Kabanata 2: Mommy, nakita ni Elara si bad Daddy
Limang taon ang lumipas.
Ang nangungunang auction house sa Pilipinas ay may maluwag na bulwagan na napuno ng mga kilalang tao.
Sa isang harapan ay lumitaw ang chief auctioneer na nakasuot ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya.
Ang kanyang mukha ay hindi malinaw na nakikita, ngunit ang kanyang bawat kilos ay napakaganda.
Kumpiyansa at mahinahon niyang ipinakilala ang mga bagay sa display stand nang maganda, at ang mga manonood ay nagmamadaling mag-bid.
Sa ikalawang palapag, umupo doon si Argus at sumulyap sa paligid, "Siya ba ang taong pinipilit na makita ni Lolo?"
Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata.
"Ang pangalan niya'y Reina?"
Tumango ang kanyang assistant.
Inabot ng assistant sa tabi niya ang impormasyon, "Yes, Sir. Ang pangalan niya ay Reina. She is an auctioneer who joined five years ago. Sa una niyang auction, ay nabenta niya ang isang ancient landscape painting na nagkakahalagang isang milyon pero nagawa niya itong iakyat sa 60 milyon. 60 times ang itinaas kaya naman naging famous sa unang gabi."
Pinikit ni Argus ang kanyang mga mata at nagtanong, "Lagi siyang nakasuot ng belo kapag nagpapakita siya sa iba?"
Sandaling nag-isip ang assistant, "Oo, narinig ko na may nag-alok sa kanya ng 10 milyon para tanggalin ang kanyang belo, ngunit tumanggi siya. Masyado raw siyang pangit kaya naman ayaw niyang tanggalin ang kanyang belo."
Inilabas ni Argus ang upos ng sigarilyo sa kanyang kamay at tahimik itong tinignan ang babae sa unahan.
"Maganda ang mga mata niya,” puri ni Argus sa mahinang tinig.
Paano siya naging pangit kung mayroon siyang napakagandang mga mata?
At ang mga matang iyon ay parang nakita niya noon… kilala niya.
Pamilyar ang mga matang iyon.
Ah, si Amara.
Ang babaeng nag-iwan ng kasunduan sa diborsyo, nagpalaglag sa kanyang anak at umalis nang walang sabi-sabi limang taon na ang nakakaraan, at hindi na muling natagpuan.
"Dalhin mo siya sa akin."
Tumayo si Argus, gumawa ng dalawang hakbang, at saka huminto.
"Limang taon na, wala pa ring balita tungkol kay Amara?"
Biglang natakot ang assistant.
Imposible raw na mawala ang isang tao na parang bula.
Ang kanyang asawa ay talagang nawala ang existence sa loob ng limang taon, at walang bakas ng kanyang kinaroroonan.
Sumakit ang ulo ni Argus, "Magpatuloy ka sa paghahanap."
Napakalupit ng babaeng iyon dahil hiniwalayan siya nito, ipinalaglag ang kanyang anak, at tinanggal ang lahat ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan dito.
Natatakot siya na walang nakakaalam na ang presidente ng De Luca Group ay inabandona ng isang kasunduan sa diborsyo, at walang nakakaalam na hinahanap niya ang babaeng umabandona sa kanya sa loob ng limang taon.
Dapat mahanap siya ni Argus. Gusto niyang tanungin ang asawa kung ano ang ginawa niya para iwan siya ng babae at hindi niya ito mapapatawad na ginawang pag-abort sa kaniyang anak. Anong karapatan niya para gawin ang ganoong kalupit na bagay.
Umalis si Argus.
Nakatayo doon Carmela, ang assistant nito na pawis na pawis. Hinanap niya si Amara sa kung saan-saan ngunit wala man lang balita na nakuha kahit isa.
Kung hindi mo mahanap ang isang tao sa loob ng limang taon, ang patuloy na paghahanap sa kanya ay parang naghahanap ng karayom sa mga dayami.
"Madam, nasaan ka?" malungkot na sambit ni Carmela sa sarili.
Nang matapos ang auction ay yumuko si Amara at umalis.
Limang taon na ang nakalilipas, dumating si Amara sa Pilipinas at sumali sa isang auction house. Pinalitan niya ang pangalan niya ng Reina upang maiwasan ang gulo kaya rin palagi siyang nakasuot ng belo sa auction house.
Pumasok siya kaniyang silid.
Isang malambot at maliit na kulay-rosas na bola ang dumaan na may maiikling binti ng bata, ibinuka ang maliliit na kamay nito saka pumalibot ang mga binti kay Amara.
"Mommy!” exited na sigaw ng batang babae.
Hinubad ni Amara ang kanyang belo, inilantad ang isang kaakit-akit at magandang maliit na mukha. Yumuko siya para buhatin ang kanyang anak at hinalikan ang mukha nito.
"Matagal ka bang naghintay, Elara? Nasaan ang mga kapatid mo?" malambing niyang tanong
Ang maliit na pink na bola ay nalaglag sa kanyang mga kamay nang itinaas ang kanyang ulo at mas yumakap kay Amara.
"Hmph, naglalaro sina kuya ayaw nila akong isama."
"Wala ba silang tassels?"
"Sabi nila hindi nila makakalaro si Elara kapag maglalaro sila ng boys' games."
Walang masabi si Amara
Kung gusto ng dalawang lalaking ito na iwan si Elara, dapat sinabi na lang ng deretso.
Nang mga oras na iyon, pinanghinaan ng loob si Amara dahil noon ay gunusto niyang ipalaglag ang bata, ngunit sa sandaling makita niya ang operating room ay hindi niya ito nakayanan at tuluyang sumuko na lang.
Dalawang buwan pagkatapos ng kanyang pagdating sa Pilipinas, nanganak siya ng tatlong sanggol, dalawang lalaki at isang babae. Hindi niya inasahang triplets ang magiging anak niya.
Ang panganay ay pinangalanang Caleb Devran Alcantara, ang pangalawa naman ay pinangalanang Levian Devros Alcantara, at ang bunso ay si Elara Devrie Alcantara na siyang buhat niya ngayon.
Ang panganay ay matino, ang pangalawa ay makulit, at ang pangatlo ay ang sobrang cute.
Tiningnan ni Amara ang maliit na mukha sa kanyang mga bisig, at natutuwa siya na pinili niyang desisyon noon.
"Mommy, hulaan mo kung sino ang nakita ni Elara at ng mga kuya kanina."
"Sino naman?"
"Si bad daddy."
Malakas na nagsalita si Elara, ngunit tila hindi malinaw ang narinig ni Amara.
"Sino ang na nakita niyo kanina?"
"Nakita namin nina kuya ng lumalabas sa TV si bad daddy. Ano nga ang pangalan niya hmm… ah ang pangalan niya ay... Argus De Luca!”
Habang nagsasalita si Elara, itinaas niya ang kanyang maliit na kamay para i-gesture si Amara.
Nakaramdam ng paninikip si Amara sa kanyang puso nang marinig ang sinabi ni Elara.
Nitong mga nakaraang taon, bihira niyang marinig ang pangalan ni Argus.
Limang taon niyang nakalimutan si Argus. Ngunit sa sandaling ito, nang lumabas ang kanyang pangalan sa bibig ni Elara, bumalik ang mga alaala ng nakaraan, at naramdaman pa rin ni Amara ang kirot sa kanyang puso.
Bakit nandito si Argus?
Ang alam lang ng kanyang mga anak ay si Argus ang kanilang ama. Ilang beses na nila siyang nakita sa TV, ngunit malamang na mali nila sila.
"Baka nagkakamali lang kayo, Elara. Hindi siya pupunta dito sa Pilipinas."
"Pero mommy"
Dalawang katok sa pinto ang naputol ang pagsasalita ni Elara.
"Sino iyan?"
"Reina, busy ka ba? Pinapupunta ka agad ng manager sa opisina. Hiniling ka ng isang VIP guest na makausap. Pinabibilis ka ng manager."
VIP guest?
Maraming kilalang panauhin ang kanilang auction house, ngunit talagang hindi marami ang maaaring magpakaba sa manager.
Medyo na-curious si Amara kung gaano kaimpluwensya ang bisita.
"Sige, papunta na ako diyan."
Kumunot ang noo ni Elara at mahinang nagsalita. "Pero nakita talaga ni Elara si bad daddy.”
Napatingin si Amara sa anak. Ipinikit ni Elara ang kanyang bilugang mata na puno ng tubig at medyo dismayadong nagtanong, "Magtatrabaho ka na po ulit, mommy?"
Inilagay ni Amara si Elara sa sofa at humihingi ng tawad, "Elara baby, sandali lang ako promise babalik din si mommy agad, okay?"
Gusto man na sumama ni Elara sa ina ay naiintindihan niya na hindi nito pwedeng maantala ang trabaho ng mommy niya.
Napakabait ni Elara at maunawain.
"Sige po, hihintayin na lang ni Elara si Mommy."
Hinalikan muli ni Amara ang pisngi ng kanyang anak at iniabot ang isang pirasong tinapay. "Elara, kain ka muna nitong tinapay. Mamaya, isasama ko kayo ng mga kuya mo para kumain sa masarap na restaurant, okay?”
"Okay po."
Ngumiti ng malumanay si Amara ng marinig ang sagot ng anak saka nagsuot ng belo at lumabas.
Hinawakan ni Elara ang tinapay sa magkabilang kamay saka tumakbo sa pinto, inilabas ang ulo at tahimik na nagmamasid sa labas.
“Wala na si Mommy, sobrang boring naman.”
Ibinaba ni Elara ang tinapay, tinapik ang kanyang smart watch.
“Kuya, nasaan na kayo? Nandito si Elara sa labas, gusto ko kayong makita,” aniya.
Maya-maya lang ay tumunog ang smart watch na suot at may dumating na reply—isang lokasyon.
"Nasa underground parking lot."
Sa underground parking lot, nakatayo ang dalawang batang lalaki sa harap ng isang itim na Maybach.
Nakayakap sa sariling mga braso, nakatitig kay Levi na nasa tabi niya si Caleb, habang may halong pagdududa sa ekspresyon.
"Sigurado ka bang itong sasakyan na 'to ay pagmamay-ari ni bad daddy?"
Si Levi naman ay abala sa pagpipinta gamit ang isang paintbrush sa ibabaw ng kotse.
Gandang-ganda ito sa gawa niya.
"Walang duda, Caleb. Nakita kong bumaba siya mula sa sasakyang 'to mismo."
Tiningnan niya ang malalaking letrang nakasulat sa kotse na halos parang kinahig ng manok ang itsura ng sulat.
"Bad three abandoned children, big check man."
Chapter 106Pagdating nila sa pintuan ng bahay ni Amara ay naroon na rin ang locksmith. Bahagyang ngumisi si Ysabel, puno ng kasiyahan at tusong tagumpay ang kanyang mga mata.Ngayon… mahuhuli ka na namin, Amara. Ikaw at ang bata mo, wala na kayong ligtas.Mabilis at sanay ang kilos ng locksmith. Ilang sandali lang, bumigay ang kandado ng bahay at bumukas ang pinto.Sa loob ay may palabas na cartoon na umaalingawngaw mula sa telebisyon. Walang nakakaalam tao sa loob na may nangyayari sa labas ng pintuan.Hindi na nakapaghintay si Doña Luciana. Sa sobrang pananabik na makita ang kanyang apo ay diretsong pumasok ito sa loob, nakalimutan ang pagiging elegante at disente bilang isang ginang.Ang biglaang pagsalakay nila ay ikinagulat ng lahat ng naroon sa bahay.Napatigil si Doña Luciana nang makita ang isang batang nakatingin sa kanya mula sa sofa. Napuno ng luha ang kanyang mga mata sa isang iglap. Lumuhod siya at walang alinlangang niyakap ang bata.“Apo ko!” bulalas niya, nanginginig
Chapter 106Nagulat si Doña Luciana at si Ysabel. Hindi nila akalain na sasabihin iyon ni Argus sa mga sandaling iyon. Pinoprotektahan ba niya si Amara?Kagat-kagat ni Ysabel ang kanyang labi at pinahina ang tinig, “Hindi, Argus. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung naging mas maingat lang ako noong mga araw na iyon, limang taon na ang nakalipas, hindi sana kita ginulo.”Habang nagsasalita ay iniunat ni Ysabel ang kanyang mga kamay, niyakap si Argus at mahinang umiyak sa kanyang dibdib, tila ba lubos na nagsisisi. “Argus… kahit ilang beses kong sabihin, hindi ko na mababawi ang nakaraan. Pero sana, sana magtiwala ka na gusto ko lang ng kapatawaran,” dagdag pa nito, habang ang kanyang mga balikat ay nanginginig sa pekeng paghikbi.Ibinaling ni Argus ang kanyang mga mata pababa at iniangat ang kamay upang itulak palayo si Ysabel mula sa kanyang mga bisig. Matalim ang tingin niya, malamig, at walang bakas ng pag-aalaga. “Ysabel, huwag mo na akong saktan pa. Tigilan mo
Chapter 105“Amara, kailan ka naging ganito?” Unti-unting dumilim ang malamig nang ekspresyon ni Argus. Si Carmela na nasa likuran ay tinakpan ang kanyang mukha at sumilip sa pagitan ng kanyang mga daliri. Talagang napakataray ng dating ng asawa ng boss niya. Wala pang naglakas-loob na magsalita kay Argus nang ganoon. Siya lamang ang naglakas-loob at hindi pa umatras.Si Amara ngayon ay parang paputok na sumasabog sa kaunting galaw at hindi na maayos kausap. Pinakinggan ni Amara ang mga salita ni Argus at pinagdikit ang labi.“Argus, ganito na talaga ako noon pa. Nagtiis lang ako sayo dati, kaya akala niyo lahat na wala akong ugali na kayang lumaban at puwede akong apihin.”Suminghot si Ysabel, at bumuhos ang kanyang mga luha na parang mga perlas na naputol ang sinulid.“Amara, tama na. Kasalanan ko lahat ito. Saktan mo na lang ako o pagalitan, pero pakiusap, huwag mong ibunton ang galit mo kay Argus dahil sa akin. Kasalanan ko rin noon. Kung hindi sana ako sinasamahan ni Argus pala
Chapter 104Hindi na bumalik si Amara sa loob ng restaurant. Dahil nag-text agad si Celine na naiuwi na niya ang tatlong bata, mas pinili niyang umiwas sa gulo.Pagkalabas niya ng restaurant at nakalakad ng dalawang hakbang, biglang may sasakyan na mabilis na sumulpot na parang tatama sa kanya.Mabilis ang reflex ni Amara kaya agad siyang umatras ng dalawang hakbang, pero kahit ganoon, sumabit pa rin ang sulok ng kanyang damit sa gilid ng kotse.Namutla ang kanyang mukha sa takot, ramdam niya pa rin ang bilis ng pagdaan ng hangin sa kanyang katawan. Nang itaas niya ang tingin, nakita niya ang dalawang babaeng bumaba sa kotse.Ysabel.Tinanggal nito ang suot na sunglasses, at tumayo sa tabi ng sasakyan na may nakataas ang baba, bitbit ang nakakaasar na mapagmalaking ngiti.Kung ibang tao iyon, baka maisip pa ni Amara na aksidente lang iyon o marunong lang talagang masama magmaneho. Pero nang makita niya si Ysabel, sigurado na siya. Sadyang ginawa ito dahil may lihim na galit sa kaniya.
Chapter 103“Kung ayaw mong mag-divorce, that’s your choice.” Itinaas ni Amara ang kanyang ulo at tinitigan si Argus nang diretso. “Pero ako… gusto ko. Argus, please respect my choice and just sign it already.”Pagkasabi niya nito ay tumayo siya at tumalikod saka umalis nang walang alinlangan.At doon, parang may nabasag sa loob ni Argus. May butas na biglang bumuka sa dibdib niya—isang kalungkutan na kumakain sa kanya, walang awa, para bang may bagay na hindi na talaga maibabalik. Ibinaba niya ang tingin, nakatutok sa divorce agreement na nakapatong lang sa mesa. Hindi niya kayang buksan. Hindi niya kailangan. Alam na niya kung ano ang nakasulat doon.Tatlong taon silang mag-asawa. Hindi mahaba, hindi rin maikli. Pero… ano bang ginawa niya sa loob ng mga taong iyon?Kung magiging tapat siya, wala naman siyang ginawang lantaran para ipahiya si Amara. Pero hindi rin siya naging mabuti sa kanya. Hindi sapat. Hindi niya minahal nang sapat ang babaeng pinakasalan niya. Hindi niya tinupad
Chapter 102“Elara…” mahinang tawag ng bata habang nakasilip sa gilid ng mesa, “Kuya, dali na… lumabas na kayo. Wala na si bad daddy.”Unti-unting gumapang palabas sina Levi at Caleb mula sa ilalim ng mesa. Pareho silang puno ng alikabok, gusot ang buhok, at nakasimangot na parang mga basang sisiw.“Aray…” reklamo ni Caleb habang pinapagpag ang pantalon niya. “Ang sikip doon sa ilalim, parang sardinas!”“Oo nga!” dagdag ni Levi, nakausli pa ang pisngi na parang pufferfish. “Tapos ang bango-bango pa ng pagkain sa mesa, gutom na gutom na ako! Hmph, kasalanan ng bad daddy na ‘yon. Akala ko hindi siya pupunta?”“Shhh…” bulong ni Elara, nagmamadali siyang kunin ang sariling mangkok sa ibabaw ng mesa. “Kuya Levi, Kuya Caleb… ito oh.”Buong lakas niyang iniabot ang mangkok sa mga kapatid. Sa ibabaw nito, nakaumbok ang dalawang malalaking chicken leg.“Kuya, kain na kayo. Ang bango-bango, baka lamigin na,” sabi ni Elara, sabay tulak ng mangkok papunta sa mga kamay ng magkapatid. “Kanina pa ak