Share

Chapter 5 Escape

Ang tanging pag-ubo ni Ayla ang naririnig namin dahil hindi pa rin namin siya nakikita dahil sa mga lumulutang na harina na tila naging usok sa paligid ng kusina.

Mabuti na lang at napuyuran ko na ang bangs niyang pagkahaba-haba at hindi pantay-pantay na laging nakabalandra sa pag-mumuka niya bago pa kami matapunan ng harina. Hindi naman pala siya malakas kaysa sa inaasahan ko, hahaha! Sadyang mahihina lang siguro yung mga kriminal na nakatapat niya noong isang gabi. Akala ko'y masasapak niya ako ng marami pero ni-isang pasa ay wala akong natamo.

"She's pretty."

Ngayon ko lang narinig na magkomento si Wendell tungkol sa babae. Matapos kong magpagpag ng sarili ay binalikan ko na ng tingin si Ayla.

Tama si Wendell. Napahinto ako bigla nang mas mapagtanto ko na wala namang mali sa mukha niya. Walang anu-ano'y hindi ko na naiwasan pang purihin siya sa isip ko.

Tila isa siyang mahing-hin na dalaga kahit pa ubong-ubo siya. Ang mga mata niyang tila nangungusap ang mas nakakadagdag sa ganda niya. Sa bawat pagkurap niya, makikita mo ang mahahaba niyang pilik-mata na totoong nakapagpabagay sa kanya. Ang mga mata na sa unang tingin ay tila nanlilisik pero kung pakatitigan ay para nangungusap. Maging ang ilong niya nakasaludo ay angkop na angkop sa kabuoan ng mukha niya. At panghuli ang kanyang mga labi... ang maayos na pormado ng hugis ng kanyang labi na nabudburan rin ng harina.

Tumungo siya nang mapagtanto niya nakatingin kami sa kanya kaya muli na namang hindi na namin maaninagan ang mukha niya. Itinaas niya ng bahagya ang laylayan ng palda niyang mahaba saka dali-dali niyang pinunasan ang mukha niyang nabudburan ng maraming harina. "Ano?! Nakita niyo na ang nakakatakot kong mukha! Masaya na ba kayo?!" naiyak na tuloy-tuloy na tanong niya.

"Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko. "Tss... porma at awra mo lang ang nakakatakot sayo. At paano mo naman nasabing nakakatakot ang mukha mo 'e ang..." napatingin sila sa akin dahilan para mapatigil ako ng bahadya. Naalala ko bigla ang pangungutya nila sa akin kay Ayla mahirap na baka magtuloy-tuloy sila sa pang-aasar sa 'kin. Binalik ko ang tingin kay Ayla na nagpupunas pa rin ng mukha. "... amm a-ano hindi ka naman pangit." palusot ko.

"Yeah, he's right! Napakaganda mo darling. Walang rason para itago mo ang nakakaakit mong ganda—ahh!" siniko ni Leonaire si Shawn sa sikmura dahilan para di matuloy ang sasabihin niya.

"Dadali ka na naman sa pagiging bolero mo." suplado wika niya kay Shawn.

"Hoy, hindi 'yon pambobola 'no. Totoo naman na maganda siya!"

"Tapos may pa-darling ka pa haha loko, sino niloko mo? haha!" ani ni Kael na nakipag-fist bump pa kay Leonaire. "To be honest, you're gorgeous, Ayla hihi. Medyo may point nga lang si Lordan sa pagiging... hehe, creppy mo."

"Shh." mahinang saway ni Wendell saka muling tumingin kay Ayla. "Look, there's nothing wrong with your face. Don't feel unconscious or embarrassed about your looks. So, chin up. " panunuyo ni Wendell.

Napatigil siya sa pagpunas nang marinig ang sinabi ni Wendell. Dahan-dahan niyang ibinaba ang laylayan ng palda niya. Sa pangalawang pagkakataon na makita namin ang kanyang mukha, walang anu-ano'y namutawi sa paligid ang katahimikan.

Napakunot ako ng noo. Anong nangyari?

Naputol ang katahimikan nang may dumaan na palaka sa harap niya habang humuhuni ng kokak. Anak ng?! Ba't nakapasok ang palakang 'to dito?! Hays! Hindi ang palaka dapat ang nasa isip ko ngayon.

"T-Teka... Where's Ayla?" tanong ni Shawn habang napapasabunot siya sa ulo. "Where did you bring her?! And who are you?!" nakaturo pa niyang tanong kay Ayla.

"Hey, stop joking around. She's still miss Ayla Dawson." awat ni Wendell.

Napatungo siya ng sobra kaya muli na naman natakluban ng buhok niya ang mukha niya.

Maraming maliit at may ilang malaking pimples sa kabuuan ng muka niya, ang kilay niya naman ay napakakapal, ang mga labi niya naman ay dry na dry. Ang ilalim ng mata niya ay ngingitim at parang bumalik sa nanlilisik na mata.

"Napeke tayo ng harina." paninisi ni Shawn sa bagay na 'yon. Napailing si Leonaire.

"Sa tingin ko, kahit may makapal na kilay, maraming acne and pimples at dry lips ka hindi ko pa rin masasabi na pangit ka." biglaang pagsingit ni Kael. "Sa tingin ko rin ay wala kang interest na mag-ayos."

"Tama siya! Parang wala sa bokabularyo mo ang mag-ayos ng sarili. " pagsasabi ko nang totoo.

Nilapitan ako ni Wendell saka sinenyasan na tumigil gamit ang kamay. Ngunit hindi ako napatinag. "Kababaeng mong tao hindi ka nauusuhan ng pag-aayos sa sarili."

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang magsalita. "Para saan pa..." paunang wika niya. "...wag niyo na lang alamin kung bakit ako ganito." tumayo siya sa kinauupuan niya maya-maya ay umalis na sa harapan namin.

"Ha?" walang muwang na tanong ni Leonaire at Shawn sa kahanggan.

Ha?! Anong 'wag na lang' ang sinasabi niya? Bakit hindi niya tinutuloy? Baliw ba siya?!

"Ituloy mo ang sasabihin mo!"

Ito ba ang rason kung bakit nasa amin si Ayla? Ang udyukin siyang mag-ayos ng sarili? Para saan pa kung kaya naman niyang gawin 'yon sa sarili niya?!

"Ayoko. Mauuna na ako." nilagpasan niya kami.

Namulsa ako nang maramdaman kong may kung ano sa bulsa ko. Napangisi ako bigla nang maalala ko kung ano itong hawak ko ngayon sa may bulsa. Pinulot ko 'yon nang maapakan ko sa kwarto ni Ayla. Maliit na manika na gawa sa tela lang ito na kasing haba ng braso ko.

"Sisirain ko 'tong manika mo o itutuloy mo ang sinasabi mo?"

Tulad nang inaasahan ko ay napatigil siya saka muling humarap sa amin. Mukhang importante sa kanya 'to. Itinaas ko sa ere na kapantay ng mukha niya ang manikang may 5 inches ang haba na gawa sa tela.

"Paano napunta sayo 'yan?" nagtatakang tanong niya.

"Alam mo naman kung saan lang matatagpuan ang gamit mo 'di ba?" nakangising sagot ko.

Ayla's Point of View

"Ibigay mo 'yan sa 'kin!"

"Hindi ko ibibigay sayo 'to hangga't hindi mo sinasabi ang rason kung bakit hindi mo magawang ayusin ang sarili mo ga'yong dalaga ka na naman!"

Tahimik lang ako habang nakatingin sa gamit kong hawak-hawak niya. Pinanood lang kami ng apat niyang kasama.

Ano 'bang problema ng lalaki 'to? Hindi pa ba sapat na pagdudahan nila akong kriminal na pumapatay ng tao. Bakit ba ginugulo pa niya ko?!

"Ano? Hindi mo sasabihin o kukuha pa ako ng gunting para sirain 'to?!"

Nataranta ang buong kalamnan ko nang pagbantaan niya akong sisirain ang manika ko."H'wag! Nakikiusap ako, h'wag!"

Importante sa akin ang manikang 'yon dala ng pinapahalagahan kong alaala sa manikang 'yon. Hindi maaaring mawala na lang sa akin ang hawak niya. Hindi ko pa nahahanap ang totoong may ari ng manika at nais ko nang ibalik 'to dahil hindi ko naman ito pagmamay-ari. Wala na akong pagpipilian pa kundi ang sabihin sa kanila ang gusto nilang malaman tungkol sa 'kin.

"Ayaw mo talaga ha—"

"Walang may gusto sa 'kin," napabuntong hininga ako matapos sabihin ng malumanay ito, napalunok ako nang matindi dahil nararamdaman ko na naman ang kirot na madalas kong maramdaman sa tuwing naalala ko 'yon. "Kahit sino ay walang may gustong m-makisama sa akin... walang may nais na k-kumausap o l-lapitan ang isang tulad ko kahit na normal naman ang pananamit at itsura ko." ginawa ko ang makakaya ko para hindi nila mapansin na nanghihina at nauutal ako. 

Tahimik lang silang nakikinig sa akin. Nagsisimula na rin akong mag-isip kung anong mga nasa isip nila. Sa mga oras na 'to, natatakot na naman akong mahusgahan ulit pero sila naman 'tong makukulit at hindi ko rin mawari kung bakit ba nila nais malaman ang pagkatao ko. Bahala na.

"May nagnanais na lumapit ngunit makikita sa mukha nila na pinangungunahan sila ng takot dahil baka matulad din sila sa akin. Lahat sila... ipinaramdam nila sa akin na hindi ako nabibilang sa kahit anong grupo na nabubuo sa klase. Ipinamumuka nila sa akin na walang puwang ang isang katulad ko sa mundong ibabaw." napatungo ako matapos ituloy ang ikinikwento ko. "Sinubukan kong ayusin ang sarili ko tulad ng nasa isip niyo dahil nagbabakasali ako na magugustuhan nila ako... pero sa kanila ko napagtanto na kahit anong paganda at pag-ayos ko sa katawan, ga'non pa rin ang turing nila sa akin. Isang basura na naghihintay na lang na may magtapon." 

Bahagyang lumapit sa akin ang isang lalaki at harap ko. Sa iba ko binaling ang tingin ko. "Ako si Wendell." pakilala niya. "Uhmm... pero isa kang Dawson, hindi posibleng hindi ka nila magustuhan ga'yong kilalang bilyonarya ang pamilya n'yo."

"At ano sa tingin mo ang mangyayari kapag nalaman nila na isa akong Dawson?" kunot ang noo ko habang tinanong ko sa kanya ito. Napaatras siya ng kaunti nang titigan ko siya nang hindi 'man lang kumukurap ang aking mata. "Saka sila lalapit sa akin at doon magsisimulang gustuhin ako gayong alam ko na ang totoong identity nila."

"Makapangyarihan ang apilyedo mo, kung 'yun ang paraan bakit hindi? " tanong ng nagngangalang Lordan. 

"Lordan, stop."

"Ano na naman ba, Wendell? Wala naman masama sa sinabi ko." pag-giit niya saka muling pumaling sa akin.

"Teka, h'wag kayong mag-away..." awat ng isa pa'ng lalaki sa kanila.

Naging mahirap ang paglunok ko sa sarili kong laway. "Hindi mo ako naiintindihan..." seryosong sabi ko. Ayokong lumuha sa harap nila.

Sarkastimo siyang napangisi. "Saang paraan kita hindi naiintindihan?" napapailing niyang tanong. Pumamewang siya. "Sa bagay ay wala naman talagang makakaintindi dahil 'ni sarili mo nga halatang ikinahihiya mo."

"Hey, Lordan. Tumahimik ka na lang." pagsaway sa kanya ng Wendell.

Nang sabihin niya 'yon ay hindi na naalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko pinutol ang tingin ko hangga't hindi niya ito pinuputol ngunit sa huli ay siya rin ang umiwas.

Lahat sila pare-parehas lang. Nagagawa nilang tapakan ang tao dahil alam nilang mas angat sila.

"Pabayaan niyo na ako!" matapos isigaw 'yon ay mabilis akong lumapit sa kanya saka agad kong hinablot ang manika. 

Kita ang takot sa mga mata niya nang ipukaw ko sa kanya ang masamang tingin. Mabilis akong lumabas.

"Ayla? Saan ka pupunta?!"

Hindi ko 'yon sinagot at dire-diretso lang na tumakbo.

"Kailangan kong makaalis dito."

Narinig ko ang lagapak ng paa nila na nagnanais na habulin ako.

"Kailangan ko silang malusutan."

Pumasok ako sa isang bukas na pinto ng kwarto. Laking pasasalamat ko nang may makita akong balkonahe, idagdag pa nito kabilang balkonahe na may katabing hagdan pababa. Nalula ako nang makita kung gaano kataas ang kinatatayuan ko.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ang katawan ko ay sumakto sa kabuuan ng kabilang terasa kahit na walang bwelo ang pagtalong 'yon. Narinig ko pa ang malakas nilang pagsigaw sa pangalan ko nang italon ko ang malayong pagitan ng dalawang terasa. Saglit ko silang sinulyapan saka pumasok paloob. Hindi na ako nag-aksaya nang panahon at mabilis na umalis na sa mansyong 'to.

Mabilis akong nakalabas sa mansyon ni auntie Madeline. Hindi ko mawari kung ano ba ang rason ng pananatili ko sa mansyon niya kasama ang limang lalaki na hindi ko naman kilala. Hindi ko maintindihan na ipinaubaya niya ako sa limang lalaki na hindi ko naman kilala at paanong napapadpad ang mga lalaking 'yon doon.

Lumalalim na ang gabi nang makalabas ako sa mansyon. Inalis ko ang nakatali sa buhok ko. 

Pasaway talaga ang lalaking 'yon! 

Habang naglalakad ay may napansin ako na grupo ng mga kababaihan sa 'di kalayuang parke. Naisip kong magtanong sa kanila kung saan mahahanapan ng matutuluyan. Nang mapansin nilang papalapit ako sa kanila ay nagsimulang manlaki ang mata nila hanggang sa namataan ko na lang silang tumakbo papalayo sa akin.

Lahat sila pare-parehas ng unang reaksyon tuwing nakikita nila ako. Bakas sa mukha nila ang takot at panghuhusga tingin sa tuwing makikita nila ako.

Habang malalim ang iniisip ko, bigla na lang humangin ng medyo may kalakasan. Huli na nang matakpan ko ang mata ko. Ramdam ko ang sakit na dinulot ng alikabok sa mata ko. Kinusot pa ko ito nang matindi kahit alam kong hindi ito basta-basta matatanggal at mas lalo lang nitongpasasakitin ang mata ko.

"Hi miss," dinig ko sa paligid ko. Sigurado akong malapit siya sa akin. "Mukhang mag-isa ka lang." mahihimigan sa boses niya na may masama siyang balak.

"Haha, gusto mo ba na samahan ka namin?" isa pa'ng boses ang narinig ko.

"Mukhang jackpot ata tayo, haha!" dinig kong sagot ng isa pa'ng boses lalaki.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin habang pinilit alisin ang kamay ko.

"A-Anong..." bumungad sakin ang gulat sa kanilang mata nang maalis ko ang kamay na nasa mata ko.

Muntik na kong matumba pauna sa kanila dahil medyo umikot ang paningin ko.

"Wag kang lumapit! D'yan ka lang!" agad na banta nang unang nagsalita.

Wala sa kondisyon ang isip ko dulot ng hapdi at kirot na dinulot ng alikabok na pumasok sa mata ko.

"K-Kailangan ko ng tubig." muli akong napahakbang sa kanila habang sinasabi ko 'yon ngunit nawalan ako ng balanse ng itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako. "D'yan ka lang!"

Kumaripas sila ng takbo at kinamuntikan pang ikadapa. "May halimaw dito! Nakakatakot ang mga mata niya!" dinig ko pang sabi nila.

Ako ba ang tinutukoy nilang halimaw? B-Bakit?

Makalipas ang ilang segundo, napansin ko na lang na maraming taong nakapaligid sa akin. Nagsimula silang kuhanan ako ng litrato. Nagsimula akong makarinig ng masasamang salita.

"Bakit ang pula ng mga mata niya?!"

"Baka may sore eyes lang?!"

"May sore eyes ba na ganyan kapula ang mata?!"

"Aswang siya!"

"Natatakot ako, daddy! Alis na tayo dito!"

Nanlalabo ang paningin ko dulot na kanina ko pa'ng pagkusot sa mga mata ko.

"Tulong..." mahinang naisambit ko na lamang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status