Home / Romance / UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO / UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 2

Share

UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 2

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2024-10-26 23:30:00

Habang nakaawang ang bibig ni Antonette, hindi siya makapaniwala sa bigat ng boses ni Xavier. May nakita siyang kakaibang pag-aalala sa mata nito na hindi niya inaasahang makikita mula sa palaging seryosong CEO. Ramdam niya ang tensyon na tila bumabalot sa buong opisina.

"S-Sige po, Sir," nauutal na sagot niya, pilit pinapakalmante ang nanginginig na mga kamay habang sinisigurong maayos ang mga hawak niyang reports. Nang tumalikod si Xavier upang unahan siya palabas ng conference room, sinundan niya ito, pero dahil sa kaba, hindi maiwasang magkamali ng hakbang.

Habang palabas ng elevator, muntik na siyang matapilok sa gilid ng sahig at nagbagsakan ang mga hawak niyang folders. Nagkandaugaga siya sa pagpulot ng mga ito nang biglang natapakan ni Xavier ang isang papel, dahilan para mapaatras siya ng kaunti at bigyan siya ng masamang tingin.

"Ano ba yan, Miss Pinagpala! Napaka-careless mo naman! Paano ka makaka-close ng deal kung ganiyan ang lampa-lampa mo?" may diin sa boses na galit na sabi ni Xavier. Ramdam niya ang matalim na titig ni Xavier na parang kutsilyo sa bawat pagbanggit sa pangalan niya.

"Pasensya na po, Sir," nahihiyang sagot ni Antonette habang pilit pinupulot ang mga papel na kumalat sa sahig. Sa kabila ng galit ni Xavier, nagpatuloy siya sa pag-alalay kay Antonette, pero hindi niya rin maiwasan ang pagdududa sa kakayahan niya.

"May inconsistency sa mga reports mo, lalo na sa financial results," ani Xavier, ngayon ay muling seryosong nakatingin sa kanya.

Bigla siyang tinapik ni Xavier sa balikat, isang simpleng kilos na nagbigay ng kakaibang init sa kalooban niya. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pag-aalala mula sa kanya. "Antonette, kailangan kong siguraduhin na tama ang lahat bago sumabog ang balitang ito sa media," malumanay na sabi nito, pero ramdam niya ang tensyon sa bawat salita.

Napalunok si Antonette, ramdam ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Alam niyang malaki ang nakaatstake dito. "Opo, Sir. Gagawin ko po ang lahat para maging tama ang report natin," sagot niya, pilit pinapakalmante ang sarili.

Habang naglalakad sila pabalik sa conference room, pilit niya iniisip kung ano ang posibleng pagkakamali sa mga datos. Malaking deal ang pinaghahandaan nila, at isang simpleng mali ay maaaring magdulot ng malaking problema hindi lang para sa kumpanya kundi para rin kay Xavier.

"Antonette, siguruhin mo na walang pagkakamali," madiing sabi ni Xavier habang isinasara ang pinto ng conference room. "Hindi tayo pwedeng magkamali sa pagkakataong ito."

"Yes, Sir," sagot niya habang buong lakas ng loob na tumingin sa kanya. "Ako na po ang bahala."

Napatingin si Xavier sa kanya, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang bahagyang paglambot ng mga mata nito. Tila may nakita itong kakaibang tiwala sa kanya. "Salamat, Antonette," mahina nitong sabi, pero dama niya ang sinseridad.

Nagpatuloy silang magtrabaho sa katahimikan, parehong nakatutok sa pag-aayos ng report. Alam ni Antonette na bawat segundo ay mahalaga. Habang sinusuri ang bawat numero, hindi maiwasang mapatingin siya kay Xavier na tila ngayon ay may naiibang init sa bawat kilos.

Sa isang pagkakataon, napalapit si Xavier sa kanya at naramdaman niya ang mabangong halimuyak nito. Ramdam niya ang paglapit ng kanyang hininga, at halos hindi siya makahinga sa tensyon. "Antonette," biglang tawag nito sa kanya, ang tinig na halos isang bulong lang.

Nagkatinginan sila, at sa mata ni Xavier, may nakita siyang hindi niya kayang maipaliwanag—isang emosyon na tila hindi lang para sa trabaho. Sa mga sandaling iyon, tila tumigil ang mundo nila, at sa kabila ng lahat ng tensyon, naramdaman niya ang isang koneksyon na hindi niya maipaliwanag.

Pero bago pa man siya makasagot, bumalik si Xavier sa pagiging seryoso. "Ipasa mo sa akin ang final report sa loob ng tatlumpung minuto," mahina ngunit mariing sabi nito.

"Yes, Sir," sagot niya, ngunit may natirang damdaming pumipintig sa kanyang puso—isang damdaming tila nagpapaalala na hindi lang trabaho ang bumabalot sa kanilang mundo, kundi isang bagay na mas malalim, mas masalimuot, at mas makapangyarihan.

Hindi mapigilan ni Xavier ang biglang kabog ng kanyang dibdib nang makita ang malaking discrepancy sa financial report—dalawang bilyong piso ang nawawala sa mga datos. Napatingin siya kay Antonette, na tila namumutla na rin sa mga sandaling iyon.

“Antonette,” madiin ang boses niya, ngunit ramdam ang halo ng galit at takot, “paano nangyari ito? Dalawang bilyong piso ang kulang sa report na ito!” Nakatitig siya sa kanya, ang mga mata’y tila nangungusap ng pagkabigo.

Napalunok si Antonette, nanlalamig ang mga kamay. Hindi niya alam kung saan nagkamali, ngunit isang bagay lang ang sigurado—malaking problema ito hindi lang para sa kanya, kundi para kay Xavier at sa buong kompanya.

“Sir, pinasa ko po ang tamang mga numero. Baka po may mali lang sa pag-encode, or…” Naghahanap siya ng tamang paliwanag ngunit naguguluhan din siya sa sitwasyon. Paano magkakaroon ng ganito kalaking pagkakaiba?

“Ang report na ito ay napadala na sa main branch,” ani Xavier, ang boses niya’y puno ng tensyon. “Kung malaman ito ng mga business partners natin, baka umatras sila at kasuhan tayo ng e****a.”

Puno ng kaba ang dibdib ni Antonette. Alam niyang isang maliit na pagkakamali lamang ang maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng malaking proyekto. Nagpaikot-ikot ang isipan niya, pilit na hinahanap kung saan nagkamali. “Sir, maaaring may glitch o error sa software na ginamit natin. Baka po may nakialam sa system o…”

Hindi natapos ni Antonette ang sasabihin nang biglang sumingit si Xavier. “Pumunta ka sa accounting department. Alamin mo kung paano nangyari ito. Ngayon na, Antonette!”

“O-opo, Sir.” Agad siyang tumalima, bumaba ng mabilis sa elevator papunta sa accounting. Ang bawat hakbang niya’y tila bumibigat sa kaba. Isang simpleng mali lang sa financial report ay maaaring makasira hindi lang sa kompanya, kundi sa reputasyon ni Xavier—at alam niyang siya ang may responsibilidad sa pagkakagulo ng mga dokumento.

Pagdating niya sa accounting, kaagad niyang kinausap ang team. “Please, i-double check niyo lahat ng transactions na naka-log nitong buwan. I-verify niyo rin lahat ng withdrawals o anumang suspicious na activity sa account natin,” utos niya, hindi maitago ang pag-aalala.

Habang nagtatagal ang pag-aanalisa, lalo lang lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Ang mga mata niya ay hindi maalis sa computer screen habang pilit sinusuri ang bawat detalye. Isang oras ang lumipas, at nang matapos na ang mga accountants, tumingin sila kay Antonette, kita ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

“Ma’am, mukhang tama po lahat ng transactions sa system. Walang discrepancy sa internal database natin,” sagot ng isa sa mga staff.

Hindi niya malaman ang gagawin—ang report ay nandoon na, at walang maipaliwanag na mali sa system.

Agad siyang bumalik kay Xavier, ngunit bago pa siya makalapit, sinalubong siya nito ng malamig na titig. “So? Ano ang nakita mo?”

“Sir, walang issue sa accounting records mismo. Ang lahat po ng transactions ay naka-log ng maayos. Pero posibleng may taong nakialam sa report natin bago ito napadala sa main branch.”

Natahimik si Xavier, tila mas lalong nagiging seryoso. “Antonette, alam mo ba ang bigat ng sitwasyong ito? Kung hindi natin malalaman ang puno’t dulo nito, tiyak na babagsak tayo—at hindi ko iyon hahayaang mangyari.”

Napatingin siya kay Xavier, dama ang galit at pangamba sa boses nito. “Gagawa ako ng paraan, Sir. Hindi ko po hahayaang masira ang kompanya ninyo. Ako po ang mananagot.”

Sa kabila ng kanyang tapang, ramdam niya ang pagod at pangamba sa kalooban. Sa dami ng kanyang iniisip, hindi niya napigilang mapahawak sa kanyang noo, pilit pinipigilan ang bumubulwak na emosyon.

Napabuntong-hininga si Xavier at marahang tinapik ang balikat niya, tila nagpapakita ng kaunting simpatiya. “Antonette, hindi ko man gusto ang pagkakamaling ito, pero alam kong hindi mo rin ginusto ang mangyari ito. Gawin natin ang lahat ng makakaya natin para maayos ito.”

Ang simpleng pag-alo ni Xavier ay tila nagsindi ng panibagong lakas sa kanya. Tumango siya, puno ng determinasyon. “Gagawin ko po ang lahat, Sir. Hindi ko po kayo bibiguin.”

“Simulan mo na ang re-investigation ng report. I-coordinate mo ako sa bawat detalye na makikita mo. Walang dapat makalabas sa problemang ito,” sabi ni Xavier, ang boses niya’y puno ng kaseryosohan.

Habang inumpisahan niya ang pagsisiyasat, naramdaman ni Antonette ang init ng kamay ni Xavier sa kanyang balikat. Hindi man siya magsalita ng masyado, ramdam niya ang kaunting tiwala na ibinigay sa kanya ng kanyang boss. Sa kabila ng tensyon, tila may nabuong hindi maipaliwanag na koneksyon sa pagitan nila—isang koneksyon na lalong nagpapalakas ng loob niya na ayusin ang gulong ito para sa kanila, para sa kompanya, at marahil… para sa kanya rin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
belledavid42m
Superb author
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO   UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 133

    Dumating ang araw ng binyag ni Evan. Isang simpleng selebrasyon ang inihanda nila. Walang magarbong dekorasyon, ngunit puno ng pagmamahal at saya ang bawat sandali. Habang hawak ni Xavier ang anak nila at nakatingin kay Antonette, hindi niya mapigilang mapaluha.“Antonette, minsan akala ko wala nang saysay ang buhay ko, pero binago mo ang lahat. Binago mo ako,” sambit niya habang nakatitig sa asawa.Hinawakan ni Antonette ang kamay niya. “Tayong tatlo, Xavier. Tayong tatlo ang bagong simula.”Sa likod ng simbahan, nakatayo si Rosalinda, tahimik ngunit mapayapa ang mukha. Nakita niya sa mga mata ni Xavier ang isang bagay na matagal na niyang hindi nakikita—ang totoong kaligayahan. Sa wakas, naintindihan niya na ang kayamanan o posisyon ay hindi ang sukatan ng tagumpay, kundi ang pamilya at pagmamahal.Lumapit si Rosalinda kay Antonette at binigyan siya ng isang maliit na kahon. Nang buksan ito ni Antonette, nakita niya ang isang antigong kwintas na may maliit na diamante.“Antonette,” s

  • UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO   UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 132

    Sa gabing iyon, habang nakahiga silang magkatabi, kapwa nilang naramdaman ang isang bagay na higit pa sa kasiyahan—kapayapaan. Ang pagmamahalan nila ang naging kanilang kanlungan. Sa kanilang pagharap sa mga darating na araw, dala nila ang paniniwalang walang hadlang na hindi nila kayang lagpasan basta’t magkasama sila. At sa kabila ng lahat ng pagsubok, nanatiling buo ang paniniwala ni Antonette na minsan, ang pagmamahal ay higit pa sa anumang kayamanan o kasikatan. Ang pagmamahal ang nagbibigay ng totoong halaga sa buhay—at ito ang natagpuan nila sa isa’t isa.Kinabukasan, nagpasya si Xavier na harapin ang mga nakalipas na sugat upang tuluyan na silang makapag-move on ni Antonette sa kanilang bagong buhay. Tumawag siya kay Isabella upang ayusin ang tungkol sa kanilang anak na si Xena. Matapos ang maikling usapan, nagkasundo silang magkita sa isang tahimik na café. Hindi nag-iisa si Xavier; isinama niya si Antonette upang ipakita na wala na siyang itinatago at handa na siyang ipaglab

  • UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO   UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 131

    Halos sumabog ang tensyon sa paligid. Napatingin si Xavier nang diretso sa mga mata ng ina, na para bang naghahanap pa rin ng kaunting awa. Ngunit sa huli, inilagay niya ang braso sa likod ni Antonette bilang pagpapakita ng kanyang sagot."Pinili ko ito, Mom," malumanay ngunit matatag niyang sabi. "At sana balang araw, maintindihan mo."Habang magkahawak-kamay sina Xavier at Antonette, tahimik silang lumabas ng mansyon ng Echiverri. Ramdam pa rin nila ang bigat ng tensyon na iniwan nila sa loob, lalo na ang galit na galit na tinig ni Rosalinda na umalingawngaw sa kanilang isipan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, mas matimbang ang pagmamahal nilang dalawa, na mistulang nagbibigay ng liwanag sa kanilang madilim na hinaharap.Sa labas ng mansyon, huminga nang malalim si Xavier, tinatangkang itapon ang bigat ng pangyayari. Tiningnan niya si Antonette, na nakayuko at halatang nabibigatan sa mga nangyari."Antonette," mahinang tawag ni Xavier habang inaabot ang baba nito para magtama ang

  • UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO   UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 130

    Pagkalipas ng ilang linggo ng honeymoon nina Xavier at Antonette, bumalik na sila sa Pilipinas. Ang masaya nilang mga alaala mula sa kanilang paglalakbay ay tila panibagong simula ng kanilang buhay bilang mag-asawa. Ngunit alam nilang ang pagbabalik sa mansyon ng Echiverri ay haharapin nila nang may lakas ng loob, lalo na’t matagal nang hindi sang-ayon si Rosalinda, ang ina ni Xavier, sa kanilang relasyon.Sa loob ng engrandeng mansyon, naroon si Princess na nakaupo sa sala, suot ang isang eleganteng bestida habang abala sa pag-aayos ng kanyang buhok. Matagal na niyang inaasam na si Xavier ang maging katuwang niya sa buhay, kaya't mas lalong bumibigat ang kanyang damdamin sa tuwing naiisip ang desisyon nito na pakasalan si Antonette.Naglakad si Rosalinda pababa ng hagdan, matikas pa rin sa kabila ng kanyang edad, ngunit halatang may bahid ng inis sa kanyang mga mata. Nang makarinig ng ingay mula sa pinto, huminto siya at tumingin, agad na nalamang dumating na ang kanyang anak.Bumuka

  • UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO   UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 129

    Sinamantala nila ang mga sandali nila sa Bangkok, nagsimula silang maglakbay sa mga kilalang tourist spots ng lungsod. Habang nililibot nila ang mga makukulay na pook at ang mga makasaysayang templo, naramdaman nila ang kakaibang saya at kaligayahan. Sa bawat lugar na kanilang pinuntahan, mas naging malapit sila sa isa’t isa, pinipili nilang gawing memorable ang bawat hakbang ng kanilang bagong buhay magkasama.Una nilang pinuntahan ang Grand Palace, ang kahanga-hangang palasyo na puno ng kasaysayan at kagandahan. Habang naglalakad sila sa mga malalawak na hardin at mga gintong palasyo, nakatingin si Xavier kay Antonette. “Minsan lang tayo makarating dito, Antonette,” sabi niya, hawak ang kamay ng asawa. “Kaya’t itago natin sa ating alaala ang mga sandaling ito.”Napangiti si Antonette at tumingin kay Xavier. “Ito ang pinakamasayang alaala ko, Xavier,” sagot niya, ang mga mata niya’y kumikislap sa tuwa. “Kasama kita sa lahat ng lugar, at hindi ko na kailangan pa ng iba.”Pagkatapos ng

  • UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO   UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 128

    "Hayaan mong gawin ko ito sa sarili kong oras, Antonette." "Walang pagmamasturbate hanggang hindi ko sinasabi." Nagsalita siya gamit ang kanyang malalim na boses. Paano siya makakapagsabi ng hindi? Kaya't siya ay nasa kanyang kapangyarihan. Iniliko niya ang kanyang ulo upang tingnan ang salamin. Nakita niya ang napakagandang, kalahating n*******d na lalaki sa ibabaw niya, hinahalikan ang kanyang katawan, ang mainit na hininga nito sa kanyang balat. Ang tanawin ay higit pa sa kaya niyang tiisin."Please Xavier! Please make love to me." "Hindi pa. Papaasahin kita hanggang sampung beses ka munang labasan bago kita mahalikan." Sa sinabi niya iyon, binuksan niya ang butones ng kanyang maong at ibinaba ang zipper. Pumasok ang kamay niya sa kanyang p**i. "Basang-basa ka, hindi ba? Ano bang nagpapagana sa'yo, Antonette?" Hinalikan niya ang kanyang mga labi muli at pagkatapos ay inalis ang kanyang maong. Dahan-dahan niyang pinaghihiwalay ang kanyang mga binti. "Ii-lilisin ko na ang iyong clito

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status