Share

Kabanata 4

While Claus and Belle were busy scanning their books, ako naman ay abala sa pag-aayos ng mga sasagutan ni Linden para sa kanyang review.

Nandito kami ngayon sa veranda kung saan may kanya-kanya kaming kumot na nakapulupot sa aming mga katawan para hindi lamigin.

"Jan, you okay? Kanina ko pa napapansin ang pamumula ng mukha mo." Belle asked.

Nabangin ako at suminghot. "I'm fine." Sagot ko.

She just shrugged and continued what she's doing. Inabala ko na lang din ang sarili ko.

"Here, drink your milk para mainitan ang tiyan mo." Inabot sa akin ni Claus ang kaninang ipinagtimpla sa amin ng kasambahay.

I was about to take a sip on it nang maramdaman kong mababahing na naman ako kaya hindi ko itinuloy.

I sniffed. Belle handed me a box of tissue. Inabot ko iyon para magpunas ng ilong but before I could put it on my nose, nabahing ako.

Napa-angat ako ng mukha para lang pigilan iyon. I could feel my body burning in heat.

"Linden! Basketball tayo!" rinig naming tawag ng mga kalalakihan sa baba nitong veranda.

Linden was busy chit-chatting on the phone. Pagkatapos kasi naming maligo, may tumawag sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa sila natatapos.

Ganyan na ganyan ang mga Altamerano, abala palagi sa business. Minsan iniisip ko, kailangan pa ba niya ng group study o excuse lang niya?

"Pass! I have important things to do, maybe next time." Pagtanggi niya at may kung anong binulong doon sa katawagan niya.

Next time? Nandito pa kaya siya no'n knowing na aalis siya? Who knows.

Binalingan niya kami ng tingin nang bigla akong mabahing dahilan para matawa siya. I pouted and knuckled my nose just to avoid sneezing.

"You're surely cute, eh." Linden said and I just rolled my eyes on him.

"Check her out, I think she's not feeling well." Ani Claus saka ko siya inirapan na tinawanan lang niya.

Ramdam ko rin ang init ng gilid ng mata ko pati ang panunubig mula ro'n. Mukhang magkakalagnat na talaga ako nito.

"I'm fine, okay? Well, I'm—" naputol ang sasabihin ko nang idampi ni Linden ang palad niya sa noo ko.

Lumukot ang mukha niya at ibinaba ang phone. "You're burning for heaven's sake. Let's get inside!" bulalas niya sa baritonong boses.

Ngumiwi ako. "Eeh? Hindi pa ako tapos dito sa sasagutan mo," I sneezed again. "Wait lang."

Nakita kong nagsisimula ng maglipit sina Belle at Claus kaya inikutan ko sila ng mata. Maganda rito tumambay kaso mukhang lagnat na 'tong nararamdaman ko.

"Sa loob na natin ipagpatuloy 'to. Dumidilim na rin, girl. Isa pa inaapoy ka ng lagnat. Take a rest, malalagot kami nito kay auntie." Saway pa ni Belle.

Nauna na silang pumasok ni Claus sa loob at naiwan kami ni Linden dito sa labas.

"Malapit na 'to promise." Pamimilit ko pa habang sumisinghot.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagsusulat nang agawin niya iyon sa akin at padarag na nilapag sa sahig.

Hilaw akong ngumiti sakanya saka niya ulit itinaas ang phone.. "I'll call you later, Tito," sabi pa niya bago ibinulsa ang phone. "Bakit ang tigas ng ulo mo?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "May ulo bang malambot, Linden? Sige nga!" pagmamatapang ko.

Nanlaki ang mata ko nang pihitin niya ako paharap sakanya at walang anu-ano'y pinangko ako paupo sa kandungan niya.

"A-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong dahil sa pagkagulat.

"Bakit ayaw mong makinig sa'kin, hm?" pumungay ang mga mata niyang nakatitig sa'kin.

Nanigas ako sa kina-u-upuan ko nang ipuslit niya ang mga kamay sa loob ng kumot ko. Napalunok ako nang kapain niya ang mayayaman kong dibdib dahil para mag-init ang mukha ko.

"Ang init mo, Jan." Namamaos niyang sabi at pinisil ang bilog kong dibdib sa kanan. "Let's go inside, okay?"

Wala sa sariling tumango ako at napasinghap nang buhatin niya ako in bridal-style.

"K-Kaya ko naman maglakad, Linden.H-Hindi mo kailangan buhatin ako," sabi ko sa mahinang boses. "Ibaba mo ako."

"Tatahimik ka o ihuhulog kita." Mas lalong ayaw ko. Kumapit ako sa leeg niya ng hindi tumitingin sa kanya.

Dinaanan namin sila Belle at Claus na hinihintay kami sa sofa. Halatang gulat sila nang makitang buhat-buhat ako ni Linden.

Maya't-maya pa ay nginisian nila ako. Mga baliw talaga. For sure mang-aasar na naman yan sila.

"Doon na lang tayo sa kuwarto ko para makapagpahinga na rin si Jan, magpapahatid na rin ako ng makakain natin," si Linden at umikot sa kung saan man iyong kwarto niya. "Wala kang gagawin ngayon."

"Lagnat lang 'to, Linden, kaya ko naman saka isa pa hindi ko pa natatapos iyong notes." Giit ko pa.

"Just leave it to me." Nang buksan niya ang kanyang kuwarto ay nilapag niya kaagad ako sa kanyang king size bed.

Sumilip si Belle sa amin habang nakangisi. Si Claus naman ay naiiling na lang sa ginagawa ni Belle.

"Ayokong mahiga, sasandal ako sa headboard ng kama. Akin na iyong notes, dali!" pamimilit ko.

A-angal pa sana siya nang i-abot sa akin iyon ni Belle. Minsan may pakinabang din itong babae, hindi puro pang-aasar lang.

Akmang babawiin sa'kin iyon ni Linden nang iiwas ko. "Just let me, okay? Hindi ako pumunta rito para walang gawin kaya hayaan muna ako. I-re-review ko lang 'to tapos hihiga na ako." Ngumuso ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Fine, I'll give you 30 minutes to finish it." Matigas niyang sabi at tumayo ng tuwid saka ako sinamaan ng tingin.

Naupo sa tabi ko si Claus at Belle habang inaabala ko ang sarili sa pagre-review ng notes at kung minsan ay sumusulyap sa kinaroroonan ni Linden.

"So sa sahig ang bagsak naming dalawa ni Claus?" nakangusong wika ni Belle at pinandilatan ng mata si Linden.

Linden shrugged at tinuon ang pansin doon sa may poste na parang may nakapatong na maliit na bilog na mikropono.

May pinindot siyang kung ano ro'n sa may side ng table at umilaw iyon ng pula. Intercom ata tawag doon, ah basta gano'n iyong sa mayayaman.

Namilog ang bibig ni Belle nang sundan niya ako tingin. And she mouthed to me, "Jowain muna 'to." Tinuro-turo pa niya si Liden. "Princess treatment for sure." Saka siya mahinang tumawa.

"Gagi!" I exclaimed in not so loud voice.

Binalikan ko ang nire-review dahil baka agawin niya 'to sa akin since binigay lang sa'kin ay 30 mins.

"Manang pahatiran mo po kami ng pagkain, gamot na rin para sa may lagnat, at saka po carpet. Pati na rin po pala snacks, damihan po ninyo iyong tubig saka prutas. Uh, ano pang gusto niyo?" baling niya sa amin.

"Wala na, nasabi mo na lahat." Pilyong sagot ni Belle at ngumisi.

"Gusto niyo ng cake?" he asked. Walang sumagot. "Ikaw Claus?"

"Wala dude, okay na ako ro'n sa mga binanggit mo." Ani Claus na abala ngayon sa pagbubuklat ng calculus book.

"Ikaw, Jan? Gusto mo ba ako?" pare-pareho kaming napatingin sa kanya saka siya tumawa ng malakas. "The reaction."

Gago talaga!

"Baliw!" muntik ko nang ibato sa kanya ang hawak kong ballpen.

"Ohh! Tama na, nagbibiro lang ako. So iyon na iyon? Sige, narinig mo naman siguro ang sinabi ko manang 'di ba po?" and now he's baby talking.

"Yes Sir." Rinig ko mula ro'n sa intercom.

Pinatay na ni Linden iyon at pagkaraan ng ilang minuto ay dumating ang red carpet dala ng apat na kasambahay. Tumulong si Claus at Linden para mailapag iyon sa sahig.

"Kami na po ang bahala dito." Claus said as he rolled down the carpet. Nagtanguan lang ang mga maid.

Kumuha ng ilang malalaking comforter si Linden sa kabilang kuwarto para ata pantakip doon sa carpet. Kailan pa ba no'n? Sabagay medyo matigas.

"Gagawin namin dito?" takang tanong ni Belle at nginuso ang mga comforter.

"Gawin niyong bed sheets para kapag matutulog na kayo ay komportable," ani Linden at humalukipkip. "Tapos ka na ba?" baling niya sa'kin saka umiling.

Pagkatapos nilang ayusin ang hihigaan ay pareho silang nahiga ro'n ni Claus.

"Feel comfortable?" Linden asked.

"Yeah," Belle replied and Claus nodded. Nangislap ang mata niya nang matanaw ang pagkain na nasa tig-isang malaking tray. "Pagkain, yey!"

Mukha talagang pagkain ang babae na 'to. Hindi naman tumataba.

Nilapag no'ng anim na kasambahay sa malaking round table ni Linden ang lahat ng pagkain. Para kaming mag-p-pyesta nito sa dami ng nakahain sa lamesa.

"Pakabusog kayo," sambit ni Linden saka binuksan ang malaking flat screen. "Kung gusto niyong maglaro, may PSP diyan, kayo na bahala. Pakakainin ko muna si Jan."

Tumango ang dalawa pero alam kong mas uunahin nila ang pagkain kesa maglaro.

Nabaling ang tingin ko sa kanya. Tama ba iyong pagkakarinig ko na papakainin niya ako?

"What? Kaya ko namang sumabay sakanila. You don't have to feed me—"

Pareho kaming natigilan nang may kumatok and since bukas ang pintuan, nakita namin ang isang kasambahay na nakatayo ro'n. "Sir, may nagpapabigay po ng letter, Vexana po ang pangalan."

Hindi ko maiwasang maintriga, sino si Vexana sa buhay niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status