Natapos ang buong araw na hindi namin natuloy ang plano na dalhin si Ayla sa mall dahil sa nangyaring ngayon. Pinag-isipan namin ng masama ang wierdong babeng 'yon. Totoo naman kasing weirdo siya dahil nakakatakot ang dating niya at talaga nakakatakot din siyang magbanta. Parang mapapaisip ka na lang baka bukas ng umaga patay ka na at ang nakaatawa pa ron, kalalaki naming tao pero napaka duwag naman naming harapin ang babaeng 'yon.
Hindi niya kami masisisi na matakot sa kanya. Ni-hindi namin maaninag ang muka niya dahil itim na itim ang nakabalandra niyang buhok sa pagmumuka niya kulang na lang isipin kong wala siyang mukh. Nakakatakot isipin kung wala siyang muka. Nakakakilabot. Akala mo'y may tinatago siya 'e mukha lang naman niya yon. Kinahihiya niya pa.
"Hihingi ba tayo ng sorry sa kanya?" tanong ni Wendell.
Hapon na pero hindi pa rin lumabas ang babaeng yon simula matapos ang nangyari kaninang umaga. Narito kami ngayon sa court ng mansyon. Madalas na mag-ensayo."Anyway, I want to apologize to her for thinking that she was a bad person and can kill someone without any further reason. I thought she was a murderer, haha!" aniya saka tumingin sa taas na para bang may iniisip. "I can't imagine she really likes those kinds of creepy things, hahaha." dagdag ni Wendell na natatawa at napapailing pa."Really? Hindi mo pa ma-imagine?," natatawang tanong ni Leonaire. "Itsura pa lang niyang yon ay hindi na nakakapagtaka na gusto niya ang mga ganoong uri ng bagay na nakakatakot 'no! Hindi na rin ako magtataka kung ang mga pinapanood niya sa t.v ay mga nakakadiri na kita ang lamang loob at nakakatakot na mga multo at halimaw 'no. My goodness!" dagdag pa habang inilalahad ang mga palad niya sa 'min habang nagsasalita.May punto si Leonaire!"Tyaka tayo?... hihingi ng sorry sa kanya?... haha, ayos ka lang?" sunod-sunod kong tanong kay Wendell dahil hindi ako makapaniwala na kami pa ang hihingi ng tawad. "Kasalanan niya kung bakit tayo natatakot sa kanya 'no! Unang tungtong pa lang niya dito 'e pinakitaan na agad tayo ng nakakatakot at nakakakilabot niyang awra! Dagdag mo pa ang mga pinagsasabi niya!" banat na banat na sabi ko.
Saktong dating ni Shawn at Kael ay kinuha ko agad ang hawak nilang inumin. Nauhaw ako sa laro namin. Kamuntikan pa kong maaksidente dahil muntikan pa'ng masiko ni Wendell ang kanang mata ko nang tangkain kong kunin ang bola sa kanya dahil akala ko lilikod siya sa 'kin. Yun pala ay isho-shoot na niya. Hindi na ko nasanay sa fake moves niyang 'yon dahil nawawala lagi sa isip ko.Magaling na player ng basketball si Wendell pero sa paningin ng iba ako raw ang magaling. Gumagaling lang ako kapag kasama siya, perpektong kombinasyon ba. Minsan nga napapaisip ako kung may problema ba 'to sa buhay kasi inaraw-araw na ang pagiging positibo. Nasa kanya na lahat nang magandang katangian at kilala pa sa campus. Isa siyang president ng buong year level pero kahit na maraming lamang siya sa 'kin mas hinahabol habol pa rin ako ng mga babae sa campus. Nagsasabi ako nang totoo.
"Anong nangyayari sayo, Lordan? Ang ingay mo d'yan? Na-realize mo na ba na may crush ka na sa pamangkin ni auntie Madeline?" sunod-sunod na tanong ni Shawn saka tumawa.
Napakunot ako ng noo at tumingin sa malayo. "Pinagsasabi mo d'yan?!""Lakas ng loob mo kanina! Hahaha! Nagawa niyang hawakan si Ayla ng malapitan! Kapag talaga si Lordan tinamaan ng inis talagang magda-direct to the point na lang. Grabe hindi 'man lang natamaan ng takot, hahaha!" natatawa pang sinasalaysay ni Kael na ikinatawa nila.
"Hahaha! Hindi na ako magtataka Lordan na baka pagdating ng araw ay direct to the point mo na rin sabihin kay Ayla na gusto mo siya, hahaha!" pang-aasar ni Shawn sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin saka binato ko siya nang bola. "My face!" reklamo niya."My face mo mukha mo. 'Di nga tumama sayo ang bola. Tigil-tigilan mo nga ko, Shawn."
Patuloy lang siya sa pangisi.
"Alis muna ko, balik ako mamaya."
"Aalis ka agad, kakarating lang namin."
"Mukang hindi titigil ang isang 'yan." pagtukoy ko kay Shawn na nakangisi pa rin. Umalis na ako at iniwan sila.
Tss, kami pa ang tinakot niya na huwag pumasok sa kwarto niya. Tss! Por que ka-dugo niyan si Auntie ay magkikilos siya na akala mo'y batas! At ano ka niya? Baka kung ano ang magawa niya sa 'min? Nakakatakot na nga napakaweirdo pa. Napapailing na lang ako habang binabalikan ko sa alala ko ang nangyari kanina.
Naisipan kong pumunta sa bar room para uminom kahit na alam kong first time ko lang naman gagawin 'to sa buong buhay ko. Parang natripan ko lang. Base sa nakikita kong reaksyon ni Leonaire kapag umiinom siya nangiwi lang siya kaya sa tingin ko hindi naman pangit ang lasa. Nang makarating na ko sa bar room, pumunta na ako sa isang room na pinaglalagyan ng wine at alcoholic drinks. Iniwan kong bukas ang pinto. Basta na lang akong humablot ng babasaging bote dahil wala naman akong alam kung ano ang dapat kong kunin. Pare-parehas lang naman 'tong inumin.
'Goût de Diamants', pangalan na nakalagay sa bote.
"Ang ganda naman ng diamond na 'to." pagtukoy ko sa design na nasa bote. Habang hinahaplos ng hinlalaki ko ang hugis diamante sa bote.Habang binabasa pa ang ibang mga nakasulat sa bote, naramdaman kong may mabilis na kung anong dumaan sa labas ng pintuan. Napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka. Guni-guni ko lang ba 'yon?
Naisipan ko nang lumabas saka isinara dahan-dahan ang pinto. "Wendell? Kael?" pagtawag ko sa pangalan ng dalawa. "Hindi 'to ang panahon para manakot ha."
Ilang segundo ang nakalipas ay napakunot ako noo. Imposibleng narito agad sila. Inikot ko ang paningin ko sa kubuoan ng bar pero walang tao kahit isa. Dumapo sa isip kong baka ang pamangkin ni auntie ang dumaang 'yon.
"Ayla Dawson, h'wag mo kong simulan. Kung bumabawi ka dahil pinasok namin ang kwarto mo, magtigil ka na dahil hindi na kami kailan 'man papasok 'don," panimula ko na may pagkairita sa boses ko. "Tss, walang mag-iinterest na pumasok don." seryoso pa'ng sinasabi ko habang nasa imahinasyon ko ang nakakatakot na kwarto niya. Bahagya akong tumalikod sa front bar.
"Nahihibang ka na." nagitla ako nang marinig ko bigla ang boses na nagmula sa bandang likuran ko. Muntik ko pa'ng mabagsak ang boteng hawak ko.
Hinarap ko siya at muli na naman akong nagitla. Nasa madilim na parte siya ng silid na ito. Para siyang multo doon.
"Dumaan lang naman ako kung anu-ano na ang pinagsasabi mo d'yan." Nasa loob siya ng under bar. Ilang pulgada ang layo niya sa akin pero rinig na rinig ko ang sinasabi niya.
Ibinababa ko sa lamesa na malapit sa 'kin ang boteng hawak ko saka lumapit ng kaunti papunta sa kanya. Tumindig ako ng matikas bago magsalita. "Hindi ako natatakot sayo."
Tumungo siya saka umiling-iling. Hindi ko siya naiintindihan kung bakit niya ginagawa 'yon. Nagsimula siyang lumapit sa akin. "Wala namang tumatakot sayo—""H-Hoy... t-teka..." natatarantang pagpigil ko sa kanya habang nakatapat sa kanya ang kamay ko. Napunta ang tingin ko sa hawak niyang nasinagaw ng liwanag. "Ano't b-bakit ka may h-hawak n-n-niyan?!"
Bumaling ang ulo niya sa hawak niya saka binalik ang paling sa akin ng ulo niya. Naiinis ako dahil hindi ko makita ang pagmumuka niya. Simula nang tumapak siya sa mansyon na 'to, hindi na naalis ang nakaharang niyang buhok kaya hindi namin makita ang itsura ng muka niya."Napap-praning ka na naman, lalake. Ice pick lang 'to. Napakagandang bagay 'di ba?" natatawa pa siya habang sinasabi 'yon. Parang kuminang ang matalas na ice pick na hawak niya habang pinaglalaruan niya ito sa kanang kamay niya. "Sa tingin mo itatarak ko 'to sayo?"Napalunok ako ng matindi nang itanong niya 'yon. Nakakainis! Kung anu-anong nakakatakot na tanong ang lumalabas sa bibig niya! Ramdam ko ang mabilis na kabog ng puso ko. Ano ba, Lordan?! Na'saan na ang tapang mo na gunggong ka?!
"A-Ano ba'ng sinasabi mo d'yan?!"
Tulong, guys!
Muli ko na naman narinig ang tunog sa tuwing ngingiti siya. "Hindi ako murderer." wika niya habang nagbabalak nang talikuran ako. Nawala bigla ang kaba ko nang sabihin niya 'yon. Nagsimula siyang lumabas at inilapag niya ang hawak niya ice pick sa nadaanan niyang table.
"Teka!" tumigil siya nang pigilan ko siya.Hindi siya humarap sa 'kin, nanatiling nakatalikod lang siya.
"What's happening here?" nabaling ang tingin ko kay Wendell habang kasunuran na niya ang iba sa likod niya. Nakatingin sila sa aming dalawa. Nasa tapat ng pintuan ang apat at kaharapan na nila si Ayla. Malayo ang agwat nila kay Ayla."Nag-uusap lang kami," sagot ko kay Wendell. Narinig ko uli ang pagtunog ng pangiti ni Ayla. "Anong ngini-ngiti mo d'yan?""Hmm. Wala naman... sabihin mo na ang gusto mong sabihin." kalmadong sagot niya.
"Tss... Bakit ba laging nakabalandra 'yang mahabang hibla ng buhok mo sa mukha mo?" tanong ko sa kanya. "Simula noong pagpunta mo dito ni-hindi namin nakita ang mukha mo."Napansin ko bigla na mas yumuko pa siya lalo.
"Oo nga 'no. Ngayon ko lang napansin." ani ni Shawn na nakapamewang na."Wala ka na kayo 'ron," agad na sagot niya. "H'wag niyo na ko pakilaman. Isipin niyo na lang na hindi niyo ako kasama dito. Mas gugustuhin ko pa 'yon." mahinang dagdag pa niyaNatawa ako ng mahina. " 'Yan ang malabong mangyari. Kapansin-pansin ka sa mansyong 'to. Kahit gaano kalaki ang space na meron dito ay makikita ka namin kaya sa tingin mo mangyayari 'yang sinasabi mo?" naiinis na tono sa tanong ko.
"Lordan, h'wag kang magpadalos-dalos sa mga salita mo." dinig kong sabi ni Wendell.
Kapansin-pansin ang paghinga niya ng malalim. Para ba'ng ang hirap-hirap ng tanong ko sa kanya.
"Akala mo ba hindi kita napansing dumaan sa kwarto ko?" panimulang tanong ko muli.
"Ipinagpapalagay mo 'bang ikaw ang rason kung bakit ako napadaan sa kwarto mo?" agad niyang bato sa sinabi ko. "Pwede mo naman akong hindi pansinin pero ginawa mo pa rin."
"Ayiee—what?!" paninimulang pang-aasar ni Shawn pero siniko siya ng mahina ni Wendell.Napakunot ako ng noo. Anong pinagsasabi nito? "Pinagpapalagay mo ba na may gusto ako sayo?"
"Nasasayo kung 'yan ang iniisip mo."
Pekeng tawa lang ang nailabas ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko o dapat ba'ng may sabihin ako. Para namang may interest akong magkagusto sa tao.
"Dumadaan ako sa kwarto mo dahil malapit 'yon sa stairway. Mag-isip ka nga."
Gusto kong magpakain sa lupa matapos kong marinig ang sagot niya.
"Ikaw pala ang assuming dito, Lordan!" Natawa si Leonaire at Shawn sa sinabi ni Kael.
"Tumigil nga kayo sa pant-trip niyo sa 'kin!"
Muli kong binalikan ng tingin ang nakatalikod na si Ayla. Nilapitan ko siya kaya ngayon ay nasa likod na niya ako at malapit sa kanya.
"Anong gagawin mo?!" rinig ko sa nangangambang tanong ni Wendell.
Napaharap agad sa akin si Ayla matapos itanong ni Wendell 'yon. Dahil sa biglaang pagharap niyang 'yon, sumilay ang ilang bahagi ng mukha niya. Napakabilis kaya kaya hindi ko agad masyadong napansin. Naging dahilan ito upang mas lalong lumakas ang loob ko na gawin ang nais ko sa kanya.
Mahilig akong mag-ipit ng buhok malapit sa noo ko kapag naglalaro ako ng basketball. Inalis ko ang lastikong nasa ulo dahilan para manladlad ang buhok ko sa noo ko. Napaatras siya nang ipasok ko sa hintuturo at hinlalaki ko ang lastikong hawak ko.
"A-Anong gagawin mo?!" napa-atras ulit siya habang itinanong 'yon. "L-Lumayo ka!" pasigaw na sabi niya habang nakatingin sa lastikong nasa daliri ko.Mas lalo akong napangisi. "Mabilis lang 'to!" kumaripas na siya agad ng takbo palabas. "Harangan niyo siya Leonaire, Shawn!"
Nakita ko ang pag-iling ni Leonaire. "Dumali na naman ang pagiging immature niya." ani Leonaire pero sinunod niya pa rin ang sinabi ko.
Puwersahan niyang itinulak ang dalawa dahilan para mapaatras sila at kamuntikan nilang ikatumba. Mabilis akong lumapit sa kanila. Nang makalapit ay naisahan sila ni Ayla.
"Hindi kasi tumulong si Kael!"
"Ang creepy niya 'no!"
"Kahinaan mo palang makita ng iba ang muka mo." wika ko habang kumakaripas na din ako ng takbo sa labas. Naramdaman kong mabilis na sumusunod ang apat sa kin.
Napatakbo rin sila dahil sa bilis ko. Malalaki ako humakbang kapag tumatakbo kaya hindi malabong hindi ko siya maabutan. Napatigil siya nang dulo na ang napuntahan niya at tanging kusina na lang ang malapit sa kanya. Dumiretso pa rin siya sa malaking kusina.
Binuksan niya ang malaking cabinet na nasa taas ngunit nabigo siya kung anong mayroon doon. "D'yan ka lang! H'wag kang lalapit!"
"H'wag mo na ako pagudin pa, Ayla Dawson. Titingnan ko lang naman ang muka mo 'e!"
Mabilis kong tinalon ang lababong nasa pagitan namin dahilan para ikagitla niya. Hindi ko nakitang nagulat ang mukha niya pero ang pagkagulat ng katawan niya ay nasaksihan ko. Nakangisi na ako sa harap niya habang nakaangat ang ulo niya na sa tingin ko ay nakatingin siya sa kamay ko.
"D'yan ka lang!" panimulang banta niya habang ako naman ay tatawa-tawa pa. Hindi ko siya sinunonod sa halip sinimulan na ang plano ko sa kanya.
Nagsimula na siyang magsisigaw-sigaw. Pinapanood lang ako nang apat sa likuran.
"AHHHHH!!!" dahil sa likot ng kamay niya ay nahagip niya ang bukas na maliit na supot na nasa bukas na cabinet dahilan para bumudbod ang laman nito sa amin.
Amoy harina!
Ang tanging pag-ubo ni Ayla ang naririnig namin dahil hindi pa rin namin siya nakikita dahil sa mga lumulutang na harina na tila naging usok sa paligid ng kusina. Mabuti na lang at napuyuran ko na ang bangs niyang pagkahaba-haba at hindi pantay-pantay na laging nakabalandra sa pag-mumuka niya bago pa kami matapunan ng harina. Hindi naman pala siya malakas kaysa sa inaasahan ko, hahaha! Sadyang mahihina lang siguro yung mga kriminal na nakatapat niya noong isang gabi. Akala ko'y masasapak niya ako ng marami pero ni-isang pasa ay wala akong natamo."She's pretty." Ngayon ko lang narinig na magkomento si Wendell tungkol sa babae. Matapos kong magpagpag ng sarili ay binalikan ko na ng tingin si Ayla. Tama si Wendell. Napahinto ako bigla nang mas mapagtanto ko na wala namang mali sa mukha niya. Walang anu-ano'y hindi ko na naiwasan pang purihin siya sa isip ko.Tila isa siyang mahing-hin na dalaga kahit pa ubong-ubo siya. Ang mga mata niyang tila nangungusap ang mas nakakadagdag sa ganda
Hindi ko na naiwasang maluha dahil sa nararamdaman kong pagka-awa sa sarili ko. Nasasaktan ako sa mga panghuhusga na pinupukaw nila sa 'kin. Para akong binubugbog ng mga masasakit na salita. Narinig ko ang mga hagikgik nila. Dala ng matinding emosyon na dumadaloy sa 'kin, piniga ng dalawa kong kamay ang mga alikabok. “Nakakatakot siya! Nakakapangilabot ang matatalas niyang kuko!”“Nakita mo ba kanina kung gaano kapula ang mata niya?! Grabe, para siyang halimaw!”“Oo! My goodness! Nilapitan niya ang mga kababaihan kanina at parang gusto pa niyang saktan ang mga ‘yon! Buti na lang ay tumakbo agad sila!”Napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang sinabi ng isang babae na sa tingin ko ay nasa lagpas trenta anyos na. Napaatras siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nais kong sagutin siya na maling deskusyon niya. Nasaktan ako sa kasinungalingan na inilantad niya sa mga taong naririto. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya.‘Mamatay tao siya.’Naalala ko bigla ang sinabi ng lal
NOTE FROM THE AUTHOR: The writer (desire_ru) of 'Turned Her Into Demure Woman' is still fixing the whole story. I highly suggest to you guys that you continue reading this after I complete the chapters. Stop reading from Chapter 7 and the rest chapters. Tingin ko po ay matatapos ko ito bago magyear 2024. Thank you and hope you understand! Lordan Point of View “Where’s Ayla?” tanong ni Wendell na kakalabas lang ng mansion. “Hindi ko alam.” Sagot ko habang ang dalawa ay nagkibit-balikat. “Male-late na tayo pero wala pa rin siya.” Napabuntong hininga habang sinabi ito ni Kael. Tumugon lang siya saka binuklat ni Wendell ang librong hawak niya gaya ng madalas niyang ginagawa sa tuwing papasok kami. Narito kami ngayon sa parking area ng mansyon. 20 minutes na lang late na sila, hindi gaya ko na mamaya pa ang klase. “Ang aga mo ata, Lordan?” “Ano naman?” agad na sagot ko kay Leonaire. “Talaga lang ha? Haha!” “Baka naman inspired ka lang today, haha!” dagdag na pang asar ni Shawn. “T
Ayla Point of View Ako na lang pala ang inaantay nilang lima. Ang lahat ng tingin nila ay sa akin. Natagalan ako dahil may nakita akong note sa lamesa sa kusina. Nakita ko ang isang note na may nakalagay na ‘Hi, Ayla! Good morning! Pinagluto ka ni Lordan. Tirhan ka daw namin ng niluto niya, haha. He’s so sweet to you!’ -Kael Tulad ng nakasulat ay ginawa ko nga. Hindi ako pwedeng pumasok ng gutom dahil baka makarating ‘to kay Auntie Madi. “Ayla, put your seatbelt on.” sabi niya sa ‘kin habang sinisimulan i-start ang sasakyan. “Hindi na.” agad na sagot ko saka binaling ang tingin ko sa side window ng sasakyan niya. “Amm… I'm worried because I might brake suddenly.” Hindi ko siya pinansin kaya wala na siyang pagpipilian pa kundi ang paandarin na lang ang sasakyan niya. Napansin kong mabagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Ingat na ingat siya sa pagmamaneho. “May trauma ako sa pagsusuot ng seatbelt.” panimula ko. Naramdaman kong napatingin siya sa ‘kin. “Nagsimula ‘yon noong walo
Ang mapanghusgang taong ‘to ay hindi marunong mag-isip. Hindi sila marunong umaalam ng totoong nangyari at bumabase lamang sila sa isang mapagpanggap. Mas gugustuhin ko na lang magkulong sa loob ng madilim ng kwarto kesa makita ang mga taong ito. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa situwasyong ‘to. Lahat sila ay pinagkukumpulan ako at pinagsasalitaan ng masasama.“Ipakita mo ang mukha mo!”“Oo nga! So that we will recognize her if we run into her again!”Mas lalo akong namaluktot sa pagkakaupo nang naisin na nilang makita ang kabuuan ng mukha ko. Mayamaya ay may lumapit sa ‘king mga kalalakihan. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito sa harap ko. Ngunit malakas ang kutob ko na pagtutulungan rin nila ako.“Don’t worry, we’ll handle this hahaha!” ani ng nasa harapan ko. “Hold her!”Mabilis na dumapo ang kanilang kamay sa magkabilaan kong balikat at braso. Labag ‘man sa loob ko ay hinayaan ko na silang gawin ang gusto nila. Ang lahat ng nasa paligid ko ay nagsisigawan na tila
Lordan Point of ViewHindi na ako pumasok sa isang subject matapos ang nangyari. Kanina pa nakapasok sa loob si Ayla samantalang nasa malawak na bakuran kaming lima.“Nakakagulat si Ayla kanina. Ang bilis niyang ikulong sa bisig si Francis! The manner in which she spun the knife in her hand, super galing!” namamanghang wika ni Shawn.“Pero at the same time, natakot din ako sa kanya kanina nang makita kong may hawak siyang balisong at nakatutok pa kay Francis,” sabi naman ni Kael. “Tama lang ‘yung pagdipensa niya sa sarili niya dahil syempre nasugatan siya pero natakot ako sa possibility na mas higit pa yung iganti niya sa mga ‘yon.” dagdag pa niya.May punto siya. Kahit ako ay natakot din sa nangyaring ‘yon. Marunong siyang humawak ng patalim na ‘yon at totoong nakakamangha ang ginawa niyang paglalaro sa balisong habang ikinukulog sa bisig si Francis. Kitang-kitang sa CCTV ang nakakaawang si Ayla ay nag-iba at naging agresibo. Halatang hindi niya talaga nagustuhan ang aksidenteng pagh
Nagplano kaming sumunod kay Shawn papunta sa lugar kung saan im-meet ni Shawn si Mr. Lorenzo kasama ang anak niya. Nagdisguise si Leonaire upang hindi siya makilala ng dad ni Shawn. Nasa loob kami ngayon ng van para magkasya kaming anim. “Sigurado ba kayo na hindi na ako kilala sa itsura ko?” tanong niya habang inaayos ang bigote at bilugang salamin niya. “Oo, parang hindi na ikaw ang Leonaire na kilala namin, hahaha!” natatawang sabi ni Kael. “Ako ang kinakabahan para kay Shawn ‘e. Mamaya masangkot bigla ang pangalan ko.” “Ba’t mo naman naisip na masasangkot ang pangalan mo?” “Ayaw ni Mr. Sollivan na makipagkaibigan sa ‘kin si Shawn dahil sa background ko.” sagot niya. “Baka mamaya kapag uma-acting na si Shawn, sabihing nahawa na sa ‘kin ang isang ‘yon.” “Ahh... ano naman? Kung masangkot ‘man ang pangalan mo, hayaan mo siya. Mas kilala mo naman ang sarili mo ngayon. Malayong-malayo ka na sa Leonaire na nakilala namin noon.” Nakangiting wika ni Kael. Napatango na lang siya sa sin
Ayla Point of View Isinama pa rin nila ako kahit wala naman akong ganap sa plano nila. Pinilit lang ako ni Shawn na sumama kahit hindi ko naman gusto sumama. Napakulit lang talaga niya dahil maya’t maya ang katok niya sa pinto ng kwarto ko. Masaya pa niya akong kinakatok kagabi dahil gusto raw nila ulit akong makasama kumain. Wala na rin akong pagpipilian pa dahil nakaramdam na ako ng gutom ng mga oras na ‘yon. Sinasabayan pa niya akong maglakad kagabi pero nang tumunog ang cellphone niya ay napatigil siya at nag-iba ang expression ng mukha niya. Napaltan ng talim ng tingin at magkasulubong na magkabilaang kilay. Sinabi niyang mauna na ako matapos ay tumakbo siya sa ibang direksyon. Sa halip na sundin ang sinabi niya sa ‘kin ay sinundan ko siya. ---Flashback--- Natagpuan ko siyang may kausap sa cellphone niya. Sapat lang ang layo ko para marinig ko ang sinasabi ni Shawn. Nakatalikod siya sa ‘kin kaya hindi niya nakikita na pinapanood ko siya. “Na’saan ka?” “H’wag mo ng alamin.” S