Share

07

Author: Sissy Garis
last update Last Updated: 2025-03-04 19:18:55

Napaisip si Valerie kung mayroon pa bang dapat pag-usapan sa pagitan nila.

Tahimik na tumingin si Valerie kay Harvey at malamig na sinabi, “Wala na akong ibang masasabi pa sa’yo, Mr. Alcantara. O baka naman gusto mong magbalik-tanaw sa nakaraan?”

‘Nakakatawa namang pag-usapan ang nakaraan, tutal, anim na taon na kaming hiwalay. At para sa isang dating asawa, wala nang dapat pang pag-usapan tungkol sa nakaraan!’ sigaw ng isipan ni Valerie.

Nang marinig ni Harvey ang paulit-ulit na pagtawag ni Valerie sa kanya bilang “Mr. Alcantara,” pakiramdam niya ay sasabog na siya sa inis.

“Ang galing mo talaga, ha! Wala kang masasabi? Ikaw siguro, pero ako meron! Hindi ko pa nakakalimutan ang lahat ng ginawa mo. Noon, iniwan mo ako nang walang paalam, tapos nagawa mo pang gawin ang bagay na ‘yon para lang makaganti sa akin…”

Matindi ang panunumbat sa tono ni Harvey. “Magaling ka talagang mag-abandona ng asawa at anak, ano? At ngayon, kaya mo pang tumayo rito na parang wala lang, tapos sasabihin mong wala kang dapat sabihin sa akin?”

Napaatras si Valerie sa bigat ng paratang ni Harvey. Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala.

“Iniwan ko ang asawa at anak ko?!”

Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?! Anong anak? Paano ko naman iiwanan ang anak ko e kasama ko siya!

Kung tama ang pagkakaalala niya, noon, siya mismo ang nagsabi kay Valerie na maaari na siyang magpakasal sa kahit sino. At pagkatapos, ang mismong ina ni Harvey ang nagdala sa kanya ng divorce agreement.

At tungkol naman sa sinasabi niyang iniwan niya ang anak nila…Mas lalong nakakatawa iyon. 

Kailan pa siya nang-iwan? At saka, hindi ba’t noong una, hindi naman alam ni Harvey na may anak sila?

Habang iniisip ito, hindi napigilan ni Valerie ang mapangiti nang malamig.

“Harvey, okay ka lang ba?” sarkastikong tanong niya. “Hindi ba’t ikaw ang nagdesisyong maghiwalay tayo? At ngayon, ikaw pa ang may ganang kwestyunin ako?” Nagpatuloy siya, mas lalong lumalim ang inis sa kanyang tinig. “At kung ako nga ang unang nakipag-divorce noon, anong problema roon? Kasal nga tayo, pero parang wala rin. Tuwing ilang buwan lang kita nakakasama bilang asawa, at sa halos buong panahon, mag-isa akong nabubuhay sa isang bahay na parang isang biyuda! Mas mabuti pang wala na lang!”

Huminga siya nang malalim at tinitigan si Harvey nang diretso sa mata. “At saka, ikaw mismo ang nagsabi noon na wala namang pinagkaiba sa’yo kung sino ang magiging asawa mo! Kung ganon, hindi ba’t mas mabuting naghiwalay na lang tayo para mas maging masaya ang bawat isa?”

Ramdam sa bawat salita niya ang bigat ng emosyon. Ngunit dahil sa muling pagbabalik ng masasakit na alaala, pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga. Kaya, inilagay niya ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Harvey, pilit siyang tinutulak palayo.

“Kaya, pwede ka nang umalis sa harapan ko!” madiin niyang sabi.

Ngunit hindi gumalaw si Harvey. Sa halip, ngumiti ito, ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng panganib.

“Parang biyuda?” aniya, tila naiinis ngunit natatawa. “Hindi ko alam na ganyan ka pala kalungkot noon. Pero kung hindi ako nagkakamali, mukhang nasiyahan ka naman sa’kin dati. Hindi ba’t pagkatapos ng lahat, ikaw pa mismo ang humihiling na…”

Napakagat-labi si Valerie, namula sa inis at kahihiyan. Hindi niya inaasahan na mababanggit pa ni Harvey ang bagay na iyon.

“Tumigil ka nga! Wala akong sinasabing ganyan!” galit niyang sagot. “At isa pa, hindi ka naman talaga gano’n kagaling!”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Harvey. “Ano’ng sinabi mo?” malamig niyang tanong, ang tingin niya kay Valerie ay mapanganib.

Hindi na nag-isip si Valerie at may pang-asar na sagot, “Ang sabi ko, hindi ka naman gano’n kagaling noon!”

Nanigas ang mukha ni Harvey. Para sa isang lalaking may mataas na pride, ang marinig ang ganitong insulto ay isang malaking sampal sa kanyang ego.

Tahimik siyang tumingin kay Valerie, ngunit ang apoy sa kanyang mga mata ay kitang-kita.

“Gano’n pala, ha? So ibig mong sabihin, hindi ka nasiyahan noon?” bumaba ang tono ng boses niya, puno ng panganib. “Mukhang kailangan ko yatang patunayan ang sarili ko ngayon, hmm?”

Bago pa makapalag si Valerie, bigla niyang hinawakan ang kamay nito at hinila siya palabas ng kwarto.

Dinala niya ito sa elevator at pinindot ang button paakyat.

Doon lang napagtanto ni Valerie na nasa masamang sitwasyon siya.

Sinubukan niyang pindutin ang ibang button, ngunit masyadong mahigpit ang hawak ni Harvey sa kanyang pulso.

Napatingin siya sa kanya, hindi makapaniwala, ang boses niya’y bahagyang nanginginig.

“Harvey, ano bang binabalak mo? Saan mo ako dadalhin?!”

Harvey ngumisi. “Saan tayo pupunta? Siyempre, magche-check-in tayo sa isang hotel.”

Napaka-natural at kalmado ng tono niya, na para bang simpleng sinabi lang niya na “Ang ganda ng panahon ngayon.”

Nanlaki ang mga mata ni Valerie, tuluyang natigilan.

Magche-check-in?! Ano bang problema ng lalaking ‘to? Kaninang-kanina lang, galit na galit siya, tapos ngayon bigla niyang naisipang gawin ‘to? Siraulo!’ hindi maiwasan ni Valerie na sumigaw sa kanyang isipan.

“Ayoko!” agad siyang nagpumiglas. “Bitawan mo ‘ko! Kung hindi, sisigaw ako!”

Iniisip ni Valerie na dahil mataas ang pride ng lalaking ‘to, siguradong hindi niya kakayaning mapahiya sa harap ng maraming tao.

Pero nagkamali siya.

Sa halip na mag-alala, lalo pang lumalim ang ngiti ni Harvey. “Sige, sumigaw ka. Pero tandaan mo, pag-aari ng Alcantara ang buong club na ‘to… Tingnan natin kung may magtatangkang tumulong sa’yo.”

Pagkasabi niya nito, biglang tumunog ang elevator at huminto sa isang palapag.

Wala siyang pakialam sa pagpupumiglas ni Valerie. Hinila niya ito palabas at tuloy-tuloy silang pumasok sa isang marangyang suite.

Pagkasara ng pinto, itinukod ni Harvey ang kamay niya sa likod nito, ikinulong si Valerie sa pagitan ng kanyang katawan at ng pinto.

Doon lang siya tuluyang kinabahan. Mukhang seryoso nga si Harvey.

“Harvey… kalma lang, pwede nating pag-usapan ‘to,” nag-aalalang sabi ni Valerie.

Pero hindi siya pinansin ni Harvey. Hawak pa rin nito ang pulso niya gamit ang isang kamay, habang ang kabilang kamay ay walang pag-aalinlangang binuksan ang unang butones ng kanyang polo.

Mariin siyang ngumisi. “My ex-wife, anong pag-uusapan natin? Imbes na magsayang ng oras sa salita, mas mabuti pang gawin na lang natin…”

At bago pa siya makapalag, mabilis siyang yumuko at hinalikan siya nang mariin sa labi.

Tuluyang nag-blangko ang utak ni Valerie.

Galit siyang nagpumiglas. “Bitawan mo ‘ko! Harvey—!”

Pero hindi siya tinigilan ni Harvey. Sa halip na huminahon, mas lalong lumalim ang halik nito—mapanakit, galit, walang bahid ng pag-iingat.

Mas lumakas ang kanyang pagpupumiglas nang maramdaman ang sakit mula sa madiing pagkagat ng lalaki sa kanyang labi.

Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Nakapulupot ang isang kamay nito sa kanyang baywang, habang ang isa naman ay mahigpit na nakapigil sa kanyang mga kamay laban sa pinto.

Sa lakas ni Harvey, wala siyang laban.

Dahan-dahan, unti-unting nabalot ng amoy, init, at presensya ng lalaki ang kanyang buong pagkatao. At sa ikinagulat niya, sa kabila ng lahat ng kanyang pagtutol, biglang nanghina ang kanyang tuhod mula sa sensasyong hatid ng halik nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   51

    Sa tono ng sinabi ni Jasmine, para bang sinasabi nitong si Valerie ang walang modo at walang utang na loob noon pa man.Siyempre, malinaw kay Valerie ang ibig iparating ni Jasmine. Napangisi siya, mapait at puno ng panlilibak. “Nag-aalala ka raw sa’kin? Jasmine, naniniwala ka ba talaga sa sinasabi mo? Or are you just being disgusting, as usual?”Hindi na siya nag-abala pang magkunwaring mabait.Para sa pamilya Lozano, hindi na niya kailangang maging magalang. Lalo na kay Jasmine—na kahit kailan ay hindi niya kinilalang kapatid.Biglang sumingit si Jonah, ang ina ni Jasmine, at hindi na napigilan ang galit nang makita niyang kinontra si Jasmine. “Valerie! Anong klaseng asal 'yan? Si Jaja, nag-aalala lang sa’yo, tapos ganyan pa ang isinukli mo? Don’t forget, kung ano-ano ang ginawa mo sa kanya noon! Pinakain ka na nga ng pamilya namin ng maraming taon, pero ni kaunting pasasalamat, wala kaming narinig sa’yo! Para kang asong inalagaan pero ang ganti, kagat!”Sa puntong iyon, lumamig ang

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   50

    Humarap si Harvey sa anak at mahinahong tinanong, “Bakit ka biglang tumakbo? That was rude, you know.”Hindi sumagot agad ang bata. Pinagdikit niya ang mga labi at suminghal na parang hindi sang-ayon sa sinabi ng ama. “Eh polite ba sila? Ang hilig nilang pag-usapan ’yung ibang tao na parang wala lang. ’Yung magandang tita na nakita ko sa kindergarten dati—siya ’yung dati mong asawa, ’di ba? Ang ganda-ganda niya, parang diwata! Pero ang sama ng sinasabi nila tungkol sa kanya...”Kung siya ang tatanungin, si Jasmine ang tunay na masama!Hindi agad nakapagsalita si Harvey. Tahimik siyang napaisip dahil hindi niya inasahang ganito kaapektado ang anak niya sa mga narinig.“Galit ka ba dahil do’n?” tanong ni Harvey matapos ang ilang sandali.“Syempre naman!” sagot ng bata na parang natural lang iyon.Ngunit agad ding nagdagdag si Hiro, na tila natatakot na baka mapansin ng ama na sobra ang kanyang reaksyon. “Pero hindi lang naman ’yon! Pinipilit ka pa nilang pakasalan si Jasmine. Ayoko siya

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   49

    Napangiti si Jasmine, ngunit halatang pilit. Lutang ang lungkot sa mukha niya habang sinabi, “Okay lang, Harvey. Kahit anong mangyari, hindi ako magrereklamo. Basta makasama lang kita, sapat na ’yon sa akin. Kung sakali man na hindi ka gumaling, I can be your eyes…”Habang binibigkas niya ito, dama ang pagkukunwaring taos-puso. Naging emosyonal ang tono niya at halos maantig ang damdamin ng ilang matatanda sa mesa.Si Maricar, na matagal nang may pabor kay Jasmine, ay agad sumalo sa usapan at sinubukang kumbinsihin si Harvey. “Anak, si Jasmine ‘yan—isang mabuting babae na hanggang ngayon, nandyan pa rin. Hindi ka na makakahanap ng kasing bait niya.”Kung ibang lalaki lang si Harvey, siguradong natunaw na sa panliligaw ni Jasmine. Pero hindi nagbago ang ekspresyon ni Harvey—matigas at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Ang kasal ko, ako ang magpapasya,” malamig niyang tugon. “At kailan pa naging normal na pinag-uusapan ‘yan sa harap ng pagkain?”Napakunot-noo si Jonah at hindi napigilan

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   48

    Napatigil si Jasmine nang mapansing naupo na si Hiro sa kanan ni Harvey. Doon dapat siya uupo—iyon ang napagkasunduan nila ni Maricar. Ang kaliwang bahagi ni Harvey ay nakalaan kay Maricar, kaya’t sigurado siyang sa kanan siya mauupo. Plano pa naman niyang gamitin ang gabing ito para makapuntos sa pamilya ni Harvey.Ang simpleng birthday dinner para kay Don Johan ay hindi basta salo-salo lang. Ginawa itong mas intimate na pagtitipon para makausap nang masinsinan ang pamilya Alcantara tungkol sa matagal nang planong kasal ng dalawang pamilya. Ayon sa kanila, sa ganitong set-up, mahihirapan si Harvey tumanggi.Hindi inasahan ni Jasmine na may biglang papagitna—at isang bata pa ang nagharang sa plano niya. Lalong sumama ang loob niya, ngunit pinilit niyang ngumiti at nagpanggap na kalmado.“Hi Hiro, ang upuan mo ay katabi ng lola mo. Pinagawan pa kita ng special child seat,” alok niya na may pilit na lambing sa boses.Pero hindi man lang siya nilingon ng bata. “I don’t need it,” sagot ni

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   47

    Hindi na nagtagal pa si Valerie sa bahay, at agad din siyang umalis bitbit ang mga cookies na ibinigay ni Hiro.Pagkaalis ng ginang, dali-daling bumalik sa kanyang kwarto si Hiro. Maingat niyang isinilid at binalot ang hibla ng buhok na nakuha niya. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, at sa isip niya, ito na ang pagkakataon para tuluyang makumpirma kung mag-ina nga sila ni Valerie.Matagal na niyang gustong magpa-DNA test, pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon makakuha ng sample mula kay Valerie. Sa wakas, nakuha na rin niya ang buhok ng "Tita" niya.May bahid ng pananabik sa puso ng bata. Tahimik siyang nagdasal at umaasa na sana—sana nga—ang "Tita" niya ay siya ring ina niya.Kinabukasan, habang ihinatid siya ng driver papuntang paaralan, bigla siyang

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   46

    Wala pang ideya si Valerie na nagsimula nang mag-imbistiga si Harvey tungkol sa kanya. Pero kahit malaman pa niya ito, wala rin siyang pakialam.Ang totoo, ang nalaman ni Harvey ay surface-level lang—tuldok lang sa napakalawak na iceberg ng kanyang tunay na pagkatao. Sa research institute kung saan siya nagtatrabaho, iilan lang ang may alam sa kanyang tunay na identity—at lalong hindi kabilang doon si Dr. Sevilla, na, ironically, ay may parehong pagkatao rin tulad niya...Kinagabihan, matapos ang trabaho, dumiretso si Valerie sa kindergarten para sunduin si Vanessa. Agad namang sumakay ang masiglang bata sa kotse ng ina nang makita itong dumating.Hindi na nakapagpigil si Valerie, agad siyang nagtanong, "Vanessa, baby, can you tell Mommy—paano mo nakilala sina Hiro?"Kanina pa niya iniisip ito buong hapon. Curious talaga siya.Handa naman si Vanessa. Alam na niyang itatanong ito ni Mommy. Kaya maayos siyang sumagot."Nakilala ko po sila sa community. Hinanap ko si Cotton, ‘yung pusa n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status