Share

Chapter 06

last update Last Updated: 2022-12-27 07:27:08

"SIR?" Sunud-sunod na may kumatok sa pinto. Natigilan ako at naitulak ang babaeng kasama ko sa kama. Napatayo rin ako bigla at mabilis na pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig at isinuot.

"Why?" nagtatakang tanong ng babae na hindi ko man lang pinag-abalahang tapunan ng tingin.

"Leave now. We're done."

"What?!"

Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang binuksan ang pinto ng aking silid. Walang paki kahit wala pa siyang suot na damit.

"What's the matter, Carlo? Sabi ko h'wag mo akong iistorbohin, 'di ba?" medyo inis na saad ko.

"Sir, I think it's her."

Natigilan ako. Tumaas pa ang isang kilay na nakatingin sa lalaking may tangan ng telepono. He's actually my assistant, at naroon kami ngayon sa main office ko.

"Who?" maang ko.

"The girl. Iyong ibinilin n'yo sa 'kin. 'Yong sabi n'yong pinagkakautangan n'yo."

Napalunok ako. Oh, that girl! I can still remember her face. So vividly. Her pretty face.

"Finally, tumawag din," magaan ang loob na sabi ko.

"Sir, I think she's mad. Hinahanap ka niya. Gusto kayong makausap."

Muli akong napalunok.

"N-No. Sabihin mo, wala ako. And kindly ask for her complete name please? Gagawan ko siya ng cheque."

Agad akong nagtungo sa mesa ko at hinanap ang cheque book sa drawer. I also got my pen ready para isulat ang pangalan ng babae roon.

Nakikipag-usap pa si Carlo sa kabilang linya when I interrupted him.

"Please, paki-loudspeak nga," sabi ko.

"Ok, Sir."

Biglang pumailanlang ang ingay sa kabilang linya. Halo-halong tunog mula sa sasakyan, mga tao at may pumipito pa.

"Hello?" untag ng babaeng boses sa kabilang linya. Halatang may kaunting inis sa boses nito. At the same time, I noticed na medyo basag din ang boses nito. May singhap pa. Parang kagagaling lang nito mula sa pag-iyak.

"Miss, kindly tell me your complete name? Kailangan ko lang para ---"

"Ang sabi ko nasaan 'yong boss mong scammer? Bakit kailangan pa ng pangalan ko? Sabihin mo kailangan ko na 'yong kulang sa bayad niya sa akin. Kailangang-kailangan ko na ASAP!"

Nagkatinginan pa kami ni Carlo at sabay na natawa.

I never knew na ganoon pala siya kagalit sa akin. Hindi ko siya masisisi. Hindi ko natupad ang pangakong bayad ko sa kaniya. I ran out of cash. Kaya nga nag-iwan ako ng calling card para tawagan niya. But it took her more than two weeks to reach me out.

"My boss will issue a cheque kaya kailangan ng pangalan mo, Miss. So please tell me your complete name para magawan na niya."

Saglit na hindi tumugon ang babae.

"Ayaw ko nang cheque. Cash ang gusto ko. Ito ngang number n'yo ang hirap-hirap makontak, eh baka naman pati cheque n'yo mahirapan akong ma-withdraw. Isa pa wala akong time pumuntang bangko. At... kailangan ko 'yong cash ngayon. Maibibigay mo ba?"

Saglit na tumingin sa akin ang assistant ko. His eyes seemed asking what to tell the woman.

Sinenyasan ko siya na i-off muna ang loudspeaker.

"Sabihin mo, walang cash. Kung ayaw niya tumanggap ng cheque, bahala siya. It's her lost."

I wonder what she's up to right now. Kaso hindi ko ugaling makipagkita ulit sa mga babaeng nagamit ko na.

Matapos nilang masinsinang mag-usap ni Carlo ay napapayag din nito ang babae.

"It's Sandriana R. Magbilao raw, Sir," aniya sa akin.

Hmmm... Napapailing ako habang isinusulat ang kaniyang pangalan.

"What about mine?" singit ng babae na kalalabas ng kuwarto. Nakabihis at nakapag-retouch na ito bitbit ang shoulder bag.

"Have you checked your bank account?" tanong ko na hindi na naman siya pinagkaabalahang tingnan.

Kinuha niya ang cellphone at saglit na naging busy doon.

"Okay," anito na may ngiti sa mga labi. "If you still wan---"

"You may leave." I didn't bother looking at her again.

Saka lang ako napalingon sa gawi niya nang padabog niyang isinara ang pinto nang lumabas ng office. I just shrugged my shoulders.

After kong mapirmahan ang cheque ay iniabot ko iyon kay Carlo.

"Give it to her tonight. After n'on, makakauwi ka na."

.....

SAKTO nang matapos ang tawag ang pagkaubos ng load ko. Sana naman totohanin ng lalaking iyon ang sinabi niya. Pupuntahan niya raw ako ngayon. Ibibigay 'yong cheque. Masaya ako kasi sa wakas makakahawak na rin ako ng pera. Iyong matagal na maglalagi sa pangangalaga ko. Hindi gaya ng suweldo ko na one click lang pagka-withdraw ubos agad. Iyong darating sa akin, maitatago ko 'yon. Magagamit ko kapag talagang nangailangan ako. Wala akong pagsasabihan. Ibabangko ko 'yon para hindi ko magastos.

Hindi ko para ilaan 'yon sa piyansa ng walang kuwentang stepfather ko na 'yon.

Sinabi ko sa kaniya ang kinaroroonan ko ngayon. Ibinigay ko na lang din ang cellphone number ko para makokontak niya ako kung nandito na siya. Excited ako sa pagdating ng pera pero at the same time medyo nanghihinayang dahil hindi iyong lalaking nakasama ko ang makikipagkita sa akin ngayon.

Hindi ko siya na-miss! Gusto ko lang siya ulit makita sa huling pagkakataon. Siyempre alam kong hindi na kami magkikita after ng nangyari kaso mahirap lang talaga siyang kalimutan dahil unang karanasan ko ang nakuha niya.

Panay ang silip ko sa aking cellphone. Halos isang oras na akong naghihintay. Medyo nagdududa na ako. Ni text o missed call wala. Paano kung hindi pala ako sisiputin? Tapos cheque pa ibibigay, paano kung tumalbog? Tsk!

Napaigtad ako nang mag-vibrate na nga ang cellphone. Unregistered number. Excited kong pinindot ang answer key. Pinakahihintay ko.

"Hello?"

"Saan ka, Ma'am?" bungad na boses lalaki.

"S-Sa court," utal pang sabi ko. "A-Ako na lang ang pupunta sa 'yo, nasa'n ka ba?" Ewan ko kung bakit ako biglang kinabahan. Para akong makikipag-eyeball sa textmate.

"Nandito ako sa may Y-11, Ma'am."

Convenient store. Dali-dali akong naglakad. Malapit lang naman iyon sa kinaroroonan ko. Excited na akong makahawak ng cheque.

Panay ang lingon ko sa paligid nang marating ko na ang sinabi niyang kinaroroonan niya. Panay silip pa ako sa loob pero wala akong makitang kakaibang tao.

Tatawagan ko bali siya kaso naalala kong wala na nga pala akong load.

"Miss? Ikaw ba 'yon?"

Napaigtad ako nang magbukas ang bintana ng kotse na malapit sa tabi ko. Nakaparada iyon sa may space sa gilid ng convenient store.

Nakangiting nakatingin ang lalaki sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang kabuuan ng kaniyang mukha dahil doon siya nakaparada sa medyo madilim na parte. Pero napalunok pa rin ako. Pamilyar ang boses niya. Kompirmadong ito nga ang hinahanap ko.

"O-Oo," taranta kong tugon.

Bumaba siya ng sasakyan. Napatingala ako sa tangkad niya. At muli akong napalunok. Bakit gano'n? Ang tikas din ng dating ng isang ito. Kung boss ang tawag niya kay Francisco, ibig sabihin, trabahante siya ito. Ngunit bakit mukha rin itong CEO sa ayos nito? Nakapormal attire, ang bango-bango at.. guwapo.

Pero... mas malakas pa rin ang dating ng boss niya.

"Kayo si Sandriana Magbilao, Ma'am?" konpirma niya ulit.

Tumango ako.

"O-Oo ako nga."

"Ako po 'yong Carlo na kausap n'yo sa phone kanina. Ma'am, puwede bang pumasok muna tayo sa loob?" Itinuturo niya ang convenience store.

"B-Bakit pa? I-Iyong cheque lang naman ang kailangan ko."

Nahihiya kasi ako sa ayos ko. Nakapambahay lang ako. Lumang blouse na nabili ko lang sa tiyanggian. Tapos maong na short sa ukay-ukay. Tapos siya, naka-corporate attire. Mukha akong gusgusin kung itatabi sa kaniya.

"May ibang detalye kasi akong idi-discuss sa 'yo, Ma'am."

Tapos 'yong boses niya malumanay lang. Professional ang dating.

"P-Puwedeng dito na lang?" alanganin ko pang tanong.

Lumingon ito sa paligid.

"Masyadong madilim dito, Ma'am."

Pundi kasi ang isang ilaw sa labas ng store.

Napakamot ako sa ulo.

"Sige na nga," napipilitang sang-ayon ko.

Nagpatiuna siyang pumasok. Binuksan niya nang malapad ang pinto para sa akin. Nakatungo naman ako habang naglalakad papunta sa bakanteng mesa na naroon. Inalok niya pa ako ng kung anong gusto kong kainin. Nakakahiya namang tumanggi kaya sabi ko 'yong siopao na lang. He even bought me a drink. Parehas kami ng pagkain.

"T-Thank you!" kimi pa ring sabi ko. Sa totoo lang gutom na rin ako. Malamang kung fastfood itong kinaroroonan namin, magkakanin ako.

Hinintay muna niyang makatapos kami ng pagkain bago siya nagsalita.

"Have you ever heard of Essentrix Corporation, Ma'am?" tanong niya.

Umiling ako.

"Hindi."

"Pero naka-graduate naman kayo ng highschool, 'di ba, Ma'am?"

Sasabihin ko sana na college grad ako at isang elementary teacher kaso bigla akong nahiya. Baka hindi siya maniwala. Marahil alam din niya kung ano'ng nangyari sa 'min ng boss niya. Lalong nakakahiya.

"O-Oo," sabi ko.

May inilabas siyang parang flyer sa mini bag niya.

"Kung interesado kayo, Ma'am, you can visit our company and apply for a job. Dala ka lang ng resume, dalhin mo na rin ilang requirements dahil one-day process kami. May libre kaming training and with pay iyon. Call center, Ma'am. May local at international. May voiced and nonvoiced. Salary starts at thirty thousand at puwedeng umabot sa sixty thousand depende sa performance n'yo. Kung pupunta ka, Ma'am, call or text me first para ma-accomodate kayo agad. Sa inyo na itong flyer para mabasa n'yo pa ang ilang benefits diyan. Pasensya na kayo, Ma'am, utos lang din ng boss ko na alukin kayo ng trabaho pero hindi naman kayo pinipilit. Nga pala, Ma'am, here's the cheque." Kasunod niyon ay inilabas naman niya ang isang pahabang papel at inilahad sa akin.

Sa bilis at dere-deretso niyang pagsasalita, parang nagkabara ang utak ko. Hindi ko agad nakuha ang cheque dahil tulala at tumatakbo pa ang isip ko. At nang mahawakan ko iyon ay akala ko namamalikmata lang ako.

"Teka..." sabi ko.

"Yes, Ma'am? Mali ba ang spelling ng pangalan n'yo?"

Umiling ako.

"H-Hindi. P-Pero... bakit ganito ang halagang nakasulat dito? H-Hindi naman ito ang balance sa akin ng amo mo."

Ibinalik ko sa kaniya iyon. Kumunot naman ang noo niya.

"I know nothing about this, Ma'am. Pero kung kulang ito, sige ibabalik ko na lang at sasabihin ko sa boss ko ..."

"Hindi! Hindi naman kulang. Sobra pa nga eh. Forty-two thousand lang ang kulang niya pero bakit one hundred thousand ang nakalagay diyan?"

Ngumiti siya at muling ibinalik sa akin ang checque.

"Just accept it, Ma'am. Minsan lang maging mabait ang boss ko."

Napalunok naman ako.

"S-Sige. P-Pakisabi salamat."

"No problem."

Pero ayokong magdiwang agad.

"Sigurado ka, hindi tatalbog ang cheque na 'to ha?"

Sumeryoso ang mukha niya.

"Perhaps you don't know who my boss is," aniya.

Parang bigla namang akong naintriga sa sinabi niya. Pero sa ayos nito at the way ng pananalita, imposibleng nagsisinungaling ito. Kaya malugod ko na ring tinanggap ang cheque.

"Naninigurado lang. Anyway, salamat."

"You're welcome. Anyway, what happened to your face, Ma'am?"

Natigilan ako. Ano'ng sinasabi niya? Napatingin tuloy ako sa camera ng cellphone ko. Binusisi ko ang sarili ko. Ganoon na lang ang pagkapahiya ko nang makita ang aking mukha. Bukod sa mugto ang mga mata ko, may gasgas pala ang gilid ng labi ko. Bahagya pang namumula ang pisngi ko.

"W-Wala ito. N-Napaaway lang ako kanina." Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

Tumango siya habang nakatingin pa rin sa akin. Lalo naman akong na-awkward.

"I see. Ingat na lang kayo, Ma'am. Paano, Ma'am? I need to go. Malalim na ang gabi." Tumayo na siya.

Tumayo na rin ako. Sumunod na lang ako sa kaniya nang humakbang na siya palabas ng convenient store.

"Paano, Ma'am? Have a good night!" paalam niya pa ulit sa akin bago sumakay ng kotse.

Tumango lang ako habang sinusundan siya ng tingin. Nang tuluyan siyang makaalis ay parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Mapagkakamalan akong baliw ng makakakita sa akin. Pasayaw-sayaw pa ako habang naglalakad at hinahalik-halikan pa ang cheque.

I got a hundred thousand! kanta ko pa sa isip ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 03

    FOUR years later."BILISAN mo na! Andaming reklamo!" Konting-konti na lang talaga, masusugod ko na ang lalaking ito. Napakakupad kumilos. Halatang sinasadya. Alam nang may hinahabol ako."Nalaglag nga ang wallet ko. Pinulot ko pa.""Alam mong ito iyong pinakahihintay ko tapos andami mong pasaring. Bilis na!" Nagtatakbo ako at hinabol naman ako ni Francisco. Akay-akay ko ang aming kambal. Nagpabili pa kasi ng ice cream sa daddy nila, sabi ko mamaya na, pero dinalihan ako ng iyak. Ito namang isa, antagal-tagal bumili. Sinabing sumingit na lang, pumila-pila pa. "Bullshit!" Ayun na nga. Muntik nang madapa, nakapalampa. "Mommy, Daddy dropped the ice cream!" umiiyak na sabi ni Karlize. "The other one is mine!" pang-aasar naman ng isa sa kakambal. Bumitaw si Kristoff sa akin at nilapitan ang ama. Kinuha sa kamay nito ang isang ice cream na hindi nadisgrasya ni France."Mommy!" Tuloy ang iyak ni Karlize.Pero ako, sa ibang bagay nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nagkukum

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 2

    1 YEAR later..."NAKAKAINIS ka talaga! Dito na naman tayo!" nakasimangot na himutok ko paglabas namin ng airport. Actually, kagabi pa ako nagrereklamo. Pero hindi ako pinapakinggan ng aking asawa. Panay sabi na sumama na lang daw ako kasama ang aming kambal. Tig-isa kaming may buhat kina Karlize at Kristoff. At nagsama kami ng isang assistant para may magdala naman ng maleta. "Dapat nga dati pa kita dinala ulit dito," kalmadong tugon ng tukmol.Lalo akong napasimangot sa sinabi niya. "Andaming bansa, Francisco. Bakit dito ulit?"India."I promise next time, sa ibang bansa na talaga tayo. But right now, may mahalaga tayong taong kikitain dito. Trust me."Sumakay na kami ng taxi. Habang nasa biyahe ay abala siya sa cellphone niya. Hindi na lang ako kumibo at inasikaso na lang ang mga bata. Mayamaya, tumigil na kami sa tapat ng isang mataas na building. "Remember that time, baby, noong isinama kita rito?" ani France pagkakababa namin ng taxi. Napatingala naman ako. Paano ko malilimuta

  • Two Playful Hearts(R-18)   SPECIAL CHAPTER 1

    "CONGRATULATIONS! It's a baby girl!" masayang anunsiyo ng sonologist."Yes!" Ngiting tagumpay na napasuntok pa ako sa ere. Hinampas ko pa ang balikat ni France na nasa tabi ko lang. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako sa pustahan."Nang-uuyam siyang tumingin sa akin. "Saglit lang, I still have another card." Nakangising bumaling ito sa sonologist. "What about the other one?"Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng other one?Nangingiti naman habang nakatingin sa monitor ang sonologist habang pinaiikot-ikot sa tiyan ko ang object na gamit para makita ang loob ng sinapupunan ko."The other one is a boy. Congratulations for having a fratenal twins!"Sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa aking mga labi. Shocked! A-Ano'ng fraternal twins? "A-Ano hong kambal? Ano'ng girl at boy? Iisang baby lang ang laman ng tiyan ko!" histerikal ko pang sabi sa sonologist."I'm sorry, baby." Agad ginagap ni France ang isa kong kamay. "But it's true. Kambal ang anak natin. I'm sorry, I convinced the doctor na huwag munang i

  • Two Playful Hearts(R-18)   FINAL CHAPTER

    FOUR months after...Hinintay ko talaga 'to. Sabi ko kay Francisco itaong ika-fifth month ng tiyan ko ang kasal namin. Aba sabi niya kasi 'pag at least five months na ang tiyan ko puwede na ulit. Hindi 'yon nawala sa isip ko. Halos bilangin ko nga ang mga araw na dumaraan. Nitong mga nakaraan, sinusubukan ko pa ring makiusap sa kaniya, pero ayaw niya talaga. Sabi ko kahit once a month, ayaw pa rin. Nag-research na nga ako lahat-lahat. Kahit ipinakita ko na sa kaniya na okay lang basta hindi maselan ang pagbubuntis ay ayaw talaga. Pero minsan napapaisip ako. How about him? Alam kong hindi niya kaya 'yong tiisin ng ganoon katagal. Not unless, may pinagdedepositohan siya.Pero minsan, nakikita ko siya sa madaling araw. 'Yong 'pag akala niyang tulog na ako. Babangon siya at pupunta sa CR at inaabot siya ng halos isang oras doon bago lumabas. Minsan nga nakakatulugan ko na lang ang paghihintay. Pero isang beses tinangka ko siyang pasukin kaya lang ni-lock niya ang pinto. Nang tanungin ko s

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 90

    "GOOD morning!" Ang matamis na halik sa labi ni France ang gumising sa akin. Agad akong napamulat nang maamoy ang mabango niyang katawan. Bagong ligo."B-Baby..." namamaos na anas ko nang muli niya akong gawaran ng marubdob na halik sa labi. Tinugon ko siya nang puno ng pananabik. Mahigpit pa akong kumapit sa batok niya para mas maging malalim ang aming halik. Lalo akong nanabik nang maramdaman ang dahan-dahang paglapat niya ng katawan sa akin."I'm sorry about last night. 'Yong totoo, hindi ko rin kayang magtiis. I want you too," bulong niya pa sa tainga ko na mas nagpabaliw sa akin. "Ang sabi ko naman kasi sa 'yo puwede pa eh. Nagpapaniwala ka sa doktor na 'yon," segunda ko pa. "That's why I'm sorry. Gusto kong palagi kang maligaya."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ako na ang nangunang maghubad sa sarili ko. Dahil wala siyang ibang suot nang mga sandaling iyon maliban sa nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ay naging mabilis ang lahat. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas

  • Two Playful Hearts(R-18)   Chapter 89

    "OY, ano'ng ginagawa mo diyan?" nakapameywang na tanong ni Francisco.Napaangat ako ng tingin. "W-Wala, may sinisilip lang ako."Na-miss ko kasi ang office niya. Ilang taon din akong hindi nakatungtong doon. Curious lang din naman kasi ako kung sino na ang tumatao. So hindi na pala talaga siya. I wonder, ano na kayang pagkakaabalahan niya sa buhay? Tatambay-tambay na lang din ba?"Tara na! May makakita pa sa 'yo diyan!"Umakyat na nga ako ng hagdan. Inabot niya ang kamay ko nang malapit na ako sa dulo. Hinila niya pa ako pataas. May mga kinuha lang siyang ibang gamit sa penthouse kaya nandito kami ngayon. I miss this place too. Naalala ko noon patakbo-takbo pa ako rito no'ng may dumating siyang hindi inaasahang 'buwisita'. I wonder where they are now too. Kapag may nanggulo ulit talaga, mananapak na ako."Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo akala ko kung saan ka na nagpunta," sabi pa niya."So saan na tayo pupulutin nito? Saan tayo titira?" tanong ko."Ikaw, kung saan mo gusto-""T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status