Share

CHAPTER 11

     "Thank you so much, Luke," mayuming inipit ni Miley ang tikwas ng buhok sa likod ng tainga habang sinusubuan si Tanya. "Baby, you eat so well. Ang cute mo!"

"Thank you." Tuwid na nakaupo ang batang babae, pinipilit gayahin ang postura ni Miley. May paghanga sa mga mata nito habang tinitingnan ang nobya ni Logan. Hindi maiwasan ni Luke ang mapangiti. "Walang anuman," aniya kay Miley, "babysitter lang ako ng mga bata."

Miley hummed. Nagugustuhan na ni Luke ang maamo nitong pagkilos. Kung ito ang makakatuluyan ni Logan, mapapalagay siya at hindi na mag-iimbot. 'Hindi na. Magseselos na lang.'

Mayamaya pa, narinig ni Luke ang maingay na pagtama ng isang pinggan sa babasagin niyang baso. Natahimik ang kanilang mesa. Pati ang maingay na pagnguya ni Travis ay huminto pansamantala.

Lumingon si Luke kay Logan. Ito ang may gawa ng ingay. Iniuumang nito ang isang plato ng itlog. Kitang kita pa rin ang ngiwi nito sa bawat pagkilos dahil sa hangover. Hi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status