Isang buwan na ang nakalipas simula nang ma-promote ako. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon, kaya sobra akong saya at thankful. Akala ko babalik na naman si Benedict sa pagiging walang reaction, pero hindi sobrang saya rin niya para sa akin.
Hindi ko na rin nakita ang janitor na nakausap ko sa rooftop. Hindi naman sa kung ano, pero ayoko muna siyang makita dahil sa nangyari. Pero wala pa ring katapusan si Ekang sa kaka-promote ng "walking ulam" niya na ‘yan. Kesyo minsan daw nakikita niya ito sa kumpanya. Hinahayaan ko na lang siya at pinapalabas pasok sa tenga ang sinasabi niya.
"Ang baho naman, Ekang," sabi ko sabay takip ng ilong nang buksan niya ang pagkain.
Agad naman siyang sumimangot sa ginawa ko.
"Hoy, babaita! Baka nakakalimutan mong paborito mo 'to? Sinigang ‘to, teh! Magic ulam natin ‘to! At saka ilang araw ka nang ganyan. Baka naman nasosobrahan ka na sa trabaho? Ilang araw ka nang nahihilo, moody, at nagsusuka," sabi niya habang ngumunguya.
Umirap lang ako at uminom ng tubig. Syempre, na-promote ako, ibig sabihin nag-level up din ang mga gawain ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo, sadyang lahat na lang kasi napapansin ni Ekang.
Kinabukasan, hindi ko maiwasang hindi gawing big deal ang mga napapansin niya. Lalo na nang maalala kong hanggang ngayon, hindi pa rin ako dinadatnan. Hindi ko man maiwasan, pero bigla akong kinakabahan nang wala namang rason. Imposible, lalo na’t alam kong walang nangyari sa amin ni Benedict.
Pero habang lumilipas ang mga araw, hindi na ako tinigilan ni Ekang. Halata na rin ang pagbabago sa akin, kaya binilhan niya ako ng pregnancy test. Labag man sa loob ko, pero alam ko namang negative ang lalabas. Stress lang siguro ito kaya ako nagkakaganito.
Tumulo ang luha ko nang makita ang dalawang linya.
Paano? Ano’ng nangyari? Bakit?
Mahigit isang oras akong nanatili sa banyo, umiiyak habang nakatitig sa pregnancy test. Puro katanungan na hindi ko alam kung saan hahanapin ang sagot. Puro imposibleng what if’s.
"Sweetheart, okay ka lang ba?"
Napatigil ako nang marinig ang boses ni Benedict. Paano niya nalaman na nandito ako?
Sign na ba ito na dapat ko nang sabihin sa kanya? Sigurado akong sa tagal naming magkasama, alam kong hindi niya ako huhusgahan. Alam niya kung anong klase akong babae.
Pagkalabas ko sa CR, bumungad sa akin ang nagtatakang mga mata niya.
"Ano’ng nangyari?"
Nilibot ko ang paligid at siniguradong walang makakarinig sa amin.
"Puwede mamaya na lang sa kotse mo?" bulong ko.
"Huh? Hindi na. Dito na lang. Busy na ako mamaya."
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang pinakita sa kanya ang pregnancy test. Hindi naman siguro masama ang naging desisyon kong sabihin sa kanya, lalo na’t si Benedict ito.
Pero nawala ang kampante kong naramdaman nang makita ko ang gulat at galit sa mga mata niya.
"C-Cheater!"
Napatigil ako nang bigla siyang sumigaw nang malakas, dahilan upang agawin ang atensyon ng mga kasamahan namin sa trabaho. Lumakas ang tibok ng puso ko at sinubukan siyang pakalmahin, pero lalo lang siyang nagsisigaw.
"Let me explain," pakiusap ko, pero malakas niya akong kinabig.
Kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsisigawan niya, puro akusasyon. Napaluha ako at tila wala nang naririnig na bulungan sa paligid—maliban na lang sa mga masasakit niyang salita. Ang taong inaakala kong makakaintindi sa akin ang siya pang unang humusga.
Marami nang nanonood, at lalo pang dumami ang nakatingin nang lumapit ang head ng department namin.
"What is happening here?" seryosong tanong ng boss namin.
"Ma’am, niloloko po ako ng girlfriend ko!"
"Benedict naman..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang head namin.
"Labas ang personal matter—"
"Iba't ibang lalaki po ang kasama niya palagi! Inside and outside the company! Imagine that—ang ganda-ganda ng title niya sa kumpanya, pero puwede pang ikasira ng reputation natin dahil sa panglalandi niya! This will affect the company!"
Mas lalo akong napahagulgol habang umiiling.
Halos lahat ng tao ay nagulat—at mas lalo pa nang ipakita ni Benedict ang mga printed pictures ko kasama ang ilan sa mga katrabaho namin. Mga larawan ko kasama sila, pati mga candid shots na kuha sa labas ng kumpanya. Mga walang malisya, mga aksidenteng nakakatabi ko lang, pero ngayon… naging ebidensya ng kasinungalingang akusasyon laban sa akin.
Tatlong araw ang lumipas simula nang matanggal ako sa trabaho—kasabay ng pagkawala ng posisyon ko sa kumpanya. Sinubukan kong kausapin si Benedict, pero hindi niya ako hinayaang makalapit. Wala akong ibang malapitan kundi si Ekang, na hindi ako iniwan. Hindi ko rin pinahalata sa dalawa kong kapatid ang problema na dala ko. Ayoko mai-stress sila at pati pag-aaral nila madamay pa. Alam ko na kaya ko pa naman at pipilitin na kakayanin. Dahil hindi lang ang mga kapatid ko ang kailangan kong isipin, kundi ang anak na nasa sinapupunan ko.
Nagpa-check-up na rin kami sa OB, at doon ko tuluyang natanggap ang katotohanang buntis talaga ako. Pakiramdam ko, para akong nananaginip. Ang bilis ng mga pangyayari.
Dahil nasa trabaho si Ekang, naisipan kong magpahangin sa labas. Patuloy padin ang Lola ni Ekang sa pagbantay sa tindahan. Buti nalang maliban sa naipon kong sahod may nakukuha akong pera sa tindahan kahit papano.
Pumunta ako sa isang convenience store dahil bigla akong natakam sa chocolate. Pagkatapos magbayad, naupo muna ako at pinagmasdan ang paligid. Doon ko napansin ang isang pamilyar na lalaki—ang janitor na kinainisan ko sa rooftop.
Napairap ako at binalak siyang hindi pansinin, pero nagtagpo ang mga mata namin. Napatingin ako sa iniinom niya… Starbucks.
Pumasok siya sa convenience store at naupo sa tapat ko na para bang ininmbitahan kong maupo.
"I didn’t see you these past few days in my—the company."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw din," sagot ko, pero iba ata ang naging interpretasyon niya at ngumisi.
"Well, I was busy outside the countr—company. Cleaning different buildings."
Tiningnan ko lang siya nang malamig. Umirap naman siya sa hangin at uminom muli ng kanyang Starbucks. Bigla siyang napatigil at napatingin sa iniinom niya.
"Ay, ninakaw ko lang 'toh."
Ilang araw na ang nakalipas simula nang mangyari kay Maru. Ilang araw na akong di makatulog ng maayos sa gabi. Pati pagpasok niya sa school, kinakabahan ako sa pag-uwi niya. Ayoko na nga sana siyang pasukin na muna, pero pinilit lang niya kasi ayaw niyang may ma-missed.Alam kong nararamdaman ni Kvein ang pagkabalisa ko, kaya di na ako magugulat na pinabalik niya ang mga bodyguard na kilala niya.Pero hindi ko sila nakikita kasi hindi raw ito nagpapahalata mga to. Hindi ko maiwasang magalit; bakit kasi kailangan pa nilang mawala? Pero hindi ko rin alam na may sayad talaga si Benedict at pinagawa ito sa kapatid ko.“Preggy, please. I know you're worried about your brother. He is safe, same with Tania. Trust me.” Napabuntong-hininga ako at humarap kay Kvein.“Gustong gusto ko humarap kay Benedict…” naiinis na sagot ko. Nakita ko naman na parang di niya gusto ang sinabi ko.Umiwas ako ng tingin. Kating-kati na ang mga kamay kong sumuntok sa pagmumukha ni Benedict. Pero hindi pa pwede… ayo
Dahil tuyo na ang mga nilabahan ni Kvein, ako naman ngayon ang magtutupi. Akala ko nga pati pagtutupi ay pagtatalunan namin. Pero hinayaan lang niya ako at naglinis na siya ng bahay. Pakiramdam ko tuloy para kaming mag-asawa habang nag-aantay ng mga anak na pauwi galing school.Grabe talaga ang imahinasyon, self. Kaya masasaktan, e.“Ate! Ate!” Nabitawan ko ang mga tinutupi at lumingon sa pintuan. Bigla akong nakaramdam ng panghihina at nanginginig ang aking katawan sa nakita.“What happened—oh shit. Sit here, sit here,” biglang sabi ni Kvein na kakapunta lang mula sa sala at inalalayan ang duguan na si Maru habang umiiyak si Tania.Napatakip ako sa aking bunganga at patuloy pa rin ang panginginig ng aking katawan. Anong nangyari? Okay naman sila ng pumasok kanina, ah?“Ate,” umiiyak na yumakap sa akin si Tania kaya niyakap ko siya pabalik at nanghihinang pinapanood si Kvein na inaasikaso ang duguang si Maru.Hindi ko alam ang gagawin kung wala si Kvein sa oras na ito. Kitang-kita ko
“Oo nga pala. Napansin ko parang wala yung mga bodyguard na kilala mo. Ngayon ko lang na-realize,” sabi ko pagkalabas namin ng simbahan. Nakatayo kami sa gilid ng kotse habang inaantay ang dalawa. Pinabili ko kasi ng sampaguita para ilagay mamaya sa altar namin.“Oh, I let them have a day off first... s-since we're here naman.” Tumango-tango ako at hinaplos-haplos ang tiyan ko.“Hungry? Where do you wanna eat?” Ngumuso ako at naghanap ng makakainan na malapit lang. May natanaw akong karinderya na malapit dito sa simbahan. Kaso... kakain ba tong lalake na ‘to? I mean, sosyalin ang aura niya tapos englishero pa.Pero alam ko noon sa kumpanya, mga janitor sa amin kumakain sa mga karinderya, kasi minsan nakakasabay namin ni Ekang kumain. Baka for sure, nakakain din ‘to?“Sa karinderya. Pero okay lang kung ayaw mo.” Kasi kaming tatlo magkakapatid, sanay naman na.Umiling naman siya at hinapit ang bewang ko papalapit.“No, I’ll eat,” sagot niya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.Ano ba naman
Naglilinis ako sa tindahan habang naliligo si Kvein. May pasok kasi yung dalawa, at habang wala sila, ganito ang ginagawa namin ni Kvein. Sayang naman kung magsasara kami at wala naman kaming ginagawa kundi maglandian lang. At least may pera pang pumapasok. Tsaka malakas-lakas na rin yung tindahan.Habang inoorganize yung mga lalagyan ng candy, may babaeng lumapit. Nakagrills ang nakaharang sa tapat, pero maninipis lang. Mahirap na kasi minsan kung di ang Lola ni Ekang ang nagbabantay; minsan si Tania lang.“Ano po yun?” nakangiti kong tanong. Kilala ko ang babae at alam ko na hindi ang pagbili ang pinunta dito ng bruha.“Talagang nakabalik ka na noh? Diba?”Suminghap ako bago tumango-tango.“At talagang buntis ka.” Napangiti ako ng peke. Mga ganitong paraan ng pagsasalita, halatang chismosa.“Oh ano naman?” tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-aayos.“Tapos hindi na namin nakikita yung palagi mong kasama na lalaki noon? Nung hindi ka pa buntis.”Napailing ako at binitawan ang hawak
“Good morning, preggy.” Napairap ako nang maramdaman ang pagyakap ni Kvein mula sa likuran ko. Wala kasing pasok yung dalawa kaya late na late na kami nakatulog. Kasi kung saan-saan kami pumunta kahapon. Pero syempre, as promised kay Sir Kez, pumupunta kami ni Kvein dun pag may pasok yung dalawa para maglinis-linis kahit papaano. Ayy… si Kvein lang pala ang naglilinis-linis. Palagi niyang inaagaw ang trabaho ko, kaya more on sa dilig lang ng mga halaman ang ginagawa ko.Nagluluto ako ng almusal kahit magtatanghalian na naman. At akala ko mahimbing din ang tulog ni Kvein, pero eto, bumangon na rin ang lalaki. At kung makalambing, akala mo mag-asawa na nasa kusina. “Grabe sa yakap ah.” Bigla naman siyang natawa at di ko mapigilan ang mapalunok sa pagka-gwapo ng tawa niya. Pati pala talaga, pagtawa ang gwapo na rin? Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa bewang ko mula sa likuran at siniksik ang mukha sa leeg ko.“We already kissed, and…”“Tumigil.” Naramdaman ko ang pagnginig ng katawa
Napahiwalay ako kay Kvein nang marinig ang pinto na bumukas. Paglingon ko, si Maru na kakauwi lang galing school. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan naman ni Kvein ang pisngi ko. Napakunot-noo si Maru nang makitang umiyak ako kaya agad niyang sinarado ang pintuan at lumakad papunta sa amin ni Kvein."May problema ba, Ate? May...may masakit ba sa'yo? Ano na naman ang ginawa ni Benedict?" Mabilis akong umiling nang marinig ko ang takot at galit sa boses niya.Bumuntong-hininga muna ako at hinaplos ang pisngi niya. "Nakwento ko lang kay Kuya Kvein mo yung buhay natin noon." Natigilan naman si Maru sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Akala ko tungkol na naman kay Benedict.""Ang aga ata ng uwian mo ah." Pagbabago ko ng usapan at agad naman siyang naupo sa katabing sofa."May pinatapos lang kasi sa amin, Ate. Kaya tinapos ko agad kasi gusto ko nang makasama ka agad." Napangiti ako sa sinabi ng aking kapatid."Did you eat already? Or do you want to eat something?" tanong ni Kvein na agad na