Share

THIRTY EIGHT

"Fernando!" sigaw ko. Napatayo ako at akmang lalapit sa kaniya nang lumabas ang Pediatrician ni Gabino at niyakap siya.

"Babe, you are here." At hinalikan niya si Fernando sa labi. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Kahit si Gabriel ay makikitaan nang pagkagulat.

Nakangiti namang humarap muli si Fernando sa amin habang nakayakap ang kamay nito sa beywang ni Doktora Lopez.

"Ah guys, meet my fiancee, Dr. Helena Lopez," pakilala nito sa babae na doktor ni Gabino.

Napatikhim naman ang doktora at umayos ng tindig. Back to her usual professionalism.

"So, babe. Diyan ka muna, tatapusin ko lang ang pagche-check sa anak ni Mr. Mondragon," sambit ni Doktora. Naupo naman sa aming harapan si Fernando. Ang dami kong tanong at alam kong visible iyon sa aming mukha ni Gabriel.

Ngumiti ito at tumikhim.

"Balita ko, naghiwalay na kayo?" Ito ang unang nagbukas ng usapan. Kaya ngumiti lang din ako at tumango.

"Yeah, four months ago. . ." ako na ang sumagot in behalf of the two of us ni Gabriel.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status