"Nababaliw ka na talaga, Andrew!" panunumbat ko sa kaniya nang biglang nakaramdam ako ng biglaang pananakit sa bandang puson. Paunti-unti lang ang kirot no'ng una ngunit ilang segundo pang sumunod, napansin kong may dumaloy na dugo sa mga legs ko pababa sa tuhod ko. Nakita iyon ni Andrew at todo rescue kaagad siya sa akin. Inaalalayan niya akong umupo sa malapit na sofa at binilinang kumalma habang nagmamadaling kinuha niya ang medicine kit namin sa may cabinet. Nagdala rin siya ng maligamgam na tubig kasama ang isang pirasong bimpo para gamiting panlinis sa mga dugong patuloy na dumadaloy sa aking mga paa. Inisip naming excess blood ko lang iyon dulot ng menstrual period ko. Isang buwan na rin kasing mahigit na delay ako kaya iyon ang pag-aakala kong nangyari sa akin. Ginawa ko na ang lahat pati na ang pagsuot ng makapal na napkin subalit patuloy pa ring umaagos iyon nang papalakas. Tumawag na ng aambulansya si Andrew dahil pag-aalalang
Naggising ako sa isang kuwartong punong-puno ng pagkain. Kahit saang sulok ay nakikita ko ang samut-saring baked and fried foods na paborito ko. Nandoon ang mga butter cakes na sa iba't-ibang designs, cookies, fried chickens, macaroons, at marami pang iba. Sa may bandang dulo malapit sa pinto ay may nakasabit na letters na nakahanay sa dalawang salita, ang 'HAPPY BIRTHDAY.' Napahaplos na lang ako sa aking tiyan nang naalalang kaarawan ko pala ang araw na iyon. Hindi ako mahilig magcelebrate special na okasyon sa sarili sa nagdaang taon sa kadahilanang may hindi kanais-nais na pangyayari sa past ko na tumugma sa araw kong iyon. At iyon ang insidenteng magkasabay na namatay ang mga magulang ko. Hindi man sila ang tunay kong kadugo, nadudurog pa rin ang puso sa tuwing naaalala ang araw nang kinuha sila sa akin. Kung kaya't, imbes na masiyahan ako sa mga bagay na naroroon in that room, ay kabaliktaran ang reaksyon ko. Binaklas ko lahat ng nakasabit na palamuti a
Sa isang iglap ay biglang naglaho sa aking paningin ang babaeng kasama ko. Tumakas na si Amie dahil sa takot na mabunyag ang sekreto namin sa ibang tao. Even though matagal nang alam ni Andrew ang tungkol sa identity swapping namin, nag-iingat pa rin kaming hindi madagdagan ang nakakaalam sa tinatago namin. Bukod kasi kay Andrew, nasa loob din ng car ang kaniyang ama't ina na tumulong sa paghahanap sa akin at nag-aalala sa kaligtasan ko. Sa pagkabigla kong makita si Andrew doon, tumakbo ako papalapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko alam ang nangyari, pero bigla ko na lang siyang na-miss sa tatlong araw na 'di kami magkasama. Kaiba kasi iyon noong ilang araw siyang on travel for business, dahil may kuntak naman siya sa akin lagi at that time, ngunit simula noong araw na kinidnap ako ni Nathan, nawalan kami ng komunikasyon sa isa't-isa. Kaya siguro, ganoon na lang ang nararamdaman kong makita siya ulit sa oras na kailangan ko ng comfort niya. Ma
Hindi ko na siya pinigilan dahil inunahan na niya akong sinabihan na, "Don't stop me. It's for you." Namangha ako sa katapangan niyang gawin ang lahat para matulungan lang ako sa problema ko. Hindi ko akalaing totohanin na niyang pagiging isang husband mag-asawa namin na mananahan sa iisang kuwarto. Nakatulala pa rin ako habang abala siya sa paglilipat ng mga gamit. Sinubok kong magbuhat ng mga magagaan na mga bagay subalit nagsabi siyang, "Ako na ang gagawa niyan. Magpahinga ka na lang doon sa kuwarto natin. Alam kong pagod na pagod ka na." Sinunod ko siya at natulog sa master bedroom niya. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari basta't ang alam ko lang ay pagkagising ko sa umaga, nakaarrange na ang lahat ng gamit ko.***Pagkapunta ko sa kusina ay kumain na ako kaagad dahil may naihain ng mga pagkain sa mesa. Malaki ang pinagbago ng asawa ko. Ang mga trabaho ko dati ay ginagawa na niya lahat. Naiisip ko na lang, concern ba siya s
Nagkamalay ako at naaninagan ang liwanag ng ilaw sa living room. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa, ngunit sobrang bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin na yata ako. Luminga-linga ako sa kahit saan, hinahanap kung sino ang nasa bahay. Hindi ko in-expect na makauwi nang maaga si Andrew dahil alas sais pa lang ang oras noon habang ang sabi niya'y baka hating-gabi pa ang out niya sa trabaho. Therefore, sigurado akong may ibang taong naghatid sa akin sa tirahan ko at inalagaan pa ako. Pinilit kong tumayo para maghanap nang makakain dahil gutom na gutom na rin ako. Ngunit, hindi pa lang ako nakahakbang ay agad nagpakita sa akin ang nakashort lang na lalaki at walang damit pang-itaas. "Hep, hep, hep, saan ka pupunta, babae?" pagpipigil niya sa akin. Naninigas ang mga paa ko na para bang naka-istak na ayaw nang kumilos pagkarinig ng boses na iyon. Papalapit siya sa akin habang hindi naman ako makatingin sa kaniya at nasa sahig lang a
Nagkunot ang mga noo ko sabay sigaw ng mga salitang, "Katulong, who?"Inutusan ako ni Andrew na iwan ko muna sila at mag-usap na lang daw kami pagkatapos ng limang minuto sa pabulong na pagsasalita. Nag-insist akong may importanteng sasabihin sa babae subalit 'nonsense' lang ang naging sagot niya. Kaya, wala akong laban kundi umalis kasama ang kaawa-awang paslit na hinahanap ang kaniyang inay.***Mahigit tatlumpong minuto na ang nakalipas, hindi pa rin dumarating si Andrew sa guest room na pinapasukan ko. Iyon kasi ang kasunduan namin noong iniwanan ko siya kasama ang ibang babaeng ka flirty niya. Ngtataka tuloy ako na parang naging babaero na yata ang asawa ko. Sa pagka-alala ko, kasundo niya ang Alice, na teenage sweetheart niya na tingin ko'y girlfriend na niya at nakipaglandian pa siya kay Antonette, na isang anak mayaman na close ng family niya. Ako na yata ang sobrang martir pagdating sa pag-ibig.Naawa ako sa batang nakakasama ko dahil sa sobrang pagod ay nak
Nagtawanan ang magkakaibigan at tinutukso sina Andrew at Antonette dahil sa kanilang ubod ng sweet sa pagsubo ng dalaga sa kapares nito. Iniyuko ko lang ang ulo at binilisan sa pagsubo ng burger para roon man lang makakuha ako ng lakas ng loob para sawayin ang dalawa. "Kailangan ko nang kumilos talaga bilang asawa ni Andrew. Hindi ko na kaya 'to," motivation ko sa sarili bago ako tumayo at lumapit sa posisyon ng dalawa. Inagaw ko ang pagkaing paunti-unting isinusubo ng babae at natigilan silang bigla sa kanilang kasiyahan nang sabihin kong, "Itigil mo iyan." "And why?" pag-aangal ni Antonette na halatang naiinis sa ginawa ko. Biglang lumakas ang pintig ng mga pulso ko at saglit na umurong ang mga dila ko na para bang ayaw ako pasalitain. Sinulyapan ko rin si Andrew na panay titig lang sa akin, ipinapahiwatig na sasabihin ko nang totoo na mag-asawa kami, ngunit ang nasabi ko lang ay puro pagkukunwaring ang basehan ay itago lang ang true affect
Nadatnan ako ni Andrew sa kuwarto na nakatutok sa computer at abala sa pagsusulat ng nobela. Hindi pa ako naghapunan noon dahil mas pinagtuonan ko ang gawain ko kaysa sa gutom ko. May baon akong fruits sa mesa pero hindi pa rin iyon sapat para sa amin ni baby. Malimit na akong pinagbawalan ni Andrew na huwag magbabad sa gadget at baka naapektuhan pa ang Binubuntis ko. Kaya, nang nakita niyang pagkaabala ko sa pagsusulat, direstsahang inagaw niya ang laptop ko at inutusang pumaroon na sa kusina. May ibinili siyang pagkain sa akin para sa supper na labis ko namang ikinasisiya iyon. Tuwing kumakain, naiinis akong makitang naparami ako nang subo. Ayoko sanang kumain nang marami subalit kinukulangan ang tiyan ko sa eksaktong diet ko. Kaya, kain lang nang kain ako kahit nakakabagot na. Ang totoo kasi, ilang buwan ko nang binalak ipalaglag ang dinadala ko. Sa unang buwan pa nga niya, hindi ko matanggap ang pagkabuo niya na wala sa plano. Kung hindi lang