maubos ang pasensya niya sa dalawang tsimosang ito. Kapag hindi talaga siya nakapagpigil ay pagbubuluhin niya ang mga ito.

“Inakit?” Alessia scoffed. “Sabagay, kaakit-akit naman talaga ako.”

Nanlalaki ang matang nagkatinginan ang dalawang babae na hindi makapaniwala sa sinabi ni Alessia. Hindi kasi inaasahan ng mga ito na papalag siya.

“Hoy, huwag ka ngang feelingera. Mukha kang inosente pero maladita ka rin pala! Bago ka lang dito, kaya matuto kang lumugar.” Palaban na sabi ni Nena.

Alessia flipped her hair. “Wala akong pake. D’yan na nga kayo. Pinaiinit n’yo ang ulo ko.”

“Aba’t masama talaga ang tabas ng dila mo—” Hindi napagpatuloy ni Nena ang pagpupuyos dahil mabilis na nakalayo si Alessia. Naiwan itong uumusok ang ilong samantalang napapailing na lang si Gina.

Natatawa pa rin si Alessia nang pumasok sa sariling silid. Agad niyang hinubad ang suot na uniporme hanggang sa cycling shorts at sports bra na lang ang natira. Madilim na ang piligid sa labas at hindi siya puwedeng magpalipas ng kanyang workout routine.

Nagsimula siyang mag-push-up. She effortlessly finished ten rounds until sweats dripped in her body. Hindi pa siya nakuntento at walang sawang nag-squat. Natigil lang siya nang biglang pumasok si Yaya Glo.

“Diyos kong batang ito. Anong ginagawa mo?” gulat na bulalas ng matandang babae.

“I can’t use the gym, Yaya. So, I had to improvise.” Nakangiting sagot ng dalaga.

“Hayaan mo, sasabihin kong ikaw ang maglilinis ng gym para makagamit ka.” Magiliw na sambit ni Yaya Glo.

“Talaga, Yaya?” Alessia was excited. Nakita na niya kasi ang malawak na gym sa third floor. Pero tiyak na ipapahamak niya ang sarili kapag may nakahuli sa kanyang gumagamit niyon.

“Tatawagin sana kita para maghapunan. Sabi ni Gina ikaw daw tumulong kay Sir Caio kanina?”

Tumango siya. “I wonder why he’s such a drunkard. He kept calling me Bella.”

Nagbuntong-hininga si Yaya Glo. “Si Bella ang babaeng pakakasalan sana ni sir. Kaya lang naaksidente daw sa sasakyan sa Italy. Kawawa nga si Sir Caio, dinamdam niya talaga ang pagkamatay ni Ma’am Bella.”

“I see.” Napatango-tango ang dalaga. Malamang ito ang dahilan kung bakit niya ito natagpuan sa loob ng bar na nagpapakalunod sa alak. He must have been mourning. She only relates to the pain because she knew the feeling of losing someone important. Noong namatay ang kanyang mga magulang, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya malimutan ng sakit kahit mahigit isang dekada na ang nakaraan.

Alessia had learned to live with the pain. Sana lang narito pa siya kapag nakamove-on na ang lalaki sa pagkawala ng babaeng mahal nito.

“Pero ang pogi ni Sir Caio ‘di ba?” tudyo ni Yaya Glo. “Alam mo, napakabait ng batang ‘yan. Nagsimula lang magbago ang ugali niya nang mamatay ang kuya niya. Tapos ngayon naman si Bella.”

“He looks not that bad. I pity him.”

“Hay, Ali. Kung bakit naman kasi mas pinili mong maging katulong dito sa bahay. Bagay sana kayo.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “Oh, come on. Forget it, Yaya. Gusto mo ba akong maging panakip-butas?”

“Sabagay. Pero wala namang masama. Malay mo, dahil sa ‘yo makalimutan niya si Ma’am Bella.”

Tinawanan na lang ito ni Alessia. “Mabuti pa kumain na lang tayo.”

Magkakasabay kumain ang mga kasambahay sa dirty kitchen. Panay ang irap sa kanya ni Nena lalo na nang makita ang kanyang table manners. Isang tinidor at bread knife ang nasa kanyang kamay dahil tinapay at karne ang kanyang kinakain.

“Ang arte!” bulong ni Nena.

Pinalabas lang iyon ni Alessia sa kabilang tainga. Pero kung hindi ito titigil ay sisiguraduhin niyang ito na ang huling magpaparinig ito sa kanya. Kung malalaman lang nito na maikli lang ang kanyang pasensya. She was known in the Triad having a short fuse, the reason she never hesitated to kill.

“Yaya Glo. Alam n’yo bang m*****a itong apo n’yo? Kung hindi ‘yan magbabago ng ugali, hindi ‘yan magtatagal dito. Hindi marunong makisama,” hayag ni Nena matapos uminom ng tubig.

Pinanlakihan ito ng mata ni Yaya Glo na wari ay sinasaway. Pero ayaw papigil ni Nena.

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Pagsabihan mo ‘yan, Yaya Glo. Alam namin na inakit niya si Sir Caio kaya madaling nakatulog kanina.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Alessia sa bread knife. Isang salita pa at hindi na talaga siya magpipigil.

“Nena, pagpasensyahan mo na lang si Ali,” sabi naman ni Gina.

“Pasensya? Bakit ako ang mag-a-adjust? Kita mo naman na masama ang ugali. Palibhasa bata pa at may itsura. Akala mo naman maaakit niya si Sir Caio—” Hindi nagawang ipagpatuloy ni Nena ang iba pang sasabihin dahil bigla itong napasigaw.

Buong lakas kasing itinapon ni Alessia ang bread knife at tumusok iyon sa mismong gilid ng plato ni Nena.

“Oops, pasensya na. Dumulas sa kamay ko,” apologetic na wika niya. Kahit halata namang wala sa loob iyon. She faced Nena, “Hindi kita pinakikialaman, Nena. Kaya sana huwag mo rin akong pakikialaman.”

Tumayo si Alessia at nagmartsa pabalik sa kanyang silid. Habang naiwang namumulta si Nena na halos himatayin sa matinding pagkabigla.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Triad Princess and the Mafia King   5 – BACK TO WORK

    PUMASOK sa loob ng opisina si Varo at minsan pa siyang nagulat dahil naabutan niya roon si Pamela na tila hinintay siya.“Welcome back, Chief!” Bakas ang galak sa mukha ng babae nang salubungin siya nito.Tipid na ngumiti ang binata. “How’s the Intel Unit these days?”“Oh, good. As usual.” Hindi mapalis ang ngiti sa mukha ng babae.Tumango ang binata. Hangga’t maari ay ayaw niyang pahabain ang usapan nila dahil alam niyang hindi lang tungkol sa trabaho ang nais nitong usisain. Si Pamela ay nasa Intel Unit habang si Varo naman ay nasa Crime Investigation Unit kaya hindi maiiwasan na magkaroon ng ugnayan ang kanilang kinabibilangang departamento sa trabaho.“By the way, I have good news regarding the Junior Detective you requested, they are preparing the appointment. Don’t tell anyone I spilled the tea.” Kumindat si Pamela.Biglang napatingin ang binata kay Pamela. “Really?”“Yep, a young officer from Shanghai.”“Oh, I can’t wait to meet him.” Tipid na ngumiti si Varo. “Thanks, Pam.”“B

  • Triad Princess and the Mafia King   4 – MISSION ACCEPTED

    NAGHINTAY si Hyacinth na ipatawag siya ni Paul Chan. Naabutan niya itong nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard. Katatapos lang kunin ng private doktor nito ang blood pressure.Saka lang nagsalita ang matandang lalaki nang maiwan silang dalawa sa loob ng silid.“Sit down, Cinth,” ani Paul.“How’s your health, Uncle Paul?” tanong ni Hyacinth. Naupo siya sa single sofa malapit sa bedside table nito.“I’m good. Just a little stress lately. The organization is unstable.” Huminga nang malalim ang matandang lalaki. “Anyway, have you decided on your new assignment?”“I’m still thinking about it, Uncle. I’ll do my own background check on the target,” sagot ni Hyacinth na walang anuman bahid ng emosyon ang mukha.“Well, I called you here because I know you’ll hesitate to take the assignment knowing the target is an ‘upright’ man.” Paul clicked his tongue. “There is more to it, Cinth.”Hindi itinago ni Hyacinth ang interes sa susunod na sasabihin ni Paul. “I’m all ears, Uncle.

  • Triad Princess and the Mafia King   3 – CALL OF DUTY

    VARO kissed her hungrily. Naglalaro ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Hyacinth was not expecting he was an expert kisser. Surprisingly, she enjoyed it. Iniisip kasi ng dalaga na hindi na naman niya ito makikita pa kaya dapat lang na mag-enjoy na siya. It’s rare for her to take an interest to a man.Hyacinth was determined to test the man’s ability to pleasure her. Pero hindi niya inaasahan ang biglang pagtunog ng kanyang cellphone na siyang dahilan na bigla siyang mahimasmasan.Hindi niya kailangang sagutin ang tawag dahil sa tunog pa lang ay alam na niya kung sino ang nasa kabilang linya.Ren!Why would the Vanguard call her? Siguradong mayroong emergency.“Oh, God! I’m losing my mind…” Varo murmured. ‘Sorry, lover boy.’Kumuha ng tamang tiyempo si Hyacinth para pisilin ang sensitibong ugat sa leeg ng lalaki. At hindi nagtagal ay nawalan ito ng malay. “Hey, what happened?” Tinapik niya ang pisngi nito. She had to act accordingly knowing security cameras were around every corn

  • Triad Princess and the Mafia King   2 – ONE DOWN

    HINAWAKAN ni Varo sa magkabilang balikat ang babae para kalmahin ito. “Look at me. Tell me what happened.”“He’s dead!” The lady was helpless. “W-we were about to do it… but there was a gunshot.”“Dead?” Naguluhan si Varo. Pero nang makita niya sa labas ng hallway ang mga bantay na walang malay na nakahiga sa sahig ay saka lang niya naintindihan ang nangyayari.“Come in.” Pinapasok ni Varo ang babae sa loob at saka siya tumawag sa awtoridad para ireport ang nangyari sa kabilang silid.It was not long before the police came to inspect the crime scene. Indeed, Robert Gu was dead. Mayroon itong tama ng bala sa noo.“A sniper’s shot…” bulong ni Varo. Naroon din siya sa kabilang kuwarto nang ipakita niyang isa siyang opisyal ng Interpol. Although it was not in his jurisdiction, he was considered a witness.Hindi naman siya nakialam sa imbestigasyon. Gusto lang niyang alamin kung ano ang nangyari lalo na at ngayon pa lang nagkamalay ang mga bantay ni Mr. Gu na gulat na gulat nang malaman na

  • Triad Princess and the Mafia King   1 – HYACINTH: THE SEDUCTIVE HUNTRESS

    Hyacinth Jeong is the infamous huntress queen of the Triad. She vowed to take her revenge on all the people involved in her family’s massacre. Kaya naman nang malaman niyang nasa kamay ng Interpol ang isang mahalagang dokumento tungkol sa kanyang nakaraan ay nagpanggap siya bilang isang Juinor Detective at doon niya nakilala si Varo.Alvaro Gaudencio is an upright, strict chief inspector, and he is Hyacinth’s senior. Silang dalawa ang madalas magkasama sa bawat kasong hawak nito. Everything is fine until Hyacinth found out Varo’s hidden identity, and he also finds hers.Their blossoming romance is bound to turn into blood lust. Will they find a middle ground for them to choose each other? Dahil sa simula pa lang, tadhana nila ang kunin ang buhay ng isa’t isa.*******BEIJING, CHINA“LOOK, Cinth. It’s confirmed! Your target will be at Aiqing tonight.” Excited na inabot ni Jian ang hawak nitong tablet kay Hyacinth. Kasalukuyan silang nasa courtyard ng mansion ng dalaga sa loob ng malawak

  • Triad Princess and the Mafia King   EPILOGUE

    NAGANAP ang isang tahimik at pribadong kasal sa isang maliit na isla na parte ng Isla Alfieri. It was solemn that only family and close acquaintances were present. Although they had done a ceremonial engagement months ago to formally seal the alliance, which all the heads of the organizations in the underworld were present because it was mandatory. Alessia and Caio chose a private ceremony for their sunset wedding. Kaya heto sila ngayon at nakangiting nagmamartsa patungo sa isa’t-isa. Nakasuot si Alessia ng simpleng puting wedding gown, habang itim na tuxedo naman ang suot ni Caio. Wei was playing violin on the wedding march, making the surroundings more romantic. Sina Ren at Yaya Glo ang naghatid kay Alessia sa altar. Habang naroon din ang magulang ni Caio na maayos naman ang pakikitungo sa kanya. They were against their marriage at first, but Caio was unstoppable. Now, they both adored Alessia. Wushi was beaming as their ring bearer. Masayang-masaya itong maksaksihan ang pag-

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status