Hindi ko na naiwasang maluha dahil sa nararamdaman kong pagka-awa sa sarili ko. Nasasaktan ako sa mga panghuhusga na pinupukaw nila sa 'kin. Para akong binubugbog ng mga masasakit na salita. Narinig ko ang mga hagikgik nila. Dala ng matinding emosyon na dumadaloy sa 'kin, piniga ng dalawa kong kamay ang mga alikabok.
“Nakakatakot siya! Nakakapangilabot ang matatalas niyang kuko! Tao pa ba 'yan?” “Nakita mo ba kanina kung gaano kapula ang mata niya?! Grabe, para siyang halimaw!” Ipinilit ko'ng buksan ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ng isang babae na sa tingin ko ay nasa lagpas trenta anyos na. Napaatras siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nais kong sagutin siya na maling deskusyon niya. Nasaktan ako sa kasinungalingan na inilantad niya sa mga taong naririto. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya. ‘Mamatay tao siya.’ Naalala ko bigla ang sinabi ng lalaking ‘yon. Pwede silang magsama-saa. Mabilis niya akong hinusgahan. Nagtangka akong tumayo at muntik ko nang ikasubsob sa babaeng 'yon ngunit hindi pa ‘man ako nakakatayo ng ayos ay bigla na lang akong malakas na tinulak ng isang lalaki kaya bumagsak ang buong ang buong katawan ko. “Lumayo ka sa asawa ko!” dinig kong hiyaw nito. Napansin kong nagdudugo ang gilid ng paa ko. Tumama pala ito sa matulis na bato nang itulak ako nang lalaki. Pinilit ko ulit tumayo sa kabila ng sakit na nararamdaman ng katawan ko. “W-Wala akong g-ginagawang m-masama…” garal-gal na saad ko sa babaeng naghusga sa ‘kin saka mahigpit na hinawakan ko siya sa kanang braso at matalas ang tingin na ipinukaw sa kanya.Narinig ko pa'ng napahiyaw ang mga tao sa paligid.
"Ikaw aswang ka!"
Itinulak muli ako ng kung sino 'man. Napatingala ako nang makita ko ang kamao niyang nais nang dumapo sa aking muka. Takot ang naramdaman ko nang makita kung gaano kalapad ang kamay niya. Wala na sa kondisyon ang isip ko para maiwasan 'yon.
Inaasahan ko nang tatama ang puwersang suntok na magmumula sa kanya. Handa na ang katawan kong sapuhin ito at hayaang matamaan na lang. “Hindi mo dapat sinasaktan ang babae.”Ang boses na 'yon.
Pinilit ko muli na buksan ang mata ko ngunit ikinapikit ko muli 'yon. Ngunit isa ang sigurado ako, hawak-hawak niya ang kamao ng lalaki. Kitang-kita ko ang masamang tingin niya sa lalaki. Pansin ko rin ang tiim-bagang at hindi maipaliwanag ang impresyon na nakikita ko sa kanya na animo’y parang siya ang inaagrabyado.Matapos ay nakarinig na lamang ako ng malakas na hiyaw ngunit nangibabaw ang hiyaw ng lalaki na malapit sa akin. Kahit hirap na hirap na akong magmulat nang mata, nagawa ko pa rin makita ang sunod nangyari.
Nakita kong kwinelyuhan niya ang takot na takot na lalaki. Dali-dali akong lumapit at hinawakan ng mabuti ang bisig niya.
“T-Tama na, Lordan.”
Nakapikit lalo ako nang mariin ko nang maramdaman kong kumikirot ang kaliwang paa ko. Kahit hindi ko siya kita ay dama kong nasa tabi ko siya. Napalunok ako nang buhatin niya ako. Gusto kong magpumiglas ngunit wala na akong nagawa pa dahil mas nanginibabaw ang sakit ng katawan ko.
“Hindi ka dapat lumabas lalo na’t malalim na ang gabi.” seryoso sabi niya.Napakunot ang noo ko sa hindi malamang kadahilanan.
Nanatili na lang akong tahimik kaysa imikan pa siya. “S-Sorry sa nasabi ko kanina. Tama ka… siguro nga hindi kita maintindihan, wala naman akong alam sa lahat ng naranasan mo sa mga taong ‘yon.”Sa hindi malamang dahilan, naramdaman kong gustong kumawala ng luha ko sa loob ng mata ko. Bakit niya ba sinasabi sa 'kin 'to? Hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin.
Ang makarinig sa taong alam niya ang kanyang pagkakamali.
“Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit hindi mo maipakilala ang totoo mong katayuan sa buhay. Kung tingalain ka 'man nila, sila naman ang magsisisi sa huli... Ano? Hindi mo ba ako iimikan?" "Ito ang desisyon ko at wala ka na 'ron.""Sungit."
May malalim na dahilan, wala naman siyang karapatan malaman.
"Teka. Ano ba'ng nangyari sa mata mo? Wait, umiiyak ka!"
Naramdaman kong inupo niya ako sa isang bench. Sinubukan ko'ng magmulat ng mata, sa mga oras na ito nagtuloy-tuloy ang luha ko. Nakakahiyang makita nang lalaking 'to na ganito ako. Nakikita niya kung gaano ako kahina. Malaking tulong ang pagluha ko dahil naalis kahit paano ang gabok na nasa mata ko.
Nakatingin siya sa 'kin at mukhang nag-aalaa. Kung wala lang akong nararamdaman ngayon ay baka nakabulagta na siya ngayon. Palalampasin ko na lang ito dahil sa kanyang tulong na maalis ako sa mga tao kanina.
"Namumula?!"
Inalis ko ang tingin ko sa kanya. "Napuwing ako. Mahapdi ang mata ko kaya hindi ko maiwasang umiyak."
"Tara na umuwi."
Tumayo siya. Bubuhatin na sana niya ako ngunit lumayo ako nang bahagya. Muntik ko pa ikatumba.
"Kaya ko na."
Nagtaas siya nang kilay.
"Hoy, Ayla Desire Dawson. Tigilan mo nga ko. Itsurang 'yan, kaya?"
Walang anu-ano'y binuhat na niya ko. Sumubok akong magpumiglas, napapikit ako dahil biglang sakit ng bewang ko.
"Sige piglas pa. H'wag ka ngang pasaway!"
Kahit labag sa loob ko ay pumayag na ko.
Madilim pala ang daan na dinaanan ko kanina. Hindi ko napansin. Gubat rin bago makarating sa mansyon. Kaya pala ang mga tao rito, naniniwala sa mga aswang. At napabilang pa ako 'ron.
“Kung ‘yon ang gusto mo ay hindi naman kita pipilitin pero sana susunod ay h’wag ka ng tumakas.”
Umimik na naman siya. Hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin.
Tahimik na lang siyang naglalakad habang buhat ako. Ilang sandali ang nakalipas ay nasa tapat na kami ng malaking gate ng mansion. Sa may kalayuan sa loob ay napansin kong may mga papapalapit. Ang apat na kalalakihan na kasa-kasama niya."Saan ba kayo napunta?`" dinig kong sabi ng isa sa kani na hindi ko kilala.
“Hey, come in immidiately, malamig na.” wika ng nagngangalang Wendell.
Kilala ko siya dahil narinig kong may tumawag sa kanya ng pangalan niya.
Nang makapasok sa loob ay ibinababa ako sa malaking sofa. "Kukuha lang ako ng tubig." paalam ni Lordan bago umalis.Tumabi sa akin si Wendell saka kinuha ang aking paa. ““Hand me the first aid box, Kael.” mabilis na sumunod ang lalaking kausap niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang nagdurugo kong paa.
Mabilis na nadala ng lalaking 'yon ang isang palanggana na may tubig.
"Medyo malalim ang sugat niya.” saad niya habang sinusuri niyang maigi ang kaliwang paa ko. “Anong nangyari sa kanya?”
“Hindi ko alam. Ano nga pa lang nangyari d'yan?”"Nadali sa bato matapos ako itulak." sagot ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.
"Grabe na talaga ang mga tao ngayon. Tsk tsk. Ang nakita ko lang ay pinagkakaguluhan siya ng maraming tao at natagpuan ko siyang sasaktan ng isang lalaki."
Nakikinig lang sila sa kanya.
"Hugasan mo muna ang sugat niya bago mo gamutin.”
“Thanks.” tugon nito saka inabot ang hawak ni Lordan. Napa-pikit ako ng sobra nang maramdaman ang hapdi matapos niyang ilubog ang paa ko sa tubig. “Tiisin mo ang sakit.” ani Wendell na handa ng idampi ang bulak na may gamot. Matapos linisin ay tinalian niya ito ng may dahan-dahan. “Grabe ka kanina. Hindi ako makapaniwalang tinalon mo ang kabilang terasa!" “Ni-hindi ‘man lang siya nag-dalawang isip na talunin ‘yon, haha!” gatong pa isa, Shawn kung hindi ako nagkakamali. “Paano na lang kung nahulog ka ‘don?” nabaling ang tingin ko kay Wendell. “Ano na lang ang sasabihin namin kay auntie Madi?"Pati ba naman 'yon ay pakikialaman nila?
“Kung may mangyari ‘man sa aking masama ay labas na kayo ‘don dahil ako naman mismo ang magpapahamak sa sarili ko at hindi kayo.” seryosong sagot ko sa kanila.Pinilit kong tumayo para iwan sila para bumalik nakadestino kong kwarto.
“Saan ka pupunta? Nanghihina ka pa, Ayla.” wika ng lalaking nalimutan ko ang pangalan. Aalayan pa sana ako ni Wendell nang makita niyang nahihirapan ako.“H’wag na," pagpigil ko. "Kaya ko na.”
“Umupo ka d’yan." boses ng lalaking bumuhat sa 'kin na wari ko'y papalapit. "Kumain ka muna bago magpunta sa kwarto mo.”"Ayoko." mariin kong sagot. "Iwasan niyo na lang ako kung maaari."
Nang matangka akong tumayo ay bumagsak agad ako sa sofa. Inalis ko ang kamay ng lalaking katabi ko na nakahawak sa magkabilaang braso ko.
Sobra na ang pagdampi ng mga balat nila. Ayoko ng hinahawakan ako.
"Hindi namin magagawa 'yan, nasa iisang bubong tayo." dinig kong sagot sa 'kin ng Lordan na 'to.
Tiningnan ko siya ng maigi. Bumakas sa itsura ng mukha n'ya ang pagagulat at takot.
"Ano ba'ng rason at bakit nagbibigay kayo ng atensyon sa ‘kin?” kuryosong tanong ko. “Kung tutuusin, hindi niyo naman ako kilala at walang rason para guluhin niyo ako." may halong pagkairita na sa boses ko.
Tahimik lang silang nakakatinginan. Nangungusap rin ang mata nila sa isa't isa.
"Hindi niya alam?" bulong ng isang lalaki.
Bumulong pa siya dinig ko naman.
"May binigay na misyon sa 'min si Auntie," napunta ang tingin ko kay Wendell.Misyon? Ano na namang kalokohan 'to?
"May agreement sa 'min si Auntie. Kasama ang misyon na 'yon, kailangan matiyak rin namin ang kaligtasan mo."
“Hindi sapat ang isa kong kidney ha.” sulpot ni Lordan. Narinig kong natawa ang dalawa sa kanila.
“Hahaha! Hanggang ngayon ay nasa isip mo pa rin na ibenta ‘yang kidney mo?” natatawang wika ng hindi ko pa rin kilala. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pagbabangayan nila."Anong misyon?"
"Mabago ka." sagot ni Lordan. "Kaya sana tulungan mo rin ang kami at ang sarili mo."
"Ito ang gusto ko. Talagang sinasabayan niyo pa ang kalokohan ng auntie Madeline."Ano na naman ito auntie?
"Walang makakapagpabago sa sarili ko."
Humugot ako ng lakas para makatayo at makalayo na sa kanila. Hindi ko na kayang makipag-usap sa mga tao.
“Hey, Ayla! You have class tomorrow. Enrolled ka na sa university na pinapasukan namin…" tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang naririnig kong nagsasalita siya. "Do you think she heard me?”Iniwan ko sila at wala na silang nagawa pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit hirap na hirap ako sa paglalakad. Tutungo na akong kwarto para mamahinga. Nang makapasok ay binuksan ko ang television. Lumabas ang paborito kong horror movie.
Hindi makapagpokus ang isip ko sa pinapanood ko. Tinitingnan ko lang 'to ngunit may malalim na iniisip.
Pinagkakatiwala ako ni Auntie sa apat na lalaking 'yon. Kailan pa ang mga taong 'yon rito?
Ibebenta ang kidney?
Kung gusto niya ay ako na lang ang bumili.
Natawa ako sa sariling naisip.
Pagpipira-pirasuhin ko siya. Hindi ko naiwasang bungisngis na tumawa.
Pinagkakatiwalaan niya ang mga 'to. Sa paanong paraan? Pinagkamalan nila akong mamatay tao pa'no nila nakuha ang loob ni auntie.
Masaya naman sa pandinig ko ang pag-aakusa nila. Kaya pala ipinadala niya ako rito para ipagkatiwala sa mga lalaking 'yon.
Saktong pagtapos nang pinapanood ko, nakarinig ako ng katok sa labas.
Ano na naman ang kailangan nila?
Huminga ako ng malalim dahil nakakaramdam ako ng pagkainis. Napapikit pa ko ng sobrang riin nang itapak ko ang paa ko. Hila-hila ko ang paa ko habang papunta sa pinto. Nang makarating ay pwesahang binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang table trolley na may nakapatong na dinner food.
Kung susuriin ang isang chicken recipe na nakikita ko ngayon, itsurang may tamang pagkakatimpla. Siya ang nag-alok sa 'kin na kumain muna.
Pinakatitigan ko muna 'yon bago ang kanin saka kinuha ang kutsara at sinalop sa sarsyadong sabaw. Nang matikman, naguluhan ako.
"Sino ba talaga ang nagluluto ng pagkain dito?" mahinang tanong ko sa sarili saka muli tinikman at kinuha na ang tray upang sa loob na kainin.
Lordan’s P.O.V“Be my date on February 28, Ayla.”Natigilan siya sa pagkakataong ito. “28? In two weeks?”“Nagkaroon ng announcement sa campus. May grand ball na magaganap for all year level.” Masayang anusyo ko sa kanya.Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at umiwas siya ng tingin. “Ayoko.”Nadismaya ako sa sagot niya. “Ayla naman.” Hinarap ko ang mukha niya. “Gusto ko ikaw ang maging partner ko, ayaw mo ba?”“Hindi sa gano’n.” maikling sagot niya. “‘Wag mo ng ipilit.”Ipipilit ko kung kaya ko’ng ipilit. Gusto ko, siya lang ang maisayaw ko sa gabing 'yon.“Mas sasaya kaming lima kung makikita ka naming na’ron.” Mahinahong sabi ko.Binalikan niya ako ng tingin. “Umamin ka nga…”“Umamin? Anong aaminin?” nagtatakang tanong ko.Ikinagulat ko ng i-alis niya ang kamay niya sa kamay ko. Napalitan ng seryosong tingin ang mga mata niya.“Hindi mo talaga ako gusto.” walang anu-ano'y sabi niya.Naguluhan ako sa sinabi niya.“Sinabi mo lang na gusto mo ko dahil alam mo’ng gusto kita.”“Ano ba’
Ayla’s P.O.VAno ba’ng pumasok sa kokote niya at nagawa niya akong yakapin sa harap ng apat na ‘yon?!Nakakahiya!“Ayla!”Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang marinig ko ang pagtawag niya.‘Bakit pa ba niya ako sinusundan?!’ bulong ko sa isip.Nanlaki ang mata ko nang makuha niya ang kamay ko at agad na hinarap sa kanya. Nakangiti na para ba’ng nagtagumpay siyang mahuli ako. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya.“Na-miss kita.”Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Naiilang ako sa mga tingin niyang hindi ‘man lang maalis kahit na isang beses sa ‘kin. Gusto ko’ng sampalin ang sarili ko, dahil paniguradong nagmumuka akong ewan na hindi alam ang gagawin. Sinubukan ko’ng kumalas sa pagkakayakap niya ngunit hindi naman ako nagtagumpay.“Sabi ko na-miss kita.”Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng ayos sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Dalawang linggo mo na ko’ng iniiwasan, ‘ni lingunin ‘man lang hindi mo nagawa.”Tss, para naman sa kanya ang g
Sa tulong ni Ayla nakalaya kami sa mga taong ‘to. Dahil sa takot ni 4’11 kahit may panlaban ang baril niya, nagawa na niya ibaba ang baril pero hindi pa rin inaalis ni Ayla ang patalim niya.“Labas.” Sinunod agad ng driver ang sinabi ni 4’11.“Buksan mo.” Hindi maayos ang pagkakasabi ko dahil sa busal.Nang makababa kami, agad kaming nagpunta sa likod ni Ayla na nasa unahan ng sasakyan. Hindi ko maipaliwanag, sobrang angas niya!“Baba.” Maawtoridad na utos ni Ayla.Sumunod agad sila kay Ayla. Pinaluhod ni Ayla ang mga ito sa harap niya.“Ako si Ayla Desire Yamamoto.” Taas-noo pakilala ni Ayla.Nagpalitan kami ng mga tinging lima dahil sa pagtataka na ibang apilyido ang ginamit niya.“Pamangkin ni Madeline Dawson.” Dagdag pa niya.Nan’laki ang mata nila nang marinig kay Ayla. Anong ba talagang may’ron kay Ayla? Kung hindi makapaniwala, pagkagulat naman.Matunog na napangisi at napailing si Ayla. “Matagal nang nahanap ang lungga niyo, talagang nakipagkasundo pa kayo sa may ari ng hotel
Lordan P.O.VIisang sasakyan lang ang dinadala namin pagpapasok kami sa trabaho. Pang-apat na gabi na namin dito sa hotel, sabi nila kaya madalas sila kumuha ng part timer dahil madalas ma Hindi naman ga’non kahirap ang trabaho dahil hindi lang naman kami ang nagt-trabaho. May Narito kami ngayon sa isang room para magbihis ng uniporme pa’ng waiter.“Guys hindi ba kayo nagtataka simula nang magtrabaho tayo?” panimula ni Shawn. “Tayo lang ang gwapong empleyado nila.”Natawa kami sa sinabi niya pero hindi sa panghuhusga ay masasabi ko’ng may punto nga siya.“Tinatarantado lang ata nila ‘yung mga taong gusto rin mag-apply sa kanila.” Komento ni Leonaire. Kakatapos lang niya magsuot ng uniporme.“Huy Wendell, kanina ka pa tahimik. Anong nangyayari sayo?” si Shawn. Napunta ang atensyon namin kay Wendell na nakaupo sa isang bench sa dulo nang kwarto’ng ‘to.Inisa isa niya kaming tiningan. “I feel so worried, guys.” Nangangambang sabi niya. “I think one guest is observing us from far. Ilang b
Kasama naming umuwi si tita Crissa ng mansion, pati na rin ang pa’ng bodyguard ni auntie. Nalungkot pa ko dahil nagpabukod si Ayla ng sasakyan, hindi ko ‘man lang siya nakausap nang umaga dahil para ba’ng iniiwasan niya ko. Dali-dali pa siyang pumasok sa loob ng mansion nang makababa sasakyan.May sinasabi pa si tita Crissa kanina sa ‘min pero hindi ko na maintindihan ang ilan dahil si Ayla ang nasa isip ko. Ang nagkausap sila ni Ayla at ayos na rin raw sila.Matamlay ako’ng nakahilata ngayon sa sofa. Nasa taas ang tingin, nasa balikat ng long sofa ang ulo, at ang isang paa ko ay laylay sa sahig. Dumagdag pa sa isip ko na hindi ko siya makikita tuwing may trabaho kami.“Oh, hindi lang kayo nagka-eye contact ni Ayla para nang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo.”Hindi ko siya sinagot.“Ba’t mo kasi pinakilig? Tapos alam pa niyang narinig namin.” nabaling agad ang tingin ko kay Shawn. Nagningning bigla ang mata ko. Kanina ko pa tinatanong sa sarili kung bakit hindi niya ‘man
Mabuti na lang may pagkukusa ang kasama ko. Hindi naman masyado naglagyan ng dumi ang pool dahil may kalayuan naman naman kung saan pumesto ang helicopter ni Auntie. Nagbabasaan pa si Leonaire at Shawn sa pool area kaya bago itago ang panlinis ng pool. Nagwawalis naman si Kael at Wendell sa magkaibang pwesto.Tumigil ako sa pagsungkit ng dahon sa pool. “Huy! Tama na ‘yan!” saway ko sa dalawang nasa dulo ng pool.Biglang nagkatinginan ang dalawa at para ba’ng iisa sila ng nasa isip, may samang balak to’ng mga ‘to panigurado. Humarurot silang tumakbo papunta sa ‘kin.“Peste sabi na.” sambit ko bago mabilis ako’ng tumakbo papalayo sa kanila.Baka nakakalimutan nilang runner ako! Sa lugar namin, ako ang pinakamabilis tumakbo. Walang nakakatalo sa ‘kin. Utas na ko kakatawa dahil naghihingalo na ang dalawa kakahabol sa ‘kin.“Ako pa talaga ang hinabol niyo! HAHAHAHA!” tawang-tawa sabi ko habang nakapamewang pa.Muli silang tumakbo kaya agad akong tumalikod para tumakbo pero ang hindi ko ala