Share

Chapter 61

Author: Diane Ruiz
last update Last Updated: 2024-12-11 14:18:50

WADE'S POV:

"Nagpapatawa ka ba? Malamang, hindi talaga ako tunay na Dela Vega, anak ako sa labas eh," saad ko sa kanya.

"Dahil 'yan ang gusto nilang paniwalaan mo, hindi mo pamilya ang nakagisnan mo Wade dahil magkapatid tayo," saad ni Hero.

"Anong kalokohan ang sinasabi mo?" tanong ko.

"You're not a true Dela Vega, but a Suarez. Si William Suarez na tatay ko ang tunay mong tatay," saad niya.

"At ine-expect mo akong maniwala sayo? Ang lalaking iyon ang pumatay sa nanay ko, paano ko siya naging tatay?! Gago ka ba, huh?! Hindi magandang biro 'yan!" saad ko na ayaw tanggapin ng utak ang kanyang mga sinasabi.

"Hindi ang tatay ko ang pumatay sa nanay mo, kundi ang tatay ni Joaquin na si Mr. Dela Vega," saad niya na siyang kinagulat ko.

"Kasama ako ni Mr. Dela Vega, the whole time Hero, nung nangyayari ang krimen na iyon, paano mo nasabing siya ang pumatay sa nanay ko?!" tanong ko na naiinis na.

"Nag utos siya ng dalawang hitman, noong gabing iyon, hindi ang tatay natin ang pumatay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ashley ا
uncle Wade and Rosenda, where are you?
goodnovel comment avatar
EDEN
tanga m rosenda wag mas magiging miserable k pag pina abort m yn,..habang buhay mng pagsisihan pag pina abort m yn
goodnovel comment avatar
Ashley ا
Thanks author, more please..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 62

    ROSENDA'S POV: Takot na takot ako ng mga oras na iyon, akmang ilalapit na sa akin ng doktor ang curette ngunit bigla akong bumangon."Sandali po, sandali lang ho, hindi ko po kaya," saad ko. Humagulgol ako ng iyak sa harap ng doktor. "Sorry po, aalis na po ako, hindi ko po kaya," saad ko sabay alis sa higaan at kuha ng bag ko."Naiintindihan kita Hija," saad ng doktor. Nagmadali akong lumabas sa lugar na iyon at saka umuwi sa Hacienda. Nang makarating ako sa kwarto ko ay sinumpong na naman ako ng pagsusuka kung kaya't dumiretso ako sa bathroom."Sorry, sorry, sorry," paulit-ulit kong saad habang sumusuka sa bowl. "Hindi ko sinasadya, sorry," para akong tangang nagsasalita mag-isa hawak hawak ang tiyan ko at humahagulgol ng iyak. Nanghihina akong nagpalit ng damit pantulog at humiga sa kama. Nabasa ulit ng mga luha ko ang unan ko dahil hindi ko mapigilan ang wag malungkot at umiyak. Paulit-ulit sa utak ko nag tagpong nahuli ko si Wade na may kaniig na ibang babae hanggang sa p

    Last Updated : 2024-12-12
  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 63

    WADE'S POV: It's 2:00 am at naalimpungatan ako dahil may kumakatok ng malakas sa pinto ng Condo unit ko. "Sandali! Putang 'ina, madaling araw na!" sigaw ko dahil hindi makapaghintay yung hayop na kumakatok sa labas. Istorbo. Pabalibag kong binuksan ang pinto ngunit walang tao, nakakita ako ng envelope sa sahig, pinulot ko iyon at luminga-linga sa paligid ngunit wala talagang tao. Pumasok ulit ako sa Condo at isinara ang pinto dahil narinig ko ang sunud-sunod na tawag, text at messenger notifications sa cellphone ko. Hindi ko na masagot sa dami dahil tumatawag si Siobeh at tumatawag din si Atty. Crisan kung kaya't inilapag ko yung envelope at pumunta sa bathroom para maghilamos. Maya-maya ay nag ring na naman ngunit unknown number ang nakarehistro sa cellphone ko kung kaya't sinagot ko iyon kaagad. "Hello," "I assume you got your package, Wade," "Jerry?""Why don't you open it," Ginawa ko ang sinabi niya at binuksan ko ang envelope, nakita ko ang isang ziplock bag at sa loob n

    Last Updated : 2024-12-13
  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 64

    WADE'S POV: Habang nasa byahe kami ni Kent ay tinext ko na kay Siobe at Atty. Crisan ang address. "Nga pala, si Kuya tatawagan ko," saad ko habang hinahanap ang number ni kuya sa phonebook ko. "I'll drive, you talk to them," pagpiprisinta ni Kent kung kaya't maingat kong ipinaubaya sa kanya ang manibela. "Hello? Kuya?!""Wade, anong kailangan mo?!" "Kuya, Rosenda got kidnapped!" "Ano?! Pero imposible iyon, ngayon ang flight niya papuntang Italy. Paano siya maki-kidnap?" "Ano?! Balak niyang umalis ng bansa?!" "Oo sabi niya ay kailangan niya daw para sa career development niya, kaya pinayagan ko," "She didn't make it Kuya, tumawag sa akin ang kidnapper at nanghihingi ng ransom kapalit ni Rosenda," "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?! Hindi magandang biro yan Wade ah," "Kuya hindi kita niloloko, maniwala ka sa akin," "Magkano ang hinihinging ransom?!" "Okay na, nasakin na yung pera, ite-text ko sayo ang address, tulungan mo ako mabawi si Rosenda," "Okay, sige," Iyon lang

    Last Updated : 2024-12-13
  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 65

    ROSENDA'S POV: "Anong klaseng tulong?" tanong ko habang inaakay ko siya dahil nawawala na kami, nasa masukal na gubat kami at hindi namin alam kung saang parte ng Pilipinas ba ito. Rinig na rinig pa rin namin ang palitan ng bala ng baril sa pagputok habang papalayo kami sa lugar. Nakakita ako ng isang malaking puno kung kaya't isinandal ko muna doon si Wade dahil mukhang hilong-hilo pa rin siya sa nasinghot niyang drugs kanina. Ang lugar ay napapaligiran ng napakaraming halaman kung kaya't mahihirapan silang hanapin kami dito. "Sumandal ka muna dyan, umupo ka kung gusto mo," saad ko. "Rosenda, help me," saad niya na para bang nanghihina. "Ano ngang gagawin ko?" tanong ko sa kanya. "Come here," saad niya sa akin sabay lahad ng kamay niya. Tinanggap ko iyon at hinila niya ako dahilan upang masubsob ako sa kanya at mahalikan ko siya, akmang ilalayo ko na ang labi ko ngunit hindi niya ako hinayaang gawin iyon. Bagkus ay mas lalo niya pang diniinan ang paghalik sa akin. Pumaibabaw

    Last Updated : 2024-12-13
  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 66

    ROSENDA'S POV: 3 days later… Ilang araw na kaming hindi makausap ng matino. Hindi ko akalaing nangyari ang lahat ng iyon sa isang buong magdamag. Inayos namin ng nakatatanda kong kapatid na si Kent ang gusot sa pagitan namin gayon na rin ang libing ng tatay naming si Jerry. "Kuya, si Daddy, what is he like?" tanong ko kay Kent habang nasa harapan kami ng kabaong at tahimik na pinagmamasdan ang labi ng tatay namin. "I was only five years old back then when mom died. Kamukhang kamukha mo siya Rosenda, she was the most beautiful woman in my eyes at that time, namatay siya sa panganganak sayo at doon na nagsimulang maging bangungot ang dapat sana ay masayang pamilya natin," pagkukwento ni Kent. "So mom died because of me, and now dad died too because of me," saad ko na humagulgol na naman ng iyak. Niyakap ako ni Kent. "Hey, don't blame yourself. Ako ang dapat sisihin dito, hindi kita nahanap agad, it's not your fault," saad sa akin ni Kent. "Nagtatrabaho si Daddy sa isang bangko.

    Last Updated : 2024-12-14
  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 67

    WADE'S POV: "Masama sa buntis ang sobrang puyat at stress kung kaya't ia-advise ko ang bedrest para sa misis ninyo," saad sa akin ng doktor. "Uhm we're not– nevermind, pero wala naman po bang complications?" tanong ni Rosenda. "Thank God it was just a mild bleeding, you should see your OB too and get a check up kasi baka kailangan mong uminom ng pampakapit," saad pa ng doktor."Okay, thank you po Doc," saad ni Rosenda. "Thank you po," saad ko. "Maiwan ko po muna kayo," saad ng doktor at umalis. "Narinig mo iyon? Bawal sayo magpuyat at ma-stress, ako na bahala dito. I'll take care of the bill," saad ko pero tulala lang siya. "Hindi ko na alam kung anong iisipin ko Wade, sobrang magulo ang utak ko ngayon dahil sa nangyayari, tapos hindi pa rin nagigising si daddy Joaquin. I don't even know why I'm so mad at you," saad niya habang umiiyak. "Naiintindihan kita Rosenda, alam kong masyadong mabigat para sayo ang nangyari pero please naman, nakikiusap ako, wag na tayo mag away," saad

    Last Updated : 2024-12-15
  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 68

    WADE'S POV: Three days later…Dumalaw ako ulit sa Ospital upang kamustahin ang lagay ni Kuya Joaquin. Maayos na siya at nagpapagaling na lang. "Kuya, may kasalanan ako sayo," saad ko sa kanya. "Wag mo ng isipin iyon Wade, masuwerte akong nabigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay ngayon kung kaya't ayoko ng mabuhay sa galit lalo na ngayong magkakaroon na ulit ako ng bagong pamilya," saad niya. "Masaya ako para sayo Kuya," saad ko sabay ngiti sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Wade, sana… dumating yung araw na mapatawad mo ang daddy sa nagawa niya sa mommy mo. Believe me, mahal niya ang mommy mo pero mas pinili niya ang tunay mong tatay kaysa sa tatay ko, you know what love,hate and jealousy can make to people, right?" saad ni Kuya na tumulo ang luha. "Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kuya, masakit malaman na ang nakagisnan kong tatay ang pumatay sa nanay ko," saad ko. "Nabalitaan ko ang nangyari, hindi ko alam na ang tunay na tatay ni Rose

    Last Updated : 2024-12-15
  • UNCLE WADE (SPG)   Chapter 69

    ROSENDA'S POV: HACIENDA DE DELA VEGANang makauwi si Daddy ay naghanda kami sa Hacienda at syempre, kasama ko na ang kapatid kong si Kent at ang kaibigan kong si Acee. Si Wade naman ay hindi ko alam kung pupunta ba o baka hindi na siguro dahil sa nangyaring sagutan namin noong nakaraang araw. "Welcome home, Daddy!" masayang sigaw ko ng makalabas silang dalawa ni Samantha sa kotse. Niyakap ko si daddy at hinalikan ko sa noo. Ngumiti naman sa akin si Samantha. "Surprise! Welcome home po tito!" saad ni Acee. Habang si kuya kent naman ay tahimik lang. "Salamat, nag abala pa kayo, mukhang masarap ang mga niluto ninyo ah," saad ni Daddy na tumingin sa malaking lamesa na punong puno ng pagkain. Naisipan ko kasing sa garden kami mag lunch dahil maganda naman ang araw at nakasilong kami sa malaking puno na naroon kung kaya't hindi masyadong mainit, sariwa ang hangin sa Hacienda at maaliwalas. Kumakain na kami ng dumating si Wade. "Sorry, I'm late, na-busy ako sa Hotel. Welcome home K

    Last Updated : 2024-12-15

Latest chapter

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN THE END

    ROSALINE'S POV: ONE YEAR LATER…“Joaquin! nasaan ba tayo? sabihin mo naman! nakakatakot parang dagat na ‘to, lumulundo eh, nasa bangka ba tayo?!” tanong ko kay Joaquin habang kapit na kapit sa kanya, naka blindfold kasi ako. Pinilit niya pang isuot sa akin yan dahil ayoko talaga baka kasi mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya sa akin. “Yes, nasa dagat tayo.” “Joaquin, tanggalin na natin ‘tong blindfold, ayaw ko na, natatakot ako!” “Relax. Wag kang matakot, nandito lang ako. Almost there.” saad niya habang inaalalayan ako. “Hawak ka sa may handle,” utos niya na ginawa ko naman. Nang tanggalin niya ay blindfold ko ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng view. “Oh my god! We're on a big yacht Joaquin! This is a big yacht and the sea!” saad ko sa kanya na hindi makapaniwala sa ganda ng view habang siya naman ay nakangiti lang sa akin. “You should have seen your face, you’re full of joy right now.” “Thank you, Mahal! I really need a vacation grabe, ngayon nalang u

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN CHAPTER 49

    JOAQUIN'S POV: Nang magising ako ay si daddy agad ang una kong nakita. “P-pa.” saad ko ngunit tuyot ang lalamunan ko. “Joaquin, gising ka na.” napalingon naman ako sa kaliwa at nakita ko si Rosaline. Alalang-alala ang mukha niya at may hawak siyang isang baso ng tubig. Dahan-dahan akong umupo sa hospital bed. Itinapat naman ni Rosaline sa bibig ko yung baso upang makainom ako. “Kamusta na pakiramdam mo? okay ka na ba? sabi ng doktor, stress at over fatigue daw.” “Okay na ako, sa tingin ko. Dad, ikaw ba? okay ka na?” “Sorry, I lied. I’m not really sick, gusto ko lang na puntahan mo ako, Anak.” saad ni lolo. “Uhm, doon lang po muna ako sa labas. Nandoon po kasi si mommy at daddy.” pagpapaalam naman sa amin ni Rosaline kung kaya't hinayaan ko siya. Ngayon ay kami nalang dalawa ni daddy ang nasa kwarto. Walang hiya, na-confine pala ako dahil sa pesteng lagnat. “Noong kabataan ko Anak, ganyan din naman ako sa mommy mo. Die hard na die hard halos ayaw kong pakawalan dahil ako ang

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN CHAPTER 48

    ROSALINE'S POV: Pagdating namin sa Ospital ay kaagad kaming nagtungo sa private room ni lolo. “Nandoon sila lahat pati sila ate Noreen at Neri. This is bad.” saad sa akin ni Joaquin habang papasok kami ng kwarto. “Joaquin, anak.” nanghihina na sambit ni lolo. Lumapit naman kaagad si Joaquin at hinawakan ang kamay ni lolo. “Pa, ano bang nangyari sayo?” tanong niya ngunit napakunot ang noo ni lolo. “Teka, mainit ka.” “Oo Dad, nilalagnat ako eh pero mas importante ka.” “Mabuti pa magpatingin ka para magamot ‘yang lagnat mo.” “Hindi na, Dad, okay lang ako.” saad ni Joaquin na nagmamatigas pa rin. Lumabas nalang ako at bumili ng paracetamol at mineral water. Pagbalik ko ay nasa labas na sila lahat at nag-uusap-usap kung kaya't sumilip ako sa loob ng kwarto ni lolo at nakita ko si Joaquin na nakahiga na sa sofa na nasa gilid ng kama.Kaagad akong lumapit kay Joaquin. “Mahal oh, bumili akong gamot, inumin mo na ‘to.” “Kanina pa masakit ulo ko, akala ko kung saan ka nagpunta, hind

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN CHAPTER 47

    ROSALINE'S POV: “Hello?! bakit ngayon niyo pa sasabihin sa akin kung kailan nakauwi na ako ng bahay?! hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?! talagang bibigyan niyo pa ako ng stress sa gabi?! mga putang ina niyo!” singhal ni Joaquin habang may kausap sa cellphone galit na galit na siya kung kaya't hinawakan ko ang braso niya ngunit hinawi niya lang ako. “Hindi ba nag quality check ‘yang mga yan bago ipadeliver dyan sa fabrication?! hindi niyo chineck ng maigi?! tapos sasabihin niyo sa akin ngayon hindi tama yung sukat mali-mali yung mechanisms na pinadala at mali ako ng bili?!” Pilit kong pinapakalma si Joaquin ngunit ayaw niyang kumalma. Sinisigawan niya talaga yung kausap niya. “Gusto kong makita yan ng personal bukas ah!” iyon lang at pinatay niya na ang tawag. “Mahal… tama na yan, hayaan mo na.” “Hayaan eh ginagago na ako ng mga ‘to eh!” singhal niya at nag dial na naman ng isa pang number. “Hello?! Hello?! ano yung nirereklamo ng foreman ko?! mali daw yung pinadala niyong mecha

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN CHAPTER 46

    ROSALINE'S POV: Simula ng mangyari ang pagbisita na iyon sa amin ni lolo at daddy ay mas inigihan ni Joaquin ang pagtatrabaho niya. May mga kumukuha sa kanyang clients kaya sinasamantala niya basta maganda ang bayad ngunit kapalit ng pagiging abala niya ay ang kawalan namin ng oras sa isa’t-isa. Palagi akong naiiwan sa Penthouse. Naglalaba, naglilinis at nagluluto nang sa gayon ay pag-uwi ni Joaquin ay may pagkain na. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap maging housewife and what more having kids pero hindi ako pwedeng sumuko. I know what we want. I know what I want for my babies at ito na iyon. Ang binubuo naming pamilya ni Joaquin. Isang gabi ay malakas ang ulan at nag-aalala na ako kay Joaquin dahil wala pa rin siya. 10:00 pm na ng gabi kung kaya't tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nasa kama lang ako at nakaupo lang ngunit hindi na ako mapalagay kung kaya't pilit kong tinatawagan ang cellphone niya ngunit nagri-ring lang ito. Damn it, Joaquin. As

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UBCLE JOAQUIN CHAPTER 45

    Maya-maya ay dumating naman si Joaquin na halos mataranta at muntik pang madapa papasok ng Penthouse. “Uncle, Daddy! hayaan niyo na nga sabi kami bakit ba kayo nandito?!” singhal niya sa dalawa na inis na inis. “Matigas ka pa rin?! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yang ugali mo na yan Junior!” saad naman ni lolo. “Eh kasi naman, bakit niyo ba kami pinapakialaman?! Dad, we’re old enough, we can handle ourselves.” “Yeah, sure, you can handle yourself but what about Rosaline? she's young, she can't do this alone Joaquin, don't be so selfish!” “I'm not selfish, I’m doing this for her, bakit Dad?! akala mo hindi ko kakayanin ng wala ang pera mo?!” “Look Joaquin, this is not about the money. First, you ruined her life and now you're taking her away from me. My only daughter.” saad naman ni daddy. “Ano bang gusto niyong mangyari?! parang hindi tayo nagkakaintindihan dito eh, ikaw Dad, tinakwil mo ako dahil galit ka sa bawal na relasyon namin, tapos ngayon hindi mo naman mapanindi

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN CHAPTER 44

    ROSALINE'S POV: Abala ako habang naglilinis ng bahay nang may biglang kumatok. Si Joaquin siguro iyon, baka may naiwan siya. Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon ngunit nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si daddy at si lolo Joaquin. “Da-daddy? lolo?” saad ko na uutal-utal at halos hindi makapaniwala.Sumilip-silip si lolo Joaquin sa Penthouse. Kaagad ko namang kinuha ang kamay niya at nagmano. “It's a nice place you two have here, Hija.” saad ni lolo. Nakangiti siya at good mood lang habang si daddy naman ay mukhang dismayado pa rin at masama ang loob sa ginawa namin ni Joaquin. “Would you want to invite us inside? Rosaline?” tanong ni daddy. “Sure.” saad ko na niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok sila.Luminga-linga na naman si lolo Joaquin sa paligid at maging si daddy. “Not bad for a prodigal son of yours, kuya.” saad ni Daddy habang parehas nilang tinitignan ang Penthouse. “How did you find us here?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Connections, Da

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN CHAPTER 43

    ROSALINE'S POV: Kakatapos lang ng check-up ko sa clinic ngunit nagulat ako nang makita ko na nasa labas si Joaquin at hinihintay ako. Bakit? ano kayang nangyari? bakit siya nandito? hindi ba’t may trabaho siya? Nang makalabas ako ay tumayo siya ng maayos at sinalubong ako. Kanina kasi ay nakasandal siya sa kotse niya at nakasimangot. “Mahal, bakit nandito ka? akala ko ba may project kang inaasikaso?” tanong ko kaagad sa kanya. “Get in.” malamig ang mga utos na it n at mababakas sa mga mata niya ang kanina pa’y pagkagalit. Sumunod nalang ako at pumasok na sa kotse. Tahimik siya buong byahe namin ngunit nang makapasok na kami sa elevator ay hindi ko na nakayanan pa kung kaya't tinanong ko na siya. “What happened? Is there something wrong?” “Nothing.” iyon lang ang sinabi niya. “Fine, if there's nothing to worry about then get yourself together!” nainis na ako kung kaya't iyon ang nasabi ko. Hindi ako punching bag na pagbubuntungan niya ng sama ng loob niya kapag badtrip siya.

  • UNCLE WADE (SPG)   LOVE ME HARD, UNCLE JOAQUIN CHAPTER 42

    JOAQUIN'S POV: “Nag enjoy ka ba sa out of town natin?” tanong ko sa kanya nang makauwi na kami sa Penthouse. Nakaupo kami sa couch at magkayakap lang. “Yes, sobrang nag enjoy ako, Mahal, alam mo ba first time ko nag-dagat ulit kasi wala naman akong time mamasyal noon sa States. Na-miss ko mag-beach!” “Sige, uulitin natin ‘to promise ko sayo, mamamasyal tayo ulit pag pwede na. Just focus on your pregnancy right now.” “Promise yan huh.” “Yes, I promise.” saad ko na ngumiti sa kanya, hinaplos niya naman ang pisngi ko. “Ay, Mahal, bukas pala may check-up ako sa OB, doon na rin malalaman yung gender ng babies natin.” “Sige, sasamahan kita, anong oras bukas?” “Uhm, maybe 10 a.m. pero wag na, okay lang, kahit ako nalang mag-isa,” “Huh? Bakit?” “Eh diba bukas yung ocular para doon sa malaking project na sinasabi mo?” “Bukas ba iyon? damn it, nakalimutan ko.” “It's alright. Ako nalang.” “Ihahatid nalang kita doon sa Clinic.” “Sige.” “Balik trabaho na bukas, magiging busy na nam

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status