MasukNapilitan siyang pakasal sa isang lalaking hindi naman niya minahal,,kong para sa iba ito ang Ideal man nila,nasa kay Tyrone Kim na ang lahat,Gentleman,gwapo,mayaman at kilalang magaling na Doctor,pero tinalikuran nito na profession para sa posisyon sa kompanya. Kaya lang tunay ngang hindi matuturuan ang puso na magmahal,,Dahil para kay Vanessa si Kent Zhang lang ang lalaki para sa kaniya.. Ang matagal na niyang pangarap,ang binatang hinintay niya ng matagal,,ang lalaking pinaglaanan niya ng pagmamahal..Magagawa niya kayang pagtaksilan ang asawa para kay Kent Zhang? Sa hindi inaasahang pagkakataon dumating sa buhay nila ang isang batang babae! Ano kaya ang ugnayan nito sa kanila! Nagkataon lang ba ang lahat? O may tinatagong lihim sa kaniya ang asawa! Sino ba talaga ang batang babae na bigla nalang dumating sa buhay nila! Position ba talaga sa kompanya ang dahilan kong bakit nagpakasal sa kaniya si Tyrone o may mas malalim pang dahilan! Paano kong Malaman mo na ginagamit ka lang niya para makaganti sa pamilya Ng iyong Asawa ?at Ang taong halos isuka Muna ay unti-unting lumalayo na sayo?
Lihat lebih banyakVanessa POV
I took a deep breath bago ko nilingon si Tyrone,sa totoo lang naiinis na ako sa tuwing paulit-ulit niya akong tinatanong sa mga bagay na ginagawa ko buong mag hapon! Ano bang pakialam niya!
Unang una! Sa papel lang kami mag asawa,second one we don't love an each other! Malinaw naman sa kaniya kong ano ang nararamdaman ko para sa kaniya!
Buhay ko to! At wala siyang pakialam sa mga bagay na ginagawa ko!
"I know,it makes you annoy every time I ask you, but at least just tell,kong saan ka galing,kong saan ka pupunta,at sino ang mga kasama mo,para may maisagot ako sa mga magulang natin oras na hinanap ka nila sa akin." Komento ni Tyrone na tila nahuhulaan ang iniisip ng dalaga..na wari ba'y kabisa na nito ang ugali niya.
" Fine! Makikipag kita ako sa mga friends ko! Masaya kana!" Ang mataray kong sabi sa kaniya bago ko siya tinalikuran.
"Vanessa!" Muli ay tawg ni Tyrone sa asawa..
"What! Hindi pa ba malinaw sayo kong saan ako pupunta! O baka gusto mong isulat ko pa diyan!" Galit kong sigaw sa kaniya.
"Mag suot ka ng jacket,malamig sa labas,baka magkasipon ka." Tugon niya sa halip na pansinin ang pagsusungit nito.
"Hindi na ako bata para alalahanin mo! Pwede ba wag mo akong pakialaman sa mga bagay na ginagawa ko! Mas lalo lang akong naiirita!" Galing kong sabi sa kaniya.
Namg hindi na siya umimik pa! Padabog na tinalikuran ko siya!
Hindi ko alam kong saan nanggagaling ang galit ko kay Tyrone pero naiirita ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya!
Masama ang loob na nag drive ako patungo sa bar kong saan naroon ang mga kaibigan ko..habang nag da-drive may kong anong imahe ang bigla nalang nag flash sa alaala ko...saglit kong inihinto ang pagmamaneho..
Napa hawak ako sa ulo ko! Hindi ko maintindihan kong bakit bigla nalang akong nagkakaroon ng ganitong imahe sa alaala ko,,ang hindi ko maintindihan kong bakit hindi malinaw sa akin ang imahe ng lalaking yun..maging ang imahe ng isang sanggol..
Nang makalma ko ang sarili ko,saka lang ako nagpatuloy sa pag drive patungo sa bar kong saan inabutan ko ang mga kaibigan ko na napapatingin sa mga phone nila at maging sa wrist watch..
"Sorry I'm late." Higing paumanhin ko.
"Ano bang nangyari,at late kanang dumating?" Nagtatakang tanong ni Janelle..
Janelle is my cousin from my mother side,,subrang close talaga naming dalawa mula pa nong bata kami.
Napataas kilay ako ng mapansin kong strawberry milk lang ang iniinom niya.
"Nag away na naman kayo ni Tyrone,kaya late kanang dumating at busangot pa ang mukha mo." Puna ni Abegail.
"Alam mo cous,hindi ko maintindihan kong bakit galit na galit ka kay Tyrone,samantalang okay naman siya,gwapo,gentleman, caring, understanding at kalmado,,his like my hubby Kate." Komento pa ni Janelle.
"May punto si Janelle doon,for me he's an ideal man,ni hindi ko pa nga siya nakitang magalit sa kabila ng mga nagawa mo sa kaniya at sa-" Saglit na natigilan si Kristal ng pasimple siyang sikuhin ni Lorraine." Sa Family niya." Ang dugtong pa niya ng tumaas ang kilay ni Vanessa.
"Oo nga,why don't you try,,malay mo mag work ang relasyon niyo ni Tyrone,pero kong hindi talaga then saka mo na siya hiwalayan." Aniya ni Lorraine..
Hindi ko maiwasang pagdudahan sila, nasa kay Tyrone Kim na ba sila pumapanig! Pakiramdam ko may tinatago sila sa akin,,bagay na hindi ko maintindihan.
"I won't over my dead body! Si Kent Zhang lang ang lalaki para sa akin at wala ng iba pa!" Mariing sabi ko.
"Oh speaking of the devil,,ang alam ko narito na siya sa Pilipinas." Pagbibigay alam ni Kristal.
"So don't tell us na hanggang ngayon hinintay mo pa rin ang pangako niyang babalikan ka niya?" Puna ni Abegail.
"Tama ba si Abegail Cous,hanggang ngayon hinihintay mo pa rin si Kent?" Usisa ni Janelle sa pinsan na hindi naka imik." Huwag mong gawin ang bagay na yan,it's still cheating,mahal mo man o hindi si Ron,consider pa ring cheating ang gagawin mo,lalo na at kasal ka sa kaniya."
"I agree with Janelle,,team Tyrone pa rin kami,no matter what." Sang ayon ni Lorraine.
"Let's forget about it,,nandito tayo para maglabas ng stress." Wika ni Kristal para ibahin ang usapan.
Napataas kilay ako,,I wonder kong nagpaalam sila sa mga asawa nila..Yes kasal na ang mga kaibigan ko,,may kaniya-kaniyang pamilya na sila,,kasama ang mga mahal nila sa buhay..
Masaya ako para sa kanila,dahil ang mga taong nakatuluyan nila ay ang mga first love nila.
" Buti pinayagan kayo ng mga asawa niyo?" Usisa ko habang naka tingin sa apat.
"Sa akin oo pero hanggang 10 lang ako." Sagot ni Abegail sabay tingin sa tatlo pang kaibigan.
"Sa akin okay lang nag text naman ako kay Enzo na kasama ko kayo,nasa office pa kasi siya." Sagot ni Lorraine sabay tingin kay Kristal.
"Pumayag naman sa akin si Kyle kaya lang bawal akong uminom ng alak." Sagot naman ni Kristal.
"Ako,nakalimutan kong mag paalam kay Kate,nakalimutan ko rin ang phone ko sa car." Sagot ni Janelle na napa kagat sa kuku.
"WHAT!" panabay naming tanong sa kaniya.
Hanggang ngayon wala pa ring pinagbago si Janelle,sakit pa rin siya sa ulo ng hubby niya.
.......
Kent POV
Napa kuyom ako ng kamao matapos kong mabasa ang nilalaman ng magazine tungkol kay Tyrone Kim..
Mula pagkabata pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makaganti sa kaniya!
Inagaw niya sa akin ang babaeng pinakamamahal ko! Hindi lang yun! Tandang-tanda ko pa ang nangyari noon 15 years ago!
Hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit na iniwan niya!
Kaya naman hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakapaghigante sa kaniya! Gagawin ko ang lahat para sirain ang buhay niya!
Ngayong alam ko na ang kahinaan niya! Sasamantalahin ko ang pagkakataon! Hindi ako papayag na habang buhay siyang maging masaya!
Ako ang magiging balakid sa kasiyahang matatamasa niya!
"Sir,nasa office na po si Director Kim." Pagbibigay alam ng secretary sa binatang naka upo sa waiting area.
"Finally magkikita na rin tayo Mr.Tyron Kim!" Naisaloob ko habang naka tingin sa Secretary..
Magiliw na ngumiti ako sa kaniya.
"Sumunod nalang po kayo sa akin Sir." Anang Secretary.
Naka ngiting tinanguhan ko siya bilang tugon..sa bawat paghakbang ko papasok sa office ni Tyrone mas lalong nadaragdagan ang galit na nararamdaman ko sa kaniya!
Pag pasok namin ng pinto agad na hinanap ng mga mata ko si Tyrone Kim ngunit bigo akong makita siya..tanging Assistant niya ang naabutan ko sa loob.
"Nasaan si Director Kim?" Tanong ng Secretary sa lalaking naka upo.
" Umalis siya,,bigla siyang nagkaroon ng urgent." Tugon pa nito.."pero ibinilin niya sa akin si Mr.Zhang,,kailangan nalang niyang mag sign in ng Contract,kong mayroon pa siyang katanungan, nakapaloob sa contract paper ang mga dapat niyang gawin." Sagot pa nito." Ako nga pala si Hanzo ang personal assistant ni Director Kim." Pakilala nito." Welcome to our company Sir." Magalang pa nitong bati sa binata.
"Thank you." Naka ngiting sagot ko sa kaniya.
"I hope maging masaya ang pagpasok niyo dito sa Kim's corporation." Magiliw pang sabi nito.
Tinanguhan ko lang siya bilang tugon,,anong urgent ang pinuntahan ni Tyrone? Ganun na ba yun ka importante at nagawa niya akong hindi katagpuin!
Ako na kilala sa buong mundo bilang magaling at mahusay na Artist.
......
Tyrone POV
"[Is she okay now!]"
Ang puno ng pag alalang tanong ko mula sa kabilang linya!
Dapat lilipad ako ngayon patungong US kaya lang,hindi rin ako natuloy dahil may tumawag sa akin,at nakipag away daw ang asawa ko..
Sa katunayan nasa airport na ako kanina kaya,napabalik ako ng wala sa oras..
"[Yes Sir,don't worry,she'll be okay.]"
Marahan akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago nagpasalamat sa kaniya,,pagkuway binaba ko na ang phone..
Bumaba na rin ako ng sasakyan para sunduin ang asawa ko..
Pagpasok ko sa loob agad ko siyang nakita inaawat ng mga kaibigan niya..
"Let's go home!" Aya ko sa kaniya pagkalapit ko,,marahan akong ngumiti sa mga kaibigan niya na tumango lang sa akin." I'm sorry for causing her trouble."
"She's our friend it's not biggie." Sagot ni Lorraine bago tumingin sa mga kasama." Let's go girls," Aya pa niya.
"Mauna na kami sayo Ron." Paalam pa ng mga ito." Ikaw nang bahala sa kaibigan namin."
Muli ay tinanguhan ko lang sila,pagkuway pinangko ko na si Vanessa,,hindi ko alam kong bakit nagpaka lasing siya..
"I hate you!"
Naringi kong bulong niya..
"Alam ko naman yun," Sagot ko sa kaniya at pilit na ngumiti."alam kong ayaw mo sa akin,I'm sorry." Hinging paumanhin ko.
Marahan akong nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga. Bago dinala si Vanessa sa kotse ko..matapos kong maiayos ang pwesto niya,naka ngiting tinitigan ko siya.
"Kong alam mo lang kong gaano kita ka mahal,mula ng makilala kita,,wala na akong ibang hinangad noon kundi ang makasama ka,,okay na sana ang lahat eh kaya lang,,hindi ko alam na aabot tayo ng ganito..na darating ang araw na magkakasakitan tayo! Ang sakit pero kailangan kong tanggapin,at manatili sa tabi mo." Bulong ko sa kaniya habang naka titig sa magandang mukha niya.
Napakagat labi ako upang pigilin ang sarili kong maluha,,ayaw kong ipakitang nahihirapan ako,dahil alam kong yun ang gagamitin niyang pagkakataon para makaalis sa kasalang to..
Bagay na ayaw kong mangyari,kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magkakaayos kaming dalawa..
.......
Vanessa POVUmaga na ng magising ako at wala sa tabi ko ang mag ama. Marahil maagang nagising si Thea kaya naisipan niyang bumaba, at natitiyak kung nasa Mission ngayon si Ron. Marahan akong tumayo upang bumaba, kailangan kong mahanap ang anak ko bago pa niya makasama ng matagal ang mga kaibigan ko at kung ano-anong kalukuhan na naman ang makuha niya sa mga yon. Pagkababa ko nang hagdan nagulat pa ako ng mapansing maraming sundalo ang nasa paligid. Hindi lang basta sundalo kundi halos lahat ng Special Arm force ay narito. "What's going on? " taka kong usisa kay Abe na inabutan kong kausap ang isang leader ng swat team. "Pinadala sila dito ng in-laws mo para bantayan at tiyakin ang kaligtasan niyo. Kumikilos na ang mga Kim para mahuli si Kent Zhang. " paliwanag ni Abe. "At isa pa. " singit ni Kristal. "Napag alaman ng CIA na may kinalaman ang pamilya ni Kent Zhang sa nangyaring trahedya noon sa mga b
Tyrone POV Nagising akong madilim na ang paligid, natutulog na rin ang mag ina ko, habang kapwa nakayakap sa akin. Gustuhin ko mang manatili sa ganitong posisyon ngunit hindi pwede, kailangan kong kumilos na upang wakasan ang lahat. Maingat na inalis ko ang kamay nilang nakayakap sa akin. Pagkuway bumaba ako sa kama matapos silang gawaran ng halik sa noo. Tahimik na lumabas ako ng kwarto at tumungo sa beranda, mula dito sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang ilang security guard na nagbabantay sa kabahayan kasama ng ilang myembro ng CCP group. "Kanina pa kita hinihintay na lumabas. " Kunot noong napalingon ako sa nagsalita, isang bulto ng tao ang namataan ko, nakasuot siya ng hoodie Jacket bagamat hindi nag abalang takpan ang mukha, kaya malaya ko itong nakikita. At halos hindi ko nga lubos mapaniwalaan na siya pala ang batang yon. Ang nagligtas sa mag ina ko mula sa mga
Tyrone POVPababa na sana ako ng hagdan para salubungin ang bagong dating ng tumunog ang cellphone ko. And it was my private investigator na inutusan kong alamin ang pagkatao ng babaeng nagligtas sa akin 15 years ago. Actually may lead na kami kung sino ang batang yon. Pero gusto ko pa ring makatiyak at siguraduhin ang lahat kung tama nga ang hinala ko. "𝐇𝐞𝐥𝐥𝐨 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚? " bungad ko. "𝐒𝐢𝐫, 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚-𝐢𝐦𝐛𝐢𝐬𝐭𝐢𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧, 𝐦𝐚𝐲 𝐥𝐞𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐢𝐲𝐚.""𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐮𝐧 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐢𝐲𝐚? " "𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐬𝐬𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐙𝐲𝐫𝐢𝐥 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐨𝐬𝐚, 𝐧𝐚𝐠 𝐢𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐚𝐤 𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐇𝐞𝐫𝐦𝐨𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝟏𝟓 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐠𝐨 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐬 𝐢𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭, 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭
Vien POV Habang nakaupo ako dito sa couch at kausap si Abe para sa gagawin naming hakbang, may ilang device siyang binigay sa akin upang gamitin sa anumang mission. Ang totoo handa na lahat maliban sa magkapatid na hanggang ngayon wala pa rin. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig na kami ng mga yapak na pababa ng hagdan kung saan namataan namin si Belle. "Where's Kz? " "Ah, pinainom ko siya ng water na hinaluan ko ng pampatulog. Kaya bukas pa siya magigising. " sagot nito sa alanganing tinig habang nakatingin sa mga naroon. "Hey! " "Di ba makakabuti at makakagalaw tayo ng malaya kung dalawa lang tayo, at isa pa, sikat at kilala ang ate ko sa industriya. " paliwanag pa niya na napapaisip. Marahan akong napatango sa sinabi niyang iyon.. Sabagay may point naman siya. Kaya lang sigurado akong mapapatay kaming dalawa ni








![Fated to Marry the Devil [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)









Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.