LOGINAlmost Four hours na kaming naghahanap pero wala pa ring balita, malapit nang magdilim.
Nag aalala ako na baka mamaya napano na siya! Sana naman ligtas ang anak ko, dahil hindi ko na kakayanin pa kong pati siya mawawala sa akin.
Minsan nang kamuntik na nawala sa amin ang Mommy niya. Kaya hindi ako papayag na pati siya.
"Ron, sa tingin ko ipaubaya nalang muna natin sa mga CCP group ang paghahanap kay Althea, matalino ang anak mo, kaya natitiyak kong walang may mangyayaring masama sa kaniya. " wika ni Vien na naupo sa tabi nito.
"Hindi ko na alam kong anong gagawin ko kapag nawala pa sa akin ang anak namin, " pag amin ko sa kaniya.
"Ron, hindi mawawala sayo si Althea o kahit si Vanessa, ngayong kasal na kayong dalawa, kailangan mo nalang maging matatag, para sa mag ina mo. " payo pa ni Vien.
"Vien, tingin ko ito ang naging kabayaran ko sa lahat ng mga nagawa ko kay Vanessa kaya siguro pinahihirapan ako ngayon ng tadhana, nang dahil sa akin na aksidente ang asawa ko. " kwento ko sa kaniya upang maibsan ang sakit na dinadala ko.
Tama yun ako ang dahilan kong bakit na aksidente si Vanessa! Kong hindi sana kami nag away nun! Hindi siya aalis ng bahay! Kong hindi ko sana sinabi ang bagay na yun! Sana masaya pa kaming magkasama habang tinutupad ang mga pangarap niya.
"Mula nong mangyari ang aksidente walang may nangahas na tanungin ka sa tunay na dahilan, kong bakit umalis si Vanessa noon, siguro dahil nakita nila na halos madurog ka nang makita mong nag aagaw buhay ang asawa mo, Ron saksi ako sa sakit na pinagdaanan mo ng mga sandaling yun, nakita ko ang takot sa mukha mo, muntik nang mawala si Vanessa sa mga kamay mo dahil sa hindi ka makapag isip ng maayos kaya hindi mo magawa ang surgery, " wika ni Vien habang binabalikan ang nakaraan.
"At habang buhay kong tatanawing utang na loob ang ginawa mong pagligtas sa kaniya ng mga sandaling naging mahina ako sa harapan niya para gamutin siya,, salamat Vien at binalik mo sa akin si Vanessa. " naluluhang wika ko sa kaniya.
"Ron, mula nong araw na yun, kinalimutan mo na ang pangarap mo hindi ba? Kinalimutan mo ang pagiging Doctor mo, nang dahil sa hindi mo magawang gamutin ang babaeng pinakamamahal mo.mula noon hindi na kita nakita pang humawak ng gunting o kahit anong bagay na may kinalaman sa pang gagamot mo as a doctor. "
"Galit ako sa sarili ko nong mga sandaling yun, nagagawa kong iligtas ang mga taong wala nang pag asa pa na mabuhay, dahil sa surgery, pero hindi ko magawa sa babaeng pinakamamahal ko, hindi ko siya nagawang iligtas nun, muntik pa siyang mawala gamit ang mga kamay ko. " saad ako habang pikit na tinatago ang sakit na nararamdaman ko.
Habang tahimik naman si Vien na nakikinig sa kwento ko. She's my best friend, siya ang naging dahilan para makilala ko si Vanessa.
.....Vanessa POVNandito na ako sa bahay, pagka park ko ng sasakyan sa parking lot, agad akong umibis ng sasakyan para bumaba ng may mapansin ako..Kaya naman napa tingin ako sa backseat kong saan nakita ako ang isang batang babae na nagtatago. Napaawang pa ang labi ko ng makita siya! Kailan pa siya nakapasok sa loob ng car ko?
"Hey! Tawag ko dahilan para dahan-dahan siyang umalis sa pagkakatago.
Ngumiti sa akin ang batang babae, kasabay ng kakaibang nararamdaman ko ng sandaling makita ko ang mga mata niya.
" hey, kiddo anong ginagawa mo dito? At kailan ka pa nakapasok sa loob ng car ko? " usisa ko sa kaniya.
Pero masayang pinagmamasdan niya lang ako na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita niya. Sa tingin ko nasa anim na taong gulang pa lang siya.
Saglit akong natigilan ng makita ko ang mga mata niya at ang maliit na nunal sa eyebrow niya, pareho sila ng placement ng nunal ni Tyrone, parehong bilugan ang mga mata nila.
"Mommy." Sambit pa nito na tila tuwang-tuwa ng makita si Vanessa.
Napaawang ang labi ko sa tinawag niyang iyon sa akin.
Napapailing na kinuha ko siya at dinala sa loob ng bahay, kailangan kong e report to sa police..
Habang nasa sala, tahimik lang ako na pinagmamasdan siya, oh bago yun pinag timpla ko muna siya ng gatas at pinakain.
I took a deep breath bago ako naupo sa tabi niya.
"Paano ka nakapasok sa car ko? " usisa ko sa kaniya.
"Mommy." Muli ay sambit nito bago masuyong niyakap ang nagulat na si Vanessa."Your my mommy. "
Marahan kong hinaplos ang mahaba niyang buhok, hindi ko alam pero parang may humahaplos na mainit sa puso ko dahil sa mga yakap niya.
"Baby, na miss mo na ba ang mommy mo, wag kang mag alala ipapahanap natin ang parents mo okay. " sabi ko sa kaniya pero tinitigan niya lang ako.
"But you're my mommy. " sagot nito na nag pout. "Why can't you remember me mommy, Daddy is right. " ang naiiyak na nitong wika. "You can't even remember Us, is it because you are mad? "
"Baby, I'm not your mommy, sa tingin ko nagkamali ka lang okay, don't worry hahanapin natin ang mommy mo, I'm sure she's not mad. " wika ko sa kaniya.
Pero pumalahaw lang siya ng iyak, kaya wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya para tumahan at sabihing ako nga ang mommy niya.
I feel bad for her, nag away ang parents niya! At ngayon she's really affected.
"Does daddy isn't home yet? " usisa pa nito kay Vanessa.
Saglit akong natigilan sa tanong niya kasabay nun napa sulyap ako sa Picture namin ni Ron na naka dikit sa wall kong saan nakatingin ang bata. Kuha iyon nong kasal namin.
......
Third Person POVNagulat pa si Tyrone ng pagpasok niya sa bahay nila agad niyang nakita ang anak na naka upo sa couch habang nanunuod ng TV.Agad niyang hinanap sa paligid si Vanessa ngunit hindi niya ito nakita kaya naman mabilis siyang kumilos palapit sa bata.
"Baby! What are you doing here! Gosh! Kong saan-saan kita hinahanap narito ka lang pala sa bahay. " bulalas ni Tyrone bagamat naka hinga na ng maluwag ng makita ang bata.
"Daddy." Tawag nito bago gumanti ng yakap sa ama.
"Sinong nagdala sayo dito? " usisa pa niya sa bata matapos itong bitawan mula sa pagkakayakap.
"Si mommy po. " tugon pa nito ng naka ngiti na siya namang isinasampal sa noo ni Tyrone.
"Pero mommy can't remember you,, for pity sake! I was looking for you, for almost fucking four hours, pero kasama mo pala siya. " ang di makapaniwalang bulalas niya.
"Daddy watch your words. " awat pa nito sa ama.
Napapailing naman si Tyrone sa tinuran ng bata pagkuway hinarap ito.
"Wag mong sasabihin sa mommy mo ang tungkol sa pagkatao mo, na anak ka namin okay,, she can't still remember us, kaya dapat mag iingat tayo. " bilin pa niya sa bata.
"But I call her mom, you can't stop me. " ingos pa nito.
"What a brat. " ingos pa niya sa bata bago tumingin sa TV.
"Nandito kana pala. " singit ni Vanessa na may dalang Tray na naglalaman ng pagkain.
"Ah yeah kadarating ko lang, hindi ko alam na may kasama ka palang bata-"
"Yaah! Daddy! " sigaw ni Althea.
"Shut up, little brat. " pabulong na wika ni Tyrone sa bata pagkuway tumayo.
"Tumawag na ako sa mga police para ipaalam ang tungkol sa kaniya. " wika ni Vanessa. " nga pala yung tungkol sa-"
"Pagod ako ngayon, let's talk about it later. Magpapahinga na muna ako. "
"Can I sleep besides you daddy? " tanong pa nito sabay pakanlong sa ama.
Takang tumingin si Tyrone sa asawa na naka tingin lang sa kanilang mag ama. Para kasing koala na nakakapit si Althea sa ama.
"Please Daddy,,," pagmamakaawa pa nito.
"Fine." Napipilitang pag payag ni Tyrone sa bata.
"Carry me. " utos pa nito sabay lahad ng mga kamay.
"What a brat. " ingos ni Tyrone bagamat kinarga pa rin niya ang bata.
"Daddy I'm hungry. "Pout pa nito matapos kargahin ng ama.
" kumain ka muna bago magpahinga," naka ngiting sabi niya sa bata at masuyong pinisil ang pisngi nito."how about you Ron? " baling niya sa asawa na bahagyang napatango.
........
Kent POV
Napa ngiti ako ng makita ko ang balita, nagsisimula pa lang ako,, gusto kong iparamdam kay Tyrone ang mawalan, ang pag fiestahan ng mga tao!"Nakita ko ang ginawa mo, natutuwa ako na sa wakas nagkaroon kana ng lakas ng loob na kalabanin ang mga Kim. " wika ng isang lalaki.
"Hindi ko inaasahan na darating ka. " bati ko sa kaniya pagkuway tumayo ako para salubungin siya mula sa may pinto.
Utang na loob ko sa kaniya ang lahat, siya ang dahilan kong bakit ako narito ngayon at nasa ganitong posisyon. Nang dahil sa kaniya ginusto kong mabuhay upang maghiganti.
"Gusto sana kitang surpresahin pero ako ang na surpresa sa ginawa mong to, nakakatuwa,, ito pa lang ang simula ng paghihiganti natin sa mga Kim. " wika nito matapos tapikin ang balikat ng binata.
Naiintindihan ko siya kong bakit galit siya sa mga Kim, gaya ko nawalan din siya ng mga mahal sa buhay dahil kay Tyrone..
Kasama sa aksidenteng yon ang anak niya na hindi nakaligtas sa bus accident, buhay pa sana ang anak niya kaya lang, walang Doctor na tumingin dito ng mga sandaling iyon dahil nasa operating room.
Nong mga sandaling akala ko katapusan ko na, dumating siya para tulungan ako, para magpatuloy sa buhay, bagamat hindi kami nakakalimot sa pangyayaring yon.
Siya ang katulong ko upang mapabagsak si Tyrone Kim.
Hindi alam ni Tyrone ang tungkol sa kaniya,kaya malaya siyang makakagalaw.
"Nga pala, nakapasok na ako sa Kim's Industry, walang kamalay-malay ang batang yun, na may nakapasok na anay sa kompanya niya. " wika nito ng naka ngisi.
"Kumuha kayo ng tauhan na magbabantay sa kompanya nila? " usisa ko sa kaniya na siyang tinanguhan niya.
"Tama ka, nalaman ko na ang kahinaan ng lalaking yun ay ang asawa niya na walang pakialam sa kaniya, kaya naman gusto kong ituloy mo ang pagpapanggap at kunin ang loob ni Vanessa. " utos pa nito na agad namang tinanguhan ng binata.
Ma impluwensiya ang mga taong nakapaligid kay Tyrone Kim, kilala sa lipunan ang mga kaibigan niya, kaya hindi madali ang makalapit sa kaniya.
Kaya umabot ng ganito katagal bago kami tuluyang makapasok sa Kim's Industy.. Para mag mukhang normal at walang maghinala, kinailangan kong pagsikapan ang Posisyon na mayroon ako, nagsumikap ako para lang maging sikat na artist.. Para mapansin ng mga Kim.
Ngayong unti-unti ko nang maisasakatuparan ang mga plano ko, hindi ko hahayaang masira ng kong sino man ang mga plano ko! Gagawin ko ang lahat para mapabagsak siya! Ano man ang mangyar!
Kong kinakailangan kong gamitin si Vanessa at masira ang reputasyon niya, naka handa akong gawin yun! Magtagumpay lang ako sa balak ko!
Walang sinumang pwedeng humadlang sa akin! Dahil kong hindi, lilinisin ko sila gamit ang mga kamay ko! Wala akong pakialam kong marumihan man ang mga kamay ko, mabahiran man ito ng dugo!
Ang makapaghiganti ang layunin ko, yun ang mahalaga.. Nakahanda akong gawin ang lahat kahit na ikamatay ko pa.
........
Vanessa POVUmaga na ng magising ako at wala sa tabi ko ang mag ama. Marahil maagang nagising si Thea kaya naisipan niyang bumaba, at natitiyak kung nasa Mission ngayon si Ron. Marahan akong tumayo upang bumaba, kailangan kong mahanap ang anak ko bago pa niya makasama ng matagal ang mga kaibigan ko at kung ano-anong kalukuhan na naman ang makuha niya sa mga yon. Pagkababa ko nang hagdan nagulat pa ako ng mapansing maraming sundalo ang nasa paligid. Hindi lang basta sundalo kundi halos lahat ng Special Arm force ay narito. "What's going on? " taka kong usisa kay Abe na inabutan kong kausap ang isang leader ng swat team. "Pinadala sila dito ng in-laws mo para bantayan at tiyakin ang kaligtasan niyo. Kumikilos na ang mga Kim para mahuli si Kent Zhang. " paliwanag ni Abe. "At isa pa. " singit ni Kristal. "Napag alaman ng CIA na may kinalaman ang pamilya ni Kent Zhang sa nangyaring trahedya noon sa mga b
Tyrone POV Nagising akong madilim na ang paligid, natutulog na rin ang mag ina ko, habang kapwa nakayakap sa akin. Gustuhin ko mang manatili sa ganitong posisyon ngunit hindi pwede, kailangan kong kumilos na upang wakasan ang lahat. Maingat na inalis ko ang kamay nilang nakayakap sa akin. Pagkuway bumaba ako sa kama matapos silang gawaran ng halik sa noo. Tahimik na lumabas ako ng kwarto at tumungo sa beranda, mula dito sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang ilang security guard na nagbabantay sa kabahayan kasama ng ilang myembro ng CCP group. "Kanina pa kita hinihintay na lumabas. " Kunot noong napalingon ako sa nagsalita, isang bulto ng tao ang namataan ko, nakasuot siya ng hoodie Jacket bagamat hindi nag abalang takpan ang mukha, kaya malaya ko itong nakikita. At halos hindi ko nga lubos mapaniwalaan na siya pala ang batang yon. Ang nagligtas sa mag ina ko mula sa mga
Tyrone POVPababa na sana ako ng hagdan para salubungin ang bagong dating ng tumunog ang cellphone ko. And it was my private investigator na inutusan kong alamin ang pagkatao ng babaeng nagligtas sa akin 15 years ago. Actually may lead na kami kung sino ang batang yon. Pero gusto ko pa ring makatiyak at siguraduhin ang lahat kung tama nga ang hinala ko. "𝐇𝐞𝐥𝐥𝐨 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚? " bungad ko. "𝐒𝐢𝐫, 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚-𝐢𝐦𝐛𝐢𝐬𝐭𝐢𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧, 𝐦𝐚𝐲 𝐥𝐞𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐢𝐲𝐚.""𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐮𝐧 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐢𝐲𝐚? " "𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐬𝐬𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐙𝐲𝐫𝐢𝐥 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐨𝐬𝐚, 𝐧𝐚𝐠 𝐢𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐚𝐤 𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐨𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝟏𝟓 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐬 𝐢𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭, 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭
Vien POV Habang nakaupo ako dito sa couch at kausap si Abe para sa gagawin naming hakbang, may ilang device siyang binigay sa akin upang gamitin sa anumang mission. Ang totoo handa na lahat maliban sa magkapatid na hanggang ngayon wala pa rin. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig na kami ng mga yapak na pababa ng hagdan kung saan namataan namin si Belle. "Where's Kz? " "Ah, pinainom ko siya ng water na hinaluan ko ng pampatulog. Kaya bukas pa siya magigising. " sagot nito sa alanganing tinig habang nakatingin sa mga naroon. "Hey! " "Di ba makakabuti at makakagalaw tayo ng malaya kung dalawa lang tayo, at isa pa, sikat at kilala ang ate ko sa industriya. " paliwanag pa niya na napapaisip. Marahan akong napatango sa sinabi niyang iyon.. Sabagay may point naman siya. Kaya lang sigurado akong mapapatay kaming dalawa ni
Vanessa POVDahil sa pagod at gutom, halos hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako after kung bihisan anak ko, at makapag palit ako ng Oversized Tshirt. Nagising nalang ako nang maramdaman kong may matamang nakatitig sa akin. Si Ron ang bumungad sa paningin ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakatitig sa aming mag ina. While my daughter ang himbing ng tulog niya habang nakayakap sa akin ang munting mga kamay niya. "Pasensya na nagising ba kita. " hinging paumanhin pa nito bago maingat na inayos ang kumot ng anak. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Saan ka natulog last night? " tanong ko sa kaniya. Si Hanzo kasi ang sumundo sa amin ngunit di siya nakasama no'ng papunta na kami dito, nagpaiwan siya kasama ng ibang mga tauhan para salubungin ang mga kalaban na nagtangka pang sundan kami. Oo nga pala, dumating na kaya si Hanzo o baka naman sa mansion na siya tumuloy. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, masuyong hinawakan niya ang kamay ko na may suot na singsing.
Kent POV Kausap ko ngayon ang isa sa mga tauhan ko na inutusang sundan si Tyrone Kim, bagamat mahigpit kung iniutos na huwag gagawa ng anumang hakbang hanggat walang utos mula kay Uncle. Kailangan ko munang magpalamig at umiwas sa gulo, bago pa ako tuluyang palayasin ng matandang yon.. Mabait naman siya pero ayaw niya sa lahat ang sinusuway siya. "[ sundan niyo lang siya. ]" utos ko mula sa kabilang linya. Maingat na nagsalin ako ng Champaign sa shutglass, bahagya ko pang nilaro iyon gamit ang daliri ko. "[Kumusta Mr. Bryan Zhang? ]" Natigil ako sa aktong pag inom ng banggitin niya ang birth name ko, bukod pa doon iba ang boses niya. "[Menard! ]" tawag ko sa tauhan kong kausap sa cellphone. "[Pasensya na Mr. Zhang pero mahimbing na ang tulog ng tauhan mo. Huwag kang mag alala, hindi ko siya papatayin,, gusto ko lang sabihin sa'yo, na gumising kana sa katutuhanan before it's too late, huwag mong sisihin ang inosenteng tao dahil sa pagkakasala ng iba. ]" Sukat sa sinabi
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






