Share

Chapter 23

Aвтор: Maldie Castillion
last update Последнее обновление: 2025-07-31 17:42:48

Chapter 23

A powerful voice cut through the thick silence of the room—firm, authoritative, and filled with unspoken weight.

“Enough.”

Lahat ng naroon ay napalingon paitaas, agad na napukaw ang pansin. Tumigil ang hininga ng ilan, at kahit ang galit ni Ysabel ay tila nalunod sa biglaang pagbabago ng atmospera.

Sa taas ng hagdanan ay nakatayo si Don Alfonso De Luca—matikas pa rin kahit may edad, at sa bawat hakbang niya pababa, ay tila bumigat ang paligid.

Ang mga kasambahay ay agad na yumuko sa paggalang.

Ang mga mata ni Don Alfonso ay malamig na nakatuon sa buong eksena lalo na kay Ysabel na may luha pa sa pisngi, kay Amara na matatag pa rin ang tindig, at kay Argus na nanatiling tahimik.

“I said… enough.” ulit niya, mas mababa na ang tono pero mas nakakabingi kaysa kanina. “This house will not be turned into a playground for petty insults and disgraceful behavior.”

Tahimik ang lahat at walang gustong kumibo. Kahit si Donya Luciana ay napapikit sa pagkahiya habang marahang umupo.

Ang
Продолжить чтение
Scan code to download App
Заблокированная глава
Комментарии (1)
goodnovel comment avatar
Lovron Nance
ano kaya ang nakalagay sa papel?
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Latest chapter

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 264

    Chapter 264Naiirita pa si Amara nang biglang tumunog ang telepono niya.Si Senyora Anita ang tumatawag.Agad siyang binulalas ng galit ng matanda na halos sumabog sa kabilang linya.“Amara! Buntis ka raw? Anong kabalbalan ’yang sinasabi mo? Kung buntis ka, paano ka mapapalayas sa pamilya De Luca? Sino ang niloloko mo, ako?!”“General Umbao, sinisiguro ko sa iyo na nagsisinungaling ang batang ’to,” patuloy ni Senyora Anita, galit na galit. “Hindi naman talaga siya buntis!”“Wala akong pakialam kung buntis siya o hindi,” sigaw ni General Umbao. “Ngayon din, magbibigay ka ng paliwanag! At ikaw—may lakas ka pang maliitin ako?!”“H-hindi totoo iyan, General! Hindi ko po kayo minamaliit! Nagsisinungaling lang po ang pinsan ko—” paliwanag ni Mayumi.Naririnig ang kaguluhan sa kabilang linya, at agad na naunawaan ni Amara na nagwawala na si General Umbao sa bahay ng mga Alcantara.“Amara!” malakas na utos ni Senyora Anita. “Binibigyan kita ng tatlumpung minuto. Pumunta ka rito ngayon din!”“

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 263

    Chapter 263Mariing kinurot ni Ysabel ang sarili.“Aww!” Masakit iyong kurot kaya sigurado siyang hindi ito panaginip. Totoo ito… totoong-totoo. Hindi niya napigilang ngumiti nang masaya.Alam niya simula pa lang, alam na niya na sila ni Argus ang magiging end game at may nararamdaman si Argus para sa kanya. Ang ugnayan nila ay hindi basta-bastang masisira ni Amara.“Argus… salamat. Salamat sa sobrang pag-aalala mo sa akin,” malambing niyang sabi.Ngumisi si Argus, malamig at walang emosyon. “Pagod na ako. Pwede ka nang umalis.”“Argus, gusto kong manatili muna sa tabi mo. Gusto kitang samahan—”“Ayaw kong inuulit ang sarili ko.” Hindi man lang siya tiningnan ni Argus.Nang maramdaman ni Ysabel na maaaring magalit si Argus, wala siyang nagawa kundi ang lumabas muna. Ngunit kahit pumayag na si Argus na pakasalan siya, hindi pa rin nawala ang kakaibang kaba sa dibdib niya.Pagkaalis ni Ysabel, muling bumalot ang katahimikan sa ward.Ibinuka ni Argus ang kamay at pinisil ang kumikirot n

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 262

    Chapter 262Nagising si Argus sa loob ng ambulansya, at pagdating sa ospital ay siya pa mismo ang naglakad pabalik sa loob.Hindi talaga naghinay-hinay si Amara.Nabulabog si Luciana at agad tinanong ang doktor, “Dok, ano’ng nangyari sa kaniya?”Tiningnan ng doktor ang tikom na panga ng lalaki, saka ang napunit na sugat, at pati ang buhok nitong lalo pang num manipis dahil sa pagkakabaldado. Napabuntong-hininga ito. “Kayo ang unang tao sa mundo na gumawa ng matinding aktibidad pagkagising pa lang. Basa pa ang sugat ninyo.”“Matinding aktibidad? Anong matinding aktibidad?” Naguluhan si Luciana, tingin niya ay salitan sa tahimik niyang anak at sa bagong binalot na sugat sa ulo nito.Kung hindi niya kilala si Argus, iisipin niyang nakipagsuntukan ito sa labas.Matapos gamutin ng doktor ang sugat ni Argus, mahinahon nitong pinulot ang kamiseta sa tabi at isinuot.“Argus, saan ka ba nagpunta?” tanong ni Luciana.“Wala akong ginawa,” sagot niya, malamig.“Wala? Kung wala kang ginawa, bakit

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 261

    Chapter 261Napatingala si Amara at nakita si Tygar na nakatayo sa pintuan.Para kay Amara, dumating na ang tagapagligtas niya.“T! Bilis! Tulungan mo muna ako!”Tumingin si Tygar sa walang-kibong Argus. “Tutulungan kitang itapon ang bangkay?”Napasinghap si Amara. “Nahimatay lang siya. Tumawag na ako ng emergency. Tulungan mo naman akong buhatin siya pababa.”Sumulyap si Tygar sa magulong kama at sa hubad na pang-itaas ni Argus. Biglang dumilim ang ekspresyon niya.“Ginawan ka ba niya ng masama?”“H–Hindi! Mahaba ang kuwento, basta ‘wag mo siyang hayaang mamatay dito.”Tinangka ni Amara na buhatin si Argus, pero kulang ang lakas niya. Ilang ulit niyang hinila ang lalaki na ni hindi man lang gumalaw.Nang makita ni Tygar na pinagpapawisan na ito at walang nangyayari, napabuntung-hininga siya, tinanggal ang butones ng manggas at itinupi ang sleeves saka lumakad papasok.“Lumayo ka.”Umusog si Amara. Lumuhod si Tygar sa isang tuhod, ipinasok ang bisig sa ilalim ni Argus, at buong lakas

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 260

    Chapter 260Makaraan ang dalawampung minuto, dumating sila sa tapat ng bahay niya.Agad binuksan ni Amara ang pinto ng sasakyan at halos tumalon palabas, para bang tumatakas.Pagdikit pa lang ng mga paa niya sa lupa, nanghina ang tuhod niya at halos mabuwal.Umuulan pa rin, kaya mabilis na bumaba si Emilio at inabot ang payong bago siya sinubukang alalayan.“Ma’am?”Parang nakuryente si Amara at umiwas sa kamay nito. “Kaya ko nang umuwi mag-isa.”Napansin ni Emilio ang kakaibang ekspresyon nito. “Ma’am, may problema po ba? Masama ba pakiramdam n’yo?”Kinagat ni Amara ang dila niya, gamit ang kirot para manatiling malinaw ang isip.“H-Hindi… Umuwi ka na. Mauna na ako…”Pakiramdam ni Amara umaapoy ang dugo niya, at sobrang sakit ng katawan niya kaya hindi siya makalakad nang maayos.“Ma’am? Ang payong—”Hindi na kinuha ni Amara ang payong. Dumiretso siyang tumakbo, paika-ika, pauwi.Nag-aalala si Emilio kaya agad niyang tinawagan si Argus.“Sir, hindi ko po alam bakit ganito si Ma’am. H

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 259

    Chapter 259Umupo si Amara sa upuan, nakatuon ang kanyang isipan sa kahon.Habang nagsasalita si General Umbao, hindi niya namalayang napadapo ang kanyang kamay sa balikat ni Amara.Kumintab ang mga mata ni Amara at agad siyang tumayo upang umiwas.Masamang tumitig si General Umbao kay Amara. “Ano’ng iniiwasan mo? Patagalin mo man ang proseso o hindi, ikaw ay magiging asawa ko. Kinamumuhian mo na ba ako ngayon?”“Hindi po. Sa katayuan niyo na isang General na handang magpakasal sa isang babaeng tulad ko—paanong mangangahas pa akong magreklamo?”Natuwa si General Umbao sa sinabi niya at sumagot, “Buti at alam mo.”“Hindi ko akalaing magiging ganoon kagalante si General. Huwag kayong mag-alala, General, kapag naipanganak ko na ang aking anak, imumulat ko sa siya na ikaw ang kaniyang ama.”Nanlaki ang mga mata ni General Umbao. “Ano’ng sinabi mo? Anak mo?”Kumurap si Amara at hinaplos ang kanyang tiyan. “Opo. Hindi ba sinabi ng lola ko sa inyo? Buntis po ako.”Malakas na ibinagsak ni Gen

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status