Chapter 154Pumatak ang luha mula sa gilid ng mga mata ni Ysabel. Kung sabay silang tatalon ni Amara, sino kaya ang pipiliing iligtas ni Argus? Mukhang malinaw na ang sagot sa kaniya na si Amara pa rin ang gugustuhin nitong iligtas.“Hindi… hindi puwede ‘yon. Baka nagkamali ka lang ng nakita. Mahal ka pa rin ni Argus,” ani Lilian.“Mahal?” mapait na ngumiti si Ysabel at bahagyang umiling. Alam niya kung minamahal pa siya ng isang lalaki o hindi. At dahil nakita niyang wala nang pagmamahal, lalo siyang kumapit at gumawa ng lahat ng paraan para manatili sa kanya. Dahil walang pagmamahal, ang tanging armas niya ay ang mga panlilinlang para palayasin ang ibang babae sa paligid ni Argus.“Papa, tulungan mo ako. Nang makalabas kami ng ferris wheel, nakunan ni Amara ng video ang nangyari. Baka matagpuan niyo ang cellphone niya. Pakiusap, ipahanap mo agad.”“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang napakaimportanteng bagay na ‘to?” Mabilis na kinuha ni Julio ang cellphone niya at nagmadaling
Chapter 153“Amara.” Malamig at mariin ang boses ni Argus, tila isang utos. “Mairap bang humingi ng tawad at hindi mo magawa?’Magkakasama silang lahat na nakatitig kay Amara, naghihintay na siya’y sumuko. Ngunit si Amara ay hindi kailanman sumusuko.“Sige, tumawag kayo ng pulis. Magpa-imbestiga tayo. Pero humingi ng tawad? Hindi ko gagawin iyan lalo kung wala akong kasalanan at imposibleng mangyari na hihingi ako ng tawag sa babaeng iyan at sa pamilya niyang kapwa demonyo!”Naging mas halatang parang walang pagsisisi si Amara, habang si Ysabel naman ay nagpupumilit magmukhang mabait.“Amara, gusto ko lang naman na humingi ka ng tawad. Ayokong palakihin ito. Talaga bang gusto mong lumala pa ang lahat?” malumanay ngunit mapanlinlang na sabi ni Ysabel.Dahil sa mga salitang iyon, mas lalo pang nagmukhang walang puso at matigas si Amara sa paningin ng iba. Unti-unting lumipat ang bigat ng timbangan sa puso ni Argus patungo kay Ysabel.“Amara, nagkamali ka. Hindi ka na nga pinanagot ng ib
Chapter 152Hinawakan niya ang pulsuhan ni Amara. “Sumama ka sa akin.”“Saan? Para humingi ng tawad sa mahal mong walang kasalanang gianwa sa mundo, at mabait? Baka hindi mo alam kung gaano kademonyo ang babaeng iyon.”“Hindi ba’t nararapat lang na humingi ka ng tawad? Amara, paulit-ulit na pinapatawad ka ni Ysabel at ng pamilya Bonifacio, hindi mo ba nakikita kung gaano sila kabuti sa’yo?”“Kabutihaaan?” namula ang mga mata ni Amara. “Alam mo ba kung ano’ng ginawa nila sa’kin kapag wala ka? Kaninang umaga, tinutukan ako ni Ysabel ng kutsilyo at pinalumuhod para humingi ng tawad. Kagabi, sinunog at winasak ng pamilya Bonifacio ang bahay ko! Kung hindi nila ako ginulo, bakit ko sila sasaktan? Bakit ako hihingi ng tawad sa kanila?”Nanlamig ang tingin ni Argus—halatang wala siyang alam sa mga bagay na iyon. Ngunit ngayon, habang sinasabi ni Amara, may bakas ng pagdududa sa kaniyang mga mata.“Kung susuriin mo, malalaman mong totoo ang lahat ng sinabi ko. Pero bakit hindi mo man lang imb
Chapter 151Bumalik si Amara para hanapin ang kaniyang cellphone, ngunit matapos maghanap nang matagal, hindi niya ito makita. Marahil ay nahulog iyon habang nakikipagbuno siya kay Ysabel kanina. Isang matinding lamig ang dumaloy sa puso niya.Samantala, habang sinusuri ng doktor si Ysabel, pilit itong nagpupumiglas manatiling gising. Masakit ang ulo niya, parang sasabog, ngunit hindi siya naglakas-loob na mawalan ng malay. Nang makita niyang walang inilabas si Amara ay lihim itong napangiti.“Argus… hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit ni Amara sa akin. Gusto niya akong patayin”Nakayakap siya kay Argus, umiiyak sa sakit at takot. Ang maputla niyang mukha ay punô ng pangamba kay Amara, at nakakaawa ang anyo niya.“Dahil lang ba kay Elara? Amara, ilang beses ko bang kailangan ipaliwanag na hindi ko siya sinaktan? Bakit hindi mo ako mapatawad? Kaninang umaga gusto mo na akong patayin, ngayong gabi sa bahay ko, at ngayon naman… Argus, natatakot na talaga ako sa kaniya…”Noo
Chapter 150Nanlaki ang mga mata ni Amara at sa huling sandali, naabot niya ang braso ni Ysabel.Mahigpit na ipinikit ni Ysabel ang kanyang mga mata, ngunit ang inaasahan niyang pagbagsak ay hindi nangyari. Isang kamay ang mahigpit na humawak sa kanya, at ang kanyang katawan ay kumakampay sa ere.Nang tumingala siya, nakita niya si Amara ang nagligtas sa kanya. Walang emosyon sa mga mata nito, walang bahid ng pagsisisi. Sa halip, may bahagyang bugso ng pagnanasa na hilahin siya pababa. Kung gagawin iyon ni Amara, pareho silang mamamatay.Kaya’t pinigil ni Ysabel ang ideya. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang braso ni Amara at sumigaw, parang nag-uutos, “Amara, hilahin mo ako agad! Bilisan mo!”Pero ang kaliwang braso ni Amara ay sugatan, at ang kanan naman ay wala nang lakas. Kahit hindi siya nasaktan, mahirap hilahin ang isang tao na kasing-bigat niya gamit lang ang isang kamay.Ang magagawa niya lang ay hawakan si Ysabel para hindi ito tuluyang mahulog.Patuloy na nagpupumiglas si
Chapter 149Kahit anong mangyari, ipapadala niya si Ysabel sa kulungan balang araw. Kailangang magbayad siya sa ginawa niya kay Elara.“Pag-usapan na lang natin iyan kung makakaligtas ka pa.”Muling sumugod si Ysabel na parang mabangis na aso. Hindi na nakaiwas si Amara, at sa lakas ng tulak nito, kalahati ng kanyang katawan ay nakalaylay palabas.Agad bumalot ang matinding pakiramdam ng kawalan ng bigat. Kahit ang hangin na humahampas sa kanya mula sa napakataas na lugar na iyon ay parang mga patalim na dumadampi sa balat. Unti-unting nilalamon ng takot ang kanyang puso.Namumuo ang poot sa mga mata ni Ysabel habang iniaabot ang kamay upang itulak na tuluyang mahulog si Amara—“Ahhh!”Isang matinis na tunog ang umalingawngaw.“Sir! Tumingala kayo!” nanginginig ang mga boses ni Emilio.Si Argus, na tinatanong ang mga staff, ay agad napatingala at nakita ang isang tao na biglang bumulusok palabas na ferris wheel.Nanlaki ang mga mata ni Argus, at awtomatikong itinulak niya ang staff s