Share

Chapter 05

PAASA! At scammer ang lalaking 'yon. Sabi niya ay fifty thousand ang ibibigay sa akin pero walong libo lang ang halagang nadampot ko sa ibabaw ng lamesa. Kung alam ko lang na gugulangan niya ako, hindi na sana ako pumayag sa nangyari nang gabing iyon.

May iniwan naman siyang calling card. Doon ko nalaman ang pangalan niya. Francisco Xian Fortaleza. Siguro ang ibig niyang iparating ay tawagan ko ang numerong nandoon upang makuha ko pa ang balance ko sa kaniya. Kaso everytime na tatawag ako, palaging in another call. Ang nakakainis pa, hindi cellular number kung hindi landline ang nakalagay na contact number doon. Kaya minsanan ko lang masubukan siyang tawagan. Tapos tiyempuhan pang busy lagi ang linya.

Minsan naiisip kong puntahan ang address na nakasulat doon. Kaso medyo malayo dahil sa Alabang pa. Though, may jeep namang sakayan deretso roon, natatakot akong pumunta dahil hindi ako magaling sa mga dereksyon. Baka maligaw lang ako at walang mapala. Sayang ang pamasahe. Kaya nagbabakasakali na lang akong makokontak ko siyang muli. Iyong landline ng school ang ginagamit ko dahil wala kaming telepono at walang may telepono sa mga kapitbahay namin. Kahit payphone nga ay wala.

Kailangang-kailangan ko talaga ng perang iyon dahil pandagdag din iyon pambayad utang at pambili ng mga kailangan sa bahay. Sa sahod kong fifteen thousand a month, halos sampung libo na lang ang natitira dahil marami akong kaltas na loan. No choice naman ako kung hindi pagtiyagaan ang school na 'yon dahil wala pang slot sa public school na inaplayan ko. Mas mataas kasi ang sahod ng titser sa public kaysa private kaso minsan mahirap makapasok.

Two weeks na ang nakalilipas mula nang mangyari iyon at hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko ang detalye ng bawat pangyayari. Ilang araw kong ininda ang sakit ng balakang at mga hita ko. Pati sa part ko na iyon siyempre. Kung naabutan ko lang talaga siya bago siya umalis nang araw na iyon, may pagkakataon pa sana kaming magkausap. Ngunit napasarap ang tulog ko. Halos magtatanghali na nang magising ako.

Naglalakad na ako pauwi. Kagagaling ko lang ng school noon. Medyo mabigat ang dalahin ko dahil nanghiram ako ng laptop sa co-teacher ko. May gagawin kasi akong weekly report at lesson plan. Biyernes ngayon at may dalawang araw ako para gawin iyon. Ganoon ako linggo-linggo.

Malayo-layo pa ako sa bahay pero rinig ko na na parang nagkakagulo malapit sa amin. Maraming taong nagkukumpulan at bigla akong kinabahan nang matanaw ko ang mga unipormadong pulis.

Binilisan ko ang paglalakad. Pabangga kong hinawi lahat ng nakaharang sa daraanan ko.

Una kong nakita si mama na umiiyak at nagmamakaawa.

"Pakiusap, huwag n'yo munang damputin ang asawa ko. Wala pa naman kayong matibay na ebidensya. Napagbintangan lang siya."

Nakaposas na pero hawak pa rin ni mama ang magaling kong stepfather.

"Bakit, 'Ma, ano'ng nangyari?" tanong ko. Hindi na ako apektado masyado sa mga ganitong pangyayari dahil sanay na akong nakikitang paulit-ulit na dinadampot ang tatay-tatayan ko. Kung hindi mga pulis, mga tanod naman.

Lumapit sa akin si mama at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Anak, tulungan mo ang Tatay Romeo mo. Napagbintangan lang siya, wala siyang kinalaman doon."

Inis na pilit kong pinapagpag ang mga kamay niya.

"Bakit ba, 'Ma? Ano ngang ginawa niya? Ano'ng ibinibintang sa kaniya?"

"Kasama po siya Ma'am sa mga itinuturong nanloob doon sa isang grocery store sa kabilang barangay. Nahagip ang mukha niya sa CCTV." Ang isa sa mga pulis na ang tumugon sa katanungan ko.

Matalas ang mga matang tinapunan ko ng tingin ang aking stepfather.

"Ano na namang pumasok sa kukote n'yo at ginawa n'yo 'yon? Jusko! Wala na nga kayong silbi rito sa bahay, dagdag problema pa kayo!" naiiritang sermon ko pa sa kaniya. Mas naniniwala pa ako sa mga pulis kaysa kay mama.

"Grabe ka naman magsalita sa ama mo, Sandy! Parang walang naitulong 'yan sa 'yo ah," singhal sa akin ni mama.

Pairap akong tumingin sa kaniya.

"Hindi ko 'yan ama, 'Ma. May naitulong? Mula nang dinala n'yo 'yan sa buhay natin, minalas-malas na tayo. Ako ang nagsariling sikap para makatapos ako at wala akong tulong na hiningi diyan miski piso sa asawa mo," pagalit kong sagot.

Sinampal niya ako. Nagulat ako at nasapo ang pisnging tinamaan ng kamay niya.

"Ang yabang mo! Porke't ikaw ang may trabaho ngayon ganiyan ka na magsalita. May pinag-aralan ka nga, bastos ka namang sumagot sa magulang mo."

Pinagtitinginan na kami at maging ang mga pulis ay naiintriga na rin yata sa amin kaya hindi ko na siya sinagot at nagpasyang pumasok na sa loob ng bahay. Itinulak ko pa ang mga kapatid ko na nakaharang at nakikiusyoso sa may pinto. Deretso ako sa kuwarto ko. Pahagis kong inilapag ang bag na may lamang laptop sa may higaan ko. Biglang rumagasa ang luha sa mga mata ko.

Totoo naman ang mga sinabi ko. Mula nang makilala ni mama ang stepfather ko, nagkaletse-letse na ang buhay namin. Hindi naman kami ganito kahikahos dati. May tindahan pa nga kami noon. Pero nagkalugi-lugi dahil sa lakas lumaklak at manigarilyo ng bago niyang asawa.

Ewan ko kung ano'ng nakita ni Mama sa lalaking iyon. Noong uso nga ang tokhang ay panay ang dalangin ko na sana masama siya sa mahuli o mapatay. Kaso masamang damo talaga. Ang tagal ng buhay.

Pagkatapos ko magbihis ay inatupag ko agad ang mga gagawin ko. Ayaw kong magpaapekto sa nangyari. Tutal, hindi ko naman siya totoong ama at wala akong pakialam sa kaniya. Dagdag isipin ko lang siya at alam kong wala akong mapapala roon. Mabuti nga iyon doon na siya sa kulungan nang mabawasan ang gastusin ko rito sa bahay.

Nagtimpla ako ng kape at nagpabili kay Sandro ng tinapay. Ayos na iyong hapunan ko. At kung maaari, tatapusin ko na lahat ng gagawin ko ng isang bagsakan para magtutulog na lang ako maghapon bukas hanggang Linggo. Kung puwede nga lang at may ekstra, maglalakwatsa ako. Kaso wala nang natirang pera sa walong libong bigay ng scammer dahil nabili ko na ng bagong cellphone at naihulog ko na sa installment ng nawala kong cellphone para sa ngayong buwan.

Isa pa 'yon, buwisit paasa!

.....

"SANDY, anak." Sunud-sunod ang katok sa pinto. Bigla akong nagising. Nakaidlip pala ako habang nagta-type sa harap ng monitor. Mag-a-alas-siete pa lang ng gabi.

Nanlaki ang mga butas ng ilong ko.

"Bakit?" walang emosyon kong tanong nang mapagbuksan ng pinto si mama. Nakatingin siya sa akin, pagkuwa'y sinapo ang pisnging sinampal niya kanina.

"Pasensya ka na, 'nak. Nabigla lang ako sa sinabi mo kanina. Hindi ko naman talaga gustong sampalin ka..." May lungkot sa mga mata niya. Parang depressed na depressed ang hitsura ni mama.

Ngunit salubong pa rin ang mga kilay ko.

"Ano ba'ng kailangan mo, 'Ma?" Sanay na ako na kapag nag-aaway kami kunwari kakausapin at aamuin niya ako. Pero pagkatapos niyon, may pabor siyang hihingin.

Bumuntong-hininga siya.

"'Nak... Dinala na sa presinto ang Tatay Romeo mo. N-Nahuli na rin iyong ibang kasamahan niya raw. N-Nag-aalala ako baka saktan siya roon eh. G-Gusto ko sana mapiyansahan muna siya habang hindi pa umuusad ang kaso. I-Isa pa, napagbintangan lang ang tatay mo. K-Kamukha niya lang iyong nakuhanan sa CCTV. Alam ko 'yon."

May luhang pumapatak sa gilid ng kaniyang mga mata pero ewan ko, manhid na yata ako. Hindi ako naaapektuhan.

Tumaas pa ang isang kilay ko.

"Saan naman kayo kukuha ng pangpiyansa niya, aber? Don't tell me, ako pa ang pagpoproblemahin n'yo niyan? Hindi ko naman siya kaano-ano, bakit ko siya pakikialaman? At kung talagang wala siyang kasalanan, 'Ma, mapapatunayan naman 'yon. Hintayin n'yo na lang kung kailan siya palalayain." Isasara ko na bali ang pinto ngunit pinigilan niya.

"Grabe ka, 'nak. Hindi mo ba talaga kayang irespeto ang Tatay Romeo mo? O kahit ako? Alang-alang man lang sa 'kin na ina mo? Hindi mo ba alam noong nawala ang Papa mo, ang sakit-sakit din sa akin pero pinilit kong bumangon. At simula nang makilala ko ang Tatay Romeo mo, bumalik ang sigla sa buhay ko. Anak, siya na lang ang karamay ko sa buhay. Kung mawawala siya, makukulong siya, paano na ako? Hindi ko kaya mawalan ulit ng asawa."

Napatawa ako. Wow! Ang tanda na ni Mama may ganitong drama pa. Love conquers all ba talaga? Mas iniisip niya kapakanan ng asawa niya kaysa sa damdamin ng anak niya?

"'Ma, kung sa akin n'yo ipatutubos ang asawa n'yo, sinasabi ko na ngayon pa lang, wala akong pera. Kita n'yo naman, ni bagong lipstick nga wala na akong pambili, sa dami ng gastusin dito. Pampaaral pa sa dalawang anak n'yo ng asawa mo. Pangkain sa araw-araw. Ni limampisong savings nga, wala ako. Tapos sa akin pa kayo hihingi ng tulong?"

"Twenty-five thousand lang naman 'yong pampiyansa ng Tatay Romeo mo. Kung may ibang tao lang talagang tutulong sa akin, hindi ako lalapit sa 'yo. Alam kong nahihirapan ka na rin sa sitwasyon mo dito, 'nak, pero hangga't kaya ko, tumutulong naman ako. Pagpasensyahan mo na kung ikaw lahat ang sumasalo sa pag-aaral ng kapatid mo. Pero nangako ang Tatay Romeo mo, kapag nakalaya siya, magbabago na siya. Magsisikap na siyang makabalik ulit sa trabaho."

"Twenty-five thousand lang?" Napamulagat ako. "Nila-lang n'yo lang iyon? Hindi nga aabot ang suweldo ko roon buwan-buwan. Sorry, 'Ma. Wala akong makukuhanan ng ganiyang kalaking halaga. Maging praktikal naman kayo. Iyong ipangpipiyansa n'yo sa kaniya, ilaan n'yo na lang dito sa bahay. Masyado kayong nagpapakatanga diyan sa asawa n'yo."

Ipininid ko na ang pinto. Ayaw ko nang marinig ang mga excuses at pagmamakaawa niya. Nakakaumay na.

"Sandy, hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Hayun na nga, tumaas na ang boses niya. Hindi niya ako nakuha sa santong dasalan, kaya susubok na ng santong paspasan.

"Wala na akong sasabihin, 'Ma," walang gatol na sabi ko. Malakas ang boses kong tiyak na rinig niya mula sa labas.

"Buksan mo itong pinto o wawasakin ko 'to?"

Tumaas ang isang kilay ko. Nagle-level up na yatang magalit si mama ngayon. Nahahawa na ng kawalanghiyaan sa asawa niya.

Tumayo ako at binuksan na nga ang pinto.

"Sabi na nga kasing wala, ang kulit-kulit n---"

Hindi na ako nakatapos pa sa sasabihin ko dahil lumapat nang muli ang kamay niya sa pisngi ko. Hindi lang isang beses kung hindi marami. Sinabayan niya pa ng sabunot sa buhok ko.

"Putangina mo hindi kita pinalaki para bastus-bastusin lang ako. Wala kang karapatang magmayabang sa akin at kutya-kutyain ang lalaking inasawa ko. Oo, ikaw ang nagastos, eh ano naman? Panganay ka, responsibilidad mong tumulong sa magulang mo! Wala kang utang na loob. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka mabubuhay sa mundong ito!"

Habang sinasabi niya iyon ay panay pa rin ang sabunot niya sa akin. May pagkakataon pang sinisipa niya ako kapag sinusubukan kong umahon. Halos sumadsad kasi ako sa sahig sa lakas ng hatak niya sa buhok ko.

"Putangina!" mura ko rin nang makabawi ako. Itinulak ko siya. Wala akong pakialam kung masabihang suwail na anak. "Kailan pa naging responsibilidad ng anak ang magulang? Hindi ko naman ginustong ipanganak ninyo ako. Lahat na ng tulong ginawa at ibinigay ko sa inyo. Nang dahil lang diyan sa pagmamahal ninyo sa walang kuwenta niyong lalaki gaganituhin ninyo ako? Sana kayo na lang ang nawala, hindi si Papa!"

Buti na lang nasa bulsa ko ang cellphone ko. At may pera akong inipit sa case niyon. Lumabas ako ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero ang mahalaga lang sa akin at makaalis akong pansamantala sa impiyernong hawlang iyon. Kung puwede lang sana maglayas ay gagawin ko na. Kung may mapupuntahan lang ako talaga.

Hindi ko na alam kung ano nang nangyayari sa mama ko. Sinapian na yata ng demonyo. Hindi ko naman talagang gustong maging bastos na anak sa kaniya kaso sinasagad niya ako. Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Ate, paload nga ako," sabi ko sa tindera ng tindahang nadaanan ko. "Regular one hundred."

Lord sana naman, pagbigyan n'yo na ako...

Magbabakasakali ako. Tatawagan ko ulit 'yong number ng scammer. Sana naman makapasok na ako sa linya.

Tumawid ako sa kalsada at naghanap ng mapupuwestuhan. Mayroong malapit na court doon. Doon ako pumunta at naupo sa bench.

Dinayal ko na ang numero. Nakailang subok ako ngunit hindi ko ito tinigilan. Tinawagan ko nang tinawagan ang number hanggang sa wakas ay narinig ko ang pag-ring sa kabilang linya. Biglang lukso ng puso ko. Nabuhayan ang loob ko.

Sa wakas!

"Good evening. This is Essentrix Corporation, how may I help you?"

Napalunok ako. Nagtataka. Ine-expect ko, siya ang sasagot sa akin. Si Francisco. Ngunit ibang boses iyon.

Muli kong tiningnan ang calling card na iniwan niya. Same company, nawala ang kaba ko.

"I-I'm looking for Francisco Xian Fortaleza. M-May I speak with him?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
sana makausap muna
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status