Share

Kabanata 5

Tumigil ako sa pagsusulat at nag-angat ng tingin kay Linden.

"Throw it away," malamig niyang sabi saka siya lumapit sa mesa. "I'm not going to entertain those as of the moment."

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkairita na parang ayaw na ayaw niyang marinig ang pangalan na iyon.

Sino kaya si Vexana?

"Saka po invitation mula sa Takano Family," dagdag pa ng kasambahay. "Pasensiya na ho, napag-utusan lang."

Nakikita ko mula rito kung paano kinakabahan ang maid na animo'y gusto ng umalis.

Sa ganitong sitwasyon, alam kong wala na si Linden sa mood. Matanong nga siya mamaya kung sino ang babae na iyon. Wala eh, intriga lang.

"Uh, just put it in the drop box," he said in with a straight face. "I-deritso mo lahat sa drop box kung may dumating pa."

The maid nodded. "Sige po, Sir. Ito na nga po pala iyong gamot na sinabi niyo." Nilapag niya iyon sa table bago tuluyang lumabas umalis.

"Hoy, hindi mo ba nakita kung paano kabahan iyong maid? Kumalma ka nga," saway ko sakanya at napabuntong-hininga. "Don't talk to them like that next time."

He heaved a sigh before nodding. "Alright, but for now, put that down," tukoy niya sa hawak kong notes saka nito kinuha ang gamot at nilagay sa dalang tray. "Kakain ka pa at iinom ng gamot. Please, huwag ka ng makipagtalo. Pagagalitan ako ni Tita kapag nalaman niyang hindi kita inalagaan dito." Giit niya na parang hirap na hirap.

Palihim akong natawa sa sinabi niya. I tappped the side of the bed saka siya ro'n umupo.

Napapikit ako nang idampi niya ang palad sa noo ko. Nagmulat ako no'ng maramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko.

"B-Bakit?" tanong ko at nag-iwas ng tingin dahil sa paninitig niya.

"Ang init mo," nag-aalalang sagot niya saka niya inilipat ang kamay sa leeg ko. "Holy shit!"

Mahina kong tinabig ang kamay niya. "Akin na iyan, kaya ko naman pakainin ang sarili ko, arte-arte mo."

Nagsalubong ang kilay niya, eh 'di inirapan ko rin. Magpapatalo ba ako sa maldito na 'to.

Inangat niya ang kutsara at itinapat iyon sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaya ko naman kasi, eh. Hindi naman niya kailangan subuan pa ako.

Akmang kukunin ko iyon sakanya nang i-iwas niya. "Say ah, Janjan," pagpupumilit pa niya pero hindi ko ginawa. "Isa!"

Bumuntong-hininga ako nang pakitaan na naman niya ako ng nanunubig niya mga mata na animo'y naiiyak.

"Ahh!" sabay ibinuka ang bibig ko kahit labag iyon sa kalooban ko knowing Claus and Belle were staring at us.

Paniguradong ipang-aasara na naman nila 'to sa'kin na akala mo napaka-big deal.

Nang maisubo niya iyon ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang tuwa saka nagsunod-sunod.

"Very good, Jan," halos pumalakpak niyang sabi habang aliw na aliw sa pagsu-subo sa'kin. "My baby Janjan."

Ugh, baby daw. Kung siguro tanggihan ko 'to, paniguradong magtatampo sa'kin.

"Grabe ha? May sariling mundo yan?" parinig pa ni Belle saka tumayo at tumungo ro'n sa mesa.

"Subuan din kita?" pilyong sabi ni Claus at tumawa.

Tinaliman niya ng tingin ang lalaki saka naghila ng upuan. Bago umupo ay tumikim muna siya ro'n sa mga nakahaing pagkain.

"No thanks, I can feed myself," matigas niyang sabi habang ngumunguya. "Oh, ano pa ginagawa mo dyan? Hindi ka kakain?"

Tumayo si Claus at dinaluhan si Belle. Sabay silang umupo at nagsimulang kumuha ng mga pagkain doon.

Nabaling ang tingin ko kay Linden nang itapat niya sa'kin ang baso na may lamang tubig. "Water, inom." Parang bata niyang sabi.

Hindi ko alam kung nagpapa-cute ba siya o ano pero just like I always do, sinunod ko siya at ininom iyon.

We were both staring at each other while I was drinking. Maya't maya pa ay naubos ko iyon saka niya inilapag iyon sa bedside table kasama ang tray.

Hindi ko alam kung bakit bigla na namang lumungkot ang mukha niya. "Alam kong kaya mong kumain, gusto ko lang sulitin, Jan." Aniya sa malungkot na boses.

"Hindi mo lang ba tatapusin ang 4th year mo rito?" tanong ko at wala sa sariling hinawakan ang kamay niya.

"I don't know," hindi siya sigurado, I could see it in his eyes. Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin. "Ayaw mo ba akong umalis? Please, tell me na ayaw mo." He pleaded like a child.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deritso. "Nasaan na iyong gamot? Akin na nang mainom ko and then I'll take a rest." Pagdadahilan ko just to avoid his question.

Kung sasabihin ko bang ayaw ko, susundin niya? Of course not, nandoon ang pamilya niya sa Manila, so why stay here? Dahil sa akin? Imposible!

Hindi siya kumibo na parang hinihintay ang isasagot ko ro'n sa tanong niya. He was just staring at me for a minute not until I heard him sigh.

Sinalubong ko ang mga mata niya. "Huwag kang magdesisyon na para sa sarili mo lang, isipin mo rin mga magulang mo. Hindi dahil malayo ang loob mo sakanila ay magpapadalos-dalos ka na lang."

"If that's what you want then I have no other choice," he coldly said. Aalis na sana siya dala ang tray nang hilain ko ang kamay niya. "Stay."

Gusto kong murahin ang sarili ko. Katatapos ko lang sabihin na wag siyang magpadalos-dalos pero heto ako ngayon na kung makasabi ng stay ay huwagas.

Natigilan siya dahil sa ginawa ko. Mukhang napansin din ni Belle at Claus ang tension pero mas inatupag pa rin nila ang pagkain.

Pinigilan ko ang nagbabadyang mga luha pero wala, tinraydor ako. Oh, God! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Bakit napaka-emosyonal ko ngayong araw?

Pumatak sa kamay niya ang ilan sa butil ng mga luha ko kaya agad ko iyon pinunas. "Iyong gamot," pahabol ko. "Don't mind me, epekto lang 'to ng lagnat." Pagdadahilan ko.

Nakayuko lang ako the whole time but I know he's staring at me. Panay punas ako sa aking luha at halos manlabo na ang tingin ko dahil ro'n.

"You're holding my hands. How could I get it?" mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya dahil mas lalong lumamig ang boses niya ngayon.

I was about to reach out for a hug when I suddenly felt off balance. Luckily, he swiftly caught me just in time.

Nayakap niya ako saka kami nahulog pareho sa kama. Umawang labi ko nang mapansin kong hawak pa rin niya iyon tray.

Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi ko na halos maaninag ang mukha niya. Ramdam ko rin kung paano uminit ang gilid ng mga mata habang lumu-luha iyon.

I was panting and sweating so much. It was all blurry, and their voice seemed to fade away.

"Ang init mo na, tatawag lang— Janjan!"

All I could hear was his frantic screams, calling out my name, and then everything went black.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status