แชร์

Triplets and a Second Chance
Triplets and a Second Chance
ผู้แต่ง: Maldie Castillion

Chapter 1

ผู้เขียน: Maldie Castillion
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-21 23:42:21

Kabanata 1: Sir Argus, ang inyong asawa ay nasa ospital para sa aborsyon

"Amara, magsisimula na ang libing. Hindi pa ba darating si Argus?"

Nakadamit ng pangluksa si Amara, nakaluhod sa harap ng burol ng kanyang ina. Ang liwanag mula sa nasusunog na papel na pera ang siyang tumatanglaw sa maputla niyang mukha.

Napatingin siya sa kanyang halos lowbat nang cellphone, wala pa ring sagot si Argus sa tawag niya.

Simula nang pumanaw ang kanyang ina ay nanatili si Amara na pitong buwan nang buntis sa burol sa loob ng pitong araw. Ngunit ang asawa niyang si Argus na tatlong taon na niyang asawa ay ni minsan ay hindi nagpakita o dumalaw man lang.

Alam niyang abala ito sa trabaho, at palagi naman niyang pinipiling unawain ang asawa.

“Baka talagang abala lang ho si Argus sa trabaho."

Patuloy niyang pinaniniwala ang sarili na busy ang asawa sa trabaho.

"Maraming kailangan asikasuhin sa kompanya kaya hindi siya makakapunta."

Bakas pa rin sa mukha ni Amara ang mga luha. Inihagis niya sa apoy ang huling piraso ng papel na pera, saka dahan-dahang itinayo ang sarili kahit hirap na hirap. Sa paos at basag na tinig, aniya, "Simulan na natin ang libing."

Matalim na nagsalita si Tiya Corazon na nasa tabi niya, "Amara, gaano ba talaga ka-busy si Argus? Pitong araw na siyang hindi nagpapakita. Napakalaking kawalang-galang sa ina mo."

Napangisi si Mayumi, pinsan ni Amara. "Nay, mali ka. Hindi lang pamilya ni Amara ang hindi pinapahalagahan ni Argus—pati na rin ang pinsan kong ito. At ‘wag nating kalimutan ang bata sa sinapupunan niya."

Mas lalong tumalim ang mga mapanuyang tinig sa paligid. Hindi naitago ni Amara ang pait na bumalot sa kanyang puso. Ngunit pilit pa rin niyang pinanindigan sa sarili na si Argus sa kabila ng lahat ay naging mabuting asawa. Hindi niya ito mamasamain. Marahil nga'y abalang-abala lang ito sa trabaho.

Ngunit habang pilit niyang kinukumbinsi ang sarili ay dumating ang katotohanang tila sampal sa mukha niya.

Biglang napatili si Mayumi habang nakatingin sa kanyang cellphone, "Si Argus ‘to ah! Trending siya ngayon!"

Sinadyang iabot ni Mayumi ang cellphone kay Amara.

Iniyuko ni Amara ang ulo at tiningnan ang cellphone. Isa iyong video na nasa listahan ng mga trending topic. Kaka-post lang ngayong umaga, ngunit ang kuha ay mula pa kagabi.

Ang headline, "Mr. Argus ng De Luca Group ay nagpareserba ng pribadong silid upang ipagdiwang ang kaarawan ng tunay niyang minamahal na si Ms. Ysabel Bonifacio."

Sa video, makikita ang isang gabi na punung-puno ng makukulay at nagsasabogang fireworks sa langit. Isang lalaki ang nakaupo sa tabi, elegante at may awtoridad ang tindig, habang ang mga mata niyang malalim ay tahimik na nakatitig sa babaeng nasa tabi niya. Ang babae naman ay nakaturo sa fireworks na sumasabog sa langit, at ang kanyang ngiti ay mas maliwanag pa sa mga bituin tila mas matingkad pa kaysa sa mga fireworks sa likuran niya.

Maganda ang mga paputok sa video, pero si Amara ay sa likod lang ng lalaki nakatingin.

Kabisado niya ang tindig na iyon. Sa isang sulyap pa lang, alam na niyang ang lalaki sa video ay walang iba kundi ang kanyang asawang si Argus.

Kaya pala... kagabi, imbes na makiramay ay abala siya sa pagdiriwang ng kaarawan ng ibang babae.

Nanlambot ang katawan ni Amara. Pumasok ang kawalan sa isip niya, at tila nawala siya sa ulirat. Hindi siya makagalaw. Nanigas siya sa kinatatayuan.

Kasabay ng tuloy-tuloy na pagsabog ng mga paputok sa video ay sumabay ang nakakainsultong tinig ni Mayumi, "Pinsan, ‘di ba sabi mo abala ang asawa mo? Sa pagkakaalam ko, abala nga siya… abala sa pagpareserba ng lugar para ipagdiwang ang kaarawan ng ibang babae!"

Napakuyom ng mahigpit si Amara sa palad niya. Paulit-ulit sa isip niya ang tagpo sa video, si Argus na nagpareserba ng lugar at nagpa-fireworks para sa kaarawan ng ibang babae.

Akala niya’y abala lang ito sa trabaho.

Kahit sa ganitong kalaking trahedya ang nangyari at namatay ang kanyang ina ay hindi siya umasa. Hindi siya nang-abala. Ginawa niya ang lahat mag-isa.

Sa loob ng pitong araw ay wala ni isang tawag siyang natanggap mula kay Argus. Ni isang kandila o insenso na inalay ay wala. Pero may oras si Argus para sa ibang babae. Para sa fireworks display ng birthday celebration ni Ysabel.

Natatawa siya realization. Sobrang katawa-tawa ang sitwasyon niya.

Ang babaeng nasa video ay si Ysabel ang unang pag-ibig ni Argus. Ang babaeng totoong mahal ni Argus.

At siya?

Siya lang si Amara, ang asawa ni Argus De Luca ang babaeng pinakasalan lang bilang pasasalamat dahil iniligtas ng mga magulang niya ang buhay ni Argus noon.

Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, alam ni Amara na hindi siya mahal ni Argus. Kaya kahit kailan, hindi siya nangahas na istorbohin ito sa kahit anong personal niyang problema lalo na’t hindi siya kailanman humiling ng kahit ano.

Si Argus ay isang malamig na tao. Wala itong alam sa romansa. Hindi ito nagdiriwang ng kahit anong okasyon, at ang buong buhay nito ay umiikot lamang sa trabaho.

Ngunit ngayon lang niya napagtanto na hindi pala walang alam si Argus sa pagiging romantiko. Alam ng lalaki ito. Hindi lang nito kailanman ginustong maging romantiko para sa kaniya.

Ang engrandeng fireworks na pinakawalan ni Argus kagabi para sa ibang babae ay tila isang malupit na biro sa buhay ni Amara. Ginawa siyang katawa-tawa tila siya ang pinakamalaking biro sa lahat.

Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang sakit sa puso habang iniiwas ang tingin sa cellphone. Ayaw niyang makitang napakaliit at kahabag-habag ang itsura niya.

Kailangan pa niyang asikasuhin ang libing ng kanyang ina. Kailangan niyang magpakatatag.

Pinilit ni Amara ang sariling yumuko, dinampot ang larawan ng kanyang ina, at tahimik na lumabas ng silid habang hindi pinapansin ang mapanuyang tingin ng mga tao sa paligid.

Naalala pa rin ni Amara ang hiling ng kanyang ina bago ito bawian ng buhay kung gaano nito gusto muling makita si Argus.

Noong mga panahong iyon, maraming beses niya itong tinawagan. Pero hindi sumagot si Argus. Marahil, kasama na niya noon si Ysabel.

Hanggang sa huli, ang nais ng kanyang mga magulang ay ang makitang masaya siya na sila ni Argus ay magkasamang mabubuhay nang payapa.

Pero mukhang hindi niya yata kayang tuparin iyon.

Mag-isa niyang inasikaso ang lahat. At nang makauwi na ang mga kaanak at bisita matapos ang lamay, mag-isang nakaupo si Amara sa isang upuan sa hapag-kainan, tahimik at pagod na pagod.

Dumating si Argus pero huli na. Nakasuot ito ng itim na kamiseta, malamig ang ekspresyon sa kanyang gwapong mukha. Tiningnan niya si Amara, at sa tagpong iyon, bahagyang lumitaw ang bihirang ekspresyon sa kanyang mukha tila isang munting paghingi ng tawad.

Si Amara ay hawak-hawak ang kanyang tiyan, saka tumingin sa kanya. At sa isang iglap, bumalot sa kanya ang matinding hinanakit na buong araw niyang tiniis.

Huminga siya nang malalim, pinilit lunukin ang sakit at hindi ipakita ang kahinaan.

Walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha nang tanungin niya, "Kakatapos mo lang ba sa trabaho?"

Hindi napansin ni Argus ang lambot at pagkaputol ng tinig niya.

"May meeting kasi kanina," sagot nito, malamig pa rin ang boses.

"Paano naman ang kagabi? Masaya ba ang kaarawan ng babaeng kasama mo?"

Napakunot ang noo ni Argus. Bago pa man siya makapagsalita ay isang babae ang pumasok mula sa likuran ni Argus na nakasuot ng pulang bestida at ang coat ni Argus ay nasa sa balikat.

Lalong dumilim ang mukha ni Amara.

"Amara, patawad. Kasama ko si Argus kagabi. Nagkasakit ang mommy ko ilang araw na ang nakalipas, at natakot si Argus na mahirapan ako mag-isa kaya tinulungan niya akong alagaan siya. Kaya hindi niya nabasa ang mga mensahe mo. Kasalanan ko lahat. Hindi ko sana siya inabala," wika ni Ysabel na may kunwaring pag-aalala.

Habang nakikinig si Amara sa mga salita ni Ysabel, unti-unting nanunuot ang pait sa kanyang puso.

"Malala ba ang sakit ng mommy mo?" tanong ni Amara.

"Hindi naman. Simpleng ubo at lagnat lang. Halos magaling na siya ngayon." Lumapit ito kay Argus ar hinimas ang braso. “Salamat sa tulong ni Argus.”

Parang may matigas na bagay na tumama sa puso ni Amara. Pilit niyang pinipigil ang damdamin, ngunit hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang mga mata at ang panginginig ng kanyang mga labi.

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Argus. Nang malaman niyang pumanaw ang mga magulang ni Amara ay nasa isang meeting siya. At nang balak na sana niyang pumunta matapos ang pagpupulong ay may nangyari naman kay Ysabel. Dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, nakalimutan na niya ang tungkol kay Amara.

Alam niyang may pagkukulang siya. Alam niyang may pagkakamali siya.

Balak sana ni Argus na magsindi ng insenso bilang paggalang sa mga magulang ni Amara, pero agad siyang pinigilan nito.

"Hindi na. Mas mahalaga ang mommy niya. Dapat samahan mo siya..."

Napatigil si Argus.

Ayaw na ni Amara pang manatili sa lugar na iyon. Tumayo siya at naglakad palayo, kahit hirap na hirap na sa bawat hakbang.

Hindi siya umiyak. Hindi niya hahayaang tumulo ang luha niya para sa isang lalaking hindi na karapat-dapat.

Nakatitig si Argus kay Amara na pitong buwan nang buntis, hirap na sa paglakad, pero ni minsan ay hindi siya humingi ng tulong.

Naalala niya si Ysabel na laging umiiyak at tumatawag kapag may sakit ang magulang nito. Ngunit si Amara na nawalan na ng magulang, kinaya ang lahat mag-isa.

"Saan ka pupunta? Huwag kang basta-basta kung saan pumupunta dahil buntis ka," pagalit ni Argus habang tinatawag si Amara.

Mapait na ngumiti si Amara.

Ibig sabihin, alam niya. Alam niyang buntis siya.

At kahit alam niya, iniwan pa rin niya si Amara para alagaan ang magulang ng ibang babae.

Ibig sabihin lang nito, walang pakialam ang lalaki sa kanilang mag-ina.

Kung ang isang bata ay hindi inaasahan at hindi minamahal, paano siya magiging masaya paglabas niya sa mundo?

Napatingin si Amara sa kanyang tiyan. Sa gitna ng kirot at pighati, tila may naging desisyon na siyang matagal nang itinatanggi. Binilisan niya ang lakad at pumasok sa elevator.

Samantala, tila nabulunan si Argus at agad na sinundan siya. Pero pinigilan siya ni Ysabel.

"Argus, halatang nasasaktan nang husto si Amara.

Hayaan mo muna siyang mapag-isa, para kumalma."

Napakunot ang noo ni Argus. Tiningnan niya si Ysabel na malamig ang mga mata saka marahas na inalis ang kamay nito sa kanyang braso.

"Masama ang lagay ng pakiramdam niya ngayon. Delikado kung pababayaan natin siya. Asikasuhin mo na lang muna ang sarili mo."

Nagmamadaling lumabas si Argus, pero wala na si Amara. Hindi na niya ito naabutan.

Nakatitig siya sa kalsadang matao at sa mga sasakyang nagdaraan. Kinuha niya ang cellphone at tumawag.

"I-locate ang cellphone ni Amara. Hanapin n’yo siya agad."

Ang gwapo niyang mukha ngayon ay may bakas ng pag-aalala, isang damdaming bihirang lumitaw.

Isang oras ang lumipas.

Tumawag ang kanyang assistant.

“Sir, nasa ospital po ang inyong asawa ngayon.”

“Bakit siya nasa ospital?”

"Aborsyon po ang pinunta. At isa pa, nagpatawag siya ng abogado para magpagawa ng kasulatan ng diborsyo. Pinirmahan na rin niya ito."

Tumigil ang mundo ni Argus. Isang malakas na ugong lang ang narinig niya sa kanyang tenga.

Sa malalim niyang mga mata, ngayon ay litaw na litaw ang hindi makapaniwala at ang unti-unting pagsisisi.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Leony Cabral Mejia
kawawa nman c Amara
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 106

    Chapter 106Pagdating nila sa pintuan ng bahay ni Amara ay naroon na rin ang locksmith. Bahagyang ngumisi si Ysabel, puno ng kasiyahan at tusong tagumpay ang kanyang mga mata.Ngayon… mahuhuli ka na namin, Amara. Ikaw at ang bata mo, wala na kayong ligtas.Mabilis at sanay ang kilos ng locksmith. Ilang sandali lang, bumigay ang kandado ng bahay at bumukas ang pinto.Sa loob ay may palabas na cartoon na umaalingawngaw mula sa telebisyon. Walang nakakaalam tao sa loob na may nangyayari sa labas ng pintuan.Hindi na nakapaghintay si Doña Luciana. Sa sobrang pananabik na makita ang kanyang apo ay diretsong pumasok ito sa loob, nakalimutan ang pagiging elegante at disente bilang isang ginang.Ang biglaang pagsalakay nila ay ikinagulat ng lahat ng naroon sa bahay.Napatigil si Doña Luciana nang makita ang isang batang nakatingin sa kanya mula sa sofa. Napuno ng luha ang kanyang mga mata sa isang iglap. Lumuhod siya at walang alinlangang niyakap ang bata.“Apo ko!” bulalas niya, nanginginig

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 106

    Chapter 106Nagulat si Doña Luciana at si Ysabel. Hindi nila akalain na sasabihin iyon ni Argus sa mga sandaling iyon. Pinoprotektahan ba niya si Amara?Kagat-kagat ni Ysabel ang kanyang labi at pinahina ang tinig, “Hindi, Argus. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung naging mas maingat lang ako noong mga araw na iyon, limang taon na ang nakalipas, hindi sana kita ginulo.”Habang nagsasalita ay iniunat ni Ysabel ang kanyang mga kamay, niyakap si Argus at mahinang umiyak sa kanyang dibdib, tila ba lubos na nagsisisi. “Argus… kahit ilang beses kong sabihin, hindi ko na mababawi ang nakaraan. Pero sana, sana magtiwala ka na gusto ko lang ng kapatawaran,” dagdag pa nito, habang ang kanyang mga balikat ay nanginginig sa pekeng paghikbi.Ibinaling ni Argus ang kanyang mga mata pababa at iniangat ang kamay upang itulak palayo si Ysabel mula sa kanyang mga bisig. Matalim ang tingin niya, malamig, at walang bakas ng pag-aalaga. “Ysabel, huwag mo na akong saktan pa. Tigilan mo

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 105

    Chapter 105“Amara, kailan ka naging ganito?” Unti-unting dumilim ang malamig nang ekspresyon ni Argus. Si Carmela na nasa likuran ay tinakpan ang kanyang mukha at sumilip sa pagitan ng kanyang mga daliri. Talagang napakataray ng dating ng asawa ng boss niya. Wala pang naglakas-loob na magsalita kay Argus nang ganoon. Siya lamang ang naglakas-loob at hindi pa umatras.Si Amara ngayon ay parang paputok na sumasabog sa kaunting galaw at hindi na maayos kausap. Pinakinggan ni Amara ang mga salita ni Argus at pinagdikit ang labi.“Argus, ganito na talaga ako noon pa. Nagtiis lang ako sayo dati, kaya akala niyo lahat na wala akong ugali na kayang lumaban at puwede akong apihin.”Suminghot si Ysabel, at bumuhos ang kanyang mga luha na parang mga perlas na naputol ang sinulid.“Amara, tama na. Kasalanan ko lahat ito. Saktan mo na lang ako o pagalitan, pero pakiusap, huwag mong ibunton ang galit mo kay Argus dahil sa akin. Kasalanan ko rin noon. Kung hindi sana ako sinasamahan ni Argus pala

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 104

    Chapter 104Hindi na bumalik si Amara sa loob ng restaurant. Dahil nag-text agad si Celine na naiuwi na niya ang tatlong bata, mas pinili niyang umiwas sa gulo.Pagkalabas niya ng restaurant at nakalakad ng dalawang hakbang, biglang may sasakyan na mabilis na sumulpot na parang tatama sa kanya.Mabilis ang reflex ni Amara kaya agad siyang umatras ng dalawang hakbang, pero kahit ganoon, sumabit pa rin ang sulok ng kanyang damit sa gilid ng kotse.Namutla ang kanyang mukha sa takot, ramdam niya pa rin ang bilis ng pagdaan ng hangin sa kanyang katawan. Nang itaas niya ang tingin, nakita niya ang dalawang babaeng bumaba sa kotse.Ysabel.Tinanggal nito ang suot na sunglasses, at tumayo sa tabi ng sasakyan na may nakataas ang baba, bitbit ang nakakaasar na mapagmalaking ngiti.Kung ibang tao iyon, baka maisip pa ni Amara na aksidente lang iyon o marunong lang talagang masama magmaneho. Pero nang makita niya si Ysabel, sigurado na siya. Sadyang ginawa ito dahil may lihim na galit sa kaniya.

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 103

    Chapter 103“Kung ayaw mong mag-divorce, that’s your choice.” Itinaas ni Amara ang kanyang ulo at tinitigan si Argus nang diretso. “Pero ako… gusto ko. Argus, please respect my choice and just sign it already.”Pagkasabi niya nito ay tumayo siya at tumalikod saka umalis nang walang alinlangan.At doon, parang may nabasag sa loob ni Argus. May butas na biglang bumuka sa dibdib niya—isang kalungkutan na kumakain sa kanya, walang awa, para bang may bagay na hindi na talaga maibabalik. Ibinaba niya ang tingin, nakatutok sa divorce agreement na nakapatong lang sa mesa. Hindi niya kayang buksan. Hindi niya kailangan. Alam na niya kung ano ang nakasulat doon.Tatlong taon silang mag-asawa. Hindi mahaba, hindi rin maikli. Pero… ano bang ginawa niya sa loob ng mga taong iyon?Kung magiging tapat siya, wala naman siyang ginawang lantaran para ipahiya si Amara. Pero hindi rin siya naging mabuti sa kanya. Hindi sapat. Hindi niya minahal nang sapat ang babaeng pinakasalan niya. Hindi niya tinupad

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 102

    Chapter 102“Elara…” mahinang tawag ng bata habang nakasilip sa gilid ng mesa, “Kuya, dali na… lumabas na kayo. Wala na si bad daddy.”Unti-unting gumapang palabas sina Levi at Caleb mula sa ilalim ng mesa. Pareho silang puno ng alikabok, gusot ang buhok, at nakasimangot na parang mga basang sisiw.“Aray…” reklamo ni Caleb habang pinapagpag ang pantalon niya. “Ang sikip doon sa ilalim, parang sardinas!”“Oo nga!” dagdag ni Levi, nakausli pa ang pisngi na parang pufferfish. “Tapos ang bango-bango pa ng pagkain sa mesa, gutom na gutom na ako! Hmph, kasalanan ng bad daddy na ‘yon. Akala ko hindi siya pupunta?”“Shhh…” bulong ni Elara, nagmamadali siyang kunin ang sariling mangkok sa ibabaw ng mesa. “Kuya Levi, Kuya Caleb… ito oh.”Buong lakas niyang iniabot ang mangkok sa mga kapatid. Sa ibabaw nito, nakaumbok ang dalawang malalaking chicken leg.“Kuya, kain na kayo. Ang bango-bango, baka lamigin na,” sabi ni Elara, sabay tulak ng mangkok papunta sa mga kamay ng magkapatid. “Kanina pa ak

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status