Share

CHAPTER 12

     MATAPOS mag-almusal, naunang bumaba sina Luke at Logan upang ikarga ang mga dinalang gamit sa kotse. Mukhang sasabay sa kanila si Miley at sa isang hindi matukoy na dahilan, may dala itong maraming bagahe. May hinuha si Luke sa kung ano ang posibleng balak nito. Habang ginugugol ang tahimik na sandali sa pag-iisip ng maaaring dahilan nito, hindi niya napigilan ang unti-unting pagsikip ng kaniyang lalamunan.

Paanong sa kaunting panahon ay ganito na lang siya kung magdamdam kay Logan?

Nasusuklam na pinanood niya ang pagbinat ng balikat nito habang inaayos ang pagkakahanay ng mga gamit sa likuran ng sasakyan.

Hindi si Logan ang tipo ng lalaki na maraming pandesal sa tiyan at mabato ang braso. Subalit hindi rin ito iyong tipo na may malaking bilbil. May hulma ang tiyan ni Logan, alam na alam iyon ni Luke. Hindi iyon gaanong pormado subalit sa laki ng katawan nito at tangkad, alam niyang hindi basta-basta ang lakas nito.

Kaya siya nitong ibalib

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status