Share

Chapter 2.1

Nilingon ko ito na may gulat sa mga mata. Nais ko sanang magsalita pang muli ngunit huminto na ang sasakyan. Nasa ospital na kami.

Halos kalahating oras rin akong inobserbahan. Sumailalim rin ako sa Xray at CT scan. Ang sugat ko sa may bandang braso ay kailangang tahiin dahil sa malalim na sugat, mabuti ay wala naman na akong iniindang seryoso sa katawan tanging bugbog lamang sa banda kong balakang.

"Doc, thank you so much!" Narinig kong sabi ng babae sa Doctor na kasabay nitong pumasok sa aking silid.

"No problem, Mrs.Magnus, pwede na rin lumabas ang pasyente any time, be sure to take her medicines properly para walang maging impeksyon," aniya at parehong sumulyap sa akin.

"Ah–kakausapin ko lang po siya." Nagpaalam na ito sa doktor na siyang nang umalis.

"Kamusta kana?" Panimula nito sa akin ng kami nalang ang nasa loob.

"Ayos na ako, salamat,” bigkas ko na hindi makatingin sa mga mata.

"G-gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa nangyari. Its my fault hindi kita agad na pansin." Tuluyan na itong nakalapit sa gilid ng aking kama.

"It’s fine, may kasalanan rin naman ako dahil hindi ako tumingin muna sa kalsada bago tumawid." 

Sandali itong tumahimik, na tila hindi alam ang sasabihin, napansin ko ring nag-ipon muna ito ng hangin sa dibdib bago ibuka ang mga labi.

"I’m really sorry for what happened, if you want to file a case against me, fine, handa akong harapin ang kaso." Bakas ang senseridad nito sa sinabi.

"Wag kang mag-alala wala akong balak na magsampa ng reklamo laban saiyo." Tipid kong sagot.

Nakita kong nagliwanag ang mukha nito sa aking sinabi kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

"Pwede na ba akong umuwe?" tanong ko kapag daka.

"Hintayin lang natin si Gabriel. He's at the cashier area, saan kaba nakatira?" tanong nito.

"D'yan lang malapit sa kabilang bario." Mahina kong sagot.

"Kung gusto mo ihahatid ka na namin, or mas mabuting sa amin ka muna tumuloy ngayong gabi." Suwestiyon nitong sinabi.

"Naku, hindi ba masyadong malaking abala na itong nagawa ko, kaya ko na ang sarili ko." Nahihiya kong sambit.

Doon bumukas ang pinto ng kwarto na siyang nagpatalon sa aking puso.

"Mahal!" 

Nadepina ang mga labi ko nang salubongin nito ng yakap at halik ang bagong dating.

"How was she?" Narinig kong tanong nito sa sinasabi niyang asawa habang nakahawak sa balakang nito.

"Pwede na raw siyang umuwe.”

"That's good to hear that, so can we go home now?" Hindi nakaligtas sa akin ang simple nitong paghalik sa puno ng leeg ng babae kaya mabilis akong nagyuko para itago ang gumuhit na kirot sa aking puso.

"Can we invite her for dinner? Tutal malapit lang pala ang bahay niya sa atin saka para maihatid natin siya pauwe?" Naglambaras ang babae sa batok nito na siyang bahagyang ngumiti sa kaharap.

Imbes na sumagot ay saakin ito sumulyap na siyang mabilis kong iniwasan para isampay ang buhok sa akong tenga bago mag yuko.

"Sa bahay kana kumain, bago ka namin ihatid pauwe." hindi iyon isang imbetasyon kundi isang utos na alam kong hindi ko pwedeng tanggihan kahit noon pa man pero iba na ngayon, Ibang tao na ang nagsasalita sa harap ko ngayon.

"A-ayos lang ako, kaya ko ng umuwe mag-isa." tinuwid ko ang tingin dito na tila may malalim na iniisip habang nakatitig saakin.

"No, kami ang naka agrebayado saiyo dapat lang na tumulong kami, saka pasasalamat ko na rin ito saiyo." agaw ng babae sa usapan namin.

"S-sige.." sa huli ay pumayag ako sa maraming kadahilanan. Hindi man ito ang plano ko sa simula ay wala na akong nagawa kundi ang sumang ayon. Marahil langit na ang nagtakda ng aming muling pagkikita.

Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at laki ng bahay, its not so typical house na makikita mo malapit sa dalampasigan. A modern yet simple  house na madalang ko nalang makita sa ngayon. Halatang pinag isipan ang bawat deltaye at sulok ng bahay, yari sa purong bato ang ilang pader at angde kaledad na kahoy na sadyang idinisenyo sa ceiling, maging ang granite flooring na iba't ibang kulay ay nakadagdag ng ka simplehan pero may dating na tingin ng bahay.

"Tuloy ka, wag ka mahihiya! Pasensya ka na rin kasi hindi ko pa masyado maasikaso ang ilang gamit, kalilipat lang kasi namin dito few months ago." boses iyon ni Alessandra na iniwan na ako para tungohin daw ang kusina.

Nilibot ko naman ang mga mata sa loob ng bahay, tama nga ako medyo magulo pa ang ilang gamit, maging ang mga paintings ay hindi pa masyadong naiiaayos ng mabuti.

Pinasadahan ko rin ng tingin ang pasimano kung saan naroon ang maliit na picture frame. 

Kumibot ang mga labi ko ng makilala ang lalaking kasama sa litrato. Maluwang itong naka ngiti habang yakap niya mula sa likuran ang babae. 

Maging ang ilang kuha ay naroon siya na maluwang ang mga ngiti. Gustong mag ulap ng mga mata ko dahil sa sakit na bumalatay sa aking puso. Hindi ito matangap ng sistema ko, kahit alam kong nasa maayos siyang kalagayan pagkatapos ng lahat ay hindi ko pa rin kayang tanggapin kung ano na ang naging buhay niya ngayon.

Hindi ko naiwasang haplosin ang muka nito sa litrato, kahit dito man lang ay maibsan ang kirot sa aking mga pusona ilan taon ko na ring itinatago.

Subalit bigla akong natigilan ng may tumikim kaya ako napatingala sa lalaking nasa i-katlong baitang ng hagdanan. Mabilis kong ibinalik ang picture frame sa dati nitong kinalalagyan ng mapagtanto kong nandirito ang pansin niya.

"Ah, magaganda ang kuha n'yo dito." kamot ko ang sentidong nag-iwas ng tingin. Iniwasaan ko rin na mapadapo ang tingin ko sa puting T-shirt niyang suot at khaki short. 

Hindi ito sumagot imbes ay naglakad ito palapit saakin kaya ako napa ayos ng tayo. Amoy ko ang shower gel nitong gamit indekasyon na katatapos lang nitong maligo, kaya ang plano kong pag-iwas ay hindi ko na nagawa pa dahil sa pinaralisa na niya ang lakas ko.

"Those photos are the most memorable moment of my life, ang makilala ko ang babeng gusto kong makasama habang buhay." bahagya nitong inangat ang isang frame kung saan tila nag propose siya kay Alessandra.

"Beautiful." mahina kong sambit pero hindi ako sigurado kung nasabi ko ba iyon ng maayos dahil sa panginginig ng boses ko sa tabi niya. Hindi rin kasi ako sang ayon sa kaniyang sinabi.

"Yes, she's the most beautiful person i've known in my entire life." he continued.

Hindi ko maiwasang kagatin ang mga labi dahil sa bugso ng damdaming bumabalot saakin ngayon.

"Its good to hear that from you, halatang mahal mo talaga ang asawa mo?" isa iyong tanong na nais kong sagotin niya.

"Of course, i love my wife!" agad nitong sagot.

Mapait akong ngumiti dito at bahagyang nag iling.

"How about you? are you single or married?" tahasan nitong tanong saakin.

Mabilis umangat ang muka ko sa kaniya na puno ng emosyon, gusto kong magalit sa tanong niyang iyon, gusto ko itong saktan at pagsasampalin dahil hindi niya alam kung gaanong sakit ang ibininigay niya saakin ngayon. Parang hindi ko na kakayanin pa ang magpangap na okay lang ako sa harap niya dahil sa na ngingiilid na ang mga luha ko sa mata.

"Hey, are you alright?" bakas ang pag aalala nito ng gagapin niya ang isang balikat ko. Ang malamlam nitong mata ay nagtatanong kaya hindi ko magawang makagalaw.

"A-yos lang ako," sabi ko na bahagyang umatras dito dahilan para niya ako bitawan.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin dahil nakita niya ang pagpahid ko ng butil ng luha sa mata..

Napansin ko ang pag bukas ng mga labi nito para sana magsalita ngunit natigilan ito ng lumingon sa likuran ko.

"Dinner is ready!" pukaw ng boses ni Alessandra pananahimik naming dalawa.

"Lets have dinner first," salita nito saakin na siya na akong iniwanan para tungohin ang comedor.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko ihakbang ang mga paa papasok sa comedor.

"Upo ka, pasensya kana kung fried chicken lang ang naihain ko, wala na kasi talaga akong time magluto dahil sa Events na ni-ru-rush ko ngayon, ito namang Mr. ko late na rin kung dumating." simula ni Alessandra saakin na sumulyapa pa kay Gabriel.

"Ayos lang.." tipid kong sagot na sinimulan nang kumain.

"Ano nga palang pangalan mo? I'm sorry nalalimutan kong itanong kanina." ngumiti ng alangamin saakin si Alessandra.

"Emory Meredith Grant, my friends call me Meredith, na bahagyang sumulyap kay Gabriel na nasa pagkain parin ang pansin.

"Woah, nice name huh? I'm Alessandra and my husband Gabriel." pakilala nitong muli.

Bahagya lamang akong tumango dito at ibinalik ang pansin sa pagkain.

"Saan ka pala nakatira dito?" tanong nitong muli, 

"D'yan lang sa may Village, actually kalilipat ko lang dito a week ago." na nagkibit balikat.

"Hhmm, okay." sinulyapan kong muli si Gabriel na tila walang gustong itanong ukol saakin.

"Nandito lang ako para mag bakasyon." dugtong kong sabi.

"Ah, kami namin dito na for good mas masarap kasing tumira sa tahimik na lugar, malayo sa magulong siyudad at  ingay ng mga sasakyan." ngumiti ito saakin.

"Yeah, mas maganda ngang iyong malayo sa mga tao." sagot ko.

"Oh my God! you're married?!" nanlalaki ang mata nito habang nakatitig sa palasingsingan ko kung saan nasuot pa rin saakin ang engagement ring at wedding ring kong bigay saakin ni Hezekiah.

Mabilis ko itong ginagap at walang pasabing sumulyap kay Gabriel na tumingin din saakin.

"Come on may i see your ring?" pangungulit nito saakin kaya nahihiya man ay inilahad ko dito ang kamay ko na siya niyang hinawakan mula sa kabilang lamesa.

"Beautiful, look at mine?!" na walang pasabing idinikit sa kamay ko ang kamay niyang may pareho ding singsing.

Napalunok ako dahil halatang mas mamahalin ang singsing na meron siya kesa nang saakin.

"Who's the lucky guy? kasama mo ba siyang mag bakasyon ngayon dito?" tanong muli nito saakin.

"No, he's not." mahina kong sagot.

Nakita ko ang bahagyang gulat sa muka ni Alessandra kaya minabuti kong inumin nalang ang juice sa aking harapan.

Hind na ito nagtanong pa ng tungkol saakin dahil bumaling naman ito sa kaniyang asawa habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan.

Ang akala kong pagka pormal ni Gabriel ay dala niya hanggang dito subalit pag ang asawa na mismo nito ang kausap ay lumalalabas ang pagka masiyahin nito at pala ngiti. Madalas din itong mag joke sa asawa na kahit corny na ang labas ay siya pa ring tinatawanan ng huli.

"Pasensya kana ha? ganito lang talaga kaming mag usap ni Gabriel," paghingi ng paumanhin s'akin ni Alessandra.

"Ayos lang ganyan din naman saakin ang asawa ko.." bahagya akong ngumiti sa mga ito pero nang bumaling ang tingin ko kay Gabriel ay nakita ko ang kakaiba nitong tingin sa naging sagot ko.

"Talaga? one of this days sana dalawin mo kami ulit, isama mo na rin pati ang asawa mo para makilala namin, diba Mahal?" humawak pa ito sa braso ng huli na bahagya lamang nag tango sa kaniyang sinabi..

"Natawagan ko napala si Mommy and until now ay wala pa rin siyang nakukuhang pwedeng maging katuwang natin dito sa bahay, malayo raw kasi tayo sa city." umpisa ni Alessandra sa asawa.

"Ganon ba? I'll called Marcus baka may kakilala siyang pwedeng pumasok saatin.

Napatuwid ang likod ko ng marinig ang usapan ng mga ito, tama ba ako ng rinig? nag hahanap sila ng kasambahay nila dito sa bahay?

"Sige tawagan ko rin sila Ferry tungkol d'yan." sagot naman ni Alessandra sa asawa.

Mahigpit kong hinawakan ang kubyertos at nag ipon ng hangin sa dibdib bago mag salita.

"Naghahanap pala kayo ng kasambahay?" halos sabay nila akong sinulyapan.

"G-gusto ko sanang mag apply?"

"I'm sorry?" tanong ni Gabriel saakin na kunot ang noo. 

"Gusto kong pumasok na kasambahay ninyo." buo ang loob kong sinabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status