Sheena POV
Nalaman na ng mga kasama ko sa selda na buntis ako tulad ko nagulat den sila at maraming tanong na puro kasinungalingan lang ang isinasagot ko,pero ramdam ko parin ang sakit ng buo kung katawan dahil ako nalang palagi ang pinagbubuntungan ng galit ng Lorna na iyon,maraming gustong tumulong saakin pero mas madami ang tauhan nito.
"Sinong ama ng ipinag bubuntis mo,~?"seryosong tanong ni Linda."Patay na,kaya kung pwede sana huwag na po kayo ng magtanong pa dahil ayaw ko ng isipin pa ang lalaking iyon!"-yan ang lumabas sa bibig ko.
"Kung ganon mag isa mo lang syang palalakihin? at dito pa sa kulungan?!"
pag aalalang sabi niya."Oo wala naman akong magagawa eh kung meron lang e d sana noon ko pa nagawa na makalabas rito,kung meron lang sanang pwedeng takasan dito ay matagal nakong umalis sa impyernong buhay nato!"-naiiyak kung sabi.
Oo kaya kung palakihin ang anak ko ng walang ama..mas mabuti ng wag akong umasa na meron syang ama dahil sigurado kung Hindi sya maniniwala sakin na sya ang ama ng dinadala ko..kung kinaya ni mama na palakihin akong mag isa ay kaya ko rin un magiging amat ina ko ng anak ko kaya doble doble ang tapang na nararamdaman ko..
At sigurado rin ako na ang lalaking iyon ay wala man lang ka alam alam na may babae siyang ikinama dahil wala siyang kwenta,hindi niya deserve na malaman na magkaka anak sya at ako ang magluluwa nito.
Marami ng gustong tumangkang pumatay sakin reto pero d ako lumalaban dahil kung eto lang ang paraan para makakuha ako ng parol ay kaya kung magtiisPalagi nalang may hiwa ng kutsilyo ang katawan ko dahil sa Lorna na iyon kung sino sino ang inuutusan nito pero alam kung may nag uutos dito na gawin to sakin dahil wala naman akong ginagawang masama kay Lorna kaya bakit niya ito gagawin.
"Sheena Ramos may dalaw ka!"Nabigla ako sa narinig ko,matagal tagal narin ako rito pero wala pang dumadalaw sakin."Ngayon lang may dumalaw sayo ah,baka yan na ang ama ng ipinagbubuntis mo!?"-nang aasar na sabi ni Linda
"Hindi,patay na nga eh sinabi ko na sayo yon kaya maniwala ka naman sakin,baka si mama~!"
Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maalala ko si mama,sobrang namimiss ko na si mama,matagal nakong walang balita sa kaniya,Sana talaga si mama ang dalaw ko.
Pero nawala ang pagkasabik ko ng makita ko si Shammel
"Bakit ngayon kalang nagpakita? ikaw ba ang may gawa non ah Shammel? ikaw ba!?"
kung wala lang ako iniingatan na record ay kanina ko pa inginudngud ang pagmumukha nya sa kinatatayuan niya ngayon."Oh isa isa lang ang tanong baka maguluhan ka sa isasagot ko!"
Nakangising sabi niyaSa mga kilos nya parang hindi na sya ang kaibigan kung tinuring ko ng isang tunay na kapatid halos sampung taon na.
"Ano bang nangyare sayo at nagka ganyan Ka ah bakit mo ginagawa sakin ito,!"
"Dahil sayo Sheena kaya nagawa ko yon!"-pagsisimula niya
At sa sinabi niyang iyon ay siya nga talaga,tama ang hinala ko na senet up niyako dahil sa mukha siyang pera.
"Shammel bakit,sagutin mo ang tanong ko!"
napapasigaw ko ng tanong ulit sa kanya,hindi sapat ang sinabi niya sakin kanina na ako ang dahilan kaya niya yon ginawa sakin."Teka lang muna,masyado ka namang excited eh di ka pa nga nagppaasalamat sakin na dinalaw kita,alam mo ba na marami kung ginagawa pero mis na mis na kita kaya sayo ko binigay ang oras na dapat ngayo~"nakangisi na naman niyang sabi na ikinaiirita ko."wala akong pakialam sa oras mo,huwag ka ngang plastic dahil bistado na kita!"
pinutol kona ang mga walang kwenta niyang mga sinasabi."Napakaswerte mo sa buhay Sheena kahit wala kang Ama nakukuha mo lahat ng gusto mo samantalang ako merong amat ina pero isang kain isang tuka,pag magkasama tayo walang ibang napapansin kundi ikaw,puro nalang Sheena ang naririnig ko pinupuri ka nila,kapag nakikita kitang masaya nagagalit ako,sa sampung taon nating pagkakaibigan naisipan kona iparanas sayo ang naranasan ko gusto kung mag hir~"
pakkk!!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko na siya.
" Ang kapal ng mukha mo para sabihin yan samantalang noon kung anong meron ako meron karin,pag may bago kung damit meron karin,lahat ng gusto mo binigay ko sayo tapos yan pa ang maririnig ko sayo ang sama mo,wala kang utang na loob!"
kung wala lang saking pumipigil ay talagang dudugo ang bibig niya at baka hindi na siya makapagsalita pa. "Tingnan mo yang ugali mo ngayon,sinusumbat mo na sakin ang lahat ng tulong mo,yan ang gusto kung makita sayo, masiyado ka kasing mabait eh nakakasawa!"seryoso niyang sabi habang nakangiti."Hindi ko yon sinusumbat pina paalala kulang sayo na halos ako na ang nagbigay buhay sayo kaya hanggang ngayon ay nakakapagsalita ka parin,pero ngayon pinagsisisihan ko na na binuhay pa kita dahil ikaw din lang naman pala ang magbibigay sakin ng malaking problema,hayop ka!!""Simula ngayon hindi na tayo magkakilala Sheena,hindi na tayo magkaibigan!"
"Ang kapal ng mukha mo ikaw pa talaga ang nagsabi nyan,sa simula palang Shammel wala nakong kaibigan na isang traydor!"may diing sabi ko."I*****k mo dyan sa kokote mo ang sasabihin ko eenjoy mo na yong perang kinuha mo bilhin mo lahat ng luho mo,lalaki,alahas at kung ano ano pa,dahil sisiguraduhin kung mawawala yan lahat sayo!"
Seryosong paalala ko sa kaniya."Simula palang ng mangyari nong gabing iyon ay nakukuha ko na lahat,nakikita mo naman siguro ang kasuotan ko ngayon hindi nako nagmumukhang trapo dahil sa mga nilumaan munang mga damit,kung sa tingin mo noon ay masaya ko dahil sa mga ginagawa mo, pwes nagkakamali ka!"
parang hindi man lang siya kinikilabutan sa mga lumalabas sa bibig niya."Talagang ikinasisiya mo pa na nakapatay ka ng inosenteng sanggol ,at ngayon ay nakaratay ang babaeng pinagsasaksak mo noong gabing iyon,at ngayon ay ako ang nagdudusa sa mga ginawa mo?,paano mo nasisikmura na sabihin payan sakin?!"
Nawala ang pag ngisi niya sa mga sinabi ko"Ipinagtanggol lang kita,kaya dapat nagpapasalamat ka sakin,dahil kung hindi,hindi ka na nakakasalita pa ngayon,tsaka hindi ko naman alam na buntis pala ang babae nayon,yung pera lang naman ang gusto kung makuha pero umeksena siya kaya hindi ko kasalanan iyon!"
Derediretso niyang sabi."Napakahayop mo,malala kapa sa mga hayop,!"
sigaw ko na namang sabi sa kaniya."Hayop na kung hahop,wala akong pakialam,ang importante sakin ngayon ay nakikita kang nagdudusa,bagay yan sayo para maranasan mo ang naranasan kung paghihirap noon!"
Sa mga sinasabi niya maraming sumusulpot na ala ala sa aking isipan.Mga ala ala na puro kasiyahan lang naming magkaibigan at malayong malayo itong nangyayari samin ngayon kesa sa dati."Hinding hindi kita mapapatawad sa mga ginawa mo sakin,balang araw lalapit karin sakin at magmamakaawa,tsaka isa pa hindi ako mayaman pero kinaiinggitan muna ko pano pa kaya kung yumamam nako,baka magpakamatay ka na nyarn!"
Pagkasabi ko non ay iniwan ko na sya,ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha niya.Hindi ko akalain na mangyayare to samin sa isang gabi lang maraming nangyare pero lahat ng yon gusto ko ng kalimutan ang lahat..
Gusto ko mag bagong simula kasama ang magiging anak ko..gugugulin ko ang oras sa pag aalaga sa kanya at hahanapin ko c mama..matagal nakong walang balita sa kanya kaya pag nakalabas ako reto hahanapin ko sya,miss na miss ko na ang mama koLord kung nasan man sya sana malusog si mama.
Sheena POVKanina pa kami nagbabyahe pero hindi ko pa alam kung saan kami dadalhin ni Gino,tinatanong ko siya pero seryoso lang siyang nagdadrive ng kotse.Nong tinawagan siya ni Ryan ay bigla nalang siyang nataranta at agad kaming pina-impake, buti nalang at tinulungan ako nila Marie. Kaunti lang nga mga naimpake namin dahil nagmamadali na talaga si Gino na makaalis kami. Nagulat ako sa mga ikinilos niya lalo pa ng bayaran niya ang dalawang kasambahay at hindi na daw ito dapat na bumalik sa bahay namin dahil hindi naraw kami babalik pa,kaya naguluhan man sila Marie ay wala silang nagawa kundi ang tanggapin ang sahod nila at umalis na."Saan ba talaga tayo pupunta? Kinakabahan ako sa padalos-dalos mong disisyon sa buhay!?"Inis kung tanong sa kaniya habang hinahaplos ko ang ulo ni Yohan na nakapatong sa hita ko,nakatulog na kasi ito dahil sa kadaldalan at mahabang biyahe,gusto ko na nga ring matulog kaya lang baka kung saan kami dalhin ni Gino."Pupunta tayo sa lugar na walang pwedeng
Kabanata 100Ethan POVNagkakagulo na silang lahat sa baba dahil hindi nila ma-contact si kuya, dito ko sa kwarto ko at sinusubukan ko ring kontakin si kuya pero katulad din sa kanila di ko rin ma-contact. Nakadungaw ako sa bintana at kita ko mula dito ang mga nagkalat na tauhan ni Papa."Ethan, subukan mo ngang tawagan ang kuya mo baka sakaling sagutin niya ang tawag mo." Nalipat ang mga mata ko sa boses ni Mama at merong bahid ng lungkot, merong ding pag-aalala sa mga mata niya."Kanina ko pa sinusubukan pero di rin niya sinasagot, Ma!" Sabay pakita ko sa kaniya ang cellphone na nakadial sa number ni Kuya.Huminga ng maluwag si Mama at umupo sa sofa."Sa tingin mo, Anak. Sisipot kaya ang Kuya mo sa kasal nila ni Cindy bukas?"Kitang-kita ko ang pangamba ni Mama sa kaniyang mga mata."Siguro hindi, kasi kung sisipot iyon si Kuya dapat nandito siya sinasamahan niya ang mapapangasawa niya at kahit nga sa photo shoot ay hindi siya sumisipot eh. Ma, sinasabi ko ito dahil ito ang totoo ka
Kabanata 99Sheena POVHindi ako maka-focus sa pag-aalalay Kay Yohan sa pagbabike dahil sa nalaman ko sa Ina ni Gino na bukas na pala ang kasal nila ni Cindy. Pumunta kasi sila ni Ethan dito at kinausap ako at gaya ng dati ay masasakit na salita ang ibinato niya saakin, hindi naman ako nag-eexpect na magiging maayos ang pakikitungo niya saakin kaya hindi ko nalang pinansin ang masaskit niyang sinabi saakin maliban nalang sa sinabi niya na bukas na nga ang kasal ni Gino. Inawat naman ni Ethan ang mama niya at humingi siya ng paumanhin sa inasal ng kaniyang ina, at nagpaalam na agad siyang umuwi kasama ang mama niya kahit gusto niya pang-mag-stay dito para turuan ang pamangkin niyang mag-bike kaya ngayon ay ako ang umaalalay sa anak ko dahil nag-eenjoy siyang matutong mag-bike."Mommy, kunti nalang pong practice at magiging isang magaling na po akong biker!"Napakurap ako ng marinig ko ang napakasayang boses ng anak ko, pero nanlaki naman agad ang mata ko ng biglang na out balance ang
Kabanata 98Gino POVMagkasalubong ang dalawa kung kilay habang nagdadrive ng kotse ko,minsan na nga lang akong magprepare ng simpleng dinner para saamin ni Sheena ay meron pang ng istorbo.Ayaw ko sanang iwan si Sheena sa bahay kaya lang ramdam ko sa boses ni Papa na meron na namang problema at pinagbantaan niya pa ako tungkol sa anak ko.Pinarada ko ang sasakyan sa garahe at lumabas agad ako,nakita ko agad si Cindy na malaki ang ngiti sa mga labi niya habang papalapit saakin,mapula ang labi niya at naka tube dress hanggang sa kalahati ng hita niya na kulay pink, ito ang mga paborito niyang mga suot."Good morning Love,sobrang namiss kita!Kanina pa ako naghihintay sa'yo"Inilayo ko ang mukha ko ng susubukan niya kung halikan,nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa inasal ko."Bakit?"Taka niyang tanong saakin."Ayaw mo na ba saakin? Hindi mo man lang ba ako yayakapin o hahalikan man lang? Love ...? Hindi mo ba ako namiss?"May lungkot na sa boses niya.Siguro ito na ang tamang panahon
Kabanata 97Sheena POVNaramdaman kung may maliliit na halik sa leeg ko at sa pisngi ko,kaya naman pinilit kung imulat ang mga mata ko,ulo lang ang kaya kung galawin dahil parang naistroke ang bou kung katawan,sobrang kirot na naman ng pagkababae ko,gawa na naman ito ni Gino."Good morning..."Malambing na bati saakin ni Gino,siya pala ang humahalik saakin,nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang hinahaplos-haplos niya."Ang sakit ng katawan ko!" Pag-amin ko sa kaniya,narinig ko ang maliit niyang tawa.Hindi ko maimulat ng maayos ang mata ko,pagod at walang gana ang buo kung katawan."Sorry!" Hinalikan niya ako ng maingat sa labi pagkatapos niyang sabihin iyon na nakokonsensya.Ewan ko pero gusto ko iyong halik na ginawa niya saakin,tinanggap ko ang halik niya."Si Yohan pala?" Tanong ko ng maisip ko ang anak namin."Nasa school na siya hinatid nila Ryan." Sumalampak siya sa kama katabi ko.Nailayo ko ang sarili ko dahil hindi pa ako naliligo at naamoy ko na ang lansa."Baki
Kabanata 96Gino POVGabi na akong nakauwi dito sa bahay nadatnan kung naghaharutan si Yulie at Ryan,napatigil sila sa kanilang landian ng makita nila kung dumaan sa harapan nila.Hindi ko sila binigyan ng pansin diretso lang ako sa kwarto ng anak ko at nakita kong mahimbing na ang tulog niya,napaisip ako kung bakit wala siyang katabi,iyon pa naman ang inaasahan ko na katabi niya ang Mommy niya.Kaya naman pagkatapos kung ayusin ang pagkakakumot niya ay dumiretso na ako sa kwarto ni Sheena,malayo palang ako ay napansin ko ng bukas ang kwarto niya.At hindi ko nagustuhan ang nakita kung pagkakaibabaw niya sa kapatid ko,at mas kumulo ang dugo ko ng masaya pa sila sa ganoong posisyon.Susugurin ko na sana ng suntok ang kapatid ko buti nalang at tumayo agad si Sheena,at parang nakakita siya ng multo ng makita akong nakatayo sa pintuan ng kwarto niya.Nagagalit lang akong pinapakinggan ang mga paliwanag nila.Humupa lang iyon ng makita ko ang pagguhit sa mukha niya ang pag-aalala ng makita
Kabanata 95Cindy POVPapasok na kami sa gate ng bahay ng parents ni Gino,malakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko malaman kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko.Ng tuluyan na kaming makapasok ay nakita ko si Gino na merong kargang bata,at merong nakasunod sa kaniyang babae na sigurado kung si Sheena iyon.Nasagot ko na ngayon kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba.Naramdaman ko ang pagtunog ng ngipin ko,nagagalit ako sa babaeng kasama niya ngayon,kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko dahil kasama na naman niya ang mga hayop na'to.Gusto kong patigilin si Daddy sa pagdadrive dahil sigurado kung gulo na naman ang mangyayari oras na makilala niya ang babaeng kasama ni Gino at ang bata."Bakit may batang karga si Gino?"Takang tanong ni Mommy.Bumaba na si Daddy,at binuksan kami ni Mommy ng pinto,inalalayan kami.Hindi pa kami nakikita ni Gino dahil busy siyang alalayan ang dalawang hayop."Gino?"Tawag ni Daddy ng makita niya si Gino,at parang akong binuhusan ng malam
Kabanata 94Sheena POV"Si Yohan matatanggap ko pang parte siya ng pamilya namin,pero ikaw?...HINDI!"Simula ng kausapin ako ng Mama ni Gino ay hindi na mawala sa isipan ko ang huli niyang sinabi saakin.Paulit-ulit iyang narerecall sa isipan ko.Masaya kung sinusubuan ang anak ko ng lapitan ako ng Mama ni Gino at iyon na nga ang simula ng pang-iinsulto niya saakin.Kaya naman ng makita ko silang masayang nagyayakapan ay umalis ako,dito ko ngayon sa labas ng bahay nila,nagpapahangin gusto ko ng sariwang hangin,gusto kung kalimutan ang mga masasakit na sinabi saakin ng Mama ni Gino.Pero ngayong nandito ko sa labas ng bahay nila mas maraming gumugulo sa isipan ko,lalo pa na dito kami ngayon titira sa bahay ng mga magulang niya.Kaya naman ako pumayag ay dahil gusto kung gumaling ang Papa niya,gaya nga ng sabi ng Papa niya ay gusto niyang magpagaling habang kasama si Yohan.Kaya kung magsakripisyo makita ko lang silang masaya,masaya ang anak ko na makilala ang Lolo at Lola niya at masaya
Kabanata 93Gino POVHindi ko sinabi kay Sheena na dadalhin ko sila dito sa bahay ng parents ko dahil alam kung kokontrahin na naman niya ko sa gusto kung mangyari.Buo na ang disisyon kung ipakilala sila kay Papa at Mama kahit alam kung galit saakin si Papa ngayon,at inasahan ko narin na maraming bantay ngayon dito sa bahay para hindi ako makapasok,at kahit sa kompanya ay pansamantala muna akong hindi nakakapagtrabaho.Masaya ang anak ko dahil makikita at makikilala na niya ang Lolo at Lola niya,kaya naman nagagalit ako dahil nawala ang saya niyang iyon ng hindi siya pinakitaan ng magandang loob nila Papa,pati si Sheena ay nadismaya sa inasal ni Papa,alam kung hindi gusto ni Sheena na dalhin ko sila dito sa bahay,pero kahit ganon ay nagbigay galang parin siya sa mga magulang ko."Tatlong araw nalang at ikakasal na kayo ni Cindy,kaya kung ayaw mong tuluyang itakwil kita bilang anak ko,huwag na huwag mo ng dadalhin ang mga basurang iyon dito sa pamamahay ko!"Parang piniga ang puso ko