Pagbaba ko sa kotse sa pag-alalay ni Mr. Awman, diretsong nakatutok ang mga mata ko sa mukha ng babaeng nasa harapan ko limang hakbang mula sa aking kinatatayuan. Ang ngiti ko'y mas lumaki pa nang makita siyang naroroon na dadalo rin sa kasal. Sa wakas, buo na rin ang aking pamilya. Magkita-kita na rin kami sa iisang okasyon.Paglingon ko kay Mr. Awman, iba ang naging pinta ng kaniyang mukha. Hindi siya masayang makita si Mrs. Adamo. Ramdam kong may galit sa loob niya base sa titig ng mga mata niya kay ina. Baka, may hugot silang dalawa sa nakaraan nila.Nilapitan ko si ina at nagsabing, "Mom, tanggap na niya ako." Masayang-masaya kong ibinalita iyon sa ina ko dahil matagal na rin niyang gustong mangyari iyon sa akin."Mukha nga," tugon ni ina na nakangiti lang sa akin at pasulyap siyang tumingn kay Mr. Awman.Kita kong umiwas si ama sa mga mata niya. Hindi ko lang pinansin iyon dahil baka naiilang lang sila sa isa't-isa.Ilang saglit pa, tinawag ako ng kapatid kong si Jazmine dahil m
Andrew's POVNakauwi na ako mula sa honeymoon week namin ng asawa kong si Antonette. Syempre, hindi ako na-enjoy sa mga araw namin kasi pinaninindigan kong hindi siya gagalawin at hindi ako magpapakita ng motibo sa kaniya na gawin ang bagay na hindi ko gusto. Wala siyang maggawa kundi irespeto ang desisyon ko at magkunwaring nasisiyahan sa aming bakasyon.Dumalo kaming mag-asawa sa isang dinner na sinet-up ng mga pamilya namin. Ito ay para usisain kami sa aming honeymoon.Habang kumakain, binuksan ni dad ang pagtatanong."Siguro naman, sa wakas ay nagkakamabutihan na kayong dalawa. Ibig sabihin ba niyan ay ang kasunod nito'y mabibigyan niyo na kami ng apo?"Bigla akong nabunulan sa aking kinakain. Nagi-guilty lang kasi ako sa totoong nangyayari na taliwas sa expectations ng mga pamilya namin."Okay ka lang, babe?" pagche-check sa akin ni Antonette.Uminom ako ng tubig, saka pinalinaw ang aking lalamunan at sumagot, "Okay lang ako. Nagugutom lang ako kaya hindi ko maiwasang sumubo nang
Trinah's POV"Doctor Alfred," sambit ng isang babaeng kapapasok lang sa room.Lumingon ang doctor na kasama ko at naputol ang aming kuwentuhan. Nagsipagtinginan kaming lahat sa isa't-isa at natahimik bigla.Bumalik ako sa clinic ni Doc. Alfred dahil sa last treatment na ibibigay niya sa mga sugat ko. Tatanggalin din niya ang mga bandages nito. Matapos niyang naisagawa ang trabaho niya, ay nagkaroon kami ng maikling kuwentuhan. Hindi ko naman alam na may client pala siyang aasikasuhin next to me.Nakatitig lang sina Antonette at Andrew sa binti kong sugatan habang ibinaba ko na iyon para umiwas na sa kanila. Nagmistulang pilay ako kung maglakad papuntang pinto, bunga ng naramdaman ko pang kirot sa mga binti ko. Nasa process of healing pa kasi ang mga sugat kong natamo mula sa pagkadisgrasya ko sa sasakyan ng doktor.Sinundan nila ako ng tingin mula sa paglalakad ko sa loob hanggang palabas ng pinto sa emergency room. Binilisan ko ang paghakbang sa takot na baka pigilan pa nila ako at m
Isa, dalawa, at tatlong putok pa ang umalingawngaw sa loob ng condo habang ipinikit ko ang aking mga mata at tinatakpan ang tainga ng anak ko. Mahigpit ang pagyakap ni Dahlia sa akin, at nagtago siya sa likuran ko."Aaaaaaaah," isang sigaw ng babae ang sumunod na narinig ko.Kasabay ng pagtaas ko ng noo at tingin sa harapan ko, ay pagsimula nang malakas na paghikbi ng anak ko. Niyakap ko siya at tinakpan ang mukha ng panyo habang sinayaw-sayaw ko.Isang lingon ko pa, nakita kong duguan ang mga kamay ni Antonette, at ang baril niya'y nakalatag sa sahig. Nanlisik ang mga mata ko. Nanginginig na ako sa takot. Sa may pinto, nakita kong nakatayo roon ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket na may hood.Nang inangat niya ang kaniyang mukha, sumigaw siya ng, "Trinah, lumabas na kayo. Tara na!"Agad na kumilos kami at iniwan doon si Antonette. Tumatakbo kami papuntang garahean. Doon, nakita ko ang kapatid ko na naghihintay sa amin."Ate, pasok," nagmamadaling wika niya na sinabayan ng
Alas siyete ng gabi, blangko ang utak ko habang nagmamaneho ng kotse sa isang madilim at 'di-tiyak na lugar. Mabilis ang naging takbo ko noon, na tila ba'y walang pakialam kung ano ang maaaring mangyari sa aking unahan. Patuloy lang ako sa pagmamaneho, umiiyak ng todo, at sinuntok-suntok ang manibela sa harapan ko. Inisip ko na sa oras na iyon that I may be put in harm at siguradong kamatayan ang patutunguhan ko.But when I decided to switch my car's running rate into a speediest one, nabangga ako sa hindi ko makitang nilalang. I supposed it was an animal lang na pagala-gala sa kalsada, but when I bulged my eyes at nilinaw kung ano iyon, I finally distinguished na tao pala ang nasagasaan ko. She was severely injured pagkakita ko nang malapitan dahilan para gumising na ako sa totoong ako.Nilapitan ko siya at sinuri kung nagkamalay pa ba, subalit she lost her consciousness na."I'm sorry miss, hindi ko sinasadya," mahinang sabi ko sa walang malay na babae habang
Pumunta ako sa garden malapit sa may fountain upang magpahangin nang sandali. Hindi ko akalaing pati roon ay susundan ako ng lalaking kinaiinisan ko. Si Seph Andrew Perrie ang panganay na anak ng Perrie family. Mula siya sa mga angkang mayayaman at sikat sa business industry.Siya na lang ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang mga magulang sa kanilang negosyo dahil hindi na maaasahan ang kapatid niya tungkol do'n. Matagal na kasi raw nawawala ang bunsong kapatid niya at hindi nila natagpuan, kaya nakaatang sa kaniya ang lahat ng responsibilidad ng pamilya.Kahit malayo pa siya ay amoy ko na ang pabango niyang napakatapang, in other words, masakit sa ilong sa katagalan. Alam kong siya ang taong papalapit sa akin dahil wala naman akong inimbitang kakilala na sumama sa pagmumuni-muni ko roon."Hey, Amie Ann. Ang taas pala ng pangalan mo. Akala ko talaga Ann lang name mo, eh. Iyon lang kasi ang naalala ko the last time I saw you," ani niya, habang pumuwesto siya sa right
Uminit ang dugo ko sa kaniya. Totoo pala ang kasabihang, "Don't judge the book with its own cover" dahil guwapo lang siya sa panlabas na anyo, subalit ang pangit pala ng ugali ng bulls*i* na iyon.Hindi ko siya nasumbatan dahil umalis na kaagad siya wari'y nagmamadali after niya akong insultuhin. Gayunpaman, ibinaling ko na lang ang aking tingin sa fountains malapit sa kinatatayuan ko.After one hour of touring, tumawag sa akin ang wedding coordinator namin. Biglang bumilis ang kabog ng aking puso sa hindi ko maintindihang situwasyon. Hindi ko inakalang mapasubo agad sa isang misyon."Miss Amie, puwedeng magtanong sa vital statictics mo as for this moment? Inutusan kasi ako ng gown designer mo if may changes ba para marepaso niya bago mo suotin sa kasal mo tomorrow," wika ng babae on the line.Napalunok ako ng laway sa inquiry niya. My God! hindi ko pa alam ang stats ko. Kung manghula lang ako ng information, baka hindi ko maisuot ang puting gown na iyon.
"Excuse me, bride, may gustong makipagkita raw sa 'yo. It's urgent," sabat ng wedding coordinator namin. Sinundan ko siya papuntang entrance ng venue para i-meet ang isang taong gustong makita ako. I didn't have a special visitor na inaasahang dumalo sa okasyon na iyon. Kaya, nagtaka ako kung sino ang mahalagang taong iyon na mas piniling nasa di-mataong lugar pumuwesto. Nang narating ko na ang kinaroroonan ng kakilala ko, laking gulat kong natagpuan ako ng matalik kong kaibigan na kapitbahay ko noon sa lugar namin. And there, my companion said, "Kanina pa po raw siya namimilit na pumasok ngunit hinarangan siya ng mga guards dahil wala siyang invitation card na ipapakita. Sinabi niya sa amin na kilala niyo po siya. That's why nagdesisyon akong lapitan ka about this." Then I reacted, "Ganoon ba? Yes, It's true na kakilala ko siya. Guard papasukin mo siya." Walang angal na sinunod ng lady guard ang utos ko. Pinasunod ko lang ang kaibigan ko. Hindi pa ka